Naging relaxed na relaxed si Luo Feng kahit nasa loob siya ng mga ancient god ruins.
Dahil ang kanyang core ay kasalukuyan nang nasa katawan niyang taga-Mosha kasama ng kanyang AI na si Babata at iba pa niyang importanteng gamit, wala na siyang dapat pang ipagalala sa katawang lupa niyang nananatili sa lugar na ito.
"Kahit mamatay pa ako dito, gagamit na lang ako ng kaunting enerhiya mula sa internal world para magregenerate." Pinikit ni Luo Feng ang kanyang mga mata. Agad namang kumonekta ang kanyang diwa sa virtual universe gamit ang kanyang quantum computer na nasa loob ng kanyang space ring. "Maya-maya lang ay magdadaos ng isang klase sa space origin law ang isang hindi mapapantayang fighter. Hindi ko ito maaaring palampasin."
Sa isang tahimik at malawak na city na may layong isang trilyong km mula sa lugar na ito.