Ang magandang pag-arte ng isang aktor ang nagbibigay ng pressure sa kapwa niyang aktor. Kung ang kapwa niyang aktor, hindi maayos umarte. Kahit gaano pa kagaling ang unang aktor magiging out of place ito.
Ito ang rason kung bakit gusto makita ni Lin Shiyi si Qiao Anhao gampan ang role. Ngayong sinimulan na ni Lu Jinnian ito ng maganda. Gusto niyang makita na malasin si Qiao Anhao. Dahil baguhan palang ito at walang experience para sabayan ang gantong kagandang pagganap, siguradong hindi niya kaya sabayan ito!
Naisip ni Lin Shiyi kung paano mapapahiya ni Qiao Anhao ang sarili niya, nanatiling tahimik si Qiao Anhao at saka niya sinabi, "Inaabangan namin ang pagganap mo."
Tumango ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Lin Shiyi.
Alam ni Qiao Anhao ang totoong ibig sabihin ni Lin Shiyi, naghihintay lang ito na ipahiya niya ang kanyang sarili.
Kalmado si Qiao Anhao kaya ng tinawag na siya ng direktor bigla siyang nag-iba at agad siya pumunta sa kuwarto ni Lu Jinnian ng nababahala.
Nang makita niya ang sitwasyon ng second male lead, sumigaw siya, tumakbo, lumuhod sa sahig at kinuha ang bote.
Lasing na lasing na si Lu Jinnian sa puntong ito. Hirap na nilagay ni Qiao Anhao ito sa sofa bago kumuha ng basang tuwalya sa coffee table. Dahan-dahan niya ito pinahid sa mukha ni Lu Jinnian.
Hindi pa ganoong kahusay si Qiao Anhao sa pag-arte pero ng makita niya ang matinding kalungkutan sa mukha ni Lu Jinnian, naalala niya ang sinabi nito na kahit sino ang gusto niya, sigurado na hindi siya yun. Agad siyang nabalot ng lungkot at sakit.
Sobrang mahal niya ito pero sa realidad hindi niya ito mapakita at ngayong umaarte sila wala siyang pangamba o pagdadalawang-isip, katulad ng gampanan niya ang role. Sinunod niya ang script na punasan ang mukha ni Lu Jinnian at nagdagdag ng sarili niyang eksena. Ginuhit niya ang mukha ni Lu Jinnian, namamangha ngunit may tono ng sakit, mahina niyang sinabi, "Bakit hindi ako ang mahal mo?"
Napuno ng luha ang mata ni Qiao Anhao at nahiga sa dibdib ni Lu Jinnian.
Ngayong umaarte sila may lakas siya ng loob lapitan ito.
Napagtano niya kung gaano kalungkot ang realidad niya, pinikit niya ang mga mata at dumaloy ang luha.