Lumipas na ang 30 araw sa loob ng isang iglap.
"Tapos na ang iyong oras sa pagaaral, tao kaya maaari ka ng lumabas dito." Dumagundong ang boses ng tagapagbantay sa mga tainga at isipan ni Luo Feng na agad gumising sa kanya. Mabilis na bumalik ang diwa ni Luo Feng mula sa universe source at law ocean habang hinihila ang kanyang sarili paalis sa larawan ng sumisigaw na demonyo.
"Hu."
Hindi magawa ni Luo Feng na alisin ang kanyang tingin sa magandang kulay dark green na sagradong tablet.
"Sayang dahil isang buwan lang ang mayroon ako. Mas naging maganda pa ang epekto ng sagradong tablet sa akin kaysa sa 9 universe tablet." Isip ni Luo Feng, ang unang 7 larawan ng 9 universe tablet ay tungkol sa space origin laws kaya hindi ito nakatulong sa kanyang pangintindi sa gold origin laws, atleast ay naging malayo ito kung ikukumpara sa sagradong tablet.
…
Tumalikod si Luo Feng at umalis, sinundan niya ang daanan palabas.