Syempre, alam ni Zhang Xuan na imposible yun.
Bilang isang apothecary, alam niya na kahit gaano pa kabisa ang isang gamot, unti-unting tataas ang resistensya ng isang tao dito sa tuwing iinom sila nito, lalong-lalo na, ang mga pill na nagpapataas sa cultivation ng isang tao.
Pagkatapos niyang gamutin ang mga trauma nila at ayusin ang alitan sa pagitan niya at ni Lu Xun, sa wakas ay tapos na siya sa mga gawain niya dito. Iaanunsyo palang sana ng tagapangasiwang guro ang pagsisimula ng Freshmen Tournament, biglang sumugod ang napakaraming estudyante sa stage, Mainit ang pagtingin nila kay Zhang Xuan, na mistulang mga gutom na lobong tinitingnan ang pagkain nila.
"Zhang laoshi, gusto ko sanang sumailalim sa pagtuturo mo. Maaari mo ba akong tanggapin bilang estudyante mo?"
"Nagmamakaawa ako, pakiusap tanggapin mo ako. Hindi lang ako talentado, pwede kitang tulungan na iligpit ang higaan mo at gawin ang mga gawaing bahay..."