Mabilis na lumipas ang oras habang kasalukuyang subsob sa pagsasanay si Luo Feng.
"Luo Feng, sumapit na ang umaga. Tumigil na sina Hong at Thunder God sa kanilang pagsasanay." Makikita sa loob ng tahimik na training room ang natutulog at nakaupo sa upuang si Babata, sinabi niya ito habang nakapikit ang kanyang mata.
"Huh?"
Sinara ni Luo Feng ang libro sa kanyang kamay, ipinikit niya rin ang kanyang mata at inalala ang mga imaheng tungkol sa proseso sa pagsasanay ng Ten Thousand Blade Soul Seal, ang paggawa nito kasama ang ilang teorya at mga paliwanag na makikita sa training manual. Pagkatapos ay binuksan ni Luo Feng ang kanyang mata, at least ay mayroon na siyang pundasyon sa logic na nasa likod ng Ten Thousand Blade Soul Seal technique.
Mula bukas ay sisimulan na niya itong sanayin ng maayos! Sa oras na matapos niya ito, ang Ten Thousand Blade Soul Seal na ang magiging pangunahing soul attacking technique ni Luo Feng.