Si Lin Qian ay naupo sa labas ng ICU, nalulukob ng sari saring pakiramdam. Kung siya ay isang mahinang babae, ang plano marahil ni Han Xiao ay mangyayari. Marahil ay naniwala na siya na si Li Jin at Han Xiao ay magkasama at plano n ani Li Jin na pumirma ng divorce paper ng hindi siya inaabisuhan nito.
Sa mundong ito, hindi madaling panatilihin ang paniniwala ng isa sa isang bagay. Sa kabilang panig, lubhang hindi madali ang bumuo ng paghihinala.
Gayunpaman, si Han Xiao ay hindi nakikiharap sa isang normal na babae – siya ay nakikiharap kay Lin Qian.
Si Lin Qian ay nakaupo sa labas ng ICU ng ilang panahon, ngunit wala pa ring balita mula sa loob. Ang apat na bodyguarad na ipinadala ni Tangning ay dumating na at si Mother Li ay naroon na rin.