Mula noong maganap ang Grand Nirvana period, ang karagatan ay naging teritoryo ng mga halimaw! Mas malaki ng husto ang area na nasasakupan ng karagatan kaysa ng lupa sa mundo. Kaya naging tulay ang karagatan sa pagkapanganak ng hindi mabilang-bilang na uri ng halimaw! Puwede nating sabihin na magiging buto sa loob ng ilang segundo ang isang taong itinapon mo sa dagat kahit na gaano pa man ito kagaling sa tubig!
Sa isang parte ng Pacific Ocean na may lalim na umaabot sa 3,000 meters.
Makikita ang isang napakalaki at kulay itim na hugis oval na itlog. Matapos ang 12 minuto mula noong bumagsak ito sa karagatan, isang fish type monster na mayroong asul na kaliskis at may sukat na umaabot sa 7 hanggang 8 meters ang nagsimulang nagpaikot-ikot dito. Mabagal na lumangoy ang fish type monster na ito. Dahil sa kaunting katalinuhan nito… ay nakasisiguro ito sa kanyang sarili na ang itlog sa kanyang harapan ay hindi isang bato.
At biglang--