"Bakit mo pa hinihingi ang phone number niya sa akin?" sabi ni Venina sa kabilang linya ng tactical communications watch.
"Dalian mo na! Huwag ka nang mag-aksaya ng oras," pilit ni Li Yao.
Matapos nito ay sinagot siya ni Venina ng may kahalong galit, "Huwag kang magpadalos-dalos Yao! Hayaan mong kumpirmahin ko ang posisyon ni Luo Feng para sa iyo dahil kahit na makumpirma mo man ang posisyon ni Luo Feng ay puwede niya ring makumpirma ang posisyon mo gamit ang tawag na iyon!"
"At mas lalo pang tataas ang kanyang suspisyon sa oras na tawagan mo ito," hindi natutuwang sinabi ni Venina, "Iisip ako ng panibagong paraan para makumpirma muli ang kanyang posisyon para sa iyo."
Napasimangot si Li Yao nang marinig niya ito dahil alam niyang tama ang sinasabi ng kanyang asawa.
"Sige, bilisan mo," pagmamadali ni Li Yao.
…..
Sa loob ng isang napakalaking kuwarto sa Paris headquarter city.