Makikita sa highway na iyon ang iba't ibang klase ng abandonadong sasakyan.
Nagdilim ang kalangitan at naglabasan ang mga bituin. Pero kahit saan ka man tumingin ay hindi mo makikita kung nasaan na nga ba ang buwan na nagbibigay liwanag sa dilim kaya hindi maaninag ng kahit sinong fighter ang linya na dating naghahati sa highway. Sa isang bahagi ng highway na ito matatagpuan ang apat na miyembro ng Thunderbolt Squad habang nakaupo sa ibabaw ng nakatagilid na bus.
"Kahit na hindi nakumpleto ang training plan ng young master ay nagimprove naman ng husto ang kakayanan nito," nakangiting sinabi ng matandang beteranong si Liu.
"Walang bago rito. Malayo layo pa rin ito kaysa sa lakas na ineexpect sa akin ni papa," sabi ng batang fighter na si Li Wei habang iniiling ang kanyang ulo.
"Malakas ka na po para sa edad na ito young master," sabi ng matandang beteranong si Liu. Tumango naman si Ka Long at Pan Ya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng matandang beterano.