Sa katunayan, sa isipan ni Yao Anqi, ang gabi na pinagsaluhan nila Mo Zixi ay ang paborito din niyang alaala mula sa nakaraang ilang taon.
Syemre, alam niya na ang lalaki na kanyang nakasiping ay si Mo Zixi. Bagaman hindi niya iyon kailanman binaggit, sa katunayan ay pinagtuunan niya ng pansin ang bawat galaw nito. Mula sa sandali na ito ay na promote hanggang sa panahon na ito ay pinasok sa ospital, alam niya ang kahit na kaunting impormasyon tungkol sa bawat kaganapan.
Habang lumalaki ang kanyang pagkakaunawa kay Mo Zixi, unti – unti itong naging parte ng kanyang buhay. Hindi nagtagal, nakarating siya sa punto na kung saan ay hindi na niya maitatanggi na mayroon na siyang nararamdaman para sa kanya.
Pero, patuloy niyang pinipigilan ang kanyang sarili mula sa patuloy na pagpansin kay Mo Zixi. Walang sawa pa niyang ipinaalala sa kanyang sarili na hindi ito sa kanya; hindi ito sa kanya noon at hindi ito mapapasakanya magpakailanman.