"Isaacson!" sigaw ng isang bigutilyong maskulado sa sobrang takot.
Dalawa sa sampung nakamamatay na ilaw na ito ang direktang lumipad papunta sa matangad at payat na wargod fighter. Kinokontrol ni Luo Feng ang sampung throwing knives na ito. Binigyan naman ni Luo Feng ng special treatment ang mga wargod sa paglalaan ng dalawa sa sampung throwing knives nito sa bawat isa sa kanila. Ang unang dalawa sa mga ito ay pumunta sa isang wargod na nagngangalang Isaacson na napasigaw sa sobrang sakit.
"CLANG!" Nagawang salagin ng espada sa kanyang kamay ang isa sa mga throwing knife ni Luo Feng.
"PUCHI!" Gumuhit naman ang isa sa mga throwing knife sa kanyang leeg at nahiwa ang kaunting laman nito mula sa kanyang balat.
"Hindi pa ako patay!" hingang maluwag ni Isaacson sa kanyang sarili.
"Mag-ingat ka!" sigaw ng bigotilyong maskulado habang sumusugod sa kanyang kasamahan.
"PUCHI!"