Pagkaraan makabalik sa kanilang tahanan, si Elder Tang ay mag isang naupo sa kanyang study room ng ilang panahon hawak ang itim na kahon na binigay sa kanya ni Mo Ting. Pagkatapos mag atubili ng ilang sandali, sa bandang huli ay ipinasok din niya ang kahon sa kanyang kaha de yero. Alam niyang kapag muli niyang tiningnan ang laman ng kahon, ay baka hindi na niya matiis ang bawat sandaling kasama si Tang Xuan.
Hindi nagtagal, mayroon kumatok sa kanyang pintuan. Ito ay si Tang Xuan, "Lolo, pwede ba akong pumasok?"
Iniakma ni Elder Tang ang kanyang naguguluhang ekspresyon at saumagot, "Pumasok ka."
Itinulak ni Tang Xuan ang pinto at pumasok, lumitaw ang isang nakakasilaw na ngiti. Diretsong nilapitan nito si Elder Tang, hinila ang kanyang kamay at nagsimulang uguyin ito mula sa magkabilang gilid, "Lolo, masyadong nakakainip ang bahay na ito para sa nagdadalang tao. Maaari ba akong lumabas upang magtrabaho?"
Trabaho…