Natutuwang ngumiti si Yan Zhu Emperor.
Bakit nga ba hindi?
Noong kumuha siya ng isang tauhan para magiwan ng isa sa mga undying crystal dito, ang bagay na iyon ay kanyang ginawa para sa kanyang pagpunta sa Earth para tapusin si Luo Feng balang araw. Magagawa talaga ng napakasamang balak niya na tulungan ang kanyang ama sa pagkakataong ito!
"Matatagpuan ang Earth sa isang napakalayong lokasyon, Walang kahit sinong undying na nasa ilalim ng iba pang knight ang nagiwan ng kanilang markers dito." Isang matandang lalaki na mayroong jade na buhok at isang sungay ang tumawa "Kung wala ang marker, hinding hindi nila magagawang magteleport gamit ang kanikanilang god country papunta rito! Kaya siguraong mauunahan natin sila rito."
"Haha…" Mas tumaas pa ang ngiti rito ni Yan Zhu.