Descargar la aplicación
1.33% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 13: Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (3)

Capítulo 13: Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (3)

Editor: LiberReverieGroup

Sa tingin ni Qiao Anhao ay nahuli siya ni Lu Jinnian na nakatingin kaya hindi na siya nagtangka pang tumingin ulit sa kanya. Ang ginawa niya ay inayos niya ang kanyang upo at tumingin sa kanyang sarili, nagpahid nalang siya ng kanyang cream.

Nagpasya si Qiao Anhao na magpahid ng cream ng mabagal para kahit magising ito ay bumalik na ito sa kanyang tulog, sa oras na siya ay matapos na magpahid.

Dahan-dahan siya nag pahid ng facial cream. Nang siya ay matapos na, tumingin ito ng saglit kay Lu Jinnian sa salamin. Nakahiga si Lu Jinnian sa kama at nakatingin sa kanyang telepono.

Nang agad na makita ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ay agad itong kinabahan. Naglakad siya ng tahimik papunta sa gilid ng kama para patayin ang mga ilaw. Sinigurado niya na sa bawat hakbang ay dahan-dahan papunta sa kanyang pwesto sa kama. Magkukumot na sana siya sa kanyang pwesto sa kama ng may bigla itong naisip, at napunta agad siya sa changing room. Paglabas niya dala-dala na niya ang isang teddy bear na kasing laki ng isang tao.

Dala-dala niya ang teddy bear pabalik sa kama. Tinignan siya ni Lu Jinnian ng masama. Kinabahan si Qiao Anhao. Pinigilan niya ang kanyang paghinga habang hawak niya ang teddy bear ng mahigpit at dali-dali siyang pumunta sa pwesto niya sa kama. Nilagay ni Qiao Anhao ang teddy bear sa pagitan nilang dalawa.

Nang magawa niya ito saka lang siya nakahinga ng maluwag at naghanap ng mas komportableng posisyon sa kama at hindi na siya nagtangka pang gumawa ng ibang galaw.

Binili niya ang teddy bear pagkatapos nilang maikasal at magsalo sa kama ng dalawang beses.

Sa tuwing lalapit siya kay Lu Jinnian, bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Matapos bigla siyang kakabahan at mababahala. Nung una silang nagsama sa kama ang kanyang ayos ng buong katawan ay napakapormal at naninigas. Pero ng lumalim ang kanyang tulog ay saka siya naging magulo ng hindi niya namamalayan. Kaya naman nahawakan niya itong si Lu Jinnian. At ng gabing iyon ay matindi siyang tinulak nito. Sa pangalawang gabi tinulak siya nito paalis at saka umalis sa kama.

Pagkatapos ng gabing iyon, napagtanto niya kung gaano katindi ang pagkamuhi nito. Dahil kahit hindi ito sinasadya, natagpuan niya na ang paghawak niya ditp ay may inis agad na dala.

Para hindi na maulit muli ang insidenteng iyon. Bumili siya ng malaking teddy bear na ang laki ay 1.8 m kinabukasan. Kaya sa susunod na magtatabi sila sa kama ay ilalagay na niya ang teddy bear sa pagitan nila para maiwasan ang hindi sinasadyang paghawak niya kay Lu Jinnian sa gabi.

Bahagyang may kadiliman ang silid, dahilan para maging malabo ang paningin at tumalas ang pandinig.

Pumikit si Qiao Anhao habang katabi ang teddy bear. Pero hindi siya makatulog dahil naamoy niya ang mabangong amoy ni Lu Jinnian dahilan para tumibok ang kanyang puso.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C13
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión