[Sino 'to?
Ang nag-iisang anak ng nangungunang may katungkulan sa Kaharian ng Tianxuan, si Zhennan Wang!
Ang pag-iyak niya at pagtawak niya kay Zhang Xuan na lolo? Siguradong nagkakamali lang ako ng dinig...]
Naramdaman ni Uncle Cheng na nanlalabo ang kanyang paningin at muntik na siyang mawalan ng malay.
[Naglakad lang ako saglit para kunin ang Strength Measuring Rock Pillar... Anong nangyari? Maaari bang may magmulat sa akin...]
"Ehem ehem, sige. Nakababatang Zhang Xuan, marami pang pagkakataon para kayong dalawa ay maglaban sa hinaharap. Nasaktan si Bai Xun kqya pansamantala niya muna dapat bantayan ang kanyang cultivation! At dahil nandito na ang Strength Measuring Rock Pillar, sa tingin ko ay dapat mo munang subukan ang iyong lakas!"
Nang maramdaman ang kagipitan ng sitwasyon, agad na pumasok si Master Lu Chen.
"Sige!" Nang makita na ayaw na ni Bai Xun makipaglaban, umiling si Zhang Xuan sa pagkadismaya. Tiningnan niya ang Strength Measuring Rock Pillar na nakatirik lamang sa isang hati a lupa at naglakad pa punta rito. Nang may onting ngiti, sinabi niya, "Sa totoo lang, nasubukan ko na ang aking lakas kahapon at ito ay mga 4 ding o higit pa. Walang masyadong pinagkaiba kung susubukan ko ito ngayon..."
Ngayong umaga lang niya binugbog si Yao Han. Bago iyon, sinubukan na niya ang kanyang lakas at nasiguro niyang ito ay 8 ding!
Buong araw na siyang abala. Higit pa rito, dahil wala siyang cultivation technique na macultivate, wala pang kahit isa sa kanyang mga acupoint ang naabutan. Kung kaya't hindi pa siya lumalakas. Kqhit na nacultivate na niya ang Heaven's Path Golden Body, sa tingin ni Zhang Xuan, kahit na may pagbabago sa kanyang pisikal na katawan, imposibleng pumantay ito sa kahalagahan ng zhenqi sa pagdedetermina ng lakas.
At kung bakit sinabi niya na ang kanyang lakas ay 4 ding, dahil ito ang normal na lakas ng isang Dingli realm ponnacle. Hindi niya nais na ibunyag masyado ng kanyaang mga lihim. At maaaring kailanganin pa niyang pigilin ang kanyang lakas.
"Ngayong nadala na dito ang pillar, subukan mo na!" Ang sabi ni Master Lu Chen.
"Sige!" Ngumiti si Zhang Xuan nang tanggapin niya ang alok. Na ang intensyon niya ay gamitin lamang ang kalahati ng kanyang lakas, sinapak niya ang poste sa kanyang harap.
Tumalsik ang kanyang kamao na parang isang kidlat, mabilis at mabagsik, at kumaluskos ang hangin dahil sa pwersa ng kanyang kamao.
Peng!
Lumiwanag ang poste at unti-unting lumabas ang mga numero.
"Tingnan mo, sinabi ko na, 4 ding..." Nang makita ang mga numero na lumutang sa katawan ng poste, kumaway si Zhang Xuan at nakangiting lumingon at tumingin sa iba. Subalit, bago pa siya makatapos magsalita, nakita niya si Bai Xun, Huang Yu, Master Lu Chen at si Uncle Cheng na nakatingin sa kanya na parang siya ay isang halimaw.
Halos malaglag ang mga mata ng bawat isa sa kanila.
"Anong meron?" Sumimangot si Zhang Xuan.
Yumuko siya para tingnan ang sarili niya, wala naman sigurong kakaiba sa kanya diba?
"Tingnan mo... ulit ang Streng Measuring Rock Pillar!" Nababahalang sinabi ni Huang Yu.
"Anong meron sa Streng Measuring Rock Pillar? Diba 4 ding lang naman ito? Dapat ba magulat kayong lahat..."
Nang lumingon para tumingin, nanginig ang katawan ni Zhang Xuan at halos mqtumba siya sa lapag. Hindi sigurado sa nangyari, ngunit ang numerong '9' ay lumitaw sa likod ng '4' na knona niyang nakita.
Kung pagsasamahin ito... 49!
"Ang suntok na ibinato ko kanina ay may lakas na... 49 ding?"
Nabigla din si Zhang Xuan.
Noong sinubukan niya ito kaninang umaga, mayroon lamang siyang lakas na 8 ding. Higit pa rito, sadya niyang pinigilan ang kalahati ng kanyang lakas nang suntukin niya ang poste, kaya paano naman niya maaabot ang lakas na 49 ding?
Hindi ba nangangahulugan ito na kung hindi niya pinigilan ang lanyang lakas, ang suntok niya ay maaaring maglabas ng lakas na halos 100 ding?
Ang isang Fighter 5-dan Dingli realm pinnacle ay nagtataglqy ng 4 ding na lakas samantala ang isang Pixue realm pinnacle expert naman ay hindi tataas sa 80 ding. Ang magawang paabutin ng 100 ding gamit ang kanyang suntok, hindi ba ito nangangahulugan na ang kanyang lakas ay katumbas ng sa isang Fighter 6-dan Pixue realm expert, at lumalagpas pa dito?
"Ito..."
"Hindi kaya... nagloloko ang Strength Measuring Rock Pillar?"
Sumagi ito sa isip ni Zhang Xuan at hindi niya mapigilan ang kanyang hinala.
"Hindi nagloloko ang poste. Hindi ba tumaas ang lebel ng iyong cultivation noong nakaraan? Iyon qng dahilan ng paglakas mo. Higit pa rito, kailangan mo pang masanay sa bago mong lakas, kaya... mo nabugbog nang sobra-sobra si Bai Xun!"
Nang makumpirma ang kanyang mga iniisip, ipinaliwanag ni Master Lu Chen.
Noong una, gusto niyang sabihin na siya mismo ay natalo ni Zhang Xuan, ngunit siya ay tumigil. Kung sabagay, kahit anong mangyari, siya pa rin ay isang master at kilangan niyang isaalang-alang ang kanyang reputasyon...
"Lumakas siya? Nadagdagan ang lakas niya mula 4 ding naging 49 ding? Imposibleng nabuksan mo ang 45 na acupoint ng sabay-sabay?"
Isang bagay na ang hindi nila marinig ang paliwanag, ngunit nang marinig nila ito, halos mahimatay si Bai Xun at si Huang Yu.
[Nagbibiro ka ba?]
"Sa Fighter 6-dan Pixue realm, kaya ng isang taong buksan ang kanyang mga acupoint upang pataasin ang cultivation. Sa bawat mabuksan na acupoint, makakakuha ka ng 1 ding na lakas.
Ang sabi nila na mayroong kabuoan na bilang na 108 acupoint sa katawan ng isang tao. Subalit, 72 lamang ang maaaring mabuksan. Higit pa rito, mayroong tiyak na proseso sa pagbubukas ng mga acupoint na ito. Dahil sa pagkakaiba ng pangangatawan ng isng tao, mangangailangan ito ng ibang pagkakasunod-sunod sa pagbubukas nito upang makamit nila ang inaasahang resulta. Kung hindi mahahanap ang tamang pagkakasunod-sunod, maaaring mga tatlompu hanggang apatnapung acupoint lang ang mabubuksan nila sa buong buhay nila at mapapansin nila na hindi na sila makausad.
Kadalasan, isa isa nila itong binubuksan, at ang lakas nito ay unti-unting tatas ng 1 ding. Para tumaas ang lakas ni Zhang Xuan ng 45 ding sa isang iglap...
Pre, halos maabot mo na ang langit!
Hindi naman a hindi pa ako nakakakita ng mga taong nakakalagpas, ngunit hindi pa ako nakakita ng taong... lumagpas sa ganitong paraan!]
Tutuusin, hindi lamang ang iba ang hindi makapaniwala, ngunit pati si Zhang Xuan mismo ay walang alam sa nangyayari.
Ang isang napakalaking pagbabago ba ay nakuha lang sa pagcucultivate ng Heaven's Path Golden Body? Dahilan para madagdagan ang kanyang lakas ng 90 ding nang sa isang iglap?
Dapat noong mapatalsik niya si Master Lu Chen at natalo niya si Bai Xun ay naunawaan na niya kung gaano na kalaki ang pagbabagong kanyang nagawa at kung gaano lumago ang kanyang lakas, at hindi maging kasing ignorante tulad niya ngayon.
Subalit, bilang isang transcender at isang taong kakasimula lamang magcultivate noong nakaraang dalawang araw, ito'y di-kapanipaniwala na magagawa niyang makontrol ang kanyang cultivation para maglabas ng tamang sukat ng lakas. Ang malaman ang tiyak na paraan upang makontrol niya ang kanyang lakas, at ang manipula niya ito ayon sa kanyang gusto, ito ay pagmamalabis sa kanyang kakayahan!
Para itong isang karaniwang tao na biglaang nabigyan ng pambihirang lakas. Hindi siya kaagad masasanay dito sa umpisa, at maaaring makaramdam siya ng pagkalito sa bagay na ito.
Ito ang eksaktong sitwasyong nangyayari kay Zhang Xuan. Noong unq, nagtataglay lamang siya ng 8 ding na lakas. Subalit, tumaas ito bigla ng 90 ding, isang pagtaas ng higit sa sampung beses. Higit pa rito, dahil nagsimula sa kanyang katawan ang pagbabago, hindi ito mapapansin... Sa halip ay kakaiba ito kung nalaman niya ito nang mas maaga!
Isa nang himala na hindi niya napatay si Bai Xun.
"Kapatid na Zhang, wag mong sabihing... nakapagbukas ka ng 45 na acupoint ngayon lang?"
Nang makita siyang tulala, dahan-dahan siyang tinanong ni Master Lu Chen.
Walang nakaaalam na maaaring mabuksan ang 45 na acupoint sa isang iglap... Ngunit kung hindi ito ang nangyari, saan nanggaling iyong biglang pagtaas ng kanyang lakas?
"Ako... ay Dingli realm pinnacle pa lang. Ang aking cultivation ay hindi pa mataas, sadyang... lumakas lang ng kaunti ang aking katawan!" Ang sabi ni Zhang Xuan.
"Katawan?" Nagulat si Master Lu Chen, ayaw paniwalaan ang kanyang narinig. "May nalaman ako na mayroong mga kayamanan sa mundong ito na nagpapatibay sa katawan na parang bakal kapag kinain, na nagbibigay ng lakas na katumbas ng isang Pixue realm pinnacle. Hindi kaya... posibleng maabot ang ganitong lebel sa pamamagitan ng pagcucultivate ng katawan ng isang tao?"
"Keng... Parang nakakain ata ako ng prutas na hindi ko alam. Noong una, parang uminit ang pakiramdam ng katawan pagkatapos kong kainin iyon, pero hindi ko na ito pinansin. Maaaring ito nga ang dahilan ng biglaang pagtaas ng lakas ng kanyang kataan!" Ang sabi ni Zhang Xuan.
Bilang isang miyembro ng isang modernong sibilisasyon, naunawaan niya ang lohika na ang pagtataglay ng isang kayamanan na lagpas sa kakayahan ng isang tao ay magdudulot ng kalamidad. Kung sasabihin niya na naabot niya ang ganitong lebel a pamamagitan ng cultivatiln, sandamakmak na tao ang mamumula ang mga mata at susubukan siyang gamitin sa kanyang cultivation technique.
At maaari ding siya ay daklutin para siya ay pag-aralan.
Dahil may sinabi si Master Lu Chen na may mga kayamanan na maaaring magbigay ng malaking pagbabago sa katawan ng isang tao, napagdesisyunan niyang sumakay na lang dito.
"Tadhana, tadhana nga ito!" Hindi man pinagdudahan ni Master Lu Chen ang mga salita ni Zhang Xuan.
Tutuusin, hindi ito sa siya ay nagdududa, ngunit kahit na siya ay magduda, wala siyang magagawa kundi maniwala na lang sa sinasabi ni Zhang Xuan!
Ang tumaas ng ilang dosenang ding ang lakas ng isang tao sa dalwang oras lang na cultivation?
Hindi ba ito nananaginip nang gising?
Ito'y nakakatawa tulad ng pagsubok na manganak ng isang lalaki!
Imbes na maniwala sa kalokohan na iyon, mas posibleng mangyari na siya ay nakakain ng isang kayamanan.
"Maaari ko bang malaman kung ano ang itsura ng prutas na kinain mo?" Pinagpatuloy ni Master Lu Chen ang kanyang pagtatanong.
"Itsura?" Napakamot ng ulo si Zhang Xuan. Puro kalokohan lang ang sinasabi niya, kaya paano naman niya malalaman kung ano ang itsura nito? Subalit, dahil umabot na siya sa puntong ito, mas kahina-hinala kung mananahimik lang siya. Kung kaya't sumagot siya, "Isa iyong pulang prutas..."
Kailan lang, noong siya ay nagbabasa ng mga aklat sa akademy ng Compendium Pavillion, naalala niyang may nakita siyang tala ng isang prutas na katulad ng sinasabi ni Lu Chen. Ang librong iyo ay isang epiko ng paglalakabay ng isang tao, at ang isang tauhan doon ay kumain ng isang pulang prutas at labis itong lumakas. S oras na ito, kaya lang niyang subukan ang kanyang swerte.
"Pula? Hindi kaya kulay krimson? Iyon nga, iyon ang bagay na 'yon!"
Tila may naisip si Master Lu Chen at bumilis ang kanyang paghinga.
"Alam ni Master 'yon?"
"Iyon ang [Hongjin Pearl Fruit]! Sabi sa alamat na ang pagkonsumo nito ay magagawang palakasin nang mabilis ang katawan ng isang tao, na nagbibigay ng lakas na kahit ang isang Pixue realm pinnacle expert ay hindi rin maunawaan!" Nagagalak na sinabi ni Master Lu Chen.
"Hongjin Pearl Fruit?"
Ang sabi ni Zhang Xuan na may kakaibang tingin sa kanyang mukha.
Hindi kaya... totoong meron nito?