Kinaumagahan ng huling araw ng buwan ng April. Kasabay ng pag-ambon sa labas ang isang napakalamig na panahon.
Sa isang tahimik at antigong style na pagoda sa loob ng elite training camp sa Hong-Nin headquarter city.
Makikita nakaindian seat si Jiang Fang na nakasuot ng kulay puting damit sa loob ng kanyang training room. Dahan-dahan siyang lumanghap at bumuga ng hangin. Hindi nagtagal ay nagsimulang mamawis ang buong katawan ng namumulang si Jiang Fang nang biglang isang malaflute na tunog ang nakapagpamulat sa mga nakapikit na mata ni Jiang Fang.
"Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong kaaga?" takang-taka na tumayo si Jiang Fang at nakapaang naglakad papunta sa kanyang cellphone na nakalagay sa isang sulok ng kanyang training room.
Matapos nito ay agad niyang tiningnan ang pangalan ng tumatawag sa kanyang cell phone.
Agad na nagbago ang mukha ni Jiang Fang nang makita ito kasabay ng kanyang attitude rito, "Investigator Wang!"