Hindi nakapagtataka kung bakit hindi masaya si Zhang Xuan. Kahit na sinabi niyang kailangan ng mga mamahaling halamang gamot, yung totoo palusot niya lang yun. Kung titingnan kung gaano kapuro ang kanyang zhenqi, sobra-sobra na ito para buksan ang mga nabarahang meridian sa katawan ni Yu Rou, bakit niya pa kakailanganin ng mga halamang gamot?
Pero kung si Ling Tianyu mismo ang bibili ng gamot, paano siya kikita ng pera?
Habang iniisip niya kung paano niya mauuto si Ling Tianyu na kusang ibigay sa kanya ang pera, biglang pinalo ni Ling Tianyu ang kanyang noo at ngumiti, "Yang shi, yung totoo, wala talaga akong masyadong alam sa mga halamang gamot. Ikinalulungkot ko na ikaw na ang bibili ng mga halamang gamot na kailangan sa pagpapagaling sa asawa ko!"
Kasunod nito, nag-abot siya ng isang bunton ng pera.