Ta... tapos na?
Inanunsyo ng laro ang tagumpay ng Team Happy, at matapos diyan ay lumabas sa mga malalaking screen ang mga buhay na manlalaro ng Happy.
Kitang-kita ng lahat ang mga sandali na kung saan ipinakita ng laro as lahat ang hitsura ni Lord Grim, at ng mga makukulay niyang kagamitan, kasama na ang kasamahan niya na si Little Cold Hands.
Pero sa kasamaang-palad ay walang kahit na sino sa kanila ang pumalakpak o nagsigawan. Ito ay dahil sa kasalukuyang hindi pa rin naproproseso ng kanilang mga utak ang lahat nga mga nangyari. Kasi naman, kwarenta porsyento pa ang natitirang Health sa katawan ni One Autumn Leaf.
Kahit na kailangang makipaglaban ng mag-isa ni Sun Xiang kaharap ang dalawang mga kalaban niya ay wala namang problema iyon dahil sa nangunguna pa rin naman sa Group Arena ang Excellent Era.