Kaunti na lang ang natitirang enerhiya sa taong si Night Emperor na napulbos ng kanilang mga kalaban. Nagulat ng eksenang ito ang tatakas na dapat na si Luo Feng mula sa kuwarto. Dahil kung titingnan ang natitira niyang enerhiya…nagawa talaga ni Gold Cang na sirain ang kalahati sa undying na enerhiyang mayroon si Night Emperor sa kaniyang katawan!
50%!
Ang pagtanggal sa kalahati ng kaniyang kaluluwa ang nagbibigay na lamang kay Night Emperor na kakayahang maglabas ng hanggang sa 10% ng kabuohan niyang lakas noon, ganito kaimportante ang kaluluwa ng isang nilalang.
"Gold Cang, huwag mo akong subukan!" Napuno ng galit ang mga mata ni Night Emperor habang nagbubuo, tinitigan niya nang husto si Gold Cang.
Pero masyado nang walang kinatatakutan si Gold Cang ngayon.
Kahit sinunog n ani Night Emperor ang kaniyang undying na katawan, hindi pa rin niya nagagawang makatakas. Wala na siyang mahihiling kundi ang pagharap sa kaniya ni Gold Cang.