Ngunit ang posisyon ni Jun Wu Xie sa akademya ay iba. Siya ang pinakamahusay ni Gu Li Sheng at ang paborito niyang disipulo, kaya, mas mataas ang kanyang estado kaysa sa iba. Bukod pa rito, lagi siyag nakatago sa aserang kawayan at hindi nakikihalubilo sa ibang disipulo, kaya't hindi ito nakitang problema.
Pumayag si Fan Qi sa mga paalam.
Hindi alam ni Fan Qi, na ang desisyon niya ngayon, ay magiging susi sa pagligtas sa buong Akademya sa hinaharap.
Ang hindi niya inaasahan, ay ang pagdating ng hinaharap na may darating na peilgro na pwedeng bumura sa Akademyang bumabangon plang ulit...
…..
Sa loob ng opisina ng Pangalawang Punong Tagapagturo, namumutla si Ning Rui habang nakaupo sa likod ng kanyang mesa. Sa harap niya, mayroong madugong tindihan. Isang puting tela ang nakatakip dito, na may tinatagong hugis tao sa ilalim. Namantsahan ng dugo ang puting tela, at doon nakatitig si Ning Rui.
Magmula kagabi, hindi pa siya kumikibo, hindi pa gumagalaw ang kanyang mga mata.
Patay na ang kaisa-isa niyang anak. Patay na si Ning Xin.
Sa harapan niya nangyari ang paglatigo sa kanyang anak. Nang mamatay siya, nahati pa ang kanyang katawan sa dalawa.
Matapos umalis ang hukbo ng Rui Lin, si Ning ui ang kumuha ng bangkay ni Ning Xin, at inutusan ang mga tao na ipasok ito sa kanyang opisina. Magmula noon, nagklong siya sa kanyang opisina, mag-isa kasama ang bangkay ni Ning Xin, walang pagkain at inumun, ang kanyang mundo ay gumunaw.
Nais sana niyang iligtas si Ning Xin, ngunit wala siyang nagawa.
Wala siyang nagawa kundi manood, habang namamatay si Ning Xin sa harap niya.
"Jun Wu Xie, Long Qi… Yin Yan… Fan Qi… hindi ako basta susuko lang. Darating ang araw, maghihiganti ako, at ang mga buhay niyo ang kapalit!" Matagal nagpigil si Ning Rui, bago niya ilabas ang mga salitang puno ng galit.
Puno ng galit ang kanyang puso, at nais niyang maghiganti agad sa oras na iyon.
Ngunit hindi pa niya kaya.
Huminga ng malali si Ning Rui, at tumayo. Mula sa istante sa kanyang likod, kumuha siya ng isang maliit at masalimuot na baul na gawa sa kahoy.
Pagbukas niya dito, may isang lumang lasog-lasog na mapang gawa sa balat. Nagningning ang mga mata ni Ning Rui, at tinakpan niya ulit ito. Yinakap niya ang baul at may hinila na isang libro mula sa istante. Nahati ang istante at may pasukang lumitaw sa gitna ng istante.
Hinawakan niya ang bulsa niyang naglalaman ng kahon, at nangitim ang kanyang mga mata. Nagsindi siya ng ilaw at pumasok sa madilim na lagusan.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal naglalakad sa kadiliman, galit lang ang nararamdaman ni Ning Rui sa kanyang puso, hindi na napansin ang paglipas ng oras at ang pagod. Nang magpakita na ng ilaw ang dulo ng lagusan, lumabas siya.
Walang may alam, na sa loob ng opisina niya, mayroong tagong lagusan na papunta sa gubat. Sa kabilang dulo nito, may maliit na kubong tago sa loob ng kagubatan.
"Hindi ba si Ning Rui iyon? Bakit ka napadaan ngayon?" Tinanong ng isang magandang binata sa labas ng kubo. Ang ngiti niya'y maliwanag, ngunit ang mga mata niya'y nakakakilabot.
"Ginoong Gu Ying." Nang makita ang binata, rinespeto ito ni Ning Rui, ang kanyang mukha'y seryosong yumuyuko.
Pinatong ni Gu Ying ang kanyang baba sa kanyang palad, at tumingin sa maingat na Ning Rui, at ang mga kanto ng kanyang bibig ay bumaluktot pataas.
"Bakit ka nandito?"