Samantala, nakatakda naman si Mo Ting na lumipad patungong Milan. Pero habang papaalis siya ng Hai Rui, nagmamadaling tumakbo si Lu Che at pinahinto siya, "President, nagkaroon ng problema sa kolaborasyon ni Hong Xin. Ang President ay nasa telepono," ibinigay ni Lu Che ang telepono sa kanya.
Ito ang proyekto na ang proyekto na pinamuhunan nila ng milyon – milyong dolyar. Tumingin si Mo Ting sa kanyang relo bago kinuha ang telepono mula sa kamay ni Lu Che.
Gayunpaman, ang isyu ay hindi pwedeng masolusyunan lang sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Dahil sa namuhunan ang Hai Rui sa proyekto ito at may problemang nangyari, kinakailangan nilang makipag – usap ng harapan sa mga ito.
Tinimbang ni Mo Ting ang halaga ng mga bagay ng ilang sandali bago lumakad muli pabalik ng Hai Rui. Habang naglalakad siya, inutusan niya si Lu Che, "Puntahan mo Fang Yu at sabihin mo sa kanya na lumipad patungong Milan para tulungan si Tangning na makuha ang endorsement ng Excalibur Q."