Bagama't hindi pa naikakasal si Jun Wu Xie noon, ngunit nakita na niyan ang seremonyas ng
kasal sa loob ng Qi Kingdom sa mga nakaraan at ang nakakapagod sa kasalimuutang sangkot,
ay isang bagay na hindi niya matatanggap.
Sa ibang pagkakataon, dahil si Hua Yao ang pinakamagaling sa pagpapanggap, ang gawaing
iyon ay mas naaayon sa kaniya.
Matapos marinig ang mga sinabing iyon ni Jun Wu Xie, sa wakas ay nakangiti na si Jun Wu Yao.
"Kung gayon gawin mo ang iyong gusto." hangga't hindi si Little Xie ang nakatayo at nakasuot
ng pangkasal, at lahat, ay walang pakialam si Jun Wu Yao, at walang anuman na mahalaga pa
sa kaniyang atensyon.
Ang pakakasalan ni Jun Wu Xie ay walang iba kundi siya lamang, at wala ng iba pa.
Nang maramdaman na ang emosyon ni Jun Wu yao ay bumalik na sa normal, ang kilay ni Jun
Wu Xie ay nagsalubong, at ang dalawang munting kamay nito ay dumiin sa dibdib ni Jun Wu
Yao.
Doon napagtanto ni Jun Wu Yao ang lakas na inilabas niya kanina ay nakasakit kay Jun Wu Xie
kahit paano.
"Patawad, nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko kanina." ngumiti si Jun Wu Yao at
dinampian ng halik ang ulo ni Jun Wu Xie, at inalis ang kaniyang braso sa palibot ni Jun Wu Xie.
Tinapunan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao ng isang sulyap, at wala sa sarili na pinakiramdaman
niya ang bahagyang namumula at namamagang labi, ang sulyap na naktingin kay Jun Wu Yao
ay bahagyang kakaiba.
Patuloy na nakangiti si Jun Wu Yao. "Masakit ba? Tutulungan kitang masahiin iyang kaunti."
Inunat niya ang kaniyang kamay at dumako sa bibig ni Jun Wu Xie habang nagsasalita, at bigla
ay tinapik ni Jun Wu Xie ang kamay nito.
"Sa susunod, hindi ko pipigilan ang aking kamay." sinubukan ni Jun Wu Xie na maglagay ng
matigas na mukha, habang iwinawasiwas ang mga pilak na karayom sa kaniyang kamay. Hindi
na niya maisip kung bakit pinigilan niya ang kaniyang kamay sa huling segundo.
Tumawa si Jun Wu Yao at sinabi: "Tama, kung may susunod pang pagkakataon. Hahayaan ko si
Little Xie na gawin akong porcupine, tama?"
Nasisiyahan na tumango si Jun Wu Xie at itinago ang kaniyang mga karayom. Muling
tinapunan niya ng tingin si Jun Wu Yao, at pagkatapos ay tumakbo siya paakyat ng hagdan.
Isang awa lamang na hindi napansin ni Jun Wu Xie na hindi nangako si Jun Wu Yao na hindi
niya magagawa ang ganoong gawain sa hinaharap. Ang napagsang-ayunan lang ay kung
mangyari ito sa susunod, ay masunurin niyang pagdudusahan ang panlalaban ni Jun Wu Xie.
Ang mga pilak na karayom ni Jun Wu Xie para sa ibang tao ay nakamamatay, ngunit sa isang
demon lord, ang mga iyon ay hindi makakapanakit sa kaniya. Kahit na tusuk-tusukin pa siya
para maging isang porcupine, ay patuloy pa rin siyang magiging buhay!
Pinanood niya ang likod ni Jun Wu Xie na tila "tumatakbong palayo", ang kadiliman sa puso ni
Jun Wu Yao ay tuluyang nawala.
Tumakbo si Jun Wu Xie sa ika-pitong palapag ng Heavenly Cloud Chambers na medyo
namumula ang mukha. Nang makarating sa itaas, ang kaniyang mga hakbang ay bumagal
hanggang sa makarating sa silid ni Qu Ling Yue.
Tulad ng inaasahan, pagkalapit niya sa nakapinid na pintuan, sa loob ay maririnig ang sunud-
sunod na mga nagmamadaling yabag, at kalansing ng mga bagay na nahulog o nabunggo.
Tumayo si Jun Wu Xie sa may pintuan, nakatingin sa nakapinid na pintuan, alam niyang ang Qu
Ling Yue na nasa loob marahil ay nagtago na naamng muli.
"Alam kong nandiyan ka." saad ni Jun Wu Xie.
Walang anumang ingay ang maririnig sa loob.
"May isang bagay akong sasabihin sa iyo. Hindi na mahalaga kung hindi mo buksan ang
pintuan, kailangan mo lang marinig ito." walang pakialam si Jun Wu Xie kung ang pintuan sa
kaniyang harapan ay nakabukas o nakasara.
Sa loob ng silid, ang mga binti ni Qu Ling Yue ay mahigpit na yakap niya, habang ang likod niya
ay nakasandig sa gilid ng higaan,ang braso ay nakapulupot sa kaniyang tuhod, ang ulo ay
nakabaon sa kaniyang tuhod. Narinig niya ang boses ni Jun Wu Xie, at iyon ay nagdala ng
bahagyang panginginig.
Hindi niya nais makita si Jun Wu Xie dahil sa takot at dahil sa matinding kahihiyan…
Bagama't siya ay nabubuhay, lahat ng bagay na nangyari ay malinaw pa rin sa kaniyang utak,
hindi malimutan at hindi mabubura. Hindi niya kailangan umalis upang marinig ng kaniyang
tainga, malinaw sa kaniya, na sa tuwing pag-uusapan siya ng mga tao, ang mga salita nila ay
hindi katanggap-tanggap at malupit.