Descargar la aplicación
44.79% King of Gods (Tagalog) / Chapter 710: Ang Gamit ng Demonic Vine

Capítulo 710: Ang Gamit ng Demonic Vine

Editor: LiberReverieGroup

Naging isang mapanganib na salik si Zhao Feng sa kanyang laban para sa Pirate Emperor. Ang kanyang presensya ay sapat na upang mabago niya ang takbo ng pangyayari. Kung siya at ang batang Demigod ay magtutulungan, makakayanan nilang sugpuin ang kahit na anong malalaking figurehead.

"Patawad, bago ko lisanin ang Pirate Sacred Land, ako ay nasasakupan pa rin ng Cold Moon King," marahang sinabi ni Zhao Feng habang ang kanyang kaliwang mata ay nakatitig lamang sa Giant Shark King. Dahil ang dimensyong ito ay hiwalay mula sa panlabas na mundo, maaari niya pa ring gamitin ang eye-bloodline nang walang halong pag-aalala.

"Iyan ay…!!?" ang Giant Shark King ay nakaramdam ng nakagugulat na Eye Intent na siyang nagdulot sa kanyang kaluluwa nang hindi maayos na pakiramdam. Ang tunog ng dumadagundong na kulog ay lumitaw rin sa kanyang kaluluwa. Mayroon ding mapanirang aura na nakapaloob dito.

"Eye-bloodline…! Ito ba ay kanyang totoong lakas!?" ang Giant Shark King ay nasindak. Ngayon ay ginagamit na ni Zhao Feng ang kanyang soul-strength at Eye Intent nang walang halong pagbabawal.

Matapos ang ebolusyon ng God's Spiritual Eye, ipinagpatuloy ni Zhao Feng ang pag-unawa sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique gayon na rin ang paglilinis ng kanyang sarili gamit ang God Tribulation Lightning na siyang lalo pang nakapagpalakas sa kanyang kaluluwa. Sa kasalukuyan, ang kanyang kaluluwa at bloodline ay hindi na mas mahina sa Peak-tier King at nadaig na rin ng kadalisayan ng kanyang kaluluwa ang Peak-tier Kings.

Napabuntong-hininga si Zhao Feng. Siya ay mas naging mas malakas pa habang tumatakbo palayo mula sa Emperor of Death. "Salamat, Zhao Feng," ang Cold Moon King ay nagbigay sa kanya ng taos-pusong pasasalamat.

Kasama si Zhao Feng at ang batang Demigod, mas malaki ang pagkakataon na matagumpay niyang makuha ang trono ng Pirate Emperor. Sa kabila ng pagiging makapangyarihan ni Zhao Feng, kumilos pa rin siyang tila ba nasasakupan nito.

"Panginoon!" ang batang Demigod ay lumipad sa pamamagitan ng hangin, at ang daluyong ng Demigod Intent ang naging dahilan upang mapalagpak ang puso ng Giant Shark King.

Ang Giant Shark King ay nagpakita ng mapait na ngiti. Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay kapwa nagkaroon ng kritikal na pagganap sa pagkatalo kay Emperor Mu Yun.

Ang kanilang pinaghalong pwersa ay hindi mapapantayan ng kahit sinumang mas mababa sa Emperor.

"Mapalad ka, Cold Moon King. Hindi na ako makikilahok pa sa laban para sa Pirate Emperor," ang Giant Shark King ay nagbigay ng mapait na ngiti at tinanggap ang pagkatalo. Wala siyang ibang maramdaman kundi kaunting pagsisisi nang maisip niyang hindi man lamang niya noon nasubukang mapapunta sa kaniyang panig si Zhao Feng. Gayunman, sa pag-iisip nito, maaaring tinutulungan lamang ni Zhao Feng si Cold Moon King dahil sa taglay nitong ganda at kariktan.

Bago tuluyang umalis, muling sumulyap ang Giant Shark King kina Zhao Feng at Cold Moon King nang may malalim na pagtitig. Tiningnan niya ito ng may halong paghihinala at maalam na pagmasid. Si Zhao Feng ay nanatiling walang ekspresyon habang pinapanood ang kaniyang tuluyang pag-alis, samantalang si Cold Moon King naman ay nanatiling malamig ang ekspresyon.

Walang sinuman ang nakaaalam ng kaniyang iniisip, subalit ang tibok ng kaniyang puso ay bumilis nang bahagya at hindi na siya mapalagay pa. Tinutulungan nga lamang ba siya ni Zhao Feng dahil sa kanyang itsura? Siya ba ay hihiling nang labis? "Cold Moon King, ako ay aalis na kapag nagsara ang Pirate Emperor's Inheritance," si Zhao Feng ay tumingin sa likuran at dumiretso na.

Si Cold Moon King ay humingang malalim. Ang pagkamahinahon ni Zhao Feng ay nagdulot sa kaniya ng kaunting pagkadismaya, ngunit marahil ay hindi kung siya ay nahulog na sa pagmamahal kay Zhao Feng.

Bilang isang pirata na nakaranas na ng hindi mabilang na pakikipaglaban at patayan, ang kaniyang puso ay naging sintigas na ng bato at hindi na madaling magalaw pa.

Gayunpaman, hindi niya maikakailang siya ay lubos na nagpapasalamat sa lalaking ito. Hinahangaan niya ang pagkamahinahon at katapatan nito, lalo na ang pagtulong niya sa mga mapanganib na pagkakataon. Kakaiba man, tila hindi interesado si Zhao Feng sa Pirate Emperor Sacred Land o ang Pirate Emperor's Inheritance at ninanais lamang na makaalis sa lalong madaling panahon.

"Little Kun Yun, halika na at maghanap tayo ng iba pang lugar," ani Zhao Feng sa batang Demigod. Nasiyasat na ni Zhao Feng ang buong isla sa pamamagitan ng kaniyang God's Spiritual Eye; wala na siyang makitang kakaiba at karapat-dapat na puntahan pa.

Little Kun Yun? Pakiramdam ng Cold Moon King ay pamilyar na ang pangalang ito sa kaniya, na para bang nabasa niya na ito sa libro o kung saanman. Siyempre, hindi niya ito masyadong malalim na pinag-isipan.

"Zhao Feng, mayroon akong utang na pabor sa 'yo. Babayaran kita ng sampung beses na mas marami sa hinaharap," mataimtim na sabi ng Cold Moon King habang siya'y nakatingin sa likod ni Zhao Feng. Samantala, hindi naman niya ito isinapuso at simpleng umalis lamang kasama ang batang Demigod.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw sa balikat ni Zhao Feng at naghagis ng ilang barya sa hangin.

"Panginoon, pareho lamang tayo ng nararamdaman. Ang secret realm na ito ay tiyak na hindi lamang simple katulad ng pamana ng may tigdas na Emperor, kahit na siya ang Mechanism Grandmaster at ang Array Grandmaster. Masyado lamang itong komplikado," tumango ang ulo ng batang Demigod at ito'y kaniyang sinabi.

Tulad nito, ang tao, pusa at bata ay naglakbay sa paligid ng isla upang mas malapitang magsiyasat.

"Wala pa rin tayong nakikitang kahit na ano."

Ang islang ito ay dapat na itayo ng Pirate Emperor."

Ito ang naging usapan nina Zhao Feng at ng batang Demigod habang sila ay nagmamanman.

Makalipas ang isang araw, si Zhao Feng ay sumuko na sa pagsisiyasat sa isla, ngunit ang alon at kapangyarihan sa labas ng isla ay tumulak patungong isla. Kapag sinubukan niyang lumipad ay may kahaharapin siyang isang malakas na resistive force at mapatatatag niya lamang ang kaniyang sarili kung gagamitin niya ang Wings of Wind at Lightning.

Si Zhao Feng ay lumipad ng libo-libong milya at ang resistance ay naging mas malakas pa. Sa kabutihang palad, mayroon siyang maraming mapagkukunan upang madagdagang muli ang kaniyang True Yuan.

Ilang libong milya pa ang nagdaan, biglang naramdaman ni Zhao Feng na ang alon ng karagatan ay unti-unti nang naging kalmado at ang puwersa ng resistance ay humina na rin.

"Magpunta tayo sa higit pang malayo."

Sa oras na ito, lumipad siya nang libong dosenang milya, ngunit wala pa ring makitang isa pang isla.

Sa pagkakataong ito, narating na nila ang hangganan ng secret realm, at biglang may isang matingkad na luntiang barrier ang lumitaw sa kanilang paningin.

"Ang secret realm na ito ay mayroong mataas na ranggo," nagkasalubong ang kilay ng batang Demigod. Hindi sumuko si Zhao Feng. Siya ay bumalik sa isla at lumipad sa kabilang banda, subalit wala pa rin siyang nakita na kahit anong bagay. Sa halip, may kinaharap pa siyang mga panganib sa paligid. Marahil, si Zhao Feng ay nagtataglay ng God's Spiritual Eye at Wings of Wind and Lightning kaya siya ay naging ligtas pa rin.

"Walang kahit na ano sa malapit sa ibabaw ng karagatan," naguguluhan na ang isip ni Zhao Feng. Minarkahan na niya ang isla gayon na rin ang ibabaw ng karagatan.

"Bakit hindi natin subukan sa ilalim ng tubig?" suhestiyon ng batang Demigod, at tumango ang ulo ni Zhao Feng. Iyon ang kaniyang iniisip.

Plop!

Si Zhao Feng ay sumisid sa tubig, at nagkaroon siya ng kulay lilang mga kaliskis sa katawan. Ito ay kaniyang Water-elemental defensive bloodline at mayroon din siyang iba pang Water bloodline.

Kahit na ang resistance ay malakas, nakayanan niya pa ring marating ang kalaliman ng karagatan. Ang puwersa ng kalaliman ng dagat ay nakatatakot. Kahit ang mga normal Kings ay hindi kakayaning magtagal dito nang matagal. Bukod doon, ang ang kulay ng dagat ay matingkad na luntian, at matindi nitong nalilimitahan ang kaniyang nga pandama. Bahagya lamang ang nakikita ni Zhao Feng dahil sa kaniyang God Spiritual Eye.

Miao miao!

Ang munting kuting na magnanakaw ay naghagis ng mga lumang tansong barya at tinuro sa kaniya ang tiyak na direksyon. Si Zhao Feng ay gumamit ng maliliit na alon ng tubig upang protektahan ito samantalang ang Golden Kun Sacred Body ng batang Demigod ay may kakayahang protektahan siya mula sa tubig habang siya ay nakasunod sa likod.

Alam din ng pusang ito ang panghuhula? Ang batang Demigod ay sumunod kay Zhao Feng at ang munting kunting na magnanakaw sa kaniyang likuran.

Walang sinuman ang nakaaalam kung gaano na ito katagal. Ang matingkad na kulay luntian sa kalaliman ng karagatan ay mas lumiwanag pa nang lumiwanag, na animo'y mayroong pinanggagalingan ng liwanag.

Miao miao!

Ang munting kuting na magnanakaw ay muling naghagis ng mga tansong barya at tila ba ay natutuwa.

Ang batang Demigod ay naghayag ng naghihinalang tingin. Wari'y si Zhao Feng ay lubos nang nagtiwala sa munting kuting na magnanakaw at nagpapatuloy lamang. Gayunman, habang mas napapalapit sila sa pinagmumulan ng liwanag, mas lumalakas ang water pressure.

Makalipas ang ilang sandali, mayroong mga dark green vines ang nagsilitawan. Kada vine ay mayroong mga green spikes at kumikislap na cold light. Ang pinagmumulan ng luntiang ilaw ay galing sa depths of the vines, at nakaramdam si Zhao Feng ng ancient aura.

Miao miao!

Kumaway ang munting kuting na magnanakaw at mas naging eksayted pa.

"Panginoon, naniniwala ako na mayroong sikreto na walang sinuman ang nakakaalam tungkol sa depths of the vines," ani ng batang Demigod, ngunit bago marating ang pinagmumulan ng liwanag, kailangan nilang malagpasan ang hindi mabilang na dark green vines.

Boom!

Sumuntok ang batang Demigod at gumawa ng maliit na puwang sa mga nauunang vines.

"Ang mga vines na ito ay ubod na ng tanda at nababanat na laban sa True Yuan at mga pisikal na atake," nag-iba ang ekspresyon ng batang Demigod. Pitumpung porsyento ng kaniyang kapangyarihan ay lumika lamang ng kalahating butas ng lawak ng yarda. Bukod doon, ang resistance sa karagatan ay malakas kung kaya't mahirap ipamalas ang buong kapangyarihan dito.

Scarlet Destruction Wind Lightning!

Malakas na tinulak ni Zhao Feng ang kaniyang palad upang makalikha rin nang maliit na puwang. Ang mga halaman ay labis na nababanat laban sa kidlat.

"Ang dark green vines marahil ay humahaba ng ilang daang milya."

Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay nakaramdam ng gulo. Ang dark green vines ay unti-unting nanunumbalik muli matapos nitong masugatan.

"Subukan natin 'to."

Isang tuyo, matigas, at kulay itim na buto ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng.

"Demonic Hell Vine Seed!" Napasigaw ang batang Demigod nang kaniyang makita ang buto.

Sa Purple Saint Ruins noon, ang tatlong two-star na sekta ay gumamit ng Demonic Hell Vine Seed upang subukang maagnas ang Purple Saint Ruins.

Voom!

Inilagay ni Zhao Feng ang Demonic Hell Vine sa ilalim.

"Elixir of Life!"

Mabilis na kumuha si Zhao Feng ng Elixir of Life at inihalo ito sa Demonic Hell Vine Seed. Ang patak ng Elixir of Life ay mayroong kakila-kilabot na lifeforce na kayang ibaling ang area of death sa isang lugar na puno ng buhay at magtustos sa spiritual plants sa loob ng libo-libong taon.

Hu~~~~~

Ang buto ay mabilis na tumubo at lumaki, at ang vines nito ay naging mas makapal at mahaba. Sa loob lamang ng ilang sandali, malalaking patse ng black vines ang lumitaw at kada isang vines ay nagtataglay ng spikes na may kakayahang magpalamig ng dugo ng kahit sino.

"Crystal Stone of Life… Ten Thousand Year Zhu Fruit… Blood Bamboo…"

Si Zhao Feng ay naghagis ng mga hindi pangkaraniwang kayamanan isa pagkatapos ng isa pa sa Demonic Hell Vine, at ang bilis ng paglaki ng Demonic Hell Vine ay mas naging mas mabilis pa. Sa loob ng ilang sandali, napuno ng black vines ang kanilang mga paningin at mabilis nilang nasagap ang lifeforce ng dark green vines matapos nilang makatagpo ito.

"Ang aking inaasahan na disaster-level vine!" sigaw ng batang Demigod.

Ang Demonic Hell Vine ay kayang makasipsip ng lifeforce ng lahat ng bagay, kasama na ang blood essence ng mga eksperto. Kahit na ang dark green vines ay nanunumbalik mula sa mga pisikal na atake, ito ay isa lamang matandang Water-elemental plant.

Kapag pinilipit ang dalawang vines na ito, makikita niyo ang dark green vines na nanunuyot.

Isang uhaw sa dugo na aura ang lumitaw sa tumpok ng vines, at isang halimaw na sinlaki ng pagong, na binabalot ng daan-daang vines na dose-dosenang yarda ang haba.

"Hehe, Demonic Vine Hell King, lumabas ka riyan!" Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at dali-daling kinontrol ang Demonic Hell Vine King.

Matapos niyang kontrolin ang Vine King, nakokontrol na rin ni Zhao Feng kung saang direksyon ito lalago.

Narating din ng vines ang Origin Core Realm, at nagpatuloy sa pagsagap ng mga lifeforce mula sa mga green vines.


Capítulo 711: Heaven’s Legacy Civilization

Editor: LiberReverieGroup

Kinontrol ni Zhao Feng ang Demonic Hell Vine King at binuksan ang isang daan sa mga berdeng baging, ngunit ang bilis ng lifeforce at recovery ng berdeng mga baging ay napaka lakas, kaya't ang progreso ay mabagal.

Miao miao!

Habang itinatayo ang Ghost Corpse Cursed Array, isang bandila ang lumitaw sa paa ng munting pusang magnanakaw.

Lumitaw ang pares ng mga pulang mata sa maitim na kulay-abong usok, at ang kapangyarihang nagmumula sa mga ito ay nakakatindig-balahibo.

Ang progreso ay napabilis dahil sa presensya ng Ghost Corpse Cursed Array. Ang Ghost Corpse Cursed Array ay kayang sumipsip ng esensya at lifeforce ng kahit anong nilalang, mabilis na natuyo ang malalapit na berdeng baging dahil sa kapangyarihan ng poot na taglay nito.

Ang aura ng mga pulang mata sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array ay mas lumalakas.

"Ang mga berdeng baging ay mataas ang kalidad at may malakas na lifeforce. Ito'y malaking tulong sa array."

Masayang si Zhao Feng.

Sa bawat ilang dosenang metro ng berdeng mga baging na binabalot, ito ay kapareho ng paglamon sa isang Sovereign Lord Rank.

Ang cultivation ng mga ghost-corpses sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array ay patuloy ang pagtaas, at pagkatapos ng patuloy na pagtulak sa dose-dosenang milya, karamihan sa mga ghost-corpses ay umabot na sa gitnang-yugto ng Small Origin Core Realm, habang ang maliit na bilang ay umabot na sa huling yugto ng Small Origin Core Realm.

Pinalagitik ng batang Demigod ang kanyang dila habang nanunuod. Ang mga berdeng baging ay sinaunang halaman na lubhang matibay sa mga pisikal na atake, ngunit mabigat na sinasalubong ito ng Ghost Corpse Cursed Array at Demonic Hell Vines.

Habang tumatagal, ang Ghost Corpse Cursed Array ay nilamon ang libu-libong bilang ng mga berdeng baging, at ang aura nito ay mas lalong naging mapanganib. Sa sandaling ito, kapag ang lahat ng pares ng pulang mata ay pinagsama-sama, maaari silang makabuo ng malakas na enerhiya na maaaring sugpuin ang Intent of normal Kings. 

Makalipas ang kalahating araw, humigit-kumulang dalawang daang milya na ang naisulong ng Demonic Hell Vines at Ghost Corpse Cursed Array. Ang cultivation ng halos lahat ng cursed ghost-corpses ay umabot na sa huling yugto ng Small Origin Core Realm, at ang maliit na bilang ay umabot na sa rurok ng Small Origin Core Realm. Ang nakamamatay na kapangyarihan mula sa usok ay sapat na upang maiwasan ang mga normal na mga Hari.

Miao miao!

Tumingin ng may kagalakan ang munting pusang magnanakaw. Mukhang narating na nila ang dulo ng berdeng mga baging, at may maningning na berdeng liwanag silang nasilayan.

"Narating na natin ang pinagmulan ng berdeng liwanag." Masayang ekspresyon ang makikita sa mukha ni Zhao Feng at ng batang Demigod.

Isang makinang na berdeng barrier ang makikita sa dulo ng walang hanggang baging. Malaki ang berdeng barrier, at sa likod nito makikita ang isang sinaunang metal na kastilyo. Pinipigilan ng berdeng barrier ang tubig sa pagpasok, at mayroong kakaibang istraktura ang buong sinaunang kastilyo.

Matataas na tore, misteryosong gusaling pangstar-gazing, payapang fountain…. Lahat ng ito ay parang hindi nagmula sa panahong ito.

Kinabahan si Zhao Feng at ang batang Demigod nang makaramdam sila ng makaluma at sinaunang aura na nagmumula sa mundo ng metal.

"Ang lahat ng mga gusaling ito ay nagmula sa pinaka dakilang lahi. Maaari kayang…?" ang batang Demigod ay may mga palagay.

Napakalaki ng mundo ng metal.

"Mukhang ito ang Heaven's Legacy Race."

Naalala ni Zhao Feng ang paglalarawan ng isang lahi mula sa Ten Thousand Ancient Races Ranking book. Sa lahat ng ito, ang Heaven's Legacy Race na nasa ikatlong ranggo ay nakabuo ng dakilang sibilisasyon.

Ang kanilang pamana at sikretong realms ay lumaganap sa buong Fan Universe.

Naisip niyang maaaring ito ang Heaven's Legacy Race dahil may impormasyong tungkol sakanila bilang alamat ng Pirate Emperor. Sinasabing ang Pirate Emperor ay minsan ng natagpuan ang isang sikretong realm ng Heaven's Legacy Race.

Mabagal na naglakad ang tao, bata, at pusa patungo sa berdeng harang. Pinipigilan ng berdeng harang ang lahat ng tubig at mga nilalang mula sa labas ng mundo na makapasok.

Bagama't may kakayahan si Zhao Feng at ang kanyang mga kasama upang makapasok, hindi sila nagpadalus-dalos.

Ang Heaven's Legacy Race ay ikatlo sa mga maaalamat na lahi.

Bagama't nakalimutan na ang kasaysayan ng lahing ito, mayroon parin silang malaking epekto sa kasalukuyan. Halimbawa, ang walang hanggang bangkang pangkaragatan, mechanical automatons, zone teleportation arrays… lahat ito ay iniwan ng sibilisasyong Heaven's Legacy Race.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang bandila at nagtungo sa isang direksyon.

Hindi nagtagal ay nakita ni Zhao Feng ang bukas na itim na iron door gamit ang kanyang God's Spiritual Eye. Ang pinto ay isang dosenang yarda ang taas, at dalawang hanay ng mekanikal na bantay ang nakaabang sa pasukan. Hindi kapani-paniwala ang ningning ng pulang ilaw na nagmumula sa kanilang mata, at maingat nilang tinitigan si Zhao Feng.

"Ito ay isang nalimutang siyudad ng Heaven's Legacy Race. Tumatanggap kami ng mga bisita mula sa malayo," ang nangungunang bantay ay nababalot ng armor at may hawak na malaking blade.

"Ngunit may bayad ang pagpasok sa siyudad," dagdag ng bantay, hindi maiwasang mapatingin ng kakaiba ni Zhao Feng at ng batang Demigod.

Matatalino ang mga automaton at kaya nilang makipagusap sa mga tao. Hindi makakita ng kahit anong senyales ng pagkabuhay si Zhao Feng gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

"Entrance fee?" Sinenyasan ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Naglabas ng tumpok ng middle-grade Primal Crystal Stones at ibinigay ito sa bantay.

"Hindi ito sapat," kinuha ng bantay ang middle-grade Primal Crystal Stones at umiling.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusa ang kanyang kamay at nakipagtawaran sa bantay. Ang entrance fee ay napakaling halaga. Naglabas siya muli ng kumpol ng high-grade Primal Crystal Stones, ngunit muli na namang umiling ang bantay, "Ni hindi man lang ito umabot sa isa sa sampu ng kinakailangang halaga."

Walang nagawa si Zhao Feng kung hindi ibigay ang malaking halaga ng Primal Crystal Stones. Walang emosyon ang bantay at nanatiling tapat sa patakaran.

Unti-unting itinaas ng bantay ang kanyang kamay pagkatapos kunin ang Primal Crystal Stones, "Bisita mula sa malayo, maaari na kayong pumasok sa siyudad."

Halos umikot ang mata ni Zhao Feng. Ang mga automaton ay nagmistulang magnanakaw. Ang ibinigay niyang halaga ng Primal Crystal Stones ay sapat na upang makabili ng ilang Earth-grade na armas.

Miao miao!

Isinantabi ng munting pusang magnanakaw ang Ghost Corpse Cursed Array at nanguna sa antigong iron doors. Wala sa mga bantay ang pumigil sa kanila.

"Tatlong esteemed guest, hindi kayo pinapayagang manira ng kahit anong pampublikong gusali sa siyudad o pumasok sa mga ipinagbabawal na lugar. Kung gagawin niyo ito, papalabasin kayo ng siyudad at maaari namin kayong patayin," pagbabanta ng bantay na may malaking blade, at tumango naman si Zhao Feng bilang pagsang-ayon.

Ayon sa analisasyon ng kanyang God's Spiritual Eye, ang lakas ng bantay na may malaking blade ay sapat upang makipagtunggali sa isang Hari. Sinong nakakaalam kung gaano karami pang katulad niyang bantay ang mayroon sa siyudad? Maaaring may mas malalakas pa? Pagkatapos ng lahat, ang mga bantay na ito ay tagapagtanggol lamang ng pasukan.

"There's no aura of life here," Zhao Feng scanned around with his God's Spiritual Eye and didn't find any aura of life.

Ta! Ta! Ta!

Tunog ng mga yabag ni Zhao Feng sa mundo ng underwater. Nakakakita siya ng grupo ng bantay kada lakad niya.

"Walang aura ng buhay dito,"Inikot ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye sa paligid and hindi siya nakahanap ng kahit anong aura ng buhay.

Miao!

Tuwang-tuwa ang munting pusang magnanakaw at nanguna sa daan habang inihahagis ang bronze coins sa hangin.

Nadaanan nila ang matataas na mga gusali. Ang iba ay pwede pasukan habang ang iba ay may bantay. Sa wakas ay bumagal na din ang munting pusang magnanakaw nang marating nila ang kulay-pilak na sahig.

May fountain sa gitna, at may mahinang musika na naging dahilan upang higupin ang kaluluwa ng isang tao.

Miao!

Pumunta sa isa sa mga tindahan sa paligid ang munting pusang magnanakaw.

Ito ay isang nalimutang siyudad na taglay pa rin ang anyo ng nakaraan, at patuloy na gumagana hanggang ngayon. May mga automaton na naglilinis sa mga daan.

Pumasok ang munting pusang magnanakaw sa isang tindahan na puno ng maraming libro.

"Bisita mula sa malayo, ano ang maaari kong maitulong?" tanong ng isang payat na babaeng automaton na may matamis na boses at mahabaging ngiti.

Kumibot ang mukha ni Zhao Feng. Anong klaseng siyudad ito?

Ang mga automaton sa antigong siyudad na ito ay mas magagaling pa sa mga tagalabas ng mundo.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang kanyang kamay at nakipagusap sa babaeng automaton. Nagbigay ang munting pusang magnanakaw ng middle-grade Primal Crystal Stone para sa mapa. Ang presyo nito ay mas katanggap-tanggap kaysa sa entrance fee.

"Hmm?" Nakita ni Zhao Feng na ang mapa ay naglalaman ng pagkakaayos ng buong siyudad, at kapag tumingin ka sa isang lugar, lumalabas ang mga impormasyon tungkol sa lugar.

"Ayon sa mapa, mayroong antigong tindahan ng laruan, isang identification store, at tindahan ng materyales sa malapit," muling tumingin si Zhao Feng sa mapa.

Ang lugar na ito ay mayroong ng lahat ng mayroon ang Void Ocean Spiritual Palaces at iba pa.

Lahat ng gusali ay mayroong automaton sa loob.

Miao!

Pumasok ang munting pusang magnanakaw sa isang malaking gusali. Ayon sa mapa ito ay tore ng panday, kung saan gumagawa at nagpapalakas ng mga armas.

"Anong maipaglilingkod ko?" Sabi ng isang malaking automaton na anyong middle-aged na lalaki.

Miao!

Hinampas ng munting pusang magnanakaw ang kanyang kamay sa hangin at isang misteryosong punyal ang lumabas.

"Hmm?" Nagliwanag ang mata ng middle-aged ng lalaki ng kunin niya ang Shadow Kill Imperial Dagger at nagsimulang inspeksiyunin ito. Pumunta sa isang antigong metal ring ang munting pusang magnanakaw at kumuha ng mamahaling materyales at malaking halaga ng Primal Crystal Stones.

"Upang makapagdagdag ng pampatamlay na epekto sa armas na ito ay kinakailangan ng ilan pang materyales. Pwede itong bilihin sa tindahan ng materyales sa katapat nito," sabi ng blacksmith automaton.

Miao miao!

Tumakbo papuntang tindahan ng materyales ang munting pusang magnanakaw. Makalipas ang ilang oras, may tunong ng Ding! at Shu!, inilabas ng middle-aged na automaton ang Shadow Kill Imperial Dagger mula sa misteryosong pugon.

Ang init sa Shadow Kill Imperial Dagger ay nagsimulang mawala, nagpapakita ng maitim na kulay ng abo na ukit.

"Subukan mo ang epekto," natawag ang pansin ni Zhao Feng.

Miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang Shadow Kill Imperial Dagger at hiniwa ang braso ng batang Demigod, nag-iwan ito ng maliit na guhit ng dugo.

"Ikaw…!" Nagulat ang batang Demigod. Isang nakakapanghinang sensasyon ang naramdaman sa kanyang braso na may hiwa, at unti-unti itong kumalat sa kanyang katawan. Kinailangang palibutin ng batang Demigod ang Golden Kun Sacred Body upang maalis ito.

"Ang Heaven's Legacy ay talagang matalino," gulat na gulat si Zhao Feng. Kahit ang panday na grandmaster na.may tatlong-bituing superpowers ay walang kakayahang magdagdag ng pampatamlay na epekto sa isang maalamat na armas katulad ng Shadow Kill Imperial Dagger sa loob ng ilang oras lamang.

"Tatlong istimadong bisita, mayroon pa ba kayong armas na kailangang kong palakasin o gawin?" Sabi ng grandmaster na panday sa mababang tono. Matagal na panahon nang walang bisita, at ang tindahan niya ay gumagamit ng Primal Crystal Stones araw-araw.

"Maari mo bang tignan ang armas na ito?" Isang ice-blue na sibat ang nabubuo mula sa palad ni Zhao Feng. 

"Isang armas na may elemento ng Yelo, Tubig, at Kidlat. Ikatlong ranggong armas na may matinding pinsala at mayroong parte ng totoo nitong mga abilidad. Pagkatapos nitong maayos, ang kapangyarihan nitong magpalamig ay maaaring tumaas sa walompung porsiyento, at maaari itong maging defensive ice armor, isang ice dragon, at iba pang anyo."


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C710
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO