Descargar la aplicación
0.75% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 17: Asasinasyon

Capítulo 17: Asasinasyon

Editor: LiberReverieGroup

[Ano naman kung tanungin ng magulang ang tungkol dun? Ikaw ang guro na may pinaka mababang lebel, normal lang na di mo masagot ang mga tanong nila!

Kaya naman, para makapagpasikat ka, sinadya mong pumunta dito para lang makita ang 5-dan cultivation technique. Kung hindi ito pagiging hipokrito at kahambugan, ano pala 'to?]

"Bukas, hahanapin ko ang principal at ipapatanggal ko ang siraulong 'to!"

Palihim niyang kinutya si Zhang Xuan, buo na ang loob ni Elder Mo sa gagawin niya.

[Masisira lamang ang kultura at imahe ng akademya kapag hinayaan ko ang hambog na yon na manatili sa akademya!]

Hindi alam ni Zhang Xuan na ang mga pagkikita nila ni Elder Mo ay ang maglalagay sa kanya sa listahan ng tatanggalin ng matanda. Kung alam lang niya, hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak.

Ang mga salitang sinabi niya ay mga palusot lang!

Yung totoo, ang cultivation niya ay umabot na sa mataas na lebel!

Imposibleng tumigil siya sa pagsasanay dahil lang sa kulang ang cultivation technique niya.

Agad niyang nakita ang pinaka huling hilera sa seksyon ng mga cultivation technique.

Kahit ang pinaka kilala at pinaka makapangyarihang guro sa akademya ay nasa Fighter 5-dan lang. Sa oras na makaabot ang isang guro sa 6-dan Pixue realm, siya'y agad na magiging elder sa akademya.

Ito ay ang Teacher Compendium Pavilion lamang, kaya walang kahit anong record dito tungkol sa mga 6-dan cultivation technique. Kaya naman, ang mga 5-dan cultivation technique ang nakalagay sa pinaka huling istante.

"Mas kaunti ang mga 5-dan manual kaysa sa mga 4-dan manual!"

Mayroon halos 2000 hanggang 3000 na cultivation technique secret manuals sa 4-dan habang sa 5-dan naman ay mayroon lamang 1000.

Subalit, natural na ito kung iisipin. Kahit na anong mangyari, habang pataas ng pataas ang naabot mo, paunti naman ng paunti ang mga mapagkukunan mo. Bagaman napakatagal na ng akademya, sa buong kasaysayan ng akademya, noon pa man ay mas kaunti na ang mga 5-dan manual kaysa sa mga 4-dan manual.

Dahil dito, ang mga cultivation technique at mga kasulatan na iniwan nila ay kaunti lang din.

Napailing si Zhang Xuan, naisip niyang huwag na lang problemahin ang mga ganoong bagay. Kumuha si Zhang Xuan ng isang libro at binuklat ito.

Makalipas ang isang oras, natapos siya sa pagbabasa sa 1000 cultivation technique secret manual at gumawa ang Library of Heaven's Path ng mga librong katulad ng mga ito.

Matapos niyang makuha ang gusto niya, Ngumiti si Zhang Xuan at nagpaalam kay Elder Mo bago umalis.

Nang makita niya kung paano buklatin at tignan ni Zhang Xuan ang mga libro, at hindi man lang siya huminto saglit habang ginagawa 'to, hindi mapigilan ni Elder Mo na pagsalitaan siya ng masama sa isipan niya.

Pagbalik niya sa tinutuluyan niya, muling ginawa ni Zhang Xuan ang ginawa niya sa mga naunang manual at hinanap niya ang mga tamang kataga at talata sa mga libro at pinag-aralan ito.

Gaya ng inaasahan niya, hindi nagtagal, pinagsama-sama ng library ang mga libro at pinag-isa. Ngayon ang libro ay may pangalan na at nakasulat dito ang mga salitang "Heaven's Path Divine Art".

Muli siyang nagsimula sa pag-cultivate.

Ang Fighter 5-dan Dingli realm ay karugtong ng Pigu realm. Simple lang ang layunin ng realm na ito, ito ay para pagsamahin ang zhenqi at ang katawan ng cultivator. Ang pagkakaiba ng lakas sa bawat stage ng Dingli realm ay dahil sa lebel ng pagiging akma ng zhenqi ng isang tao at ng katawan niya.

Kapag mas akma ang zhenqi at katawan ng cultivator, mas matinding lakas ang maipapamalas niya.

Habang binabasa niya ang cultivation method para sa Dingli realm ng Heaven's Path Divine Art, itinuon ni Zhang Xuan ang atensyon niya dito. Dahan dahan niyang kinontrol ang zhenqi sa kanyang dantian at pinadaloy sa kanyang katawan, tuloy tuloy siya sa kanyang ginagawa upang tuluyan itong humalo sa kanyang katawan.

Ang Heaven's Path Divine Art ay tunay ngang karapat-dapat bilang isang cultivation technique na nabuo mula sa mga magagandang aspeto ng higit sa isang libong secret manual. Ang pagiging epektibo ng cultivation method na ito ay tunay ngang kahanga-hanga. Mabilis na nagsama ang kanyang zhenqi at kalamnan at naging iisa.

Higit na nadagdagan ang kanyang lakas at pati na rin ang kaakmaan ng kanyang zhenqi.

Dingli realm primary stage!

Dingli realm intermediate stage!

Dingli realm advanced stage!

Dingli realm pinnacle!

Boom!

Makalipas ang apat na oras, muling umigkas ang kanyang katawan.

Minulat ni Zhang Xuan ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala, "Ito ba ang… Fighter 5-dan pinnacle?"

Noong una, inisip niyang matatagalan siya sa pagcu-cultivate sa 5-dan. Hindi niya inakalang maaabot niya ang pinnacle sa loob lang ng apat na oras gamit ang Heaven's Path Divine Art.

Para sa dating Zhang Xuan, ang cultivation ay kasing hirap ng pag-akyat sa langit. Pero, para sa Zhang Xuan na nagsasanay gamit ang Heaven's Path Divine Art, kasing dali lang ito ng pagkain at pag-inom.

Sa loob lang ng isang gabi, umangat siya mula sa Fighter 3-dan Zhenqi realm hanggang Fighter 5-dan Dingli realm pinnacle… Sobra-sobra na ito!

Higit pa dito, kung alam lang sana niya ang cultivation method para sa 6-dan at kung anong acupoint ang dapat niyang mabuksan, malamang ay isa na siyang eksperto sa 6-dan Pixue realm!

Sa 6-dan Pixue realm, mabubuksan ang lahat ng mga acupoint sa katawan ng isang tao. Sa bawat acupoint na nabuksan, mas gaganda ang kanyang zhenqi at higit na madadagdagan ang kanyang lakas.

Sinasabing mayroong 108 na acupoint sa katawan ng tao. Subalit, 72 lamang ang maaaring mabuksan at mayroong pagkakasunod ang mga ito. Ang katawan ng bawat isang tao ay magkakaiba, kaya naman mangangailangan ng magkakaibang paraan ang bawat tao para mabuksan ang mga ito at makakuha ng magandang resulta.

Kagaya ito ng paglilinis ng putik sa may ilog. Kinakailangan itong linisin magmula sa pinakataas hanggang sa pinakababa. Kung sisimulan ito sa gitna at maglilinis patungo sa taas at patungo sa ibaba, bukod sa hindi ito malilinis ng maayos, maaari din itong magbara, na dahilan upang hindi na umagos ang isa sa mga ito.

Ganito rin ang konsepto sa pagbubukas ng acupoint ng isang tao, kapag hindi sinunod ng isang tao ang tamang pagkakasunod ng mga ito, maaaring mabarahan ang iba sa mga acupoint nila at hindi na nila ito mabubuksan buong buhay nila.

Kaya naman, dahil wala siyang cultivation technique, hindi na sinubukan ni Zhang Xuan na magpatuloy sa pag-cultivate.

Ngunit, hindi siya nababahala. Wala pang nakakagawa na mabuksan ang dalawang realm sa loob lang ng isang gabi. Kontento na siya sa mga resulta ng ginawa niya.

"Hangga't hindi kinakailangan, mas mabuti sigurong itago ko muna ang lebel ng cultivation ko!"

Bilang isang transcender, marami na siyang nabasang libro at mga napanood na palabas. Alam niyang ang pagkakaroon ng ganitong klase ng kayamanan ay isang kasalanan.

Siya ang pinaka-walang kwentang guro sa buong akademya. Pero, sa loob lang ng isang gabi, agad siyang nagkaroon ng lakas ng isang Fighter 5-dan pinnacle. Kung malalaman 'to ng iba, malamang siguro ay susugod sa kanya ang lahat?

Kaya naman, mas mabuti para sa kanya ang itago na naabot na niya ang Dingli realm pinnacle. Mas mabuti para sa kanya kapag mag-isa lang siyang nakakaalam tungkol dito.

"Masubukan nga kung gaano na 'ko kalakas ngayon!"

Matapos siyang makapagdesisyon, lumapit si Zhang Xuan sa Strength Measuring Rock Pillar.

Habang ang ibang tao ay nagtataglay lamang ng lakas na isang ding sa kanilang Dingli primary stage, siya naman ay nagtataglay ng limang ding. Kung ganun, gaano katindi ang lakas niya ngayong umabot na siya sa pinnacle?

Peng!

Dumaloy ang liwanag sa haligi at lumitaw ang mga numero.

8 ding!

"Eight ding? Halos kasing lakas na yun ng isang Pixue realm expert na nakapagbukas na ng apat na acupoint!" Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.

Ang isang normal na Dingli pinnacle cultivator ay nagtataglay ng lakas na apat na ding. Tuwing nakakapagbukas sila ng isang acupoint, nadadagdagan ang lakas nila ng isang ding.

Kahit na nasa Dingli pinnacle pa lang siya, taglay niya ang lakas na walong ding, halos kalebel na niya ang isang eksperto na nakapagbukas na ng apat na acupoint.

"Ang galing talaga ng Heaven's Path Divine Art!"

Masaya si Zhang Xuan. Pagkatapos niyang magsanay ng matagal, naghanap siya ng makakain bago matulog. Subalit, biglang gumalaw ang mga tainga niya.

"Sino naman ang magpupunta dito ng alanganing oras?"

Sumimangot si Zhang Xuan.

Dahil sa pagtaas ng kanyang cultivation, mas tumalas ang pandinig at paningin ni Zhang Xuan. Malinaw niyang naririnig ang tunog ng isang taong nagtatago di kalayuan mula sa kinatatayuan niya, habang nakatitig sa kanyang tinutuluyan.

"Mukhang inuusisa niya ang kwarto ko. Malamang hindi pa niya alam na nandito ako!"

Sa mga oras na 'to, wala si Zhang Xuan sa kwarto niya, nagtatago siya sa likod ng isang Strength Measuring Rock Pillar na di kalayuan mula sa dormitoryo. Pagkatapos niyang sukatin ang lakas niya, pinigilan niya ang paghinga niya, kaya naman hindi pa nararamdaman ng taong iyon ang kanyang presensya.

"Tignan natin kung sino 'tong naghahanap ng gulo!"

Hindi niya inasahan na may magtatangka sa buhay niya pagkatapos niyang mag-cultivate. Nadagdagan ang kanyang mga pagdududa.

Kinalkal niya ang mga alaala ng kanyang dating katauhan, kahit na wala man siyang kahit anong nagawa noon, wala namang nangyari na may nagtangka sa buhay niya!

"Kahit na sino pa siya, hindi niya 'ko pwedeng makilala!"

Lalapitan na sana niya ang taong iyon, nang bigla siyang may naisip.

Ang alam ng buong akademya ay nasa Fighter 3-dan realm pa lang siya. Kung sakaling magpakita siya ngayon bilang isang 5-dan pinnacle, siguradong mamamatay sa takot ang taong iyon!

Higit pa dito, kapag kumalat ang balita tungkol dito, siguradong uusisain siya ng ibang tao.

Kaya naman, kahit sino pa ang taong iyon, hindi dapat hayaan ni Zhang Xuan na makilala siya nito.

Sa mga oras na ito, naalala niya ang mga palabas na napanood niya dati sa kanyang nakaraang buhay. Kaya, pumunit siya ng tela mula sa damit niya at pinantakip sa mukha niya.

Hu!

Pagkatapos niyang maghanda, nagtago siya sa dilim, at dahan-dahang naglakad si Zhang Xuan papalapit sa taong iyon.

Kahit na kabubukas lang niya sa realm at hindi siya nag-aral ng kahit anong footwork, ang cultivation technique na gamit niya sa pagsasanay ay ang Heaven's Path Divine Art, na nagbigay sa kanya ng di mapapantayang kontrol sa kanyang katawan. Hindi lang iyon, pamilyar din siya sa paligid niya, kaya hindi siya naramdaman ng taong iyon kahit na halos sampung metro lang ang layo niya dito.

Sa ganoong distansya, kitang kita niya ang itim na damit na suot ng taong iyon. Nakatakip din ang mukha ng lalaki, kaya imposible para sa kanya na malaman kung sino ito.

"Bata, kung may sisisihin ka, sisihin mo ang sarili mo dahil sa ginawa mo sa young mistress namin!"

Nagtago siya sa likod ng malaking puno, nakatitig si Zhang Xuan sa lalaki nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki.

"Pamilyar ang boses na yun ah…"

Nagsalubong ang mga kilay ni Zhang Xuan.

Sigurado si Zhang Xuan na narinig na niya ang boses na ito dati. Subalit, nahihirapan siyang alalahanin kung kailan at saan niya ito narinig.

Hu!

Habang inaalala niya kung alaala ba ito ng dati niyang katauhan bago siya mapadpad sa mundong ito, unti-unting lumapit papunta sa kanyang dormitoryo ang lalaki. Kasabay nito, kumislap ang patalim na inilabas ng lalaki.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C17
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión