Descargar la aplicación
47.25% King of Gods (Tagalog) / Chapter 749: Pursuit of Death (12)

Capítulo 749: Pursuit of Death (12)

Editor: LiberReverieGroup

Sa ere sa itaas ng limitless ocean, isang maitim na anyo ang pumasok sa isang isla kung saan mas makapal ang Yuan Qi kaysa sa Azure Flower Continent.

Makalipas ang isang oras, sa loob ng one-and-a-half-star clan sa isla.

"Arghhh!"

Sigawan ang maririnig mula sa bawat lugar, at ang Emperor of Death ay nakatayo sa ere habang binabalutan ng kaniyang sira-sirang Little World of Death ang clan.

"Emperor, bakit mo pinapaslang ang aking clan?" Isang Sovereign ang nakaluhod sa sahig at nagtanong na mayroong nanginginig na boses. Ang kaniyang mga mata ay namumula.

"Ang Luo Lin Clan ay walang pagkamuhi sa Emperor, pakiusap pakawalan niyo na kami…" Pagmamakaawa ng isa pang Sovereign.

Kahit na isa itong sirang Little World, hindi ito isang bagay na kayang labanan ng isang one-and-a-half-star clan. Ang mga puwersang hindi pa nakakaabot ng two-stars ay mas mababa pa sa mga langgam sa mga mata ng Emperor of Death.

"Tentacles of Death!"

Itim na mga galamay ang nagsimulang tumira mula sa katawan ng Emperor of Death at bumalot sa mga cultivators ng True Spirit Realm at Origin Core Realm. Ang lifeforce at essence ng mga cultivators ay nagsimulang maglaho, at may kulay na nagsimulang lumitaw sa namumutlang mukha ng Emperor of Death nang bumalik ang kaniyang Yuan Qi.

Ang Tentacles of Death ay isang healing technique na lumamon sa lifeforce ng ibang mga tao upang pagalingin ang kaniyang sarili at bawiin ang kaniyang Yuan Qi. Ang pinakamalaking kalamangan ng technique na ito ay mabilis ito, subalit ang kahinaan nito ay ang Yuan Qi na nababawi nito ay hindi puro at kinakailangan ng oras upang i-refine. Kung labis niya itong gagamitin, mababago nito ang origin ng kaniyang True Yuan at hindi siya tuluyang mapapagaling nito, lalo na kung siya ay labis na napinsala. Dagdag pa rito, ang lubhang pag-asa rito ay mag-iiwan ng naitatagong mga pinsala sa loob ng katawan.

Subalit, kahit na mayroon itong mga ganitong kahinaan, ang Tentacles of Deaht ay isa pa ring heaven-defying na paraan.

Sa loob ng isang oras, ang buong Luo Lin Clan ay nasira na ng Emperor of Death.

"Nabawi ko na ang 40-50% ng aking Yuan Qi, subalti ang aking mga pinsala ay hindi pa rin gaanong gumagaling gaya ng iniisip ko…" Bulong ng Emperor of Death.

Ang Luo Lin Clan ay naging isang bundok ng mga puting buto, subalit ang mga nasa Origin Core Realm lamang o ang mga mas mataas pa ang epektibo sa kaniya kung gagamitin ang Tentacles of Death.

Makalipas ang ilang oras, sinira ng Emperor of Death ang isa na namang one-star clan at binawi ang 60-70% ng kaniyang True Yuan.

"Ang pagpapagaling ng aking mga pinsala ay mabagal…" Kumunot ang mga kilay ng Emperor of Death.

Ang pinsala na maaaring puminsala sa isang Emperor ay hindi basta-bastang gagaling.

Dagdag pa rito, ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ni Zhao Feng ay naglalaman ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning.

"Kailangan kong humanap ng ilang mga Kings upang mas mabilis akong gumaling…"

Sa pag-iisip nito, iniwan ng Emperor of Death ang islang ito at natagpuan na mayroong isang two-star sect sa malapit matapos ang soul-searching ng isang Sovereign Lord.

Ang mga normal na two-star sects ay halatang walang kuwenta sa mga mata ng Emperor of Death.

Makalipas ang kalahating araw, sa isang two-star sect na nagngangalang Scorching Sky Sect:

"Emperor of Death, bakit mo inaatake ang aking sect!?" Isang malaking lalaking napapalibutan ng asul na apoy ang sumigaw.

Mga atungal ang maririnig mula sa buhong Scorching Sky Sect nang gamitin ng Emperor of Death ang kaniyang Little World of Death upang harangan ang mga eksperto na nasa Great Origin Core Realm o mas mataas pa.

"Tentacles of Death!"

Ang itim na mga mata ng Emperor of Death ay lumapag sa malaking lalaki na nasa asul na apoy, at ang kaluluwa ng ikalawang nabanggit ay tila ba nanigas. Hindi siya makapalag, at hindi kalaunan bumalot ang Tentacles of Death sa lalaking nasa asul na mga apoy at nagsimula nitong higupin ang kaniyang lifeforce at essence.

"Emperor of Death, tumigil ka ~~~!"

Mayroong lumitaw na tunog ng paglipad, at tatlong Void God Realm Kings ang nagdatingan. Isa sa kanila ay isang magandang babae na may suot na dress; siya ay isang Peak-tier King.

Hmm? Bahagyang nasurpresa ang Emperor of Death. Hindi niya inasahang mabilisang darating ang mga tauhan.

Ang mga bakas na nagpapakita na papatayin niya ang dalawang buong one-star clans ay natagpuan na, at ang dalawang two-star sects na ito ay mayroong abilidad na magpadala ng pang malayuang mensahe sa isa't isa.

"Hahaha.. Apat na Void God Realm Kings, kabilang na ang isang Peak-tier King, ay sapat na upang mapagaling ko ang ilang mga pinsala," tumawa ang Emperor of Death at nagsimulang padaluyin ang kapangyarihan ng kaniyang Little World of Death patungo sa mga Kings.

Ang malaking lalaking mayroong mga asul na apoy ay nagsimulang pumayat nang pahigop ang kaniyang lifeforce at True Yuan.

Ang mga ekspresyon ng tatlong Kings na kararating pa lamang ay labis na nagbago, at sinugod nila ang Emperor of Death nang walang pag-aalinlangan. Mayroon silang lakas ng loob para labanan ang Emperor of Death dahil siya ay sugatan at sira na ang kaniyang Little World.

"Emperor of Death, hindi ka dapat pumapatay ng maraming tao at gumawa ng maraming mga kaaway. Ang aking nakakatandang kapatid ay si Emperor Yu; naniniwala akong nabalitaan mo na siya…" Ang babaeng may suot na dress ay lubhang kaakit-akit.

Subalit, malamig na humagikhik ang Emperor of Death, "Peke ang iyong pagiging marangal. Kung ikaw ay nasa sitwasyon ko, kayong mga cultivators ng Righteous Path ay magiging mas masahol pa kaysa sa akin."

Hindi mangmang ang Emperor of Death; hindi siya nagpaikot-ikot na pumapatay ng lahat ng makikita niya sa libreng oras niya. Sa kabaligtaran nito, alam na alam niya ang nabanggit na prinsipyo – ang unang beses na siya ay napatay at dahil marami siyang mga Emperors na naging kaaway, at ilang mga peak Emperors ang nagkampihan upang talunin siya.

Subalit, dahil siya ay desperado, at ang Emperor of Death ay kinailangang gumamit ng pinakamabilis na paraan upang gumaling. Sa ganitong paraan lamang siya magkakaroon ng pagasa na baligtarin ang sitwasyon at magtagumpay.

Boom! Boom! Bam~~~~!

Tatlong Kings ang nagsagupaan laban sa Emperor of Death. Nanatiling walang kibo ang Emperor of Death; madali niyang napipigilan ang tatlo habang ginagamit ang Tentacles of Death upang higupin ang lifeforce at essence ng Origin Core Realm at ng iba pang King.

Hindi ginamit ng Emperor of Death ang lahat ng kaniyang lakas dahil ayaw niyang biglang aksidentang mapatay ang mga Kings na ito.

"Lubhang sugatan ang Emperor of Death at kaya niya pa ring basta-basta na lamang silang pigilan!?"

Ang mga ekspresyon ng tatlo ay taimtim, at sila ay natulala. Anong klaseng labanan ba ang napagdaanan ng Emperor of Death upang piliin niya ang paraang ito upang bawiin ang kaniyang lakas?

Sa mismong pagkakataon na ito, ang lalaking mayroong asul na apoy ay sa wakas naging isang bungkos ng puting mga buto dulot ng Tentacles of Death.

"Ikaw naman," dinilaan ng Emperor of Death ang kaniyang mga labi. Ang paggamit ng Tentacles of Death sa mga Void God Realm Kings ay labis na mas epektibo.

Ang mga puso ng tatlong Kings ay nanlamig, at mayroon silang pag-iisip na umatras.

"Endless Death!"

Nakakakilabot na tumawa ang Emperor of Death nang mayroong lumitaw na isang bangin sa kaniyang mga Eyes of Death at hinarangan ang tatlong Kings.

"Argh!"

Sumigaw ang tatlong Kings nang pumasok sila sa isang karagatan ng Death.

"Nahulog na tayo sa ilusyon ng Eye of Death!" Sigaw ng babae, subalit kahit gaano pa katindi ang kanilang pagpagal, hindi nila nagawang takasan ang pagkaragasa ng kapangyarihan ng Death.

"Tentacles of Death!"

Lumitaw ang anyo ng Emperor of Death sa itaas ng tatlo at binalot niya ang mga ito ng mga galamay. Kasabay nito, ang tatlong Kings ay nagsimulang pumalag sa physical dimension. Halos magigising na ang babae, subalit inilagay ng Emperor of Death ang kaniyang kamay sa kaniyang balikat at pinagyelo ang kaniyang mga iniisip.

"…kung ganoon ito ang lakas ng isang Peak Emperor?" Kulay puti sa pagkaputla ang mukha ng babae at puno ito ng kapaitan. Kahit na sugatan ang Emperor of Death at sira na ang kaniyang Little World, hindi pa rin siya isang taong kaya nilang tapatan.

Bago pa mapaslang ang tatlong Kings:

Whoosh~~~~!

Isang arko ng kidlat ang lumipad mula sa limitless ocean at lumapit sa direksyong ito. Isang maelstrom ng apoy at kidlat ang nagsimulang lumitaw sa Heaven and Earth.

"Napakabilis!" Sumigaw ang Emperor of Death nang manigas ang kaniyang kamay na nasa babae, at gulat ang lumitaw sa mukha ng babae nang makakita siya ng mga senyales ng pagasa. Tila ba ang Emperor of Death ay hinahabol ng isang taong mas nakakasindak pa, ito ang dahil kung bakit siya ay patakbo-takbo at tuloy-tuloy na pinapaslang ang ibang tao upang bawiin ang kaniyang lakas.

Shu~~!

Isang matining na tunog ang bumanda sa himpapawid, at ang mukha ng babae ay namutla. Nanginig ang kaniyang kaluluwa, at ang daigdig sa malapit ay tila ba napigilan ng isang tiyak na kapangyarihan. Tila ba hindi na siya makakaiwas kahit anong gawin niya.

Shua!

Pakiramdam ng babae na kumalat ang dugo kung saan-saan nang tumuhog ang scarlet-golden na palaso sa katawan ng Emperor of Death. Isang maitim at misteryosong ukit ang lumiwanag sa panlabas ng palaso at nagpakawala ng isang hindi namamatay at imortal na aura.

Siiii!

Umungol ang Emperor of Death nang rumagasa ang sakit sa kaniyang kaluluwa.

Weng~~

Ang gintong korona sa kaniyang ulo ay nagpakawala ng isang matingkad na gintong liwanag kasabay ng isang alon ng Soul.

"Ang palasong iyon ay naglalaman ng isang soul attack!" Naramdaman ng babae ang paglamig ng kaniyang kaluluwa, at naramdaman niya na tila ba sampung libong sagitsit ng kidlat ang maririnig.

Sa ilalim ng atakeng iyon, ang Emperor of Death ay bahagyang napinsala nang makaramdam siya ng nasusunog na pakiramdam ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning pati na rin ng God Tribulation Lightning.

Ginamit ng babae ang pagkakataong ito upang matakasan ang paghawak sa kaniya ng Emperor of Death. Ang dalawang Kings ay hindi kasinglakas ng babae, kaya't sila ay napipigilan pa rin ng Tentacles of Death.

"Senior, iligtas niyo kami~~~!" Lumipad ang babae patungo sa isang maharlikang aura na papalapit. Isang lalaki na mayroong scarlet-golden na pakpak at mayroong kulay lilang buhok na may hawak na isang pana ang lumitaw. Ang kaniyang kaliwang mata ay kulay lila at tila ba kumislap siya kasabay ng kidlat, at ito ay puno ng paglalayong pumatay.

"Siya ang pumwersa upang mapunta sa ganitong sitwasyon ang Emperor of Death…? Hindi makapaniwala ang babae. Ang aura of life na mula sa bagong dating na ito ay labis na bata pa, subalit ang kapangyarihang lumalabas dito ay hindi mas mahina kaysa sa Emperor of Death. Mayroon isang makapangyarihang lakas ng loob tungkol dito., at mas mahalaga pa ay, siya ay walang pinsala, na nagpalinaw kung bakit ang lalaki ang taga-parusa.

"Emperor of Death, talagang gumagamit ka ng ganitong mga paraan upang pagalingin ang iyong mgap pinsala? Kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo magagawang gumaling sa pamamagitan ng God Tribulation, kahit na mamatay ka pa."

Nagulat si Zhao Feng, at ang kaniyang ekspresyon ay nanlamig nang magmasid siya gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye. Kung ito ay napinsala ng isang normal na emperor, at ang Emperor of Death ay maaaring gumaling sa karmaihan ng mga parte, subalit ang kapangyarihan ng God Tribulayion lightninga ay hindi basta-basta mapapagaling.

"Hahaha… Zhao Feng, kahit na hindi ko pa tuluyang napapagaling ang aking mga pinsala, maayos na ang aking enerhiya. Kahit kayong dalawa ay hindi ako kayang tapatan," tumawa nang malakas ang Emperor of Death.

Napagtanto na niya na ang Yuan Qi ni Zhao Feng ay hindi pa niya lahat nababawi. Upang habulin ang Emperor of Death at hindi siya mabigyan ng oras upang magpahinga, bahagyang mababawasan ang Yuan Qi ni Zhao Feng.


Capítulo 750: Pursuit of Death (13)

Editor: LiberReverieGroup

Tiyak na bahagyang nabawasan ang Yuan Qi ni Zhao Feng at wala ito sa pinakatugatog, subalit ito ay sinasadya niya. Nais niyang mariing sundan ang Emperor of Death at hindi bigyan ng pagkakataong magpahinga ang ikalawang nabanggit.

Sa pagkakita na ang Tentacles of Death ay nakabalot pa rin sa dalawang Kings, hindi na nagsalita pa si Zhao Feng at dali-daling nagsimulang umatake.

"Gaze… of… the… God… Eye!"

Isang ragasa ng kulay lilang kapangyarihan ng eye-bloodline ang lumitaw mula sa kaliwang mata ni Zhao Feng at bumuo ito ng isang mundo na kulay asul na humahatak sa mga kaluluwa ng ibang mga nilalang.

"Ikaw talaga…!" Labis na nagbago ang ekspresyon ng Emperor of Death nang magpakawala ng isang profound na pag-alon ang korona sa kaniyang ulo.

Ang mga Void God Realm Kings na nasa harapan ng Emperor of Death, pati na rin ang iba pang mga eksperto ng two-star sect, ay naramdaman ang paglamig ng kanilang mga kaluluwa, at hindi sila makahinga. Tila ba ang kanilang mga kaluluwa ay nahahatak palayo, at kung mas lalapit sila sa Emperor of Death, mas magiging halata ang epekto nito sa kanila.

Isinanbi niya ang Dao of Illusions sa pundasyon ng Gaze of Death! Nangatog ang puso ng Emperor of Death.

Hinihigop ng Gaze of Death ang kalulwua ng isang tao gamit ang nakakakapanlulang lakas. Sa mga normal na sitwasyon, ang purong soul-strength ang nakakasiguro kung sino ang magwawagi, subalit mayroon ding iba pa ng mga nakakaapekto gaya ng Intent, mastery, ilang mga tricks, at iba pa.

Ginamit ni Zhao Feng ang Dao of Illusions. Siya ay batikan na sa Dao of Illusions – ang unang Dao na kaniyang natutunan ay ang Dao of Illusions, na nagmula sa Illusion Fish Picture sa Broken Moon Clan.

Matapos sa Fan Lun Ancient Sound Palace, ang pag-intindi ni Zhao Feng sa Dao of Illusions ay nakapasok sa isang panibagong antas. Batay sa sinabi ng Liu Qinxin na nasa pader, ang pinakamataas na antas ng ilusyon ay ang katotohanan.

Sa mga oras na ito, ang Gaze of God Eye ni Zhao Feng ay hindi na lamang isang nakakahigop ng kaluluwang puwersa. Isinanib niya ang Dao of Illusions dito at mas pinalakas ito.

"Ako ang gumawa ng technique na ito, at ginagamit mo ito laban sa akin…!?" Nagngangalit ang Emperor of Death, subalit kinailangan niya pa ring lipunin ang kaniyang Intent at gumamit ng isang Soul Dao technique upang salagin ang Gaze of the God Eye.

Ang Gazze of God Eye ni Zhao Feng ay mayroong pagkakataon na malampasan ang orihinal na technique. Ito ay dahil ginamit ni Zhao Feng ang technique sa pamamagitan ng Ninth God's eye, na siyang mas malakas pa kaysa sa Eye of Death. Ang tanging bagay na nakukulangan siya ay cultivation.

"Takbo!" Ginamit ng dalawang Void God Realm Kings ang pagkaktaong ito upang takasan ang Tentacles of Death.

"Hehe," sunod ay itinigil ni Zhao Feng ang Gaze of the God Eye. Ang kaniyang tunay na pakay ay patigilin lamang ang Emperor of Death sa paggamit ng Tentacles of Death upang pagalingin ang kaniyang mga pinsala.

"Heaven Sealing Eighteen Palms!" Nagliwanag ang batang Demigod sa isang gintong ilaw nang sumugod sa ere ang kaniyang Sacred Body. Nagpadala rin siyang mystic golden palms sa Heaven and Earth na siyang pumigil sa Emperor of Death.

"Scarlet Golden Eye Flame!"

Sa sandaling napigilan ang Emperor of Death, nagsimulang magkarooon ng scarlet-golden na kulay ang pagsunog ng kaliwang mata ni Zhao Feng.

Whoosh!

Isang half-transparent scarlet-golden flame ang tumama sa Emperor of Death at sinunog nito ang parehas na physical at mental energy dimensions.

Ang Scarlet-Gold Wind Lightning Eye Flame na ito ay naglalaman ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning, at ang lahat ng tatlong daang bahagi ng God Tribulation Lightning sa kaniyang purple Soul Sea ay nagliwanag.

"Arghh…!" Umungol ang Emperor of Death nang magsimulang sunugin ng apoy ang kaniyang buong katawan at kaluluwa.

Ang Scarlet-golden eye flame ay naglalaman ng kapangyarihan ng Destruction pati na rin ng God Tribulation Lightning, parehas na nakakatapat sa kaniyang Immortal Death Body.

Ang kaniyang kaluluwa ang tanging parte na pinakaapektado. Ang mga atake ng Sky Locking Bow ni Zhao Feng at ng Scarlet Golden Eye Flame ay parehas na soul-based.

"Ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lighting ang talagang pinakamataas na level ng Wind Lightning Inheritance," bulong ni Zhao Feng.

Ngayon ay higit na sa 60% ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ang kaniyang na-master. Nang isinanib din ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning dito, ang scarlet-golden Wind Lightning ay sapat na upang labis na mapinsala ang karamihan sa mga Emperors.

"Mental Energy Spike!"

Nang magpakita ng kahinaan ang Emperor of death, isang transparent purple crystalline na Mental Energy Spike ang tumuhog sa kaniyang kaluluwa.

Weng~~

Umusbong ang korona sa ulo ng Emperor of Death na parang isang lotus, subalit hindi talaga ito nakakapalag laban sa kapangyarihan ng God Tribulation Lightning, lalo na nang maipagsama ito sa Intent of Destruction. Ang korona ay mas lalo pang napinsala, at ang kaluluwa ng Emperor of Death ay bahagyang apektado, dumadagdag sa kaniyang mga pinsala kanina.

"Ang pinsala sa kaluluwa ay mas mahirap pang pagalingin," nakakalason ang ngiti ni Zhao Feng.

Kahit na ang kaniyang Yuan Qi ay bahagyang nabawasan, ang kaniyang pinakapakay ay ang mga Soul Dao attacks, at ang recovery speed ng isang Ten Thousand Ancient Races bloodline ay nagdulot upang hindi na katakutan ni Zhao Feng ang mahabang mga labanan.

"Dark Eye Death Flames!"

Ang mga mata ng Emperor of Death ay bumuo ng isang pinagbabawal na itim na liwanag na umikot sa ere at rumagasa patungo kay Zhao Feng.

Nanlamig ang puso ni Zhao Feng nang maramdaman niya ang panganib ng kamatayan. Bihirang gumagamit ng direktang soul attacks ang Emperor of Death laban kay Zhao Feng, subalit ngayon ay gumamit na siya.

Weng~

Isang patong ng sensitibong ice-blue na mga kaliskis ang nabuo sa palibot ng katawan ni Zhao Feng habang mayroon ding lumitaw na isang kasuotang gawa sa yelong kalasag, binabalot ang lahat ng bagay na nasa loob ng isang daang milya sa kaniyang Mystic Ice Domain.

Boom!

Mayroong usok na lumitaw mula sa katawan ni Zhao Feng nang tumama sa kaniyang ang Dark Eye Death Flames. Kasabay nito, ang mga itim na apoy ay nasunog sa purple Soul Sea ni Zhao Feng.

Boom~~~~!Nanginig ang kaliwang mata ni Zhao Feng nang magpakawala ang tatlong daang bahagi ng God Tribulation Lightning ng isang kapangyarihan na kayang maging isang banta sa mga Gods at mga Demons.

Boo~~~

Nagsimulang lumitaw ang mga alon sa lawa sa pinakasentro ng kaniyang Soul Sea nang magkaroon ng interaskyon ang kidlat at hangin sa alapaap.

"Emperor of Death… wala ka nang magagawa. Ang pagkakaiba ng ating soul-strength ay hindi naman ganoon kalaki," isang matamlay na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay labis na nakakasalag laban sa mga Soul attacks, kabilang na ang mga nagmula sa Eye of Death. Subalit, mayroon itong isang kondisyon – ang pagkakaiba sa soul-strength sa pagitan nina Zhao Feng at ng Emperor of Death ay hindi maaaring maging masiyadong malaki.

Si Zhao Feng ay mayroong isang Emperor-level na kaluluwa, na siya ring nalinis ng God Tribulation Lightning at ng God's Spiritual Eye. Kahit na mayroong pagkakaiba sa cultivation ng dalawa, hindi naman gaanong kalaki ang pagitan nila sa soul-strength.

"Gaya ng iniisip ko," hindi masiyadong umaasa ang Emperor of Death sa umpisa pa lang, subalit dumilim ang kaniyang ekspresyon. Kailangan niyang tanggapin na sa wakas ay nakatagpo na siya ng isang nilalang na kayang-kaya siyang tapatan. Kadasalan ay umaasa siya sa Eye of Death, subalit ito ay napigilan ng Ninth God's Eye, at ang kaniyang Immortal Death Body ay natapatan ng God Tribulation Lightning.

"Scarlet Golden Eye Flame! Mental Energy Spike!"

Umatake mula sa malayo si Zhao Feng.

Ang batang Demigod ay nasa pagitan nina Zhao Feng at ng Emperor of Death, at ginamit niya ang kaniyang Heaven Sealing Eighteen Palms upang mapigilan ang Emperor of Death.

Boom! Boom~~~~!

Sa ilalim ng sunod-sunod at walang tigil na mga atake mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, muli na namang namutla ang mukha ng Emperor of Death.

Kung pag-intindi at mastery of the soul ang pag-uusapan, ang Emperor of Death ang nakalalamang, subalit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay isang tunay na God Eye, at ang potensyal nito ay mas lalong lumalakas sa pagpapatuloy ng labanan. Ang mas mahalaga pa ay, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay lubhang hindi tinatablan ng mga soul attacks.

Dagdag pa rito, si Zhao Feng ay mayroong isang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races at ng Ice Imperial Spear, kaya't kung tatantsahin ay kapantay niya ang Emperor of Death kung physical defense ang pag-uusapan, subalit ang kaniyang recovery speed ay mas mabilis.

Nagsimulang magbago ang ekspresyon ng Emperor of Death nang maintindihan na niya sa wakas kung bakit naglakas-loob si Zhao Feng na habulin siya nang hindi tuluyang nababawi ang kaniyang Yuan Qi.

Ang tunay na lakas ni Zhao Feng ay halos kagaya ng akin. Ang tanging paghinga at kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan. Sa ilalim ng Pursuit of Death, si Zhao Feng ay mabilisang mas lumakas pa.

"Scythe of Death!"

Isang itim na scythe ang nagsimulang mabuo sa kamay ng Emperor of Death.

"Death Forcefield!"

Isang makapal na patong ng kadiliman ang lumitaw sa kaniyang paligid nang sugurin niya si Zhao Feng at ang batang Demigod na dala ang kaniyang scythe.

Labis na nagbago ang mga ekspresyon ng batang Demigod at ni Zhao Feng. Ang kombinasyon ng Scythe of Death at ng Death Forcefield ay lubhang malakas at maaaring maituring na perpekto. Kahit anong atake laban sa Emperor of Death ay mahihigop ng Death Forcefield at mapupunta ito sa Scythe of Death.

"Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning!"

Isang-daang-yardang-haba na scarlet-golden na sibat ang nagsimulang mabuo sa kamay ni Zhao Feng, at nagpakawal ito ng isang nakakasindak na aura of Destruction at God Tribulation Lightning.

Ding! Ding! Bam~~

Ang scarlet-golden na sibat at ang Scythe of Death ay nagsagupaan sa ere. Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay napaatras.

Restricting Yuan Palm!

Gumamit ng isa pang technique ang batang Demigod at nagpadala ng gray-golden na mga sinag ng liwanag patungo sa Emperor of Death, nililimitahan ang pagdaloy ng Yuan Qi.

Boom! Boom! Boom!

Ang labanan ay nagdulot upang mawarak ang mga kabundukan sa paligid ng two-star sect, at ang shockwave mula sa kanilang laban ay labis na nakapagpabago ng mga ekspresyon ng tatlong Kings.

"Sino ang lalaking iyon na may kulay lilang buhok!? Hinahabol niya ang Emperor of Death!"

Ang babaeng nakadress at ang dalawang Kings ay lumayo mula sa labanan.

Ang Emperor of Death at ang lalaking mayroong kulay lilang buhok ay parehas na gumamit ng nakakagulantang na eye-bloodlines at Soul techniques. Kahit sa isang pisikalan na laban, sila ay mga elites sa lahat ng mga Emperors.

"Death Instant Shadow!"

Biglang naging isang itim na sinig na liwanag ang Emperor of Death at kumaripas palayo mula sa isla.

"Napakabilis!" Sigaw ng tatlong Kings.

"Lightning Wings Spatial Flash!"

Ang mga pakpak sa likuran ni Zhao Feng ay nagpakawala ng isang matingkad na sinag ng liwanag nang maging isa siyang arko ng kidlat na dali-daling sumunod. Halata naman na ang kaniyang speed ay mas mabilis kaysa sa Emperor of Death.

Ang tatlong Kings ay parang mga kahoy na manok. Nang sila ay kumibo na sa wakas, sila ay huminga nang malalim.

"Sa tingin ko ang batang iyon na mayroong kulay lilang buhok ay tinatawag na Zhao Feng…"

"Bilang lamang ang mga ekspertong kayang humabol sa Emperor of Death. Mukhang isa na namang eksperyo ang lumitaw sa Cang Ocean."

Kailangang malaman ng isang tao an ang lakas ng tatlong Kings na ito ay lahat halos maikukumpara sa Saint Moon Aunt Goddess ng Tianlu Islands.

"Scarlet Golden Eye Flame! Sky Locking Bow!"

Nagpatuloy sa pag-atake si Zhao Feng habang siya ay humahabol mula sa likuran.

Sa buong limitless ocean. Ang "Pursuit of Death" na ito ay umabot hanggang ilang mga island zones at nagdulot upang yumanig ang Heaven and Earth kung saan sila naglalaban. Isa itong kaguluhan.

Sa umpisa, ang Emperor of Death ay mayroon pa ring abilidad na pumalag, subalit makalipas ang ilang buwan, kaya na lamang niyang magtuon sa depensa. Dahan-dahan ngunit nakasisiguro, ang balita ng pagtugis na ito ay nagsimulang kumalat, at ang alamat ng Left-Eyed Heavenly Emperor ay nakilala sa buong Cang Ocean.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C749
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO