Maraming nagsasabi na masakit ang una ng isang babae, pero para kay Qiao Anhao ay nagpagtiisan niya ang sakit. Marahil, dahil ang una ay lasing siya or dahil mahal niya si Lu Jinnian. Nang gabi iyon ay maingat ito sa kanya, kahit nasakatan siya ramdam niya ang saya.
Ngunit, ngayon pakiramdam niya parang mamatay siya sa sakit.
Walang saya at pagka-sabik tanging matinding sakit.
Oo, parusa.
Pakiramdam niya ito ay isang parusa pero daan ito upang maglabas ng sama ng loob si Lu Jinnian. Bawat galaw nito ay para saktan siya.
Para sa kanya nasasaktan siya hindi lang pisikal pati sa puso.
Pinagsisihan na ni Qiao Anhao ang personal na dalhin kay Lu Jinnian ang script. Dapat si Zhao Meng nalang ang pinapunta niya. Dapat nakinig siya sa usapan ng dalawang assistants nang narinig niyang hindi maganda ang mood ni Lu Jinnian. Dapat bumalik nalang siya. Hindi na dapat siya pumunta. Alam niya na hindi siya gusto nito. Ang totoo kinamumuhian siya nito pero eto siya pumunta sa kuwarto niya para i-alay ang sarili para ilabas ang galit.
Maaring may dalawa ito katauhan: Ang una ay ang nasa tama itong pag-iisip at ang pangalawa ang tuwing kasama siya nito. Marahil ang unang 2 beses ay maligaya siya dahil: lasing ito at nagdedeliryo dahil sa lagnat.
Paano ba niya nakalimutan ang sinabi nito sa kanya?, "Gusto mong makipaglaro sa akin? Sige, pagbibigyan kita at naninigurado akong sisirain kita!"
Kaya paano ito magiging malumanay sa kanya?
Iniisip ito ni Qiao Anhao at hindi niya maiwasan na ma-luha.
-
Matapos ng mahabang panahon, huminahon na ang lahat.
Nanghihina si Qiao Anhao habang naka higa sa sahig ng banyo.
Tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at kita ang takot sa kanya. Pinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at tumalikod, kita saglit sa mata niya ang lungkot at sakit. Matapos ay bumalik ito sa cold, walang emosyon at distant na sarili.
Pinatay niya ang shower, binalot ang sarili ng tuwalya at umalis ng banyo.
Tahimik ang buong banyo at naiwan naka bukas ang pinto. Nakahiga si Qiao Anhao sa malamig na sahig, rinig niya ang tunog ng damit na sinusuot at siya ay nahihilo kaya nawalan siya ng malay.
Naka damit na si Lu Jinnian kinuha niya ang wallet, telepono at susi ng kanyang kotse. Paalis na siya ng madaan siya sa pintuan ng banyo. Balak sana niyang silipin ang banyo pero hindi niya tinuloy. Diretso siyang umalis.