Naghihirap ng husto ang isang beginner wargod sa panghuhuli sa isang taon para lang kumita ng 5 billion. Kahit na ang mga henyo sa training camp na may magagandang kinabukasan at tumatanggap ng pera mula sa mga sinasalihan nilang mga organisasyon ay itinuturing na malaki pa rin an 5 billion Chinese dollars. Natural na ang mga spirit readers lang o mga estudyanteng may mga matataas na ranking ang makikipagpustahan ng ganitong kalaki sa isa't isa.
Hindi mawawala rito siyempre ang iilang hindi inaasahang sitwasyon. Halimbawa, kung ang dalawang tao ay hindi magkasundo at mapunta sa ganitong klase ng mood ay puwede nilang itaas ang kanilang mga pusta sa hindi inaasahang halaga na gaya nito!
"5 billion?" Naduduling na sinabi ni William habang maingat na ineexamine si Luo Feng.
"Luo Feng….." nasusurpresang tingin nina Zhao Ruo at Jiang Chen kay Luo Feng.