Matapos lang ang isang maiksing sandali, nagpakita na si Sitting Mountain Guest sa tuktok ng bundok.
"Tinawagan mo ba ako para makipaginuman?" Tanong ni Sitting Mountain Guest habang naglalakad papunta kay Ancestor.
Tumuro naman si Ancestor sa malayo at tumayo sa tabi ng bangin. "Tingnan mo ang ikatlo mong disipulo."
"Si Luo Feng?" Tumingin si Sitting Mountain Guest sa direksyong itinuturo ni Ancestor at nakita si Luo Feng na nakaupo sa tabi ng isang bangin. Nagmuka siyang nasusurpresa at natutuwa habang nakatingin sa loob ng isang sandali, at pagkatapos ay biglang nagsimula sa pagtawa "Matandang diyos na halimaw, walang sinuman sa kalawakan ang may kakayahang pumantay sa iyo pagdating sa landas ng walong mga diyos na halimaw! Pero nakabuo ang disipulo kong ito ng isang technique sa pamamagitan ng walong mga larawan ng engraving na nagmula sa Gold Beast God…Inaamin mo na ba ang pagkatalo mo?"