Kahit nawasak nang bahagya ang kanyang tuyong source of power at ang dami ng kanyang kapangyarihan ay nabawasan at naging 90% na lamang, ang Half-Step True Yuan naman sa kanyang katawan ay nagkaroon ng nakamamanghang pagbabago.
Ang Purple Destruction Wind Lightning ni Zhao Feng ay umabot na ng 80-90% sa kabihasaan, at ang aura of Destruction nito ay ilang beses na mas malakas.
"Kahit na Half-Step True Yuan pa lamang ito, ang aura nito ay hindi naiiba sa tunay na True Yuan."
Nakaramdam si Zhao Feng ng isang kakarampot ng Purple Destruction sa kanyang palad, at ang pagkakaiba nito ay hindi lamang limitado doon.
May kinalaman rin ito sa pagbabago sa kanyang origin of power.
"Ang pag-abot sa Origin Core Realm sa loob ng Ancient Dream Realm ay nangangahulugang kailangan kong higupin ang kapangyarihan ng Wind and Lightning sa lugar na iyon."
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. May kakaiba siyang nararamdaman; kahit na galing ang Purpele Destruction Lightning sa Wind Lightning Emperor's Inheritance, ang source ng kanyang Wind and Lightning ay nagbago.
Kahit pa siguro ang Wind Lightning Emperor ay hindi malalaman kung anong uri ng landas ang kasalukuyang kinalalagyan ng Wind Lightning ni Zhao Feng.
Baka ito nga ang kahulugan ng muling pagbangon pagkatapos ng pagkasawi.
Nalaman ni Zhao Feng na kahit nabawasan ang dami ng kanyang kapangyarihan ng 10%, ang lahat ay nagbago nang higit.
"Magsimula ulit tayo."
Umupo si Zhao Feng at pinadaloy ang kanyang enerhiya.
Ang aksidente kanina ay pinahirapan ang maayos na sanang proseso niya, pero hindi naramdaman ni Zhao Feng na natalo siya; sa halip, sinimulan niya ulit ang lahat.
Di! Da!
Nagsimula nang malipon ang kulay lilang source at ang nakasisindak na aura sa kanyang dantian.
.
Nalipon lamang ito; walang kakayahan si Zhao Feng na i-compress ito.
Pagkatapos ng pagbabago, ang kalidad ng Half-Step True Yuan ay naging napakataas, at ang kapangyarihan nito ay ilang beses na mas malakas kaysa sa True Yuan ng isang normal na Origin Core Realm.
Kalahating araw ang nakalipas, nagsimula nang matuyo ang kulay lilang source.
Napakabilis!
Napatalon si Zhao Feng sa gulat.
Pagkatapos ng pagbabago, ang kalidad ng kanyang source ay napakalakas na. Nalagpasan na nito ang orihinal na ekspektasyon ng Wind Lightning Emperor's Inheritance.
Nagsususpetsa si Zhao Feng na ang source of power niya ay umabot na sa True Yuan level. Kung hahayaan niya lamang ito lumamig, agad-agad itong matutuyo mamaya-maya.
Kalahating araw ang nakalipas, nagsimula nang mapipi ito sa Core Center na kasinglaki ng isang munggo.
Ang Core Center ay isang maitim na maningning na lila.
"Nakabuo na ako ng isang Core Center?"
Bahagyang nagulantang si Zhao Feng. Ang buong proseso ng pagbubuo ng kanyang Core Center ay nakumpleto lamang sa isang hakbang.
Boom!
Sa pagkakataong nabuo ang kanyang Core Center, ang enerhiya ni Zhao Feng at ang kanyang essence ay nagsimula nang maglakbay sa kanyang buong katawan.
Sa parehong pagkakataon, ang mga lilang ulap ay nagsimula nang malipon at mabuo sa itaas ng kwarto ni Zhao Feng, at isang nakatatakot na kidlat ang bumalot sa lahat ng nasa loob ng isang milya.
Ang mga aura ng Wind and Lightning ay nakabuo ng isang nakakatakot na presyon, at ang lahat ng nasa kanilang tinutuluyan ay nanginig.
"Napakalakas na Wind and Lightning. Mayroon pang aura of Destruction."
"Mukhang may nakaabot ng Origin Core Realm."
Mga buntong-hininga, bulalas, at paghanga ang nagmula sa kanilang tinutuluyan.
Ang sakop ng intent ng Sovereign ay hindi naman ganoong kalaki - mas maliit pa nga ito kaysa sa karamihan - pero ang presyon ay maikukumpara sa isang Great Origin Core Realm.
"Ang aura ng Sovereign na ito ay kakaiba."
Mayroon pang ibang mga Sovereigns sa tinutuluyan nila, at may mga pagkakataon rin sila kung saan nagpataas sila ng antas, pero ang aura mula sa Core Center na ito ay kakaiba at hindi sila mapakali dahil dito.
Sa loob ng kwarto:
"Origin Core Realm? Nakalagpas na ba ako nang matagumpay? Pero… Ang Core Center na nalipon ko ay higit na mas maliit kaysa sa mga normal na Sovereign."
Pagbulong ni Zhao Feng.
Totoo nga, ang Core Center na kanyang nalipon ay higit na mas maliit kumpara sa normal na Core Center sa mga libro.
Nangangahulugan ito na ang cultivation ni Zhao Feng ay nasa maagang yugto pa lamang ng Small Origin Core Realm, pero ang aura at lakas na nararamdaman niya ay ay higit pa sa isang nasa panggitnang yugto ng Small Origin Core Realm.
Bukod pa roon, ang source of power ni Zhao Feng ay umanib na sa intent at pang-unawa niya sa Purple Destruction Wind Lightning, na umabot na ng 80-90% na pagkabihasa.
Kung kaya, ang aura ni Zhao Feng ay malabo. Mukha itong nasa maagang yugto na parang nasa panggitna na ng Small Origin Core Realm.
"Makakaabot rin ako ng panggitnang yugto ng Small Origin Core Realm basta lumaki lang ang aking Core Center. Hindi rin naman na ganoon kalayo sa akin ang huling yugto."
Nagpakawala si Zhao Feng ng mahabang hininga at itinago ang kanyang aura. Pagkatapos niyang "bumangon pagkatapos ng pagkasawi", ang kanyang source of power ay naging napakadalisay. Nangangahulugan ito, na kapag itinago niya ang kanyang aura, mukha talagang nasa maagang yugto siya ng Small Origin Core Realm.
"Binabati kita Master sa pag-abot sa Origin Core Realm."
"Binabati ko po kayo Kapitan!"
Dumating na sina Skeletal Division Leader, Li Yunya, Loulan Zhishui at ang mga kasama nito habang naghihintay sila sa labas.
Ang mga Sovereigns ay mga napakataas na anyo sa mga normal na isla, at tinagurian na silang mga eksperto sa walang hanggang karagatan kung kaya nirerespeto sila saanman.
Ngumiti nang bahagya si Zhao Feng at saka lumabas ng silid.
Maraming mga Spiritual Senses ang nagsidaungan, at ang mga ekspresyon nila ay nagbago. Halata namang hindi nila inaasahan na ganito pa pala kabata ang Sovereign.
Komplikado ang mga mukha nila Skeletal Division Leader, Li Yunya, Loulan Zhishui at iba-iba rin ang kanilang mga emosyon.
Mula sa kanila, ang emosyin ng Skeletal Division Leader ang pinakamabigat, at tila ba naaawa ito sa sarili niya. Malapit nang maabutan ni Zhao Feng ang kanyang cultivation. Kahit noong nasa Half-Step Origin Core Realm pa si Zhao Feng, matagal na itong mas malakas sa kanya. Ngayon, hindi niya na talaga matantsa si Zhao Feng.
Nagulantang naman sina Li Yunya at Loulan Zhishui sa potensyal at talento ni Zhao Feng.
Pareho silang nasa tuktok kung pag-uusapan lang naman ang talento.
Si Loulan Zhishui ang pinakamahusay na prodigy sa Eight Desolate Mountains, at mayroon siyang estado na kagaya ni Yu Tianhao ng Azure Flower Continent.
Si Li Yunya ay isa lamang sa isang libong taon na henyo na nagmula sa isang two-and-a-half-star sect, ang Six Ring Palace.
"Para makaabot sa Origin Core Realm nang ganoong kabata… Mukhang ang mga tao lamang sa Spiritual Sacred Lands ang maikukumpara sa kanya."
Naramdaman ni Li Yunya na hindi siya kasinggaling ni Zhao Feng.
Tumingin si Zhao Feng sa paligid at pinanood ang emosyon ng lahat. Nakaramdam siya ng maraming pamilyar na tingin sa kanyang path of cultivation, pero isang Sovereign na isang supreme expert sa Azure Flower Continent ang binabantayan siya; nakaramdam tuloy ng saya si Zhao Feng.
Subalit, nang isipin niyang muli ang Pursuit of Death, biglang nawala ang saya ni Zhao Feng.
Hindi nagtagal, nakarinig si Zhao Feng ng ilang mga ulat mula sa lahat ng nasa silid.
"Ang array flag ng Ghost Corpse Cursed Array ay nakumpleto na kalahating taon ang nakalilipas, at ang lakas ng mga cursed ghost-corpses ay malapit na sa Half-Step Origin Core Realm. May iilan rin namang naabot na ito."
Unang nagsalita ang Skeletal Division Leader.
Pagkatapos mag-aksaya ng maraming bilang ng resources, ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay umangat na sa bagong antas.
Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.
Kapag nakaabot na ang hundred ghost-corpses ng Half-Step Origin Core Realm at nakalamon na sila ng blood essence ng ilang daang Sovereigns, magkakaroon sila ng panibagong entabladong tatayuan.
Dagdag pa roon, may naisip si Zhao Feng, gusto niyang pagsamahin ang Ancient Dream Realm aura sa mga cursed ghost-corpses, pero nasa isip niya pa lang naman ito. Wala pa siyang ginagawang mga kilos.
"Kapital, ang barko ay naayos na at napatatag. Ang mga mandaragat rin ay kasalukuyang nagcucultivate sa Void Ocean Spiritual Palace."
Wika ni Loulan Zhishui.
Tinapos na ng Skeletal Division Leader at ni Loulan Zhishui ang kanilang mga ulat.
Ang kanilang mga tingin ay napunta kay Li Yunya, at kahit si Zhao Feng ay umaasa rin.
Lahat ng mga gawain ng iba ay maayos, at si Li Yunya pa naman ang may pinakamahalagang gawain.
Ang mga balita tungkol sa Spiritual Zone Teleportation Array ay kasing halaga ng tungkol sa pag-abot ni Zhao Feng sa Origin Core Realm.
"Kapitan, ang Void Ocean Spiritual Palace ay ang teritoryo ng Eternally Sealed Island, at ayon sa mga balitang nakuha ko sa Ten Thousand News Building, ang Void Ocean Spiritual Palace na ito ay may Spiritual Zone Teleportation Array na konektado sa ilang dosenang nakapalibot na Void Ocean Spiritual Palaces... "
Ngumiti si Li Yunya nang sabihin ito.
Ang Ten Thousand News Building ay isang lugar na nasa Void Ocean Spiritual Palace kung saan nagbebenta sila ng impormasyon.
Basta may sapat na Primal Crystal Stones ang isang tao, walang halos hindi masasabing balita sa iyo ang Ten Thousand News Building.
"Gaya ng inaasahan.. Mayroon ngang Spiritual Zone Teleportation Array sa Void Ocean Spiritual Palace."
Patuloy na tumingin si Zhao Feng kay Li Yunya.
Ang isang Spiritual Zone Teleportation Array at kadalasang may distansyang halos isang island zone lang ang kaya. Kahit ang mga two-star sects ay walang ganitong kakayahan.
Ang pinakamalalaking pa ngang Spiritual Zone Teleportation Arrays ay may kakayahang magteleport sa pagitan nf Spiritual Sacred Lands.
"Katulad rin ito ng iba pang Void Ocean Spiritual Palaces. Ang Void Ocean Spiritual Palace na nasa Eternally Sealed Islands Zone ay kontrolado ng isang Void Ocean Spiritual Palace Lord, at kailangan palagi na may permiso muna sa kanya bago ito magamit."
Paghinti ni Li Yunya.
Eternally Sealed Void Ocean Spiritual Palace Lord.
Ang mga Void Ocean Spiritual Palaces ay nakakalat sa walang hanggang karagatan, at halos bawat island zone ay may isa nito.
Ang tagapamahala ng Void Ocean Spiritual Palace sa Eternally Sealed Islands Zone ay ang Eternally Sealed Palace Lord.
"May paraan ba para hayaan tayo ng Eternally Sealed Palace Lord na gamitin natin ito?"
Pagtatanong ni Zhao Feng.
Alam niyang nakareserba lamang ang Spiritual Zone Teleportation Arrays para sa mga taga-Spiritual Sacred Lands, at hindi para sa publiko.
"Tama iyan, ang tanging paraan lamang ay ang payagan tayo ng Eternally Sealed Palace Lord. Siya lang ang may kakayahang gawin ito."
Wika ni Li Yunya.
Sa mga nakalipas na araw, nagtanong-tanong si Li Yunya tungkol sa mga hilig na gawain ng Eternally Sealed Palace Lord at sa ugali nito.
"Ang cultivation ng Eternally Sealed Palace Lord ay umabot na sa Half-Step Void God Realm, at bilang isang Palace Lord, napakayaman niya. Sa sobrang yaman niya, daig niya pa ang even Void God Realms. Kung kaya, halos imposible na matinag siya sa pamamagitan lamang ng mga kayamanan o kay sandata. Ang kanyang battle-power rin ay nasa Void God Realm, at wala namang masyadong nang-aapi sa kanya."
Nagsalitas Li Yunya sa isang taimtim na boses.
Nang marinig ito, ang kilay ni Zhao Feng ay napakunot.
Ang lakas, estado, at kayamanan ng Eternally Sealed Palace Lord ay nasa sukdualn. Walang kahit sino ang makatitinag sa kanya.
"Mabuti na lamang at nakahanap ako ng butas. Ang Eternally Sealed Palace Lord ay may mga kinahihiligang gawnin."
Ngumiti si Li Yunya.
"Hmm? Isang butas?"
Agad na naging interesado si Zhao Feng. Talagang napakamaalam ni Li Yunya.
Ikinagulat ng lahat ang mga binitawang salita ni Li Yunya.
Kalabanin ako?
Napahinto si Zhao Feng, at kahit sina Loulan Zhishui ay nagulantang.
"Kailangan ko munang maintindihan ang lakas ng ating Kapitan bago natin kausapin ang Eternally Sealed Palace Lord. Syempre, hindi ko naman itinatanggi na gusto ko talagang malaman kung gaano na siya kalakas ngayon matapos niyang maabot ang Origin Core Realm."
Kinakalaban ba ni Li Yunya ang Kapitan?
Hindi mapigilan ng Skeletal Division Leader, Loulan Zhishui, at mga kasama nito na magpakita ng mukhang interesado.
Kahit si Zhao Feng ang kapitan ng Blue Lightning Sea Sky Ship, hindi naman siya nakipaglaban sa kahit sinong mandaragat. Dagdagan pa ng katotohanang kakataas lang ng antas niya at nagbubuga siya ng aura na maikukumpara sa isang Great Origin Core Realm, ang lahat ay interesado.
"Oo naman."
Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Hindi lamang dahil sa may kinalaman ang hamon ni Li Yunya sa Eternally Sealed Palace Lord at sa Spiritual Zone Teleportation Array, kundi gusto ring masubukan ni Zhao Feng ang kanyang bagong lakas.
Nagtungo na ang pangkat sa isang martial arts field mamaya-maya.
Ang mga panuluyan sa Void Ocean Spiritual Palace ay malaki ang pinagkaiba sa mga nasa mortal na mundo.
Ang mga panuluyan rito ay pinagawa ng mga opisyales, at ang lahat ng nanatili ay mga eksperto sa panlabas na mundo. Ang espasyo sa pagitan ng mga panuluyan ah maikukumpara sa isang buong kastilyo, at ang martial arts field sa loob nito ay hindi rin normal.
Halimbawa, ang field rito ay ilang daang yarda ang laki, at may protective arrays na nakapalibot dito.
"Pakitago ang laban."
Sinabihan ni Li Yunya ang isa sa mga nagtatrabaho roon.
Shua!
Ngumiti nang bahagya ang nagtatrabaho at ikinumpas ang array flag. Agad na natakpan ng isang itim na iskrin ang martial arts field, na ngangahulugang hindi ito mapapanood ng mga nasa labas na hindi pa umaabot sa Void God Realm.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na isipin anh layunin ni Li Yunya at paano ito naging kaugnay ng Eternally Sealed Palace Lord.
Sa loob ng field, nakatayo si Zhao Feng at Li Yunya na kaharap ang isa't isa.
Tanging ang Skeletal Division Leader at si Loulan Zhishui lamang ang nanonood.
Malakas na talaga si Kapitam kahit bago pa siya makalagpas ng antas. Ang kanyang eye-bloodline ay nakapatay na ng isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
Pag-iisip ni Loulan Zhishui.
Sa kanilang mga pananaw, si Li Yunya ay hindi talaga kapantay ni Zhao Feng.
"Kapitan, huwag mong gagamitin ang iyong eye-bloodline sa laban ngayon."
Pakiusap ni Li Yunya.
Huwag gamitin ang kanyang eye-bloodline?
Napahinto ang lahat nang saglit.
"Napakatuso naman ng Li Yunya na ito."
Wika ni Loulan Zhishui, pero nang sabihin iyon ni Li Yunya, ang kanyang mukha ay hindi namula o hindi man lang bumilis ang tibok ng puso niya.
Alam niyang kapag ginamit ni Zhao Feng ang kanyang eye-bloodline, hindi na siya magkakaroon pa ng tsansa.
"Hehe, hindi ko gagamitin ang eye-bloodline ko, pero may mungkahi ako."
Ngumiti si Zhao Feng.
Napatigil rin si Li Yunya. Lalagyan rin kaya siya ng restriksyon ng Kapitan?
Sa pagkakataong iyon:
"Ang isa ay hindi sapat. Bakit hindi kayong dalawa ang sabay na labanan ako?"
Ang tingin ni Zhao Feng ay napunta sa Skeletal Division Leader.
Dalawa nang sabay?
Nagulantang sina Li Yunya at ang Skeletal Division Leader.
"Labanan ang dalawa nang sabay at walang eye-bloodline?"
Nanlaki ang mga mata ni Loulan Zhishui.
Bago sila pumasok ng walang hanggang karagatan, nakaasa lamang nang higit si Zhao Feng sa Skeletal Division Leader. Kapag hindi niya ginagamit ang kanyang eye-bloodline, si Zhao Feng ay hindi naman ganoon kalakas.
"Zhe zhe. Master, gusto mo kaming labanan nang sabay? Nagiging sobrang kampante ka naman yata."
Naglakad papalapit ang Skeletal Division Leader nang may kumpiyansa.
Dalawang nasa huling yugto na Small Origin Core Realm auras ang agad na kumalat sa buong field. Dagdag pa roon, parehong ang Skeletal Division Leader at si Li Yunya ay mas malakas kaysa sa mga normal na nasa huling yugto ng Small Origin Core Realms.
Mas malakas na sa ngayon ang bone-strengthening technique ng Skeletal Division Leader nang magsama ito at ang Nine Deadly Yin Bone. Halos hindi ito mapapantayan ng mga nasa ibaba ng Great Origin Core Realm.
Sa kabilang banda, ang cultivation ni Li Yunya ay papalapit na sa Peak Small Origin Core Realm.
Bilang isa sa kada libong taong henyo ng Six Ring Palace, ang kanyang battle-power ay nakamamangha rin.
"Simula na."
Nanatiling kalmado si Zhao Feng nang harapin silang dalawa.
"Heavenly Star Sword."
Itinaas ni Li Yunya ang kanyang kamay, at isang Earth-Grade Sword na may ancient carvings ang nagpakita sa kanyang kamay.
__
Seven Star Heaven Slaughtering Technique!
Nanginig ang Heavenly Star Word ni LiYunya, at maraming kay tingkad na sinag ng sword-light ang umasinta kay Zhao Feng na tila mga bulalakaw.
"Anong lalim ng iyong sword technique! Tinatawag niya ang kapangyarihan ng mga bituin at isinama sa kanyang Sword Dao."
Napabulalas ang Skeletal Division Leader. Talagang karapat-dapat talaga si Li Yunya sa titulo ng pagiging isa sa kada libong taong henyo ng Six Ring Palace.
"Deadly Bone Wall!"
Ikinumpay ng Skeletal Division Leader ang kanyang kamay pataas, at daan-daan hanggang libo-libonh buto ang nagbuga ng nakamamatay na apoy habang nagsisimula itong bumuo ng pader sa palibot ni Zhao Feng.
Boom! Boom! Boom!
Ang kapaligiran ni Zhao Feng ay nahaharangan ng mga patong ng flaming bone walls, na siyang papalapit na at handang pigilan ang kilos niya.
"Seven Star Heaven Slaughtering Technique!"
Sa parehong pagkakataon, ikinumpas ni Li Yunya ang kanyang ispada at may mga sword-lights na naghati-hati habang papunta na ito upang durugin si Zhao Feng.
Ang pagtutulungan ng dalawang Sovereigns ay perpekto.
Si Li Yunya ang bahala sa pag-atake samantalang ang Skeletal Division Leader naman para sa kanyang sariling imbentong technique na maglalagay ng restriksyon kay Zhao Feng at isang panalag na rin.
Kahit ang mga nasa Great Origin Core Realm ay matitinag ng ganitong klaseng atake.
"Hmph."
Isang ngiti ang sumilay sa bibig ni Zhao Feng. Agad-agad naman niyang maiiwasan ang mga atake gamit ang kanyang bilis.
Weng~
Isang suson ng purple lightning na nagbubuga ng ancient aura of Destruction ang nagpakita sa palad ni Zhao Feng.
Purple Lightning Wind Ring!
Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang palad, at isang Purple Destruction Wind Lightning ang siyang inalis ang lahat ng nasa kanyang daan.
Crack! Crack! Crack!
Ang flaming bone wall na nakapalibot sa kanya ay agad na nawasak nang makasagupa nito ang kidlat, at naging isang itim na usok na lamang.
"...ang Deadly Bone Wall ko!"
Ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader ay higit na nagbago. Ang Deadly Bone Wall ay isang sikretong technique na kanyang ginawa sa nakaraang kalahating taon, at ginawa ito upang pigilan ang mga kalaban na mas malakas kaysa sa kanya.
Subalit, sa harap ng Purple Lightning Wind Ring, ang lahat ay nasira. Ang technique na pinaghirapan niya sa nakaraang anim na buwan ay nasira lamang na parang papel.
Halata naman kung sino talaga ang mas nakakaangat.
Weng~~
May mga kakaunting sinag ng purple lightning rings galing sa shockwave ang siyang tumama patungo sa Skeletal Division Leader.
"Deadly Bone Protection!"
Ang mga butong ginto at pilak ng Skeletal Division Leader ay naging maitim na suson ng apoy na bumalot sa kanyang katawan.
Whoosh!
Bago pa man dumating ang ring ng Purple Destruction Lightning Wind, ang apoy na nakabalot sa Skeletal Division Leader ay nagsimulang maglaho, at isang itim na usok ang lumabas sa kanyang mga buto na siyang nagpaungol sa kanya.
Bam! Bam! Bam!
Napilitang mapaatras ng Skeletal Division Leader nang mapabulalas siya sa gulat, "Ang aking bone-strengtheninh technique….!"
Sa kabilang banda, ang atake naman ni Li Yunya ay agad na nadurog ng Purple Lightning Wind Ring ni Zhao Feng bago pa man ito dumating. Ang Purple Lightning Wind Ring ay kaiba sa Ring of Lightning ng luma.
Ang sikretong technique na ito ay gumagawa ng isang ipo-ipo na hindi nakaaasa.
"Ang Purple Lightning Wind Ring ay nagagamit sa parehong opensa at depensa."
Nakatayo su Zhao Feng nang hindi gumagalaw habang ang kaoangyarihan ng Purple Lightning Wind Ring ay winalis ang lahat ng nasa daan nito. Tila ba isa itong bagyo na kayang lulbusin ang kahit anong humaharang sa landaa nito.
Boom!
Napilitan si Li Yunya na mapaatras ng ilang dosenang yarda, at isang itim na usok ang bumuga mula sa kanyang katawan. Mayroon ring mga sunog na parte sa kanya.
Ang kayang depensa ay hindi kasinglakas ng Skeletal Division Leader, kung kaya halata namang masasaktan talaga siya ng Purple Destruction Wind Lightning.
"Deadly Bone Strengthening!"
Naging isang flaming bone giant ang Skeletal Division Leader, at bawat galaw nito at kilos ay naglalaman ng hindi masukat na kapangyarihan habang ang flames of Death and Yin ay umuungol.
Sa harao ng presyon ni Zhao Feng, ginamit niya ang kanyang sikretong technique nang walang pag-aalangan.
Sa ilalim ng bago nitong estado, halos hindi na nito masalag ang mga rings of purple lightning.
Sa kabilang banda, napilitan naman mapunta si Li Yunya sa isang sulok, at gulo-gulo na ang kanyang itsura.
"Ito ang lakas ni Kapitan? Isang simpleng atake lamang at napwersa na niya ang dalawang nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm sa ganitong klaseng sitwasyon."
Nayanig ang puso ni Loulan Zhishui.
Ni hindi pa nga talaga tunay na umaatake si Zhao Feng.
"Kahit na naabot niya ang Origin Core Realm, paano nangyaring ganito na siya kalakas?"
Ang flaming bone giant o ang Skeletal Division Leader mismk ay nagsimula namg maging usok.
Ang kapangyarihang nilalaman ng Wind Lightning Rings ay ilang beses na mas dalisay kaysa sa bago umangat ng antas si Zhao Feng, ganoon rin ang nangyari s Destructive aura.
Agad na napwersa ang Skeletal Division Leader at si Li Yunya sa ganitong sitwasyon nang walang panlalaban man lang.
"Hehe, tapos na."
Ngumiti si Zhao Feng nang maglaho na ang mga rings ng Purple Destrucition Wind Lightning.
Shua!
Isang labing-imahe ang naiwan nang ang kanyang anyo ay gumuhir sa ere na tila ba isang multo.
Ang Spiritual Senses ng dalawang Sovereigns ay hindi matukoy ang galawa ni Zhao Feng.i
"Blade of Purple Destruction."
Isang manipis na patalim na nagbubuga ng dalisay na kawasakan ang sjyang nagpakita.
Whoosh!
Napahiyaw ang Skeletal Division Leader nang isa sa kanyang mga braso ay naputol ni Zhao Feng.
"Master, pakiusap...n!"
Halos mawasak ang kaluluwa ng Skeletal Division Leader. Sa ganoong kalakas na pandepensa, nasira pa rin ito na para bang naghihiwa ka lang ng gulay.
Peng!
Muling gumalaw ang anyo.
"Hindi ito maganda!"
Nagbago nang higit ang ekspresyon ni Li Yunya habang isang malamultong anyo sa kayang likod ang nagpakita.
Bago pa man siya makagawa ng kahit ano, ang isang simpleng suntok na tila naglalaman ng kapangyarihan ng isang halimaw ang siyang nagpalipad sa kanya kung kaya napaubo rin siya ng dugo.
"Anong lakas ng kanyang katawan. Nasaktan niya ako gamit lamang ang kanyang pisikal na lakas.*
Napakabilis ng lahat. Hindi man lang makalaban ang dalawang Sovereigns sa kanya.
Plop! Plop!
Parehong napatumba si Li Yunya at ang Skeletal Division Leader sa lapag.
Ang pinagkaiba ay nawalan lamang ng balanse si Li Yunya dahil sa lakas ni Zhao Feng, pero ang Skeletal Division Leader ay napaluhod sa lupa dahil sa takot.
Kung ang Blade of Purple Destruction ni Zhao Feng ay may mga vitals lamang ngayon, matagal na sigurong namatay ang Skeletal Division Leader. Sa pagkakataong iyon, nararamdaman pa nga nito ang layuning makapatay mula kay Zhao Feng.
Sa pagkakataong ito, ang dalawang Sovereigns ay tumingin sa isa't isa nang may gulat.
"Kahit hindi niya ginagamit ang kanyang eye-bloodline, ang lakas ni Zhao Feng ay nalagpasan na ako. Kung hihina ako at mawawalan ng halaga, papatayin niya siguro ako."
Nayanig ang puso ng Skeletal Division Leader.
Hindi niya maisip kung gaano na kalakas si Zhao Feng.
Mula ngayon, isa na talagang alipin ang Skeletal Division Leader, sa parehong pangalan at lakas.
"Naputol talaga ni Kapitan ang isa sa mga braso ng Skeletal Division Leader?"
Nagbago nang higit ang ekspresyon ni Loulan Zhishui.
Ang kanyang cultivation ay nasa Half-Step Origin Core Realm pa lang, at dalawang milya ang layo niya sa dalawang Sovereigns.
Bakit ito ginawa ni Kapitan?
Pinilit ni Loulan Zhishui na pakalmahin ang kanyang sarili, at naunawaan niya rin mamaya-maya, "Ginamit ni Kapitan ang pagkakataon na ito para ipakita na siya ang nangingimbabaw, lalo na kay Li Yunya na isang bagong tagasunod. Sa kabilang banda, binabalaan niya naman ang Skeletal Division Leader na huwag magkaroon ng mga walang kuwentang plano."
También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO