Si Tian Chen na nagsisisi at natatakot matapos makitang ilabas ni Luo Feng ang pinakamalakas na flame god crystal ay nakahinga na rin nang maluwag matapos niya itong makitang mahulog papasok sa isang labasan na nagpalabas sa kaniya mula sa lugar na iyon.
"Nakaligtas ako!" Buntong hininga niya.
"Hindi na masama ang suwerte ko, nagawa kong makipagkaisa kay Chi Mang kanina para kontrolin ang isang nasa emperor limit. Inisip kong sinusuwerte na ako nang husto kanina pero nang ilabas ni Yang ang flame god crystal sa huling sandali bago ang aking napipintong kamatayan, sino nga ba ang magaakala na isang labasan ang magpapakita roon na hihigop sa kaniya papasok…at hayaan akong mabuhay pa rito!"
"Suwerte."
Nagdiwang si Tian Chen sa kaniyang loob, matapos nito ay inisip niya na "Dito ba magsisimula ang aking era?"