Walang kahit na sinong master ang tower na kumokontrol dito. Dahil masyadong matindi ang lakas ng siyam na mga nebula whirlpool na nasa paligid nito, mahahalata na rito kung bakit itinuturing ang tower na ito bilang isang makasaysayang tower. Pero, para magawa nitong bigyan ng napakalakas na pagtawag si Luo Feng?
"Makakapunmta kaya ako sa star tower?"
"Maaari kaya akong maging master nito?" Hindi makapaniwala rito si Luo Feng, pero masyado na itong pinapatunayan ng napakalakas na pagtawag sa kaniyang kaluluwa, halatang halata na nagmula ito sa tower.
"Luo Feng, Luo Feng." Sigaw ng automaton na batang si Babata sa kaniyang tabi "Bakit parang hihimatayin ka na yata?"
"Wala lang ito." Huminga lang nang malalim si Luo Feng at pinakalma ang kaniyang sarili.
Ang pagiging kalmado.
Sa importanteng sandali na ito, napakaimportante ang pagiging kalmado at hindi pagpapadala sa pagtawag na kaniyang nararamdaman.