Descargar la aplicación
60.62% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 947: Ang Ikalimang Mapa (3)

Capítulo 947: Ang Ikalimang Mapa (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Tungkol diyan, maaari bang ipagpaliban mo muna iyan kahit ilang sandali lang?! May

kailangan akong sabihin sa iyo!" puno ng balisa ang mukha ni Qu Ling Yue.

Umatras si Jun Wu Xie at sinabi sa kanilang dalawa: "Pumasok tayo upang makapag-usap."

Maaaring mayroon siyang malamig na personalidad ngunit sa mga taong natulungan siya

noon, ay hindi siya maramot sa kaniyang mga salita. Ang makitang balisa si Qu Ling Yue

kaniyang naisip na mayroon itong importanteng sasabhin, at kung kaya iyon ng kaniyang

kapangyarihan, ay hindi siya magdadalwang-isip na tulungan ito.

Nagmamadaling pumasok si Qu Ling Yue at Xiong ba at silang tatlo ay naupo paikot sa lamesa.

Sa ibabaw ng hita ni Jun Wu Xie ay itinaas ng pusang itim ang kaniyang kamay at hinawakan

ang takuri na nasa lamesa habang lumilingon kay Jun Wu Xie.

"Meow."

[Hindi mo man lang ba sila bibigyan ng tubig? Kahit paano ay tinulungan ka nila noon.]

Tungkol sa kaalaman ng Mistress sa tamang pag-uugali sa pagtanggap ng bisita, ang pusang

itim ay laging bigo.

Saglit na natuod si Jun Wu Xie bago niya asiwang kinuha ang takuri at nagbuhos ng tubig sa

mga tasa para kay Qu Ling Yue, Xiong Ba at sa kaniya.

Pasalamat na tumango si Qu Ling Yue ngunit hindi nito inabala na basain ang kaniyang

lalamunan dahil hindi siya makapaghintay pa at mabilis na nagsalita: "Nais kong sabihin sa'yo

na sumama ka sa amin pabalik sa Thousand Beast City. Maari ba?"

Katataas pa lamang ni Jun Wu Xie ng kaniyang tasa upang uminom ng tubig nang marinig niya

ang sinabi ni Qu Ling Yue, at dahil doon ay napahinto siya ng ilang sandali. May pagtatanong

sa kaniyang tingin at hindi niya maunawaan kung bakit bigla siyang iniimbitahan ni Qu Ling

Yue upang sumama sa kaniya sa Thousand Beast City.

Nagkaroon lamang sila ng pagsasama ni Qu Ling Yue dahil sa plano laban sa Emperor ng Fire

Country ngunit kung hindi dahil doon, ay hindi sila magkakaroon ng ugnayan. Bagaman walang

nararamdaman na poot si Jun Wu Xie sa pagitan nila ni Qu Ling Yue, ngunit hindi rin siya

maka-isip ng dahilan para sa imbitasyon ni Qu Ling Yue.

"Bakit?"

Kinagat ni Qu Ling Yue ang kaniyang labi at lumingon siya kay Xiong Ba na nanghingi ng

saklolo.

Malalim na huminga si Xiong Ba at tumingin kay Jun Xie upang sabihin: "Ang aking Young Miss

ay sinabi sa akin lahat ng naganapa sa Imperial Palaca kanina. Inaamin ko na aking minaliit ang

Young Master Jun at hindi naisip na mayroon abot-langit na kakayahan ang Young Master

Jun." sa lahat ng sinabi ni Qu Ling Yue, hindi lubos maisip ni Xiong Ba na sa isang pagtungo

lamang ni Jun Xie sa Imperial Palace, sa ilang oras lamang ay puwersahang napababa ng trono

ang Emperor ng Fire Country!

At kasabay noon, ang Empress, Prime Minister at ang pinapaborang Fourth Prince ay nawasak

rin!

Ang Fire Country ay ang piknakamalaking bansa sa ilalim ng Heavens at kinatatakutan ng

marami! Ang lugar na iyon ay tinitingala ng lahat at ang Imperial Family ng Fire Country ay

napakalakas kumpara sa ibang bansa. Ang sinumang nagbalak na manggulo sa Fire Country ay

iilan lamang, ngunit si Jun Xie ay ginamit lamang ang kaniyang isip upang gumawa ng plano, na

nagtaob sa pinakamalaki at pinakamalakas na bansa. Ang ibang klaseng katalinuhan at

kakayahan ang naging dahilan upang ang isa ay yumuko at magbigay respeto sa kaniya!

Maging sa isang katulad ni Xiong Ba na hindi gaanong matalino, ay nagkaroon ng paghanga sa

plano ni Jun Xie.

"Oh?" walang kompromiso na sumagot si Jun Wu Xie, hindi nagmamadali na sumagot, dahil

nasisiguro niyang may nais pa sabihin si Xiong Ba.

Saglit na huminto si Xiong Ba bago nagpatuloy: "Ang iyong kakayahan Young Master Jun ay

walang kapantay at ako ay nagtungo ngayon dito kasama ang aking Young Miss… upang

sabihin sa Young Master Jun na kung maari ay tulungan ang Thousand Beast City!"

"Anong uri ng tulong?" tanong ni Jun Wu Xie, ang kaniyang kilay ay nakataas. Wala siyang

gaanong nalalaman tungkol sa Thousand Beast City, ngunit dahil sa agam-agam na ipinakita ng

Emperor ng Fire Country laban sa Thousand Beast City, masasabi niya na nagtataglay din ang

Thousand Beast City ng lakas.

Bilang isang Clan Hall Chief ng Thousand Beast City, bakit magtutungo doon si Xiong Ba

kasama ang Young Miss ng Thousand Beast City upang humingi ng tulong mula sa isang bata

na may napakamurang edad?

"Nais naming hingiin ang tulong mo upang maresolba ang krisis na kinakaharap ng Thousand

Beast City!" seryosong sabi ni Xiong Ba.

Nakataas ang kilay na sumagot si Jun Wu Xie at mabagal na sumagot: "Patawad, ngunit hindi

ako interesado."

Kung iyon ay kakailanganin lamang na itaas ang kaniyang isang daliri, hindi siya

magdadalawang-isip na tulungan sila. Ngunit kung pagbabasehan ang tono ng boses ni Xiong

Ba, palagay ni Jun Wu Xie na ang tulong na hinihiling nila ay hindi ganoon lamang ganoon

kaliit!


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C947
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión