Descargar la aplicación
35.07% King of Gods (Tagalog) / Chapter 556: Void Space Eye Slash

Capítulo 556: Void Space Eye Slash

Editor: LiberReverieGroup

"Water Spirit Divine Change!"

Ito ang profound technique ni Elder Shui Yun. Subalit, sa pagkakataong ito, nagpakita ito sa anyo ni Zhao Feng.Boom~~~~~Ang katawan ni Zhao Feng ay naging likido, at ang atakeng Spatial Void Sword Wave ay tumagos lamang sa kanyang katawan.Ang mga ekspertong nanonood sa labas ay napaurok ang mga dila. Alam nilang atake ito ni Elder Shui Yun. Ang Water Spirit Divine Change ay isag sikretong technique na hindi kayang i-cultivate ng lahat.

Ang Water Spirit Divine Change ay gumagamit ng kapangyarihan ng tubig at ng bloodline, kung kaya pinapahintulutan nito ang gumagamit na maging tila isang likido na mahirap mapatay.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay kalmado.Sa parehong pagkakataon, ang Ice Imperial Spear sa kanyang katawan ay sinuportahan ang Water Spirit Divine Change. Ito ang dahilan kung bakit nagagamit niya ang Water Spirit Divine Change kahit wala pa siya sa Origin Core Realm."T*** i**! Kailan pa nalaman ng sutil na ito an uri ng technique na ito?"Hindi mapigilan ni Grandmaster Yin Kong na magngitngit ang kanyang ngipin.Bo~~Tinanggap lamang ni Zhao Feng nang direkta ang Spatial Void Sword na atake sa loob ng isa o dalawang hininga.Syempre, hindi naman sa walang galos talaga si Zhao Feng. Napakaespesyal ng mga Spatial attacks; kahit nasa estado siya ng pagiging likido, naantala lamang nito ang 70-80% ng atake pero nasaktan pa rin siya."Sa kabutihang palad, nilagay ko ang Ice Imperial Spear sa aking katawan."Nararamdaman pa rin ni Zhao Feng ang sakit sa kanyang katawan, pero sa kabutihang palad, nariyan naman ang Ice Imperial Spear sa kanya, kung kaya kaparehas na ito ng lebel ng paggamit ni Elder Shui Yun ng kanya.Di! Da!Ang tubig ay dumaloy sa katawan ni Zhao Feng at nagsimulang pagalingin siya. Kahit na sugatan siya, ang kanyang paggaling ay mas mabilis kaysa sa pinsalang naibigay sa kanya."Paano niya iyon ginawa? Paano niya natutunan ang sikretong technique ko?"Natulala si Elder Shui Yun.Tatlong hininga ang makalipas:Shua!Ang Spatial Void Sword Wave ay natapos na rin. Namutla na ang mukha ni Grandmaster Yin Kong at naging taimtim ang kanyang ekspresyon.

Ang potensyal at lakas ni Zhao Feng ay higit pa sa kanyang inaakala. Kahit ang isang tulad ni Grandmaster Yin Kong ay nababahala.

Sa parehong pagkakataon:Bo~~Ang likidong anyo ni Zhao Feng ay muli nang bumalik sa dati.Hmm?Bahagyang ikinagulat ito nila Elder Shui Yun at ng mga kasama niya.Ang Water Spirit Divine Change ay hindi lamang kayang baguhin ang katawan ng gumagamit at maging isang likidong hindi natatalo, kundi pinapataas rin nito ang battle-power ng isang tao. Subalit, ang bersyon na mayroon si Zhao Feng ay ginagawang likido lamang ang kanyang katawan at hindi dinaragdagan ang kanyang lakas.Naintindihan na ni Elder Shui Yun pagkatapos niyang mag-isip. Maiksi lamang ang oras na mayroon si Zhao Feng para matutunan ang skill, at ang kumpletong bersyon rin ay gumagamit ng napakaraming enerhiya.Ang bloodline power at cultivation ni Zhao Feng ay ilang beses na mas malayo kaysa sa kanya, kung kaya agad itong mauubusan ng enerhiya kapag ginamit niya nang tuloy-tuloy ang sikretong technique na ito.Ang Water Spirit Divine Change ay gumagamit ng napakaraming enerhiya ko. Sa paggamit pa lamang ng hindi kumpletong bersyon ay pagod na pagod na ako.Hindi agad na umatake si Zhao Feng. Ang pakiramdam na pagod siya ay ikinabahala niya.Nasa parehong estado rin si Yin Kong; marami siyang nagamit na eye-bloodline power.Una sa lahat, ang pagpunta pa lamang sa ruins ay inubos na ang kalahati ng kanyang bloodline power.Pagkatapos noon, pumatay siya ng isang stone giant at inatake ang Skeletal Division Leader. Ang sagupaan niya rin kay Zhao Feng ay gumamit rin ng napakaraming enerhiya.Ang Spatial Void Sword Wave ay isang atekng pangmalayuan na gumagamit ng napakarami ring enerhiya, pero kailangan niya itong gamitin sapagkat ang mga maliliit at pang-isahan na mga atake ay agad lamang na maililipat ni Zhao Feng palayo.Wu~~~Sa pagkakataong iyon, iwinagayway ni Skeletal Division Leader ang itim na watawat at idinirekta ang maitim na dagim patungo sa mga kalaban nila.Cough!Ang mga sugat nina Grandmaster Yin Kong at ng mga kasama nito ay lalong lumala nang paagnasin ito ng sumpa."Purple Destruction – Wind Lightning Whip!"

Napaungol si Zhao Feng nang may kasamang tawa nang buuin niya ang dosenang yardang haba ng latigo na gawa sa hangin at kidlat, na siyang nagpataghoy sa Heaven Earth Yuan Qi roon.Pi! Pa! Boom~~~~

Ang Wind Lightning Whip ay napuno ng aura of destruction nang atakihin nito ang mga tao sa ibaba.Sa pagkakataong iyon, ang mga eksperto mula sa tatlong sects ay nasa desperadong sitwasyon na naman.Sa ibabaw nila ay may isang latigo na gawa sa hangin at kidlat at sa ibaba naman nila ay naroon ang Ghost Corpse Cursed Array.Ang tanging tao lamang na may kakayahang tumakas ay si Grandmaster Yin Kong, pero kung gagawin niya ito, mawawalan siya ng isang binti dahil hindi pa nagkakaroon ng oras si Elder Shui Yun para muli itong ikabit."Silver Spatial Restriction!"Nagpadala ng isang alon ng spatial power ang mga mata ni Grandmaster Yin Kong.Sa pagkakataong iyon, ang kanyang tinutudla ay ang Skeletal Division Leader dahil kinokontrol nito ang Ghost Corpse Cursed Array at ang sumpa ang siyang makakaapekto sa kahihinatnan nilang lahat."Purple Destruction – Azure Eye Piercing Slash!"

Tumawa nang malamig si Zhao Feng nang gamitin niya ang pinakamabilis niyang atake kay Grandmaster Yin Kong.

Shu~~~~

Ang transparent na patalim ay nagningning sa lilang kulay at nagbuga ito ng aura of destruction.Nagbago bigla ang ekspresyon ni Grandmaster Yin Kong.Shua!Biglang nawala ang katawan ni Grandmaster Yin Kong, at nag-iwan ito ng isang pilak na alon.Muli na namang hindi tumama ang Azure Eye Piercing Slash.Nang makitang lumalabo na lamang ang Azure Eye Piercing Slash, biglang may naisip na mapanganib si Zhao Feng.Nagsimula nang mawala ang patalim na ito.Kung kaya kong pagsamahin ang Azure Eye Piercing Slash at Spatial Movement sa iisang atake at bigyang ang una ng power of space, hindi ba ibig sabihin noon…?Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng."Zhao Feng, iligtas mo ako~~~~!"Nawalan ng kakayahan ang Skeletal Division Leader na makagalaw dahil sa Silver Spatial Restriction, kung kaya humingi ito ng tulong gamit ang Dark Heart Seed.Kung wala ang kontrol ng Skeletal Division Leader, ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array ay mababawasan ng kalahati, at makakatakas sina Lu Tianyi at ang mga kasama nito."Lahat kayo ay responsable para patayin ang kalansay na iyan. Hindi na siya makagagalaw dahil sa spatial powers ko."Ngumiti si Grandmaster Yin Kong at humarap kay Elder Shui Yun. Kailangan niya pa ng tulong nito."Sige."Sina Lu Tianyi at ang dalawa pa ay nagsimula nang lumapit sa Skeletal Division Leader.Kapag nakalapit na nang tuluyan sina Lu Tianyi sa Skeletal Division LEader, paniguradong mamamatay ito."Purple Destruction – Azure Eye Piercing Slash!"

Muling nagpadala si Zhao Feng ng isa pang sinag ng Azure Eye Piercing Slash.Ito ay naiiba sa dati. Ang laki ng Azure Eye Piercing Slash ay isang metro lamang at mas nalipon ang lakas nito.Ang Azure Eye Piercing Slash dati ay ilang yarda ang haba. Isang metro naman ang sa ngayon, pero mas nalipon ito at gumagamit ng 90% ng enerhiya kumpara sa dati.Isang mahinang ngiti ang sumilay sa mukha ni Zhao Feng. Ang enerhiyang ginamit niya para gawin ang Azure Eye Piercing Slash ngayon ay napakaliit lamang.Syempre, isa itong paghahanda para sa kanyang susunod na hakbang."Walang iyang kwenta. Ang mga atake mo ay hindi pwedeng matuon sa akin."Ngumiti si Grandmaster Yin Kong at agad na naiwasan ang Azure Eye Piercing Slash habang pinapanatili ang Silver Spatial Restriction sa Skeletal Division Leader."Tulungan mo ako…!"Hindi makagalaw ang Skeletal Division Leader, at sina Lu Tianyi ay papalapit na habang may hawak na Earth-Grade Weapon.

Sa pagkakataong iyon, ang isang metrong haba na Azure Eye Piercing Slash ay biglang nawala.

"Spatial… Movement!"Isang transparent na alon ang nagpakita sa itaas ni Lu Tianyi.Whoosh!Nanigas ang katawan ni Lu Tianyi at napadura siya ng dugo.Ang kalahating transparent na patalimm, na nagbubuga pa ng aura of destruction, ay tumagos sa kanyang katawan."Tulong…. Tulong…."Sinubukang magsalita ni Lu Tianyi, pero ang Azure Eye Piercing Slash na may nakapapanirang aura ay agad na tumama sa kanyang katawan.Plop!Agad na natumba si Lu Tianyi sa lupa.Patay na siya.Isa sa mga pinakatalentadong henyo ng tatlong sects ang nasawi rito."Tianyi!""Kapatid na Lu…!"

Napabulalas sina Elder Shui Yun, Ye Yanyu, at pati na rin ang ibang mga eksperto sa panlabas na mundo.

Sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array, hindi na alam nila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er kung ano ang dapat gawin.Kahit ang isang taong kasinglakas ni Lu Tianyi ay agad lamang na napatay ni Zhao Feng."Ang slash na iyon ay mas kakaiba pa kaysa sa aking Spatial Void Sword Wave. Talagang inilipat nito ang atake ang direkta mismo sa katawan ng kalaban."Nayanig ang puso ni Grandmaster Yin Kong.Ang kanyang Spatial Void Sword Wave ay nangangailangan pa ng oras para maabot ang aasintahin, pero ang atake ni Zhao Feng ay agad-agad lamang na nagpakita sa mismong katawan ng kalaban."Grandmaster Yin Kong… Maraming salamat. Ang talento mo sa Space ang siyang nagpahintulot sa akin na maunawaan at mabuo ang pinakamalakas na eye-bloodline technique ko sa kasalukuyan - ang Void Space Eye Slash!"Napaatungal si Zhao Feng. Nang pagsamahin niya ang Azure Eye Piercing Slash at Spatial Movement, ito na ang naging pinakamakapangyarihang atake ni Zhao Feng.__

Void Space Eye Slash?Ang puso ng mga taong naroon ay nanginig."Kung susuko na kayo ngayon, baka hayaan ko pa kayong lahat na mabuhay."Tumayo si Zhao Feng habang nasa likod ang kanyang mga kamay at sinabi ito nang kampante.Sa pagkakataong iyon, ni hindi niya pinansin ang hindi makagalawa na Skeletal Division Leader."Sutil, huwag kang maging masyadong arogante. Pinatay mo si Lu Tianyi; hinding-hindi ka mapapatawad ng Pure Moon Spiritual Sect."Malamig na panghahamak ni Elder Shui Yun."Mamatay ka na kung gaanon. Void Space Eye Slash!"Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagningning sa mga kulay na asul at lila.Whoosh!Nanigas ang katawan ni Elder Shui Yun habang nagkalat ang dugo sa kung saan-saan.Isang patalim na may aura of destruction ang humiwa sa kanyang puso at siyang bumawi ng kanyang buhay.Plop!Natumba si Elder Shui Yun sa lapag, wala na itong buhay.Hua!Sa panlabas na mundo, ang mga nanonood na eksperto ay nagkagulo,Sa isang tingin lamang, nakapatay siya ng isang Sovereign.Sina Lu Tianyi at Elder Shui Yun, dalawang Sovereigns, ang siyang napatay niya sa tig-isang atake lamang."Nakasisindak… Paano naman naunawaan ni Zhao Feng ang ganyang klaseng nakatatakot na eye-bloodline technique?"Ang mga nanonood na Sovereigns ay napahinga nang malamig.Sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array:Kailan pa naging ganito kanakakatakot si Zhao Feng? Pumapatay na lamang siya ng Sovereigns na para bang naghihiwa siya ng mga labanos.Nagulantang ang Skeletal Division Leader.Nang hindi napapansin, ang restriksyon sa katawan niya ay naglaho na. Ang mga mata ni Grandmaster Yin Kong ay punong-puno ng taranta at takot.


Capítulo 557: Token of Death

Editor: LiberReverieGroup

Sa panlabas na mundo, sa itaas ng mga bundok, ang mga eksperto ng tatlong sects ay nagkakagulo, at iilang mga Sovereigns ang hindi mapigilang huminga nang malamig.

Kahit ang tatlong Void God Realms ay may taimtim na mga ekspresyon.

Sa pagkakataong iyon, si Zhao Feng ay parang isang bangungot na nakaukit sa kanilang mga puso.

Ang mga mata ni Saint Moon Aunt Goddess ay napunta kay Zhao Feng habang napabuntong hininga siya nang matagal.

"Subukan na lang nating iligtas ang natitirang tatlo."

Sinira ng Saint Moon Aunt Goddess ang katahimikan, at ang dalawa pang Void God Realms ay nagtinginan sa isa't isa at napabuntong hininga na tila nawawalan na sila ng pag-asa.

Nang mamatay si Elder Shui Yun, alam nilang talo na sila. Napakahalaga ni Elder Shui Yun; hangga't nabubuhay siya, palaging may pag-asa ang ibang miyembro para gumaling hanggang sa kanilang pinakamalakas na anyo. Masasabing siya ang pinakasentro ng kanilang grupo.

Nauunawaan rin ni Zhao Feng ang bagay na iyon. Kung kaya ang pagpatay kay Elder Shui Yun ay nangangahulugan na hindi muna makakapagpagaling si Grandmaster Yin Kong sa loob ng maiksing oras. Ang desisyon ni Zhao Feng na gamitin kay Elder Shui Yun ang bagong Void Space Eye Slash ay tama lang.

Sa Purple Saint Ruins, ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay patuloy na gumagana. Sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay hindi pa rin sumusuko; nagkampihan pa sila para atakihin ang Skeletal Division Leader.

"Mayroon pa naman akong isang Void God Protection na maaaring gamitin para mapatay ito."

Wika ni Zhuang Wan'er.

"Takas na."

Pinigilan ni Grandmaster Yin Kong ang dalawa.

Bahagyang nag-aalangan si Zhuang Wan'er, pero narinig niya na ang nagmamadaling boses ni Grandmaster Yin Kong, "Ang totoong banta ay nagmumula kay Zhao Feng. Kahit ako ay walang kumpiyansa na makababalik ako nang buhay sa kamay niya."

Nang marinig ito, ang puso ng dalawang babae ay nayanig. Hindi nila iniisip na kahit si Grandmaster Yin Kong ay nawalan na ng pag-asa para lumaban, at nang isipin nila kung paano pinatay si Lu Tianyi at Elder Shui Yun, nawalan na rin agad sila ng tapang para lumaban pa.

"Takbo!"

Ang anyo ni Grandmaster Yin Kong ay gumuhit sa ere at nag-iwan ito ng maraming labing-imahe.

Shua! Shua!

Sa loob ng dalawang hininga, dinala ni Grandmaster Yin Kong ang dalawang babae at tumakas na sa Ghost Corpse Cursed Array.

Nagbayad siya syempre ng maraming bagay nang tanggapin niya ang mga atake ng Skeletal Division Leader at ng Ghost Corpse Cursed Array.

Ang direksyon na tinatakbuhan ni Grandmaster Yin Kong ay patungo sa misteryoson kanyon.

"Gusto mong tumakbo?"

Itinabi na ni Zhao Feng ang Ghost Corpse Cursed Array at sinabihan ang Skeletal Division Leader na pumasok muna sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Pa!

Pumagaspas ang Wings of Wind and Lightning nang hinahabol ni Zhao Feng sina Grandmaster Yin Kong.

"Zhao Feng, naunawaan mo naman na ang Void Space Eye Slash, bakit hindi mo na lang patayin ang tatlong iyon nang mabilisan?"

Nagugulumihanang tanong ng Skeletal Division Leader.

Si Zhao Feng ay may lakas na para makapatay ng Small Origin Core Realms, kung kaya bakit niya pa sila patuloy na papatayin?

"Ang pinakabuod ng Void Space Eye Slash ay ang Spatial Movement, na nangangailangan ng napakaraming enerhiya. Mayroon na lamang akong sapat na enerhiya para magamit ito nang isang beses."

Pagpapaliwanag ni Zhao Feng.

Sa pagkakataonh iyon, may lakas na lamang siya upang gumamit ng isang Void Space Eye Slash, at sa kanilang tatlo, ang pinakamalaking banta ay nagmumula kay Grandmaster Yin Kong, na siyang nangangahulugan na kailangan niyang ayusin ang paggamit niya ng atake. Kung normal lamang sana ito na Sovereign, agad silang mapapatay ng atake ni Zhao Feng, pero may espesyalisasyon si Grandmaster Yin Kong sa Laws of Space, kung kaya hindi agad maaatak ito ni Zhao Feng nang ganoon lamang kadali.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nangahas si Zhao Feng na atakihin na lamang ito at hinabol niya na lamang sila.

"Ang Zhao Feng na iyan ay may napakaraming bloodline power na natitira. Nasa parehong lebel na dapat kami ngayon."

Nababahala na si Grandmaster Yin Kong habang tumatakbo siya. Hindi mahirap para sa kanya na analisahin na isang beses na lamang pwedeng gamitin ni Zhao Feng ang Void Space Eye Slash, dahil kung hindi, matagal na sana itong umatake.

Katulad nito, sinusundan lamang siya ni Zhao Feng.

Ang mga pakpak ni Zhao Feng ay pumagaspas habang ang munting pusang magnanakaw ay nasa balikat niya at hinahabol nila si Grandmaster Yin Kong.

Ang parehong panig ay nakapokus nang matindi. Sina Grandmaster Yin Kong at ang mga kasama nito ay nag-iingay para sa susunod na Void Space Eye Slash nito.

Dumating na rin sina Gransmaster Yin Kong at ang dalawa pa sa misteryosong kanyon. Ito ang lugar kung saan nakalagay ang spatial array.

"Huwag kayong magmadali at ayusin niyo na ang array. Hindi naman gagamitin ni Zhao Feng ang huli niyang Void Space Eye Slash sa inyong dalawa."

Inutusan ni Grandmaster Yin Kong ang dalawang babae. Sa parehong pagkakataon, ang tatlong Void God Realms ay ipinadala ang kanilang kapangyarihan tungo sa butas nang hindi na iniisip kung ano ang kapalit ng ginagawa nila.

"Ang spatial hole ay kumpleto na."

Ang iba pang mga array masters ay binuo na ang spatial array sa kabilang dulo.

Sa loob ng misteryosong kanyon, nakaramdam ng kakaibang aura si Grandmaster Yin Kong mula sa spatial array at higit siyang natuwa.

Hmm?

Agad itong naramdaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng. Ayon sa kaligaligan ng espasyo, masasabi niya kung kailan magbubukas ang spatial hole na ito.

"Hmph, gusto mong umalis nang ganyan lang?"

Malamig na panghahamak ni Zhao Feng.

Nang lumapag na siya sa lupa, ang Skeletal Division Leader ay nagpakita at kinontrol ang Ghost Corpse Cursed Array para balutan ang buong lugar na kinalalagyan ng spatial array.

Sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay hinahbaol naman ng Skeletal Division Leader at hindi na nila kayang magtagal pa.

"Void God Protection!"

Sinira ni Zhuang Wan'er ang isang jade slip sa kanyang mga kamay, at isang malaking malademonyong anyo ng babae ang nagpakita sa kanyang likod.

Isang banal na kapangyarihan ang agad na pumuno ng isang nakamamanghang presyon.

Syempre, pinatawag lamang ni Zhuang Wan'er ang Void God Protection; hindi siya nangahas na gamitin ito, sapagkat isang beses lamang ito pwedeng magamit.

Dahil may mga Earth-Grade Weapons sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader kasama na ang Ghost Corpse Cursed Array, kahit ang isang atake mula sa isang Void God Protection ay hindi sila mapapatay.

Lalo na kay Zhao Feng. Mayroong Void Space Eye Slash ito para sa opensa at Water Spirit Divine Change para sa depensa.

Masasabing hindi mapapantayan si Zhao Feng sa loob ng Purple Saint Ruins.

Ayaw namang inisin ni Zhuang Wan'er si Zhao Feng para gamitin nito ang huli niyang atake sa kanya. Dahil kung oo, paniguradong kamatayan niya na iyon.

Weng~~

Sa pagkakataong iyon, nakaramdam si Zhao Feng ng isang pamilyar na sensasyon na siyang tumagos sa espasyo.

"Mamatay ka na! Void Space Eye Slash!"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay kumintab sa kulay na lila at asul. Sa sumunod na pagkakataon, ang puso ni Grandmaster Yin Kong at ang mga kasama nito ay napatalon.

"Huwag mong susubukan."

Naramdaman ni Grandmaster Yin Kong na ang eye-bloodline power ni Zhao Feng ay nakatuon sa kanya.

Shu~~~~

Isang patalim na may haba ng isang metro ang humiwa sa isang pilak na labing-imahe.

"Hindi siya tumama!"

Ang mga taong nanonood at ang mga naroroon ay napabulalas.

Sa sumunod na pagkakataon:

Shua!

Nagpakita si Grandmaster Yin kong ilang dosena ang layo niya nang may masayang ngiti, pero naramdaman niya agad na tila may mali.

Ang matalim na slash ngayon-ngayon lang ay hindi naman gumalaw sa espasyo. Hindi ito ang totoong Void Space Eye Slash.

"Void Space Eye Slash!"

Bo~~

Isang ipo-ipo ang nabuo sa gitnang bahagi ng katawan ni Grandmaster Yin Kong.

"Hindi ito maganda!"

Napagtanto ni Grandmaster Yin Kong na nalinlang siya. Ang "Void Space Eye Slash" kanina ay isang normal lamang na Azure Eye Piercing Slash na ginamit para linlangin si Grandmaster Yin Kong.

Takbo!

Napatalon ang puso ni Grandmaster Yin Kong, at ginamit niya ang pinakamabilis niyang estado para mag-iwan lamang ng malabong pilak na labing-imahe.

Shuuuuu~~~~~

Ang patalim na isang metro ang haba ay hiniwa ang pilak na anyo.

Whoosh!

Dumanak ang dugo.

"Argh!"

Nagpakita si Grandmaster Yin Kong habang tinatakpan ng kanyang kamay ang butas sa kanyang dibdib.

Kahit na mabilis ang kanyang reaksyon, hindi niya agad na naiwasan ang Void Space Eye Slash.

"Ikaw…!"

Nagsimula nang manginig ang katawan ni Grandmaster Yin Kong habang sinusubukan niyang magsalita. Ang aura of destruction ay sinisira na ang kanyang mga laman-laman.

"Hmph, kinalkula ko na agad kung saan ka magpapakita. Sa pagkakataong nagpakita ka, inilagay ko na sa loob ng katawan mo ang Azure Eye Piercing Slash."

Tumawa nang malamig si Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit siya nagtagumpay ngayon ay sapagkat alam niya kung saan magpapakita ang si Grandmaster Yin Kong.

Ang pinakanakasisindak na parte ng Void Space Eye Slash ay kay nitong ilagay ang atake sa loob ng katawan ng kalaban.

"Ikina...Ikinamumuhi ko..."

.

Ang mga mata ni Grandmaster Yin Kong ay pulang-pula, punong-puno ng pagsisisi at pagkamuhi.

Kung hindi dahil sa minaliit niya si Zhao Feng at sinubukang hulihin ito nang buhay, hindi sana ito ang mangyayari sa kanya.

Sa pagkakataong iyon, ang kanyang lifeforce ay nauubos na. Kung malapit lang sana si Elder Shui Yun, maililigtas niya ang buhay nito, pero sa kasamaang palad, pinatay na ito ni Zhao Feng.

"Takbo!"

Sa pagkakataong iyon, sumugod na sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er sa spatial hole.

Weng~~

Ang spatial hole ay agad nang nagsara nang maglaho ang dalawa.

"Kung minamalas nga naman."

Ubos na ang eye-bloodline power ni Zhao Feng kaya hindi na niya nabihag pa ang dalawa para muling pagbantaan ang tatlong sects.

"Grandmaster Yin Kong."

Ang tingin ni Zhao Feng ay napunta sa isang lalaking may pilak na mata at mamamatay na.

Kahit sa pagkakataong iyon, hindi siya nangahas na maliitin ang kanyang kalaban at naghanda siya sa kahit anong mangyayari. Napakahina ni Zhao Feng ngayon, kaya kung may pakulo pa si Grandmaster Yin Kong, maaaring ikamatay na ito ni Zhao Feng.

Kung kaya, nagtago muna si Zhao Feng sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array at handa nang lumaban.

Gaya ng inaasahan, isang itim na token ang nagpakita sa kamay ni Grandmaster Yin Kong.

Mayroong nakaukit sa token na ito - Death.

"Iyan… Iyan ang…!!!!"

Naramdaman ni Zhao Feng na nayanig ang kanyang puso at isang daloy ng malamig na layuning makapaty ang pumasok sa kanyang kaluluwa.

Kahit ang God's Spiritual Eye sa pagkakataong iyon ay nanginig.

"Anong lakas ng aura of Death…..."

Nanginginig na ang kaluluwa ng Skeletal Division Leader, at gusto niya na lamang na mapaluhod.

"Hahaha… Zhao Feng, kahit mamatay ako, hindi magiging maganda ang kahihinatnan mo. Kilala mo ba kung sino ang may-ari ng Token of Death na ito?"

Inisa ni Grandmaster Yin Kong ang kanyang dugo sa token.

Mag-ingat ka!

Nababahala na talaga sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader.

Bago pa man siya mamatay, umungol sa tawa si Grandmaster Yin Kong, "Kahit na talentado ako sa Laws of Space, ang aking eye-bloodline ay hindi talaga nagmumula sa Spatial God's Eye Bloodline. Subalit, ang may-ari ng Token of Death na ito ay galing sa isa sa mga Eight Great God Eyes…."

Ang kanyang boses ay bigla na lamang huminto.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C556
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO