Tinanong si Luo Feng ng husto ng kanyang asawa at magulang dahil sa agarang pag-alis nito na nakapagpasakit ng husto sa kanyang ulo. Dahil ayaw niyang mag-alala sa kanya ang kanyang pamilya ay sinabi na lang niya na pupunta siya sa isang lihim na lugar upang magsanay.
Pagsikat ng araw, kinabukasan.
Kumain ng almusal si Luo Feng kasabay ang kanyang pamilya. Matapos nito ay kinakailangan ng umalis ni Luo Feng sa Earth at sa milky way papunta sa isang napakalayong planeta—ang planetang Dragon Star.
"Kuya!" lakad ni Luo Hua mula sa labas. "Narinig kong aalis ka raw at tatagal ka ng isang buwan? Hindi mo man lang sinabi sa akin ah. Kung hindi dahil kela mama at papa ay hindi ko pa malalaman ang tungkol dito."
"Sasabihin ko sana sa iyo bago ako umalis," sabi ni Luo Feng habang hinihigop ang kanyang lugaw.
Wala na siyang magagawa!