Sa mataas na bahagi ng napakalawak ng god country, sa loob ng isang napakagandayang palasyo.
Pa! Pa! Pa! Pa! Pa! Pa!
Isang may berdeng balat na lalaking may nagiisang itim na sungay ang mabilis na naglakad sa loob ng kumikinang na mga hallway, maririnig ang kanyang mga yapak sa loob nito, agad na lumabo ang kanyang imahe at sa loob ng ilang segundo ay nagawa na niyang marating umaabot sa ilang daang km, sa harap ng isang gintong pintuan na naglalabas ng isang nanlalamig na aura.
Rumble…tinulak ng lalaking may berdeng kutis pabukas ang pinto, dumagundong ito habang bumubukas.
Humakbang siya papasok sa hall.
Mayroon itong 100km na area, at sa loob ng malaking area na ito, maliban sa lalaking may berdeng kutis ay mayroong isa pang tao ang matatagpuan sa loob, isang imaheng nababalot ng isang gintong robe, magisa itong nakaindian seat sa loob ng hall.
"Hm?"
"Master!"
Agad na lumuhod ang lalaking may berdeng kutis.