"Ang aking nakatatandang kapatid… nasaan siya ngayon?" Tinanong ni Jun Wu Xie ng mahinhin at malapit nang hindi marinig.
"Hindi alam ng inyong mababang alagad." Sumagot si Ye Sha, mababa ang boses at marilag.
Kinagat ni Jun Wu Xie ang kanyang labi: "Pwede ka nang umalis."
Tumayo si Ye Sha, at nang umabot sa mga pinto, tumigil ang kanyang paglalakad.
"Bagaman hindi alam ng inyong alagad ang kinaroroonan ni Senyor Wu Yao, kung tama ang pagkakaalam ng inyong alagad, baka wala siya sa Lower Realm ngayon. Ang mga makapagpapagaling lamang sa kaluluwa, ay matatagpuan sa Middle Realm.
Biglaang tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo.
"Galing ang aking kapatid sa Middle Realm?"
Matagal na niyang naramdaman na misteryoso si Jun Wu Yao. Ang mga kapangyarihan niya ay napakalakas na tila kaya nitong labanan ang kalangitan. Madali lang para kay Jun Wu Yao ang talunin ang lahat ng nakita ni Jun Wu Xie. Pinakita ni Ye Sha na ang mga kapangyarihan niya ay halos katapat ng mga naroroon sa Twelve Palaces sa Cloudy Peaks, at bilang panginoon ni Ye Sha, ang mga kapangyarihan ni Jun Wu Yao, ay natural na mas mataas kay Ye Sha.
Bagaman mayroon nang mga hula si Jun Wu Xie, ngayon lang niya napatatag ang kanyang mga paghihinala.
Wala nang sinabi si Ye Sha, at tahimik na umalis.
Humiga si Jun Wu Xie, at si Ginoong Meh Meh ay yumagyag at tumalon. Ginamit nito ang mabilog nitong katawan para ilayo ang maliit na itim na pusa sa tabi ni Jun Wu Xie, at lumapit para maghanap ng komportableng posiston, nakadikit kay Jun Wu Xie habang humihiga.
"Wala sa Lower Realm?" Tinanong ni Jun Wu Xie ang kanyang sarili habang pinapatong ang likuran ng kanyang kamay sa kanyang noo. Kahit siya'y hindi alam ang mali sa kanyang sarili ngayong araw.
Bakit niya biglaang naalala si Jun Wu Yao?
Ang mga emosyong pumuno sa kanyang puso ay kakaiba at hindi niya kilala at naramdaman niyang para siyang naliligaw. Parang mayroong humihila sa kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ng maayos ang problema.
Habang nakahiga sa malambot na kama, dahan-dahang pumikit si Jun Wu Xie at naanod sa isang tulog na walang panaginip.
Maliwanag ang sunod na umaga nang ang lahat ng disipulo ng Akademyang Zephyr ay nagtipon-tipon. Magsasanay dapat sila ngunit biglaan silang pinatawag para magtipon-tipon sa isang pagpupulong sa Akademya.
Puno ang lugar ng mga binata, at sinusundan ng mga disipulo ang kanilang mga guro para pumila ng maayos habang dumarating ang mga tao.
Madalang lang ipatawag ng Akademyang Zephyr ang mga disipulo nila sa pormal na pagpupulong at napuno ang lugar ng paguusap at mga debate. Hinuhulaan ng lahat ang rason ng biglang pagpapatawag sa kanilang lahat.
"May kinalaman siguro ito kay Jun Xie." Ang isa sa mga kabataan ay malakas na bumulong, at naakit ang atensyon ng marami pang ibang disipulo.
"Paano mo nasabi? Sa tingin mo ba, may kakayahan siyang ipatawag ang lahat ng tao dito ng ganito?"
"Pinapakita mo lang kung gaano ka ka-ignorante. Ang isa sa aking mga kasama sa dormitoryo ay disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healers. Sinabi niya sa akin na biglaan daw lumitaw si Jun Xie sa pakultad kahapon. Hindi mo ba narinig iyon? Sinabi ng isa pang kabataan.
Ang lahat ng disipulo ay biglaang nagkaroon ng mga kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha, nagningning ang mga mata sa kanilang mga narinig.
"Talaga? Anong nangyari noon? Sabihin mo sa amin!"
Nang makitang nakatingin ang lahat sa kanya, nahiya ang binata at nagustuhan ang pakiramdam na nasa kanya ang lahat ng atensyon. Tinanong niya ang lahat ng nakalabas ang kanyang dibdib: "Ilang araw lang ang lumipas, narinig niyo ba ang mga sabi-sabing pinatay ni Jun Xie si Li Zi Mu? Naaalala niyo pa ba iyon?"
Sabay-sabay ang pagtango ng mga kabataang nakapalibot sa kanya. Nabulabog ang lahat, paano nila makakalimutan iyon?
"Disipulo si Li Zi Mu ng pakultad ng mga Spirit Healer at pinili pa siya ni Gu Li Sheng nang sinira niya ang nakasanayan at tumanggap ng isang disipulo lang ngayong taon. Pinaboran si Li Zi Mu sa pakultad at inalagaan siya ng mabuti ni Gu Li Sheng at personal na tinuruan patungkol sa Spirit Healing. Ngunit ang disipulong ito ay biglaang namatay sa Battle Spirits Forest. Sa tingin niyo ba, matutuwa si Gu Li Sheng? Samakatuwid, pinautos niya ang pagiimbestiga sa mga pangyayari at nakita na may kinalaman si Jun Xie sa pagkamatay ni Li Zi Mu." Sinigaw ng kabataan, ang kanyang laway ay kumalat sa mga nakikinig sa kanya.
Nang marinig ng ibang disipulo ang mga balitang ito, ang ilang mga kabataang nagkukunwaring walang pakialam ay sumali sa grupo.