"Ayon sa aking pagaaral, ang mga ipinagbabawal na bantay ang mga bakal na puppet ng automaton." Bulong ni Luo Feng "Kahit na mga puppet lamang ito ay masyado na silang advanced at hindi tinatablan ng mga spirit attack. Pangkaraniwang napakahirap ang pagsira sa mga core nito sa loob."
"Master."
Tumingin si Heavy Arrow na dambuhala at nagliliyab sa pulang centipede sa buhanginan. Nakipagcommunicate ito gamit ang kaniyang isipan "Magiging imposible ang pagwasak dito dahil hindi to tinatablan ng mga spirit attacks. Kahit na masyadong matibay at mahirap sirain ang energy core nito sa loob, wala na tayong magagawa kundi bigyan ito ng sapat na puwersa para gumawa ng sapat na vibration na sisira sa core nito sa loob."
"Alam ko." Tango ni Luo Feng, nakatitig ang kaniyang mga mata sa bantay.
Pinanood nina Luo Feng at Heavy Arrow ang centipede na ito.