Nuunawan ni Tangning kung ano ang nararamdaman ni Yang Jing. Marahil na naging blangko ang kanyang isipan kani – kanila lang, kaya naman ito na ang oras para pakawalan niya ang kanyang galit…
Lumalabas na hindi buo ang loob ni Yang Jing…
Tumayo sa harap ni Tangning si An Zihao, naghahanda na ito na pigilan ang dalawa mula sa pagkakalapit; tiningnan siya ni Tangning na nagpapahiwatig na wala siyang dapat na ikabahala, "Ano ang gusto mong sabihin?"
"Ano ang sinabi mo sa harap ni Lan Xi? O ano ang ginawa mo sa harap ni Lan Xi?"
Lumalabas na, itapon ni Yang Jing ang lahat ng sisi sa kanya.
"Yang Jing, sa palagay mob a talaga na sapat na ang mga salita ko para mabago ang isip ni Lan Xi?" kalmadong tanong ni Tangning. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ano ang nagawa mo na maaaring ikinasama ng loob ni Lan Xi?"
"Tila ba nakalimutan mo ang iyong pagkakakilanlan bilang isang manager, o iniisip mo na matanda na si Lan Xi at madaling apihin?"