"Pero paanong nagkaroon ang lahi ng Flame God ng ganito kaespesyal na metal?" isip ni Luo Feng. "Kahit na sa pamamagitan ng mga minana kong alaala o sa aking awtoridad ay hindi ko pa rin nagawang makahanap ng kahit anong impormasyon tungkol sa bagay na ito sa virtual universe network."
"Una sa lahat Luo Feng, kinakailangan mo munang maintindihan na ang mga minana mong alaala ay nagmula sa ilang henerasyon ng mga golden horned beast na may kagustuhang ipasa ang kanilang kaalaman sa mga susunod na henerasyon ng kanilang lahi, kaya noong matanggap mo ito ay may mga mas misteryoso pa silang impormasyong nalalaman na hindi iniwan para ipasa rito."
Natigilan dito si Luo Feng.
Tama.
"At ikalawa, bilang isa sa naglalakasang lahi sa kalawakan ang lahi ng flame god, kahit na kaunti ang kanilang bilang ay itinuring pa rin silang malakas na lahi. Kung gayon…para sa kanila ay magiging madali lang ang pagsira sa isang universe country," sabi ni Babata.