"Kung kailangan mo ng pera, bakit hindi mo iyon paghirapan mag isa?" tanong ni Chen Xingyan.
"Huwag mong kausapin ng ganyan ang iyong ama," siniko ni An Zihao si Chen Xingyan ipaalalahanan ito na huwag magsalita ng kahit anong masama at saktan ang kanyang sarili sa proseso.
"Hindi ba tama naman ako? Ang aking ama ay nawala nang ako ay 6 na taong gulang pa lamang. Siya ay naaksidente at hindi na nahanap pang muli ang kanyang tahanan. Hindi mo ba maaaring hayaan na lamang ako na ipagpatuloy na paniwalaan iyon?" tanong ni Chen Xingyan sa lalakeng nasa kanyang harapan ng naluluha.
Sa totoo lang, halata naman na hindi isang aksidente para sa isang tao ang mawala ng wala kahit na isang palatandaan. Matagal na itong naintindihan ni Chen Xingyan.