Descargar la aplicación
37.72% King of Gods (Tagalog) / Chapter 598: Lumalamon

Capítulo 598: Lumalamon

Editor: LiberReverieGroup

Malapit sa gitna ng larangan ng digmaan, ang apat na mga "preso" ay nagsanib pwersa na at nilabanan ang Sovereign Lord na naka-itim na baluti.

"Ice Imperial Spear!"

Matapos ibigay sa munting pusang magnanakaw ang array flag, pinaikot ni Zhao Feng agad ang kaniyang bloodline power at kinaway ang Ice Imperial Spear na siyang gumawa ng crystal-blue lights na naglabas ng ipinagbabawal na lamig na nagyelo sa lahat ng malapit dito.

Kasabay pa nito ang paglabas ng maliliit na wisps of Purple Destruction ng Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng na siyang bumagsak sa Sovereign Lord.

Maliban sa kaniyang eye-bloodline, ginamit na ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang skills para labanan ang Great Origin Core Realm.

Kahit pa nagulat si Li Yunya at ang mga kasama niya ay ginamit pa rin nila ang lahat ng kaya ila para tumulong labanan ang Sovereign Lord.

"Sobrang hirap hanapin ng ancient inheritance weapon na iyon…."

Tumingin ng marahas ang black-armored Sovereign Lord. Hindi niya kayang tumalo ng simpleng mga bitag gamit ang kaniyang middle-stage Great Origin Core Realm cultivation; mayroon pa rin ba siyang maipapakita?

"Ten-Sided Destruction!"

Kinaway ng black-armored Sovereign Lord ang kaniyang halberd at naglabas ng malakas na guhit ng malamig na ilaw patungo sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Boom! Boom! Boom~~~~

Nagsimulang yumanig ang barko na nagresulta sa napapaligid na array-mist na mahati.

Agad na nasira nito ang mga atake nila Zhao Feng at ng mga kasama niya.

Miao miao!

Winagayway ng munting pusang magnanakaw ang array flag at pinatungo ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array para ayusin ang mga butas.

Marami nang essence ng Sovereigns ang Ghost Corpse Cursed Array, at mas lumakas pa ito dahil doon, kaya kaya nitong magbigay ng tuloy-tuloy na dami ng lakas.

"Nakakagulo ang array na 'yan…."

Kumunot ang noo ng Sovereign Lord. Kahit pa mayroon siyang Earth-Grade weapon,hindi niya pa rin sila matalo agad.

Dalawasa tatlong lakas pa lamang ang nagagamit ko sa buong lakas ng ghost-corpses.

Tumango si Zhao Feng at sabay ginamit ang array bilang pantakip bago umatake pabalik.

Malaki ang iginaling niya sa nakaraang kalahating taon. Kahit hindi niya ginagamit ang kaniyang eye bloodline power, ay lumalapit pa rin ang lakas niya sa isang Great Origin Core Realm.

Sobrang nakakagulat na ito sa mata ng mga eksperto ng two-star sects.

"Zhe zhe zhe, may ganiyang kapasidad ang taong nakuha lang natin kung saan?"

Sobrang nagulat ang maitim na elder na nanonood sa likod. Bitag lang sana ang Blue Lightning Sea Sky Ship, pero na-abala pa rin nito ang isang Great Origin Core Realm, at napakalaking panalo ito sa kanila

"Full-scale attack!"

Tumunog ang boses ng half-step Void God Realm mula sa parte ng Six Ring Palace. Hindi nila hahayaang mawala ang magandang pagkakataong ito dahil malaki na ang lamang nila ngayon.

"Patayin sila!"

Ang dalawang pwersa ay nagdagdag pa ng kawal, at dahil doon ay natuwa si Zhao Feng. Ito na ang kaniyang pinakahihintay. Pag mas lalong magulo ay mas malaki ang pagkakataong makatas sila ng mas ligtas.

Kaya lamang ay sobrang ma-ingat pa rin ng maitim na elder kaya nag-iwan siya ng maliit na distansya mula sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Bata, 'pag nanalo kami, tatanggalin namin ang pagkakakilanlan mo bilang isang preso at magiging isa ka sa amin."

Sabi ng elder kay Zhao Feng gamit ang Spiritual Sense.

"Sige."

Nagpanggap na sobrang tuwa si Zhao Feng at nagpursigi pa siyang atakihin ang Sovereign Lord. May malamig na ngiti ang lumitaw sa mulha ng maitim na elder, "Kakaiba ang ghost-corpse array at ng inheritance weapon ng batang iyan. Magiging hana siyang mapatay pagkatapos ng laban."

Siyempre, malaki pa rin ang halaga ni Zhao Feng. Lalo lang nag-init ang laban habang lumipas ang oras.

Pinanatili ni Zhao Feng ang kaniyang kalma habang nagtitipid siya ng lakas. Kaunti lamang ang ginagamit niyang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array, at hindi niya pa hinayaang pumasok ang Skeletal Division Leader sa laban.

Hindi niya rin pinaniwalaan ang pangako ngmaitim na elder.

"Tama na ang oras na ito…."

Pinaikot ni Zhao Feng ang barko niya sa glid-gilid ng larangan ng digmaan. Sumunod ang Sovereign Lord sa kanila, kaya lamang ay walang tumapos sa isa.

Sa kabila pa noon, lalo pang pinaggulo ng barko ang sitwasyon.

"Arghhhh!"

Nilamon ng lahat ng True Lord Ranks at half-step Origin Core Realms sa paligid ng Ghost Corpse Cursed Array.

Lahat ng nasa ilalim ng Origin Core Realm ay agad na nagagawang lusak ng dugo at tubig matapos madikit sa sumpa.

Nawalan na rin ng pakialam si Zhao Feng sa lahat ng "kaibigan" o kalabang nasa paligid nila. Kung tama ang oras at may mga eksperto ng Six Ring Palace sa paligid ay makakain rin sila ng Ghost Corpse Cursed Array.

Nagpanggap na lamang sila na ang pinsalang nagagawa sa Six Ring Palace ay dahil sa laban nila sa Great Origin Core Realm at sa hindi nila maiwasan ang pananagutan.

"Zhe zhe…. Kapag nakapatay pa tayo ng tatlo pang Sovereigns ay makakalamon na tayo ng 20 na Sovereigns."

Nangati ang puso ng Skeletal Division Leader sa Ten Thousand Ghost Pearl. Sobra pa sa dosenang Sovereigns ang nalamon ng Ghost Corpse Cursed Array, at karamihan sa kanila ay nanggaling sa labang ito.

Hindi nila kailangang patayin ang lahat ng naroroon, pwede rin nilang lamunin ang mga bangkay ng mga Sovereigns.

"Maganda nga talaga itong pagkakataon."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na sumaya. Ginawa niyang 70 ang dami ng ghost corpses at nilakihan niya ang laki ng usok.

Ang Sovereign Lord sa itim na baluti ay naramdaman ang pagtaas ng presyon. Sa simula, kaya niya pang mapasuko ang Blue Lightning Sea Sky Ship, pero ngayon, ang kaya na lamang niyang gawin ay sundan ito.

-----

Teka!

Hindi bobo ang black-armored Sovereign Lord. Napagtanto niya na nilalamon ni Zhao Feng ang mga half-step Origin Core Realms at mga Sovereigns para palakasin ang kaniyang array.

"Kalokohan! Gumagamit siya ng two-star battlefield para palakasin ang kaniyang array?"

Magka-halo ang galit at gulat ng Sovereign Lord, pero kasalukuyang napatigil ng Six Ring Palace ang Nine Despair Hall.

Napatigil ng half-step Void God Realm ang dalawang pinakamalaking peak Great Origin Core Realms mula sa Nine Despair Hall, at kung hindi dahil sa protective array ay matagal na silang natalo.

"Kapitan Zhao, hindi pa napag-de-desididuhan ang mga resulta. Ito na ang perpektong pagkakataon para tumakas."

Sabi ni Li Yunya.

Sugatan na ang tatlong Sovereigns. Hindi nila inasahan na mahihilom ng state of existence at Water Blooline ni Zhao Feng siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasusugatan si Zhao Feng.

"Totoo ngang oras na."

Umiling si Zhao Feng, kahit pa hindi siya ganun ka desidido. Ito ay isang two-star battlefield, at ang paglamon nila ng Sovereigns para palakasin ang Ghost Corpse Cursed Array.

Kaya lamang ay alam niya ang kasulukuyang sitwasyon. Kapag natapos na ang labanan, hindi niya kakayanin ang kung sino mang matitira.

"Kumaliwa ka at pumunta ka malapit sa dulo."

Utos ni Zhao Feng. Nagpanggap siya na nauubos na bloodline power habang unti-unting tumatakas ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Hmph, wala pa nga siya sa Origin Core Realm, paanong ganito ang itinagal ng True Yuan at ng kaniyang bloodline?"

May tumalon sa dibdib ng black-armored Sovereign Lord nang nilbas niya ang kaniyang lakas.

Boom!

May tumalsikna shockwave sa paligid ng Blue Lightning sea Sky Ship.

Hinarangan ito ni Zhao Feng at ng kaniyang mga kasama habang tumatakbo.

Sa wakas ay naabot na rin ng Blue Lightning Sea Sky Ship ang gilid ng labanan, pero hinabol pa rin sila ng Sovereign Lord habang tumatawa.

Hindi niya mapigilang sumaya kapag iniisip na magkakaroon siya ng mataas na kalidad na barko at malakas na ghost-corpse array.

"Bilisan niyo pa!"

Malamig na ngumisi si Zhao Feng at pinalabas nito ang tunay na bilis ng kaniyang barko.

Whoosh!

Gumuhit ang barko sa kalangitan at umalis sa larangan ng digmaan.

Napatigil ng bilis nito ang mga eksperto sa magkabilang panig.

"mamatay ka na!"

Mas mabilis ang lalaking naka-itim dahil sa isa siyang Sovereign Lord. Sa kabila ng lahat, kasing bilis lang halos ng Great Origin Core Realm ang bilis ng Blue Lightning Sea Sky Ship. Kaya lamang ay hindi pa rin ito kapani-paniwala kahit ganoon.

"Hindi tayo makakatakas kung hababulin lang tayo ng Sovereign Lord na 'yan."

Hindi mapigilan ni li Yunya at ng ibang Sovereign Lords na umiyak.

Kung magtutuloy pa ito, malamang ay hindi nila matatakasan ang paghabol ng Great Origin Core Realm. Papatagalin lamang nila ang hindi maiiwasan.

"Kapitan Zhao, bakit hindi tayo tumaknbo ng iba-ibang direksyon? Kung ganoon ay tatas ang tiyansa nating makaligtas."

Sabi ng elder na iisa ang kamay.

Nakikita nilang si Zhao Feng at ang Blue Lightning Sea Sky Ship lamang ang pinupuntirya ng black-armored Sovereign Lord.

"Gawin niyo kung ano gusto niyo."

Walang ekspresyong ipinakita si Zhao Feng.

Ngayong wala na sila sa gitna ng battlefield, nawalan na siya ng paki sa dalawang sugatang Sovereigns.

Sa kabila naman ay umilaw ang mata ni Li Yunya, pero hindi siya nag-desisyon.

Sou! Sou!

Tumakbo sa magkabilabg direksyon ang dalawang Sovereigns.

Sa inaasahan, hindi sila hinabol ng Sovereign Lord.

Hu~

Huminga ng malalim ang dalawa matapos makatakas sa anino ng kamatayan.

Kaya lamang ay bago pa sila kumalma ay may malakas na aura ang nagpa-pula sa paligid nila.

Ano!?

Nagbago ang ekspresyon ng dalawa nang makita nilang lumipad sa taas nila ang maitim na elder. Isa siyang late-stage Great Origin Core Realm, kaya mas malakas pa siya sa black-armored Sovereign Lord.

"Scarlet Cloud Hand!"

Nilabas ng elder ang kaniyang palad at ginawa niyang pula ang kalahati ng kalangitan.

"Arghh!"

Sumigaw ang babaeng naka-dilaw nang sinra ng apoy ang kaniyang lokasyon.

Boom!

Nadurog ang katawan niya mula sa Scarlet Cloud Hand.

"patawin…. Patawarin mo ako…."

Naramdaman ng elder na may isang kamay na para ba siyang naglalakad sa putik. Sobrang bigat ng bawat galaw niya.

Mas malakas pa ang maitim na elder kaysa sa mga normal Sovereign Lords. Kung siya ang humahabol sa kanila ay sigurading hindi sila mamaligtas hanggang ngayon.

"Papatayin ko ang lahat ng tatakbo."

Walang emosyong pinabagsakan ng maitim na elder ng Sarlet Cloud Hand ang elder na may iisajng kamay, na siyang pumatay agad dito.

Para lang bang sanggol ang dalawang Sovereign na iyon sa paningin niya.

"Hm? Sa direksyon na iyon."

Nagmasid ang maitim na elder sa lugar gamit ang kaniyang Spiritual Sense at kinumpirma kung saan pumunta ang Blue Lightning Sea Sky Ship at ang Great Origin Core Realm.

Sa oras na iyon, sa larangan ng digmaan, malaki na ang lamang ng Six Ring Palace. Yoon ang dahilan kung bakit may oras pa ang maitim na elder para habulin ang mga tumakas.

Magiging perpekto na sana kung makakapatay rin siya ng kalabang Sovereign Lord.

Sa walang hanggang karagatan, malapit sa two-star battlefield.

Isang matangkad, misteryoso, at malamig na anyo ang lumulutang na para bang isang multo. Kahit pa parang mabagal ito, sa totoo lang ay sobrang bilis nito, at higit na mas mabilis ito sa normal Sovereign Lords.

Kahit saan siya gumawi ay tumatahimik ang walang hanggang karagatan.

"Two-star battlefield?Inisip mo bang maliligtas ka ng pagtatago mula sa Pursuit of Death?"


Capítulo 599: Dagdag Kawal

Editor: LiberReverieGroup

Sa kalupaan:

Whoosh!

Lumipad ang Blue Lightning Sea Sky Ship paalis sa larangan ng digmaan gamit ang lahat ng bilis at liksi nito.

Natawa lamang ang black-armored Sovereign habang sila'y hinahabol niya.

Sa kasalukuyan, si Zhao Feng at si Li Yunya lamang ang natitira para depensahan ang barko.

"Bakit hindi ka na umalis kanina?"

Kalmado pa rin si Zhao Feng kahit hinahabol pa siya ng Great Origin Core Realm..

"Umalis? Hindi ko magagawa 'yon, at ayoko rin."

Iling ni Li yunya.

Oh?

Hindi mapigilan ni Zhao Feng malito. Napagmasidan niya na ang dalawang Sovereigns ay napatay, pero mas malakas pa rin ang mental energy niya kumpara kay Li Yunya.

"Kung hindi dahil kay Kapitan Zhao, matagal na akong namatay sa laban. Wala pang bitag ang nakakatakas sa overseer ng Six Ring Palace squads."

Mapait na sabi ni Li Yunya.

Overseer?

Ang imahe ng malamig na ekspresyon ng maitim na elder ay lumitaw sa isip ni Zhao Feng.

"Kaya pala."

Intindi ni Zhao Feng. Ang overseer ay ang maitim na elder na siyang papatay sa lahat ng susubok tumakas.

"Buwisit, anong karapatan mong hindi ibigay ang lahat ng atensyon mo sa akin habang hinaahabol kita?"

Umungol ang Sovereign Lord at hiniwa ang kaniyang halberd nang ilang beses. Pinuno nito ang lugar ng kiling intent at panganib.

Ding! Ding! Boom~~~~

Nagkahati-hati ang usok ng Ghost Corpse Cursed Array at unti-unting nawawala.

May marka ring naiwan sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

Wah!

Nanginig si Li Yanyu at dumura ng dugo habang siya'y namutla.

Kumulo naman ang dugo ni Zhao Feng, at sa paligid niya ay may tubig ulit na umalon, na siyang nag-iwan sa kaniyang walang pinsala.

"Kahit pa hindi lumabas ang overseer na 'yan ay hindi pa rin ayo makakatakas."

May lumitaw na kawalan ng tulong sa mata ni Li Yunyua. Sa pagbabalik-isip, usa siya sa mga henyo ng Six Ring Palace na siyang naka-akyat sa Origin Core Realm nang siya'y 30-anyos pa lamang, at naabot niya ang late-stage Small origin Core Realm nang siya'y 50 na.

"Ang pakiramdam ng pinsala…!"

Tumalon ang puso ni Zhao Feng nang tumingin siya sa dagat.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Sampung beses ang lakas ng pakiramdam ng pinsalang ito, at lalo lamang itong lumalakas.

Dumating na rin ang Pursuit of Death.

Nagbuntong-hininga si Zhao Feng. Halos lahat ng atensyon niya ay napunta sa dagat.

"Hahaha. Parang alam mo nang mamatay ka kahit anong gawin mo, bata. Dapat ay matuwa ka pang nakpaglaro ka sa akin bago ka mamatay."

Tumawa ang black-armored Sovereign Lord habang binabalot ng aura niya ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

Napuno ng kawalan ng pag-asa si Lu Yunya, pero tumingin siya sa tabi niya at nakitang sobang kalma ng batang katabi niya.

"Ang buhok at mata mo…"

Biglang may napagtanto si Li Yunya.

Hu~

Sa isang ihip lang ng hangin ay biglang naging asul ang buhok ni Zhao Feng, at ang kaliwang mata niya naman ay nagmukhang parang isang tubig-tubigan.

Sa oras na iyon, May nakitang matangkad na anyo ni Kamatayan ang lumapag sa lupa. Dadating na ito ng ilang hinga lamang.

Ang Pursuit of Death. Ang intensyon mula sa Eye of Death sa kaluluwa niya ay biglang kumibo.

"Eye-bloodline? Walang saysay…. Mamatay ka na!"

Pang-aasar ng Sovereign Lord habang pinanghiwa niya muli ang kaniyang halbert na nakatutok kina Zhao Feng at Li Yunya.

Ayusin niyo na ang array!

Isang maitim na kalansay na may ginto at pilak na linya sa kaniya ang lumitaw sa tabi ni Zhao Feng at sabay na naglabas ngmalamig na aura.

"May isa pang tao?"

Kahit pa paerhas silang nasa late-stage Small Origin Core Realm, mas nakakatakot pa rin ang aura ng kalansay.

Sa oras din na iyon:

Shua! Shua! Shua!

Umabot na ng isang daan ang dami ng cursed ghost-corpse.

Weng~

May iasng ulap ang lumitaw at naglabas ng nakakagulat na dami ng curse-power, na siyang naging paa ng pusa. Bawat paa ay ilang daang yarda ang haba sa ilalim ng kontrol ng pusa, at lahat ito ay bumagsak sa Sovereign Lord. Ilang mga tuyo, madugo, at mapuputing kamay ang sumunod dito.

"Ice Emperor Descending!"

Umikot na ng todo ang bloodline power ni Zhao Feng, at kuminang ang kaniyang Ice Imperial Spear at mayroon din itong malabong lila na aura or Destruction.Mas maganda pa dito, mayroon pang malabong, magandang imahe ng ancient Ice Emperor sa taas ng ulo ni Zhao Feng.

"Zhe zhe zhe… tanggapin mo itong palm!"

Nagbago ang Skeletal Division Leader at naging nagliliyab na butong higante at siya namang tinulak agkaniyang kamay paharap. Naglalaman ito ng flames of Death and Yin at tumungo ito sa Sovereign Lord.

A hundred cursed ghost-corpses.

Ice Emperor Descending.

Flaming bone giant.

Boom!

Ang tatlong nakakagulat na kapangyarihan ay tumambal sa black-armored Sovereign Lord.

Bumuhos ang shockwave na ito sa ilang dosenang milya at pinawala ang kalupaan.

Wala nang dami ang tutubo sa kalupaan sa ibaba sa susunod na ilang daang taon, at magiging cursed land ito.

Bam! Wah!

Umungol ang Sovereign Lord at napatalsik siya habang umubo ng dugo.

"Bakit ganito ito…?!"

Namutla ang Sovereign Lord at hindi ito makapaniwala.

Ang array at ang kalansay na lumabas kung saan ay biglang marahas na pininsala ang lahat ng nasa Great Origin Core Realm. Kahit ang Imperial Ice Spear ni Zhao Feng ay nagawang gamitin ang kapangyarihan ng Ancient Ice Emperor.

Ang biglaang counterattack na ito ay nagawang masugatan ang black-armored Sovereign lord.

"Sobrang lakas! Ano ang mga karanasan ng batang ito at lahat ng nakasakay sa barko?"

Hindi makapaniwala si Li Yunya.

Habang nag-iisip ang Sovereign Lord kung siya ba'y tatakas o lalaban pa:

"Malapit na…."

Tumingin muli ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa direksyon ng dagat at bumulong siya sa sarili niya.

"Panginoon, may isa nanamang Sovereign Lord ang dumating."

Ramdam ng Skeletal Division Leader.

Ang bagong-dating ay ang maitim na elder; ang overseer ng death squads.

"Kailangan nating tapusin ang isa bago pa magkaroon ng problema."

Taimtim ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader.

"En."

Tumango si Zhao Feng at pinuntirya ang black-armored Sovereign Lord gamit ang kaniyang kaliwang mata.

Eye-bloodline? Nakakatakot na eye-bloodline aura.

Naramdaman ni Li Yunya na nangatog ang kaniyang kaluluwa.

"Void Space Eye Slash!"

Bumaril ang eye-bloodline ni Zhao Feng

Shu!

Sa isang talsik lang ng dugo, tumigas ang black-armored Sovereign Lord at nagpakita siya ng takot sa kaniyang mukha.

"Ikaw…!"

Sinubukang magsalita ng Sovereign Lord bago siya tumingin bigla sa baba.

Sii!

Huminga ng malalim si Li Yunya nang mramdaman niyang tumaas ang balahibo niya. May malalaking alon sa puso niya nang tinignan niya ang kapitan nang ,ay gulat.

Sa oras na iyon, lahat ng nasa loob at labas ng barko ay tumahimik.

"Mas lumakas pa ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng."

Puno ng taimtim na ekspresyon ang mukha ng Skeletal Division Leader.

Plop!

Bumagsak mula sa kalangitan ang katawan ng black-armored Sovereign Lord.

Huminga si Li Yunya, pero hindi siya maka-kalma.

Tumingin lamang ang batang ito sa Great Origin Core realm Sovereign para patayin ito.

Shua!

Tumawa ang munting pusang magnanakaw at winagayway ang bandila. Pinadala nito ang itim na usok para lamunin ang katawan ng kalaban.

Kumaway si Zhao Feng at kinuha ang natirang gamit ng Sovereign Lord.

Sou!

May tunog ng paglipad ang narinig sa pagdating ng maitim na elder.

"Hmm?"

Tumingin sa paligid ang maitim na elder at nagulat dahil wala na ang black-armored Sovereign Lord.

Naramdaman niya ang aura nito habang hinahabol sila, pero ngayon ay nawala ito.

"Pinatay mo siya?"

Tumingin sa paligid ang maitim na elder gamit ang kaniyang Spiritual Sense at nakita ang katawan ng Sovereign Lord na nabubulok bilang isang lusak ng dugo at tubig sa loob ng array.

Agad na dumepensa ang matanda.

"Zhe zhe zhe…. Ikaw naman, tanda."

Tumawa ang Skeletal Division Leader at sumugod patungo sa kaniya habang nagliliyab.

"Ice Emperor Descending!"

Ang malabong imahe ng Ice Emperor ay lumitaw muli sa itaas ng ulo niya, at ag Ice Imperial Spear ay naglabas ng malakas na liwanag habang gumawa ito ng malaking buhaw ng yelo at kidlat.

Miao miao!

Winagayway muli ng pusa ang array flag, at ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay inatake ang maitim na elder.

Sa oras na iyon, mas malakas pa ang kombinasyon ng dalawang kapangyarihan.

"Scaret Cloud Hand!"

Naging taimtm ang ekspresyon ng elder, at biglang naging kulay pula ang langit nang may malaking kumikinang na kamay ang namuo dito.

Boom~~~~

Dinala ng Scarlet Clouod Hand ang lakas ng apoy dito na siyang nagpaliyab sa mundo.

Nagtalo ang dalawang pwersa ng ilang hinga.

Boom!

Natulak ang Blue Lightning Sea Sky Ship ng ilang daang yarda patungo sa isang bundok. Nawala ang kalahati ng usok na bumabalot sa barko.

Crack!

Isa o dalawang buto ang nasira sa katawan ng Skeletal Division Leader.

Wah!

Dumura ng dugo si Zhao Feng, pero ang mga sugat niya ay agad na nahilom ng alon ng tubig.

"Anong kabihasaan sa elemento ng apoy."

Natigil si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader. Hindi lamang sa naabot ng maitim na elder ang late-stage Great Origiin Core Realm, mayroon pa siyang fire bloodline at special inheritance technique.

"Ang lakas ng overseer ay mai-sasama sa rango ng limang Great Origin Core Realm Sovereign Lords sa Six Ring Palace, at siya ang nakakuha ng malakas na fire inheritance."

Babala ni Li Yunya gamit ang Spiritual Sense.

Hu~

Nawala bigla ang anyo ng maitim na elder nang tumakas siya ng ilang daang yarda. Kumunot ang noo niya. Kahit hindi pa siya nasasaktan ngayon, naramdaman niya pa rin na hindi komportable ang katawan niya.

"Talentado ang sunod na henerasyon. Kayang harangan ng isang half-step Origin Core Realm at ng isang Sovereign ang 70% ng lakas ko."

Buntong-hininga ng matanda.

70%

Magara ang naramdaman ni Zhao feng. Bakit nagmamataas ang matandang ito?

Kaya lamang ay wala nang oras para magkonsidera si Zhao Feng; isang malakas na alon ng kamatayan ang lumalapit sa kanila, at naramdaman nito abg intensyon ng Eye of Death sa kaniyang kaluluwa.

Sa oras na iyon:

Whoosh~~~~

Iasng itim na guhit ng ilaw ang pumutok habang sinira nito ang harang patungo kay Zhao Feng.

"Nagriripresinta para sa intensyon ng Kamatayan… nandito ako."

Tumunog ang isang boses sa isip ni Zhao Feng.

Hmm? Sinong nandito?

May naramdaman ang maitim na elder at ng mga kasama nito. Naramdaman din ni Li Yunya at ng mga mandaragat ang aura of Death, at dahil doon ay nahirapan silang huminga.

"Ang problema lamang ay dumating na ang tulong ko. Eksperto mula sa Six Ring Palace, dito na magtatapos ang buhay mo."


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C598
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO