Naging mga beam ng ilaw sina Luo Feng at Dylan at agad na tumagos sa atmosphere bago makarating sa ere na nasa itaas ng kanyang tirahan.
"Hm?" Madaling nakita ni Luo Feng sa malayong bahagi ng kalangitan ang matangkad at matipunong undying. Katabi nito ang kanyang asawang si Xu Xin at mukhang hinawakan ito ng undying nang husto hanggang sa hindi na magawa pang makatakas o makapagpumiglas.
"Papa."
"Kamahalan."
"Master."
Tumingin ang isang grupo ng mga undying kina Luo Feng at Dylan habang nagpapakita ang mga ito, dito na napuno ng tuwa ang kanilang mukha. Maging ang mga mata ng hindi makapagpumiglas na si Xu Xin ay nagliwanag sa sobrang pagkasabik at pagaalala habang tinitingnan si Luo Feng.
"Hahaha…mabilis nga talaga ang ginawa mong pagpunta rito, kamahalang Luo Feng." Lumingon ang parang araw na undying na si Bu Na at ngumiti.