Descargar la aplicación
39.3% King of Gods (Tagalog) / Chapter 623: Lumayo sa Takot

Capítulo 623: Lumayo sa Takot

Editor: LiberReverieGroup

Ang Void Space Eye Slash ay mas malaki at malawak.

Ang mas nakakatakot na parte sa Void Space Eye Slash ay ang kakayahan nitong biglang magteleport at umatake, kahit na ito ay tumama sa buhay na nilalang.

Ibig sabihin nito ay mahirap iwasan ang atake at kaya nitong iwasan ang halos lahat ng depensa.

"Bata…!"

Ang kalahating katawan sa ibaba ng Guard Twenty-Eight ay tuluyan nang nahiwa, at umungol siya sa galit at gulat.

Ang pagkakaroon ng Death Shadow Body, siya ay maayos pa rin kahit na hiniwa ang kanyang kalahating katawan. Tanging ang kanyang battle-power lamang ay bahagyang nanghina.

"Purple Destruction Eye Flame!"

Handa na si Zhao Feng. Muli siyang umatake.

Whoosh!

Ang umuungol na dose-dosenang yarda ang lapad at half-transparent lilang bolang apoy ang nagpadaloy ng aura ng Destruction.

Matapos umabot sa Origin Core Realm, ang kanyang Fan Fire ay umabot sa mas mataas na lebel, at ngayon ay may kinalaman na ito sa Purple Destruction, naglalaman ng power of Destruction at Wind Lightning.

"Hindi maganda!"

Sinubukang umiwas ng Death Guard.

Sa mga normal na sitwasyon, ang eye-bloodline attack ay sobrang hirap na iwasan, at sa usaping pinsala, ang Purple Destruction Eye Flame ay maaaring makita, kaya nakakaiwas pa rin ang Guard Twenty-Eight.

"Hmph!"

Pang-aasar ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Ang Purple Destruction Eye Flame ay umungol kasabay nang pagtama nito sa kalahating katawan ng Guard Twenty-Eight.

Bam!

Ang kalahating katawan ng Guard Twenty-Eight ay agad na pinqgapoy ng Purple Destruction Eye Flame.

"Ang aking katawan….!"

Umungol ang Guard Twenty-Eight kasabay nang panonood niya sa kanyang kalahating katawan na maging uling.

Kahit na ang Death Shadow Body ay imortal, hindi ito nangangahulugan na literal itong hindi nasisira. Kung wala ang enerhiyang po-protekta at susuporta dito, wala itong magagawa sa Purple Destruction Eyw Flame.

Tignan natin kung gaano ka tatagal na kalahati lamang ang katawan mo.

Malamig na ngumisi si Zhao Feng sa kanyang puso.

Dahil sa Death Guard ay masyadong mabilis, hindi natamaanagad ni Zhao Feng ang puso nito, maaari lamang niyang palakihin ang Void Space Eye Slash upang hatiin ang parte ng katawan.

Ang Purple Destruction Eye Flame ngayon ay nakatutok sa nahating parte dahil hindi masyadong magagalusan ang Death Guard kung ito ang kanyang titirahin.

"Bata, gagawin kitang alikabok!"

Kailan pa napahiya nang ganito ang Guard Twenty-Eight? Ang Scythe of Death ay muling lumapot sa kanyang kamay habang lumipad siya patungo kay Zhao Feng gamit ang kalahating katawan niya.

Sa oras na ito, nagpalit siya ng taktika at ginamit ang Scythe of Death bilang armas sa close combat.

"Dancing Scythe of Death!"

Kabaliwan ang nakita sa mata ng Guard Twenty-Eight habang iwinawagayway niya ang Scythe of Death, at malalamig na ilaw ang nagsimulang bumalot sa kanya.

Boom! Boom! Boom!

Ang mga natitirang dopplegangers sa paligid ni Zhao Feng ay agad na nawasak.

"Tang in*!"

Habang hinaharap ang atake ng Guard Twenty-Eight, naramdaman muli ni Zhao Feng ang agaw-buhay na sitwasyon.

Sa huli, ang kaibahan sa dalawang naglalaban ay malaki pa rin.

Ang Scythe of Death kanina ay 30% na pisikal na atake at 70% na soul attack. Gayunpaman, ang 30% na iyon ay nagalusan pa rin si Zhao Feng, na kaunti pa lamang ang nababawing lakas ngayon dahil doon.

Sa ngayon, ang Scythe of Death ay 30% na soul attack at 70% na pisikal, na naglalayon na wasakin ang katawan ni Zhao Feng.

Maaaring sabihin na ang panganib ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraan

"Eye of Ice Soul!"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagpadaloy ng nagyeyelong kapangyatihan na nagbigay ng limitasyon sa Guard Twenty-Eight.

Wings of Wind and Lightning!

Ang pares ng kulay lilang Wings of Wind and Lightning ay nagsimulang tumubo sa likod ni Zhao Feng., at ang kanyang pandama sa hangin at kidlat, maging ang kanyang bilis ay tumaas.

Whoosh!

Ang pakpak ni Zhao Feng ay pumagaspas at sumagad ng kanyang bilis.

Ang bilis niya sa mga oras na ito ay umabot sa Sovereign Lords.

"Pumunta ka rito!"

Sa sandaling ito, hindi na mhabol ng Death Guard si Zhao Feng.

Una, wala na ang kanyang mga hita. Ang kanyang battle power at bilis ay bumaba.

Ikalawa, naka pokus sa kanya ang Eye of Ice Soul ni Zhao Feng.

Habang ang Guard Nineteen ay patuloy na ginagamit ang Death Soul Hand upang kalabanin ang tatlong half-step Void God Realm.

Nagpadaloy ng malakas na Void God Realm intents at pinagyelo ang hangin na may saklaw ng kalahating milya ng tatlong half-step Void God Realm. Maging ang mga Sovereign Lords ay nahihirapan na lumapit.

"Ilang segundo na lamang ang itatagal ko. Hindi pa ba tapos si Guard Twenty-Eight?"

Matapos ang lahat, nakikipaglaban siya sa tatlong half-step Void God Realm, at lahat sila ay mula sa sekta na maaring makapasok sa Spiritual Sacred Land.

Sa kabilang banda, ang Guard Twenty-Five ay nahihirapan na rin. Kinakalaban niya ang maraming peak stage Sovereign Lords.

Ang dalawang Death Guards ay napatingin sa isang direksyon, at napatalon sila sa takot matapos itong makita.

Ang lugar kung saan naglalaban si Zhao Feng at Guard Twenty-Eight ay nabalot ng liwanag.

Sobrang sama ng itsura ng Guard Twenty-Eight. Wala na ang kanyang mga hita at nakikipaglaban siya ngayon gamit lamang ang kanyang kalahating katawan.

"Mali ang impormasyon na ating nakuha. Ang ating target ay umabot na sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm, at katakot-takot ng kanyang battle-power…"

Nalaglag ang puso ng dalawang Death Guards.

Noong muling nabuhay ang Guard Thirty-Three, sinabi niya na ang kalaban ay nasa half-step Origin Origin Core Realm, at kahit sinong Death Guards ay kaya siyang patayin.

"Dancing Scythe of Death!"

Ang Scythe of Death sa kamay ng Guard Twenty-Eight ay naging malaking ipo-ipo at tumungo kay Zhao Feng.

Shua!

Ang Wings of Wind and Lightning sa tabi ni Zhao Feng ay pumagaspas. Hindi siya naglakas loob na labanan ang atakeng ito.

Hindi mahirap sa mga nanood na makitang pinapatagal lamang ni Zhao Feng ang oras.

Ang Death Guard ay mayroon na lamang kalahating katawan. Siya ay lubhang sugatan, kaya ang kanyang bilis ay limitado, habang lumilipas ang oras, bumababa ang kanyang battle power.

"Ang bilis at battle power ng Death Guard ay bababa sa kalahati basta ay mapatagal ko ito."

Alam ni Zhao Feng na habang mas tumatagal ito, mas malaki ang tsansa na manalo siya, kaya paanong hindi rin ito malalaman ng Guard Twenty-Eight? Mas malinaw sa kanya ang sitwasyon. Ang Guard Nineteen ay nilalabanan ang tatlong half-step Void God Realm at hindi na rin kayang magtagal pa.

"Mamatay ka na!"

Umungol ang Guard Twenty-Eight, at agad na umikot ang Scythe of Death at tumunho kay Zhao Feng.

Hu~~

Gamit ang Scythe of Death sa gitna, ang ipo-ipo ay tumungo sa kanya.

"Hindi ito maganda!

Muling nakulong si Zhao Feng sa Scythe of Death kagaya noong nakaraan, at hindi siya makaalis. Sobrang bilis ng Scythe of Death.

"Hahaha…!"

Tumawa ang Guard Twenty-Eight, ngunit nagbago ang ekspresyon ng Guard Nineteen at Guard Twenty-Five, "Huwag mong sisirain ang kanyang bangkay!"

Ang Pursuit of Death sa ngayon ay iba sa nakaraan. Ang Emperor of Death ay sinabi na mas magandang mahuli siya nang buhay, at kung iyon ay imposible, huwag wawasakin ang bangkay.

At sa pinaka masamang sitwasyon, dapat ay buo ang ulo.

Matapos ang lahat, ang Emperor of Death ay gustong kuhanin ang "Ninth God's Eye."

Noong malapit nang mawasak si Zhao Feng dahil sa Dancing Scythe of Death:

Ang Water Bloodline ay hindi kayang dumpensa laban dito. Kailangan kong gamitin ang Water Spirit Divine, ngunit...

Gumulo ang mga ideya ni Zhao Feng, ngunit sa huli ay napagdesisyonan niya na huwag gamutin ang Water Spirit Divine Change. Hindi niya rin ginamit ang Watwr Bloodline upang protektahan ng kanyang sarili.

Boom!

Ang katakot-takot na ipo-ipo ay nawasak.

"Ano!?"

Nanigas ang ekspresyon ng Guard Twenty-Eight.

Walang ginawa si Zhao Feng. Ang katakot-takot na ipo-ipo ay nawasak sa sandaling napalapit ito sa kanya.

Ang maliit na eye bloodline power ang bumalot sa lugar.

"Hindi kaya…? Hindi ito maganda!"

Biglang may naalala ang Guard Twenty-Eight, at tumalon ng kanyang puso. Naalala niya ang impormasyon mula sa Guard Thirthy-Three. Ang target ay may kakayahan na ilipat ang isang bagay gamit ang space at direktang ilagay ito sa loob ng katawan ng kalaban.

Iwas!

Namutla ang Guard Twenty-Eight kasabay ng kanyang paglalaho. Alam niya kung gaano kalakas ang Scythe of Death - may kakayahan itong patayin ang mga nasa half-step Void God Realm.

Gayunpaman, hindi dumating ang spatial movement attack.

Lubhang naguluhan ang Guard Twenty-Eight. Naramdaman niya na ang space ay ninanakaw ang Scythe of Death, kung hindi ay hindi maglalaho ang ipo-ipo.

"Tanga. Sa tingin mo ay ililipat ko ang atake sa katulad mo?"

Ngumisi si Zhao Feng. Sa sandaling natapos niya ang kanyang pangungusap.

"Arghh!"

Isang hiyaw ang nagmula sa hangin sa taas ng Goldern Dargin Scaled Ship.

Shu~~~

Ang Scythe of Death ay tumama sa katawan ng Guard Nineteen.

"Guard Twenty-Eight, ang tanga mo~~!"

Ang Guard Nineteen na nilalabanan ang tatlong half-step Void God Realm ay humiyaw kasabay ng pagyeyelo ng kanyang katawan.

Nilipat ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng Scythe of Death sa Guard Nineteen, na pinakamalakas sa lahat. Sa normal na sitwasyon, ng Guard Nineteen ay mararamdaman na parating ito, ngunit kasalukuyan niyang nilalabanan ang tatlong half-step Void God Realm. Kahit na maramdaman niya ito, wala siyang oras upang umiwas.

"Magandang pagkakataon!"

Naging masaya ang tatlong half-step Void God Realm, ang kanilang Void God Realm intents ay aumira sa Death Soul Hand.

Wah!

Mas lalong napinsala ang Guard Nineteen. Sumuka siya ng dugo kasabay ng pagkawasak ng kanyang kaluluwa.

"Patayin!"

Ang kaluluwa ng tatlong half-step Void God Realm ay binalik ang kanilang katawan at agad nilang inatake ang Guard Nineteen gamit ang lanilang buong lakas.

"Paano ito nangyari?"

Nagkulay abo ang Guard Nineteen. Tila pumasok siya sa kuweba ng yelo. Hindi niya alam kung maipagpatuloy siya sa pag-atake o susuko na.

Ngumiti si Zhao Feng.

Sa katotohanan, marami sa kanyang eye bloodline ang kanyang ginamit. Ang sukat ng Scythe of Death ay mas malaki sa Void Space Eye Slash, at gamit ang kanyang spatial movement sa isang bagay na ganoon kalaki ay kumuha nang malaking enerhiya sa kanya.

Sa sandaling ito, maaari na lamang gamitin ni Zhao Feng ang Void Space Eye Slash nang isang beses. Mahihirapan siyang patayin ang Guard Twenty-Eight, na mayroong Death Shadow Body.

Mas maganda kung ilagay niya na lamang ito sa isang lalagyan.

"Sumuko na."

Utos ng Guard Nineteen. Siya ay may galos na at kasalukuyang inaatake ng tatlong half-step Void God Realm.

Matapos ang lahat, ang tatlo ay mula sa sekta sa loob ng Spiritual Sacred Land, kaya siguradong may mga espesyal silang teknik. Kung gagamitin nila ito, magkakaroon ng panganib sa buhay ng Guard Nineteen.

"Suko na."

Bumuntong-hininga ang Guard Twenty-Eight. Muli niyang ginamit ang Death Shadow Figures at dumami muli ang kanyang bilang, ang bawat isa ay lubhang nagalusan, at pinalibutan niya ang dalawang Death Guards.

"Habulin sila! Ang lakas ng loob niyo na saktan ang mga disipulo namin? Kahit kayo ay mga tauhan pa ng Emperor of Death, hindi namin kayo pakakawalan."

Umungol si Old Li at nakita sa kanya ang kagustuhang pumatay.


Capítulo 624: Kapangyarihan ng isang King

Editor: LiberReverieGroup

Bumalik si Zhao Feng sa Golden Dragon Scaled Ship at umupo, At pinanood ang tatlong half-step Void God Realms galing sa Golden Mountain Sect na tinutugis ng mga Death Guards.

Kahit ang pagkapanalo ay hindi naging madali, mas madali ito kaysa sa huling tunggalian laban sa Death Guard.

Noong nakaraan, ginamit ni Zhao Feng lahat ng posibleng paraan, kasama na rito: ang munting pusang magnanakaw, lahat ng kaniyang True Yuan at lahat ng kaniyang eye-bloodline power, samantala sa mga oras na ito, bukod sa katunayan na ginamit niya ang karamihan sa kaniyang eye-bloodline power, mayroon pa siyang higit sa kalahati ng kanyang True Yuan na natitira.

Bo!

Isang alon ng tubig ang kuminang sa paligid ni Zhao Feng at nagsimulang pagalingin ang pinsalang gawa ng Scythe of Death.

Ang mga atake mula sa Death Guards na naglalaman ng aura of Death, na lubhang nagbibigay panganib sa mga nilalang na may buhay.

Kung hindi para sa katotohanan na ang kanyang state of existence ay umabot na sa limitasyon ng Great Origin Core Realm at natanggap ang isang tonelada ng Ancient Dream Realm aura, siya ay namatay sa Scythe of Death.

Ilan sa mga Great Origin Core ay namatay sana ng walang duda.

Sa paglipas ng panahon, karamihan sa mga sugat ni Zhao Feng ang gumaling, Habang siya ay nagpapagaling, ang ibang dalubhasa ay tumingin kay Zhao Feng nang may malalim na respeto, ngunit ilan din sa mga ito ay nagkaroon npang may mapaghimagsik na ekspresiyon.

"Siya ang bata na Target of Death! Siya ang nagdala ng sakuna sating Golden Mountain Sect...!"

Karamihan sa mga sovereigns ang nagpakita ng katapangan gamit ang kanilang mga ngipin.

Dose-dosenang tao ang namatay ngayon, at halos sampu sa kanila ang mga Sovereigns.

Kalahati ng oras ang ginugol upang magsunog ng insenso maya-maya:

Whoosh! Whoosh! Whoosh~~~~~~

Ang three half-step na Void God Realms ay bumalik sa Golden Dragon Scaled Ship

Kung titignan silang mabuti, ang three-half step Void God Realms ay nagkaroon ng mabangis na pananalita, at sila ay nagalit. Ito ay malinaw na hindi sila nakakuha ng anumang kalamangan sa pagtugis ngayon lang.

Ang isa sa kanila ay nawalan ng isang braso, at ang kanyang pananalita ay madilim

"Zhao Feng. "

Ang ekspreyon ng Matandang Li ay hindi naging maganda habang siya ay nakatingin kay Zhao Feng.

Tumayo si Zhao Feng at sinunandan ang three half step Void God Realms.

Sa loob ng isang eleganteng kuwarto sa Golden Dragon Scaled Ship:

Hahahahaha "Zhao Feng, ano ang nangyayari? Sigurado ka ba talagang ikaw ang target ng Pursuit of Death? "

Nagsalita ang Matandang Li, at ang iba pang dalawang half-step Void God Realms ay tinitigan si Zhao Feng na may mga mata na kumikislap, habang ang one-armed half-step na Void God Realm ay nagpakita ng malamig na ekspresyon.

Sa puntong ito, ang mental energy ng tatlong half-step Void God Realms ay naglagay ng pressure kay Zhao Feng at tinindig ang kaniyang katawan.

Subalit, si Zhao Feng ay hindi baguhan sa ganitong sitwasyon. Siya ay kumalma ng mabilis at sumagot sa isang kalmadong tono, "Ang junior na ito ay talagang ang target ng Pursuit of Death, ngunit hindi ko inasahan ang mga ito na makaabot bago kami pumasok sa True Martial Sacred Land ...."

Hindi ito itinago ni Zhao Feng. Siya ay talagang isang biktima na hinabol ng mga subordinates ng Emperor of Death.

Hindi niya inaasahan ang paglitaw bigla ng tatlong Death Guards.

Ang tatlong half-step Void God Realms ay nagtanong ng ilang katanungan, na tinignan lamang ni Zhao Feng bilang tugon.

Matapos lamang ng ilang sandali at saka bahagyang naglaho at ekspresyon ng pagkamuhi sa tatlong half-step Void God Realms.

Nagtinginan ang tatlo sa isa't isa at nagsimulang makipagusap sa pamamagitan ng Divine Sense.

Makalipas ang ilang sandali:

"Zhao Feng, bagama't ito ay hindi iyong kasalanan, ikaw ang may pananagutan para dito. Kailangan mong sabihin sa upper echelon ng sect kapag dumating tayo sa Sacred Land."

Ang one-armed half-step Void God Realm ay nagsalita sa malalim na tono.

Huminto si Zhao Feng. Talaga bang paparusahan siya ng Golden Mountain Sect?

"Munting Kaibigang Zhao, wag kang malito, Napinsala ang sect, kaya kailangan nating sabihin ang naging dahilan sa upper echelon. Kailangan mo lamang kaming sundan kapag nakarating na kami sa Sacred Lang at makisali"

Ang Matandang Li ay ngumiti at sinabing.

"Kumalma ka, Old Li"

Naunawaan ni Zhao Feng. Natakot si Matandang Li na tumakas siya sa kalagitnaan ng paglalakbay. Kung nangyari iyon, ang tatlong half-step Void God Realms ay hindi makapag-ulat sa kanilang mga bosses.

"Dagdag pa rito, ligtas ka kapag pumasok ka sa True Martial Sacred Land. Kahit na ang Emperor of Death ay hindi mangaahas na salakayin ka doon. "

tumango si Zhao Feng. Hindi siya nagduda dito; bagama't ang Emperor of Death ay malakas, hindi siya isang Emperor ng True Martial Sacred Land.

Dagdag pa rito, ang three-star forces ng True Martial Sacred Land ay tiyak na nagkaron ng Mystic Light Realm Sacred Lords dahil ito ang kinakailangan sa isang sec para maituring na three-star force.

Sa loob ng gintong silid, ang tatlong half-stap Void God Realms ay tinignan lamang si Zhao Feng na umalis.

"Matandang Li, sigurado kaba na ang batang iyan ay may kaugnayan sa Duanmu Qing sa ibang paraan?"

Kumislap ang mga mata ng one-armed half-step Void God Realm. Hindi maganda ang kaniyang palagay kay Zhao Feng simula mawala ang kaniyang braso sa pagtugis sa Death Guards.

Kung walang matibay na kaligiran si Zhao Feng, ang half-step Void God Realm ay malamang tinuruan na siya ng leksyon.

"Siguro ay totoo to. Ang eye-bloodline ng batang iyon ay sobrang kakaiba, kaya siguradong may isang malakas sa likuran niya. Higit pa rito, Ang Duanmu Qing ay madalas na nasa seklusyon sa Sacred Land, kaya ang mga normal na tao ay hindi alam ang kaniyang pangalan."

Sa makailang saglit sinabi ng Matandang Li.

"Tama iyan, ang lakas ni Duanmu Qing ay hindi maarok, at malamang na sinusubukan niyang ma break throught ang Mystic Light Realm."

Ang tatlong half-step Void God Realms ay puno ng respeto kay Duanmu Qing.

Sa loob ng Spiritual Sea, kung saan gumawa ng bagyo si Yuan Qi at marahang tumakbo, bumalik sa normal ang Golden Dragon Scaled Ship at tumungo sa Sacred Land.

Pagkalipas ng ilang oras, ang mga sugat ni Zhao Feng ay tuluyan nang gumaling.

Sa sandaling ito, ang Heaven Earth Yuan Qi sa paligid ng Spiritual Sea ay kumalma.

"Napakasiksik ang Heaven Earth ni. Yuan Qi! Maihahambung ito sa Purple Saint Ruins."

Lubos na nasurpresa si Zhao Feng. Mula nang pumasok sa panlabas na mundo, ang pakiramdam na binigay ng limitless ocean ay magulo at mahirap. Ang Yuan Qi ay hindi siksik kakaiba sa kalupaan sa loob, subalit hindi lohikal ang gitna ng Spiritual Sea.

Matapos siyasatin ito natagpuan ni Zhao Feng ang Spiritual Sea ay katulad ng sentro ng ipoipo ng Heaven EarthYuan Qi sa limitless ocean.

"Malapit na tayo."

Isang pares ng Origin Core Realm Sovereign Lords sakay ng Golden Dragon Scaled Ship ay tumingin patungo sa distansya, at si Zhao Feng ay tumingin gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ilang daang milya ang layo, may isang daang yardang lawak na bilog na liwanag na lumutang sa ibabaw ng Spiritual Sea na parang araw.

Makulay at malabong larawan ang makikitang nakapaloob sa bilog.

"Iyon pala ang pasukan?"

Maraming tao ang naglakad patungo sa palapag ng Golden Dragon Scaled Ship at nanood.

Maraming eksperto malapit sa pasukan, at bawat isa sakanila ay nasa Great Origin Core Realm.

Sa hangin sa taas ang Sacred Land, isang kumikinang na asul na ilaw ang lumutang na parang diyos, at ang kapangyarihang taglay nito ay para bang pinapatigas ang Langit at Lupa.

"Pagbati, Grand Elder."

"Pagbati, King."

Maraming nakasakay sa Golden Dragon Scaled Ship ang yumuko.

_Void God Realm King?_

Kumislap ang mga talukap ni Zhao Feng nang tumingin siya sa taas ay may nakita siya ng nagniningning na asul na mala-diyos ang itsura.

Kahit hindi niya ito makita ng malinaw sa loob ng liwanag, at hindi sinubukang gamitin ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at ang kaniyang Spiritual Sense.

Sa harap ng kapangyarihang ito, lahat ng sensing abilities at lahat ng Heaven Earth Yuan Qi ay pinigilan.

Ang kapangyarihan ng King ang namuno.

Isang magsasaka ang nakaharap sa emperor; hindi niya magawang titigang direkta ang emperor.

Ang Matandang Li at ang iba pang dalawang half-step Void God Realms ay lumipad patungo sa Void God Realm King.

"Ano ang nangyari sa iyo at humingi ka ng tulong sa Sacred Land?"

Ang balangkas ng isang lalaki sa loob ng asul na liwanag ay nagsimulang maging mas malinaw, at ang kanyang emosyonal na tinig ay tila bumaba mula sa malayo.

Ang buong lugar ay napunl ng kanyang kahanga-hangang kapangyarihan, at ang mga kaisipan ng mga eksperto sa Origin Core Realm na nakasakay sa Golden Dragon Scaled Ship ay pinabagal at nanginig.

"Diyos na King, ito ang nangyari..."

Malamig na pawis ang lumitaw sa noo ng Matandang Li

Ang tatlong half-step Void God Realms ay nagsimulang ilathala ang mga nangyari.

Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Zhao Feng ang lalaking naka asul na damit. Sa mga sandaling iyon ang kaniyang kaluluwa ay tila nagising, at napatigil ang kaniyang pag-iisip.

Huminga ng malalim si Zhao Feng. Hindi niya sinubukang lumaban pabalik, sa kabutihang palad ang kapangyarihan ay lumiwanag lang at hindi pumasok sa kaniyang katawan. Kung hindi... sa naiisip ng Void God Realm ay kayang sirain ang normal na kaluluwa ng isang Sovereign Lord.

"Kaya, ito ang kapangyarian ng Void God Realm. Ang kanilang kaluluwa ay lubos na malakas, at kahit gaano kalakas ang pisikal na katawan ng isang tao, hangga't ang kanilang naiisip at ang kaluluwa ay napapahinto, maaari silang patayin gamit lamang ang nasa isip. "

Si Zhao Feng ay nagulat. Ang nararamdaman niya ay ang malaking bangayan sa pagitan ng kanilang mga kaluluwa.

Tila, ang Divine Sense of a Void God Realm King ay maaaring umalis sa kanilang pisikal na katawan at lumipad sa hangin at may kapangyarihang hindi kayang unawain sa pangkalahatan.

"Emperor of Death?"

Surpresa ang lumitaw sa tinig ng blue-robed na lalaki.

Ang isang kahanga-hangang kapangyarihan ay muling nabuhay sa kaluluwa ni Zhao Feng, nabuhayan ang kanyang katawan at isip.

Lumuhod ang Normal Origin Core Realms, ngunit si Zhao Feng ay nanggaling sa Ancient Realm Dream, at ang aura roon ay lubos na makapangyarihan.

"Pano mo nagawang dalhin ang target ngayon Pursuit of Death sa Golden Mountain Sect? Isang delubyo ito..."

Ang boses ng blue-robed na lalaki ay hindi komportable.

Nanginginig ang Matandang Li at ang kaniyang mga kasama, at sila ay nababalisa. Kahit na alam nila ang Emperor of Death, tila hindi nila iniisip ang panganib na dulot nito.

Bilang Void God Realm, ang blue-robed na lalaki ay higit na maingat sa Emperor of Death kaysa sa sinumang nakakabababa sa Void God Realm.

"Ang Emperor of Death ay mayroong Eye of Death at ang bihasa sa mga Emperors, Noong nakaraan, isang dalubhasa ng Golden Mountain Sect kasing lakas ng aking sarili ay muntikan nang mapatay ang Emperor of Death, ngunit pinaubaya niya sa Pursuit of Death sa huling sandali upang mabuhay...."

Sinabi ng blue-robed na lalaki nang may pagkabigo.

Bukod sa tatlong half-step Void God Realms, tanging si Zhao Feng ang nakakaintindi sa komunikasyon na nangyayari sa soul dimension.

Napatalon ang puso ni Zhao Feng. Tila ang King ng Golden Mountain Sect ay natakot sa Emperor of Death at hindi naglakas-loob na saktan siya.

"Grand Elder, ang junior na ito ay mayroon ding ..."

"Sinubukang magpaliwanag ng Matandang Li."

Sa mga sandaling iyon:

Peng! Peng! Peng! Peng!

Sakay nang Golden Dragon Scaled Ship, Nakaramdam ang kaluluwa ni Zhao Feng ng isang pakiramdam na hindi niya pa nararamdaman noon"

"Sinong nandiyan!?"

Ang Void God Realm layunin ng lalaking bughaw ang dumaan sa limitless ocean at nagdulot sa Langit at Lupa na magiba ng kulay.

Kasabay nito, apat na Death Guards at isang mataas na anyo na gumawa sa Heaven Earth Tuan Qi na napuno ng Kamatayan ay lumakad.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C623
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO