Dahil malapit nang masira ang balanse ng tatlong King prodigies, hindi na rin kayang manatili lamang ni Zhao Feng.
"Magiging masama para sa akin sa oras na tapusin nina Meng Xi at Wen Luoan si Nan Gongsheng."
Hindi ito nais na makita ni Zhao Feng.
Kahit gaano pa kalaking banta ang dala ni Nan Gongsheng, siya ay nagmula rin sa Mystic True Sacred Clan, at ang kombinasyon nina Meng Xi at Wen Luoan ay magiging mas malaking panganib kay Zhao Feng.
Boom! Boom! Boom!
Ang spatial secret technique ni Nan Gongsheng ay kayang harangin ang atake nina Meng Xi at ni Wen Luoan nang panandalian.
Shua!
Sa isang kislap na kulay pilak, kinuha ni Nan Gongsheng ang dugo ng Demigod at lumipad patungo sa pinakasentro ng libingan.
"Nightmare Prison!"
Iwinagayway ni Meng Xi ang kaniyang kamay, at mayroong mga matatamlay na mga linyang bumuo ng isang kulungan at sumanib sa katotohanan, binabawasan ang abilidad ni Nan Gongsheng na makagalaw.
"Heaven Sealing War Punch!"
Ang nag-iinit na bata ay lumipad sa ere at nagpadala ng isang gintong kamao patungo kay Nan Gongsheng, hinaharangan ang daanan niya upang makaatras.
Spatial Sky Slash!
Kinuha ni Nan Gongsheng ang Qiankun Sword at iwinagayawy ito, bumubuo ng parang sapot ng gagamba na mga basag sa ere.
Bam! Peng~~
Ang kulay pilak na liwanag na kumakawala mula kay Nan Gongsheng ay naglaho nang higit pa sa kalahati. Umatake rin ang beast King at nagpakawala ng Magnificent Power nito.
Wah!
Umatras si Nan Gongsheng nang magkaroon ng dugo mula sa kaniyang bibig. Ang dugo ng Demigod ay nawala na rin sa kaniyang kontrol.
Kumislap ang kaniyang mukha na mayroong pagkamuhi at pagdadalawang-isip.
Sa isang labanan, kahit si Meng Xi o ang nag-iinit na bata ay hindi ang kaniyang katapat. Subalit, si Meng Xi sa kasalukuyan ay mayroong beast King at tulong ng nag-iinit na bata.
"Tapusin mo muna siya!"
Malamig na humagikhik si Meng Xi nang lumago ang buhok niya nang ilang beses na mas mahaba at pinigilan ang dugo ng Demigod sa loob ng sulok ng Nightmare Prison.
Ang nag-iinit na batang ito at ang Beast King ay sumugod patungo kay Nan Gongsheng.
Sinubukang pigilan ni Meng Xi ang dugo ng Demigod habang pinipigilan ng nag-iinit na bata si Nan Gongsheng na makatakas.
Halata na parehas nilang gustong patayin si Nan Gongsheng, o kung hindi naman ay labis siyang pinsalain kung saan hindi na siya makakalaban para sa dugo ng Demigod.
"Hindi mahirap para sa akin na makatakas, subalit upang isuko na lamang ang dugo ng Demigod nang ganito…"
Nagdilim ang mga mata ni Nan Gongsheng na mayroong pagkadesperado at pag-aalinlangan.
Sa mismong pagkakataon na ito, nanginig ang kaniyang puso nang tumingin siya sa isang bagay sa ere.
Sa mismong ere sa likuran ni Meng Xi.
Ang malabong anyo ng isang mata ay nagsimulang mabuo.
Miao!
Isang munting pusang magnanakaw ang nakatago sa sulok ng isang lagusan ay biglang tumalon palabas.
Whoosh!
Isang misteryosong transparent dagger ang kumislap sa kadiliman.
Ang kislap ng liwanag ay nababalutan ng malamig na paglalayong pumatay.
"Shadow Kill Imperial Dagger!"
Sigaw ng nag-iinit na bata at nagbabala siya dahil ang dagger ay direktang patungo sa mga mata ni Meng Xi.
"Isang atakeng sumanib sa espasyo."
Nagliwanag ang mga mata ni Nan Gongsheng.
Mahirap isipin kung anong level ng mastery mayroon ang pusang ito na kasinglaki ng palad kung Spatial Assassination ang pag-uusapan.
Kahit ang normal na half-step Kings ay maaaring hindi makakaiwas sa atakeng iyon.
Nagbago ang ekspresyon ni Meng Xi. Nakaramdam siya ng isang malamig na paglalayong pumatay na tuamgos sa kaniyang puso, at ang kaniyang mata ay nagsimulang sumakit.
Kahit siya ay nasa Nightmare Dimension, hindi niya gustong harap-harapang tanggapin ang tirang ito dahil ang dagger na ito, ang Shadow Kill Imperial Dagger, ay nasa iisang level ng Qiankun Sword at ng Sky Locking Bow.
Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay sumanib sa Dao of Assassination at sa Dao of space. Hindi nito binibigyang-pansin ang depensa sa isang tiyak na antas, at kahit ang mga hindi napapatay na Death Guards ay nag-aalala rito.
Shu~~~~
Tila ba nakita na ni Meng Xi na nasaksak ang sarili niya ng dagger.
"Bukas!"
Kaya lamang gamitin ni Meng Xi ang kaniyang buhok upang harapin ang Shadow Kill Imperial Dagger. Kung tutuusin, may hawak siyang isang kulay lilang sungay gamit ang isang kamay at kinokontrol ang beast King gamit ito, samantalang ang isa naman ang pumipigil sa dugo ng Demigod.
Voom!
Sa tibay ng Nightmare Dimension, ang lakas ng kaniyang mahabang buhok ay labis na tumaas. Halos mayroon na siyang battle-power na maikukumpara sa isang King.
Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay dali-daling naglaho.
Bumuntong-hininga si Nan Gongsheng, subalit ang kaniyang puso ay tumalon sa sumunod na sandali nang may mapansin siyang isang bagay.
"Sandali!"
Sumigaw si Meng Xi. Napagtanto niya na ang Shadow Kill Imperial Dagger ay naglaho sa Nightmare Dimension.
Isang kakaibang aura of Space ang pumasok sa kaniyang Nightmare Dimension.
Shuuu~~~~
Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay tumagos sa isa sa pulsuhan ni Meng Xi.
Sa mas tiyak na salita, ang Shadow Kill Imperial Dagger ay biglang lumitaw sa loob ng kaniyang pulsuhan, sunod ay tumagos dito.
"Spatial Movement?"
Nagulat si Nan Gongsheng. Sa kaniyang talento sa Space, makikita niya ang teorya sa likod ng Shadow Kill Imperial Dagger.
"Arghhhhh~~!"
Sumigaw si Meng Xi nang lumabas ang dugo mula sa kaniyang pulsuhan – ang pulsuhan na nakahawak sa kulay lilang sungay.
Puta!
Labis na nagbago ang ekspresyon ni Meng Xi nang parang may napagtanto siyang isang bagay.
Ang kulay lilang sungay!
Ito ay isang pambihirang bagay na mayroon siya, na maaaring kumontrol sa beast King. Subalit, bago pa man siya makakibo, isang dark silver na liwanag ang biglang kumislap.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay parang naghihintay nang bigla nitong kuhanin ang purple-scaled horn.
Ikinagulat ng dalawang King prodigies ang eksenang ito.
"Tigil~~!"
Sumigaw si Meng Xi nang lumitaw ang galit sa kaniyang tulalang mukha.
Ang purple horn ang pinakamalaking alas niya sa Demigod Forgotten Garden. Dahil hawak niya ang beast King, parehas sina Nan Gongsheng at ang nag-iinit na bata ay nag-aalala sa kaniya.
Bumalik ka rito!
Pinadaloy ni Meng Xi ang kaniyang Nightmare bloodline sa pinakahangganan nito, at mga matatamlay na linya ang tumusok patungo sa munting pusang magnanakaw. Subalit, napakaliksi ng munting pusang magnanakaw, at alam nito ang spatial secret techniques, kaya't nagawa nitong iwasan ang mga atake sa pamamagitan ng kahanga-hangang mga paraan.
Kung liksi ang pag-uusapan, walang maikukumpara sa munting pusang magnanakaw.
Nagdilim ang ekspresyon ni Meng Xi. Bago pa man siya gumamit ng mas nakamamatay na galaw:
"Divine Light of Destruction!"
Isang nakakatulalang asul na liwanag ang tumira patungo kay Meng Xi sa Nightmare dimension.
"Ito ang…!!?"
Nanginig ang anyo ni Meng Xi, at ang kaniyang Nightmare Dimension ay halos maglaho dahil sa Divine Light of Destruction. Ang kapangyarihan nito ay nabawasan ng kalahati.
Siya 'yon!
Nakakita si Meng Xi ng malamig na kulay asul na mga matang nakatitig pababa sa kaniya.
Miao!
Gamit ang pagkakataon na ito, ang munting pusang magnanakaw ay sumanib sa kadiliman at naglaho.
"Huwag mong hayaang makatakas 'yan!"
Halos hindi ni Meng Xi kung saang direksyon tumatakbo ang munting pusang magnanakaw. Subalit, sa kaniyang pagkagulat, ang munting pusang magnanakaw ay hindi tumakbo patungo sa labasan.
Miao miao!
Hawak nito ang kulay lilang sungay at matagumpay na nakangiti.
Sa halip na tumakbo, tumayo lang ito roon.
Huminto si Nan Gongsheng at ang nag-iinit na bata. Kahit na malakas ang pusang ito, hindi ito masiyadong malakas upang direktang makipaglaban kay Meng Xi. Subalit, naintindihan na nila sa sumunod na sandali.
Roar~~~~
Isang Magnificent Power ang bumalot sa munting pusang magnanakaw.
Shua!
Nahatak ang munting pusang magnanakaw patungo sa isang purple horned beast.
Ang beast King!
Ang mga puso ng tatlong King prodigies ay nanginig .
Miao miao!
Hawak ng munting pusang magnanakaw ang kulay lilang sungay at inilabas ang dibdib nito habang mapagmataas itong nakaupo sa beast King.
Ang sayaw nito ay halos makapagpasuka ng dugo kay Meng Xi.
"Ang beast King ay nakokontrol na nito ngayon…"
Sina Nan Gongsheng at ang nag-iinit na bata ay parehas na natulala. Talagang hindi nila ito inaasahan.
Sa loob ng libingan:
Miao miao!
Hawak ng munting pusang magnanakaw ang kulay lilang sungay at nakaupo ito sa likuran ng beast King na mayroong matagumpay na ekspresyon.
"Putanginang pusa! Ibalik mo sa'kin ang sungay!"
Sa sobrang galit ni Meng Xi nanginginig na siya, at ang kaniyang mukha ay puno ng galit at kahihiyan. Subalit, ang munting pusang magnanakaw ay nagtagumpay sa pagkontrol sa beast King, kaya't hindi ito takot kay Meng Xi. Sa kabaligtaran, nang-aasar pa ang mukha nito.
Shua!
Ang Eye of Heaven sa alapaap ay nagpakita ng isang matamlay na kislap at naglaho.
"Ang Zhao Feng na iyon…"
Bumagsak ang puso ng nag-iinit na bata.
Hindi niya inaakala na si Zhao Feng, na tila sumuko na sa pagkuha ng dugo ng Demigod, ay makakagamit ng mga mula sa malayo upang makipaglaban pa rin sa tatlong King prodigies.
Kung balanse pa rin ang kalagayan ng tatlong King Prodigies, malamang walang magagawa si Zhao Feng, subalit si Nan Gongsheng ay nasa desperadong kalagayan dahil sa pagtutulungan nina Meng Xi at ng nag-iinit na bata, kaya naman, nakisali si Zhao Feng.
"Nangangahulugan na hindi ako makakalamang kahit na makipagkampihan pa ako kay Meng Xi. Dagdag pa rito, ang beast King ay nasa panig na ni Zhao Feng ngayon."
Nagpatuloy sa pagkislap ang ekspresyon ni Wen Luoan. Tila ba napagtanto niya na, kahit wala roon si Zhao Feng, parang siya pa rin ang may kontrol sa sitwasyon.
Whoosh!
Ang dugo ng Demigod ay lumipad patungo sa pinakakailaliman ng gitna ng libingan.
"Sundan ito!"
Naging isang kulay pilak na linya si Nan Gongsheng at sinundan ito.
Ngayon na ang beast King ay nakokontrol ng munting pusang magnanakaw, kahit na hindi kayang tapatan ni Nan Gongsheng ang kombinasyon nina Wen Luoan at ni Meng Xi, hindi pa rin siya natatakot sa kanila.
Sina Meng Xi at Wen Luoan ay nagtinginan sa isa't isa.
Halatang nais na makipagkampihan ni Meng Xi upang makuha pabalik ang kulay lilang sungay, subalit si Wen Luoan ay bahagyang nag-aalinlangan.
Shua!
Ang Eye of Heaven ay lumitaw sa taas ng munting pusang magnanakaw at nagpakawala ng isang ragasa ng Magnificent Power.
Ang mga ekspresyon nina Wen Luoan at ni Meng Xi ay labis na nagbago.
Mahirap para sa kanila na isipin na ang mata ay mayroong totoong King intent. Magiging labis na mahirap para sa kanila upang makuha pabalik ang kulay lilang sungay laban sa kombinasyon ng Eye of Heaven, ang munting pusang magnanakaw, at ng beast King.
Miao!
Hindi binigyang-pansin ng munting pusang magnanakaw ang dalawa at kinontrol ang beast King upang sundan ang dugo ng Demigod.
Sa huli, wala ring ginawa sina Meng Xi at si Wen Luoan. Inilagay nila ang kanilang mga mata sa dugo ng Demigod.
Hindi kalaunan nakahabol na sila kay Nan Gongsheng.
Weng~~
Gumamit ng isang spatial secret technique si Nan Gongsheng at nagawang pigilan ang dugo ng Demigod, subalit sa mismong pagkakataon na ito ang munting pusang magnanakaw, si Meng Xi at si Wen Luoan ay nakahabol.
Nang hindi nagsasalita, dali-daling nagsimulang atakihin ni Wen Luoan si Nan Gongshan.
"Zhao Feng, tulungan mo ako!"
Sigaw ni Nan Gongsheng. Hinulaan niya kung sino ang may-ari ng mata.
Tila ba bilang pagsagot sa kaniyang pakiusap:
Boom!
Inatake ng munting pusang magnanakaw sina Nan Gongsheng at Meng Xi.
Biglang naging magulo ang sitwasyon dahil ang munting pusang magnanakaw at si Nan Gongsheng ay nagkampihan upang labanan sina Meng Xi at Wen Luoan.
Isinasawalang-bahala kung sino ang makakakuha ng dugo ng Demigod sa huli, ang dalawang pares ay nasa magkaibang panig naman na talaga noong una pa lamang.
"Maaaring umatake ang Eye of Heaven ni Zhao Feng kahit kailan."
Kinabahan ang nag-iinit na bata at nakipag-usap kay Meng Xi.
Sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Wen Luoan na ang pinakanakakatakot na kalaban ay hindi si Nan Gongsheng, ito ay si Zhao Feng.
Nasa labas si Zhao Feng, at kaya niyang umatake gamit ang kaniyang Eye of Heaven kahit anong oras. Kahit na ang battle-power ni Zhao Feng ay hindi kasinggaling ng sa tatlong King prodigies, ang kaniyang tunay na katawan ay wala rito, kaya't siya ang madaling nakakakontrol ng sitwasyong ito.
"Subalit hindi natin maaaring basta-basta na lamang isuko ang dugo ng Demigod."
Paanong hindi ito malalaman ni Meng Xi?
Sa oras na makuha ni Nan Gongsheng ang dugo ng Demigod, magiging isa siyang King, at ang pag-asikaso sa kaniyang mga kalaban ay magiging kasingdali ng pagtiklop ng kaniyang kamay.
Ang tatlong King prodigies ay hindi gumagalaw at wala silang daan para umatras.
Samantalang, si Zhao Feng ay nakaupo sa Hidden Book Room at kalmadong nagbabasa ng kaniyang libro.
"Hindi na masama, hindi na masama. Ang isang patak ng dugo ng Demigod ay nakakapagpigil ng tatlong King prodigies."
Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.
Matapos makontrol ang beast King, alam ni Zhao Feng na ang kalahati ng tagumpay ay nasa kaniya na.
Nang umalis siya sa Heart Healing Palace, plinano na ni Zhao Feng na kuhanin ang kulay lilang sungay. Kung tutuusin, mahihirapan si Zhao Feng na makipagsagupaan sa tatlong King Prodigies. Tiyak na mas mahina siya kaysa sa kanila.
Subalit, matapos makuha ang kulay lilang sungay, ang sitwasyon ay bumaligtad. Hindi na niya kailangang matakot na makipaglaban sa tatlong King prodigies ngayon.
Shua! Shua! Shua!
Inilipat ni Zhao Feng ang pahina ng libro. Dahil mayroong sapat na oras, maingat niyang binasa ang mga nilalaman ng libro.
Pakiramdam ni Zhao Feng na ang mga librong ito ay may sari-sariling kamalayan, na para bang mayroong isang misteryosong mental energy power sa loob nito.
"Kailangan ko lamang ng isa o dalawang mga araw upang tapusin ang lahat ng libro."
Inaasahan ito ni Zhao Feng.
Hindi kalaunan ay natapos na niya ang hangganan ng limampung libro at nagtuon lalo sa sentron libingan.
Ang tatlong King prodigies at ang munting pusang magnanakaw ay naglalaban pa rin.
Wala sa apat ang makakuha ng dugo ng Demigod at makakatakas sa loob ng ilang sandali.
Makalipas ang isang araw, dinala ng dugo ng Demigod ang grupo sa kailaliman ng libingan.
Mayroong malakas na aura ng mga multo rito, at ang makapangyarihang mga spirits of hatred ay lumilitaw paminsan-minsan. Marami sa kanila ang mga Kings noong sila ay nabubuhay pa, at kahit na karamihan sa mga kapangyarihan nila ay naglaho na matapos maging spirits of hatred, sapat pa rin ito upang guluhin ang tatlong King prodigies.
Suwerte, ang spirits of hatred at takot sa dugo ng Demigod at hindi naglakas-loob na masiyadong lumapit dito, kung hindi, kung ang ilang mga spirit Kings at isang kawan ng mga spirits of hatred ay magpunta, magagawa nilang patayin ang lahat.
Miao miao!
Inutusan ng munting pusang magnanakaw ang beast King na sumunod sa likuran ng dugo ng Demigod. Ang dugo ng Demigod ay makakapagpabawas sa mga panganib ng libingan hanggang 70%.
"Gaya ng inaasahan sa isang pinagbabawal na lugar sa Demigod Forgotten Garden. 90% ng mga tao sa ibaba ng Void God Realm ay mamamatay kung magpupunta sila rito. Kahit ang mga Kings ay hindi makakaatras nang walang pinsala."
Nanlamig ang mga buto ni Zhao Feng mula sa nakita niya sa pamamagitan ng mga mata ng munting pusang magnanakaw. Ang tatlong King prodigies ay nanlamig din, subalit hindi na sila makakaatras.
Ang pagsunod sa dugo ng Demigod ay ang talagang pinakaligtas na paraan, at ito rin ay kumakatawan sa mas malalaking gantimpala.
"Nan Gongsheng, mayroon akong mungkahi."
Biglang sinabi ni Meng Xi.
"Anong mungkahi?"
Walang emosyong sinagot ni Nan Gongsheng. Mayroon siyang tulong ng munting pusang magnanakaw ngayon, kaya't hindi siya takot na magkampihan sina Meng Xi at si Wen Luoan.
"Kailangan nating magkampihan at dalhin ang dugo ng Demigod sa labas ng libingan. Sunod ay pagdedesisyunan natin kung paano ito hahatiin."
Mungkahi ni Meng Xi.
Sa pagkarinig nito, bahagyang naudyok si Nan Gongsheng. Ang libingan na ito ay masiyadong nakakatakot, sino ang nakakaalam kung ano ang mga panganib na naririto?
Subalit sino ang hahawak ng dugo ng Demigod?"
Tanong ni Nan Gongsheng.
Sa sandaling ito, ang dalawang pares ay nagtulungan upang pigilan ang dugo ng Demigod, subalit mayroon pang makakapangyarihang spirits of hatred at kahit mga hatred spirit Kings dito na aatake sa kanila upang hindi sila makatayo nang sama-sama.
Ginawa ng lahat ng tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan ang mga atake ng hatred spirit Kings.
Miao miao!
Dali-daling iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito at nagsabi na siya na ang gagawa nito.
Nagpakita ng isang kakaibang ekspresyon si Nan Gongsheng
"Hindi."
Dali-daling umiling ang nag-iinit na bata.
Sa likuran ng munting pusang magnanakaw ay naroroon si Zhao Feng, at ang kaniyang Eye of Heaven ay mahirap na asikasuhin.
Sa puntong ito, ang plano ay hindi magagawa. Ang tatlo ay hindi mapapalagay kung iba ang kokontrol sa dugo ng Demigod.
Sa mismong pagkakataon na ito:
Shua!
Isang mata ang lumitaw sa taas nila at nagdulot upang manginig ang mga puso ng tatlong King prodigies.
Ang nag-iinit na bata at si Meng Xi ay mayroong nakatiim na mga ngipin.
"Junior Martial Brother Zhao, ano ang mungkahi mo?"
Tumingin sila sa Eye of Heaven na mayroong kakaibang ekspresyon. Kahit na ang battle-power ni Zhao Feng ay hindi kasinglakas ng sa mga King prodigies, siya ang may tunay na kontrol sa sitwasyon.
"Madali lang; bakit hindi hatiin sa apat ang dugo ng Demigod? Mas magiging patas kung ganito."
Isang boses ang nagmula sa Eye of Heaven kasabay ng pagbaba ng isang maharlikang aura.
"Hatiin ito sa apat?"
Kumunot ang mga kilay ng lahat.
Hindi naman sa hindi nila ito naisip kanina, subalit ang kapangyarihang nasa loob ng dugo ng Demigod ay masiyadong nakakasindak.
Ika-una, hindi pa nga sila sigurado kung ang dugo ng Demigod ay mahahati sa apat na parte. Ang dugo ng Demigod ay isang patak lamang ng dugo, subalit mayroon itong sariling kamalayan. Kung pipilitin nilang hatiin ito, ang dugo ng Demigod ay maaaring sumabog, at ang kapangyarihan nito ay maaaring makapatay kahit ng mga Kings.
Hehe, kung pipilitin nilang hatiin ito, ang dugo ng Demigod ay talagang papalag, at manghihina ang kamalayan nito. Kapag ang pagpupumiglas ng dugo ng Demigod ay nasa pinakamababang antas nito, maaaring makuha ng Spatial Movement ko ang lahat ng ito.
Si Zhao Feng ay mayroong sarili niyang plano sa kaniyang isipan.
Napagdesisyunan ng ibang mga tao na subukan ito.
Miao miao!
Hinagis ng munting pusang magnanakaw ang Shadow Kill Imperial Dagger sa ere sa taas ng dugo ng Demigod.
"En, magtulungan kayo at pagsanibin ang inyong kapangyarihan sa Shadow Kill Imperial Dagger, sunod ay hatiin nang magkakasama ang dugo ng Demigod."
Mungkahi ni Zhao Feng.
Matamlay na tumango ang tatlong King prodigies.
Ang Shadow Kill Imperial Dagger ay isang sagradong sandata ng Dao of Assassination na nagsasawalang-bahala sa depensa. Ito ang pinakanababagay na kagamitan upang hatiin ang dugo ng Demigod.
Weng~~
Dahil nasa gitna ang munting pusang magnanakaw, ang tatlong King prodigies ay pinagsanib ang kanilang mga lakas sa Shadow Kill Imperial Dagger.
Subalit, bago pa man mahiwa ang Shadow Kill Imperial Dagger:
Weng~~ Boom!!!!!
Sila Nan Gongsheng, Meng Xi, Wen Luoan, at ang beast King ay lahat tumalsik. Sa kanilang lahat, si Meng Xi lamang ay mayroong dugo sa bibig, at tinitigan niya ang Eye of Heaven na mayroong malamig na ekspresyon.
Ang iba ay galit na tumingin din kay Zhao Feng. Kung hindi para sa katotohanan na mata lamang ang nasa taas nila, maaari silang magtulungan at atakihin siya upang ilabas ang kanilang galit.
"Aksidente."
Ngumiti si Zhao Feng. Ang dugo ng Demigod ay parang isang nabubuhay na nilalang na nakakaramdam ng takot.
Kapag nagugulat ang isang aso, tumatalon ito sa bakod. Kung ang dugo ng Demigod ay hihiwain, mapagdedesisyunan nitong sumabog mag-isa.
Ang mungkahi ni Zhao Feng sa paghati nito ay pumalpak.
Pakiramdam ni Wen Luoan na siya ay naloko. Hatiin ang dugo ng Demigod? Patibong lamang iyon. Hindi ba sumasakit ang tagiliran niya sa pagsasalita?
Weng~
Pinatalsik ng dugo ng Demigod ang apat, at ang aura nito ay mas humina nang dumeretso ito sa mas malalim pang parte ng libingan.
"Dali, dali, dali!"
Walang sapat na oras ang grupo upang kuwestiyunin si Zhao Feng. Dali-dali nilang sinundan ang dugo ng Demigod.
"Ang aura ng dugo ng Demigod ngayon ay mas mahina na. Mawawalan ito ng malay makalipas ang dalawa pang araw, sunod ay hindi na ito makakalaban."
Naglaho ang Eye of Heaven ni Zhao Feng nang bumalik ang kamalayan niya sa Hidden Book Room.
"Mayroon na lamang natitirang ilang dosenang libro."
Inabot ni Zhao Feng ang isang libro nang walang pagpupumiglas. Ang limitasyon ng limampung libro ay parang mas tumataas nitong mga nakaraang dalawa o tatlong araw.
Nang hindi na nag-iisip, tinapos niyang basahin ang lahat ng libro sa Hidden Book Room.
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO