Descargar la aplicación
34.82% King of Gods (Tagalog) / Chapter 552: Pagpapadala ng Kabiguan

Capítulo 552: Pagpapadala ng Kabiguan

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng Purple Saint Ruins, ang sagupaan sa pagitan ni Zhao Feng at ng pangkat ni Lu Tianyi ay natapos na rin.

Nanigas ang katawan ni Lu Tianyi, at wala ng aura of life na nagmumula sa kanya. Walang sino man ang nakakaalam kung buhay pa ba siya o patay na.

Sa ganyang estado, kahit na hindi pa siya patay, hindi na siya nalalayo rito.

Ang hindi lamang nasakat sa grupo nila ay si Zhuang Wan'er.

Sa panlabas na mundo, ang mga nanonood na eksperto mula sa tatlong sects ay may mga gulat na mukha.

Hindi lamang dahil sa malakas si Lu Tianyi, mayroon rin siyang nakapalakas na pamatay na atake, pero mula simula ay nagagapi siya ni Zhao Feng.

Sa totoo lang, ito na ang ikalawang beses nannatalo ni Zhao Feng si Lu Tianyi.

Noong nakaraan, kinailangan niya ng isang Void God Realm Kinh para iligtas siya. Sa pagkakataong ngayon, ang tatlong Void God Realms ay nanahimik.

Halata namang walang nag-aakala sa kanila na ang plano nilang kunin ang Purple Saint Ruins ay nasira lamang ng isang True Lord Rank.

Hu~~~

Isang maitim na dagim ang namuo sa ere at nagsimulang sirain ang lahat sa loob ng isa o dalawang milya dahil sa sumpa nito.

"Zhe zhe.…"

Iwinagayway ng Skeletal Division Leader ang kanyang itim na watawat at dahan-dahang itinulak ang Ghost Corpse Cursed Array papunta kay nila Elder Shui Yun at sa mga kasama nito.

Pumunya si Elder Shui Yun para iligtas si Lu Tianyi at inilabas niya ang Green Water Fallen Pearl.

Weng~~

Isang suson ng tubig ang bumuo ng Green Sky Water Border at sinalag ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array. Sa parehong pagkakataon, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay inilabas na ang kanilang mga Earth-Grade Weapons. Ang kanilang mga aura ay napakalakas at ang kanilang battle-power ay malapit na sa isang Sovereign.

"Break!"

Sa kanilang pinagsamang lakas, nawawasak nila ang kahit anong kapangyarihan na nagmumula sa Ghost Corpse Curses Array. Ang kanilang magkasamang battle-power ay higit pa sa lakas ng isang Sovereign, at kaya nilang makipagpalitan ng atake kay Lu Tianyi sa peak nito.

"Hindi pa naman magaling ang g***, ang dalawang sutil na ito ay hindi man lang banta."

Hinintay ng Skeletal Division Leader ang utos ni Zhao Feng.

38 na ghost corpses ang bumubuo ng array, at pagkatapos higupin ang blood essence ng hindi mabilang na mga halimaw, kaya nang durugin ng Skeletal Division Leader ang kahit sinong Sovereigns sa ilalim nito.

"Mag-ingat kayo!"

Nag-aalala sina Elder Shui Yun at ang iba pa at lalo hindi sila mapakali.

Sa kabilang dulo, naroon si Zhao Feng at ang lakas ng kanyang Skeletal Division Leader, samanatalang sa kabila naman, sugatan si Lu Tianyi nang higit pa sa kanyang inaakala. Kahit si Elder Shui Yun ay hindi kampante na mapapagaling niya ang binata.

Subalit, wala man lang bakas na gustong tumakas nila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er.

"Atras na."

Walang emosyon na wika ni Zhao Feng.

Pa!

Sa sumunod na pagkakataon, ang Wings of Wind and Lightning ganoon rin si Zhao Feng ay biglang naglaho.

Shua!

Bigla ring nawala ang Skeletal Division Leader.

__

Nawala?

Nagtinginan sina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito sa gulat. Hindi maunawaan nila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er. Si Zhao Feng ang mas nakakaangat sa sitwasyon. Bakit hindi pa niya itinuloy.

Hu~

Nagpakawala ng hininga si Elder Shui Yun. Ang lakas ng kabataang iyon ay umabot na sa lebel na ikinababahala niya. Kaya nitong kumontrol ng mga halimaw, may isang Earth-Grade Weapon, isang Sovereign na alipin, at may Ghost Corpse Cursed Array.

At ang ikinapapangamba ng laha ay ang kanyang eye-bloodline.Sa kabilang banda, lumapag na si Zhao Feng sa misteryosong kanyon.

"Master, ang mga babaeng iyon ay mahihina. Kung hindi tayo aatake ngayon ay mailigtas nila si Lu Tianyi…"

Puno ng pagka-ayaw na wika ng Skeletal Division Leader mula sa kanyang Ten Thousand Ghost Pearl."Hindi ngayon ang tamang oras. Sino ang nakakaalam kung may kapareho pa pala silang atake sa Void God Protection? Sila Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay parehong disipulo ng Void God Realms.

Iniling ni Zhao Feng ang kanyang ulo at kumislot ang puso ng Skeletal Division Leader nang marinig ito. Alam niya kung gaano ka nakasisindak ang Void God Protection.

Kahit nasa peak pa siya ng kanyang kapangyarihan, lubha siyang masasaktan kung hindi patay kapag tinamaan siya ng Void God Protection.

Bukod pa roon, ang Jade Dragon Protection ni Zhao Feng ay sira na.

Kapag isa lamang sa tatlong babae na iyon ang may Void God Protection, ang sitwasyon ay magiging hindi kaaya-aya.

"Para naman kay Lu Tianyi, ang kanyang mga laman-laman ay nadurog at ang kanyang lifeforce ay halos maubos na. Kahit ang kaluluwa niya ay natutulog na."

Wika ni Zhao Feng. Sinuri na ng kanyang God's Spiritual Eye ang katawan ni Lu Tianyi, kung kaya mas alam niya pa ang sitwasyon nito kaysa kay Elder Shui Yun.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?"

Mukhang nag-iisip ang Skeletal Division Leader.

"Kaladkarin ito palabas."

Isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Zhao Feng, "Ang Purple Saint Ruins ay teritoryo natin; pwede pa tayong lumakas rito, samantalang kailangan nilang gumawa ng maraming bagay para man lang makagalawa ng isang hakbang."

Hindi nagtagal, bumalik si Zhao Feng sa Towering Tree Yao para pagalingin ito.

Marami namang resources sa Purple Saint Ruins kung kaya hindi mahirap pagalingin ang mga sugat ng Towering Tree Yao.

Subalit, ang kanyang pinakamahalagang gawain ngayon ay ayusin ang butas sa dimensyon.

Agad na nagsimulang gawin ng Skeletal Division Leader ang mga ghost-corpses sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Sa kanyang libreng oras, okasyonal na niyayamot ni Zhao Feng sina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito.

Sa isang kisapmata, kalahating buwan na naman ang lumipas, at halos kalahati na ng hundred corpses ang narepina.

Sa kabilang banda, kailangan ni Elder Shui Yun na patuloy na tumakbo mula sa Eye of Heaven ni Zhao Feng, at ilang beses na nasa desperadong sitwasyon sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er.

Kung hindi dahil kay Elder Shui Yun, ang dalawang iyon ay matagal nang namatay. Mas nababahala si Zhao Feng sa presensya ng elder.

Sa kanyang mga mata, mas mahirap itong kalabanin kaysa kay Lu Tianyi. Mayroon itong napakalakas na depenaa at agad niyang nahihilom ang sarili ganoon rin ang iba. Hangga't hindi siya napapatay, kahit gaano pa kalubha ang pinsala ng iba, gagaling pa rin ang mga ito.

Sa mga nakalipas na ilang araw, kahit hindi pa gising si Lu Tianyi, ang kanyang aura au bumubuti. Inaamin ni Zhao Feng na minaliit niya ang mga pamamaraan ni Elder Shui Yun noong una.

Syempre, hindi niya naman kasalanan iyon. Kung kilala niya lamang na si Elder Shui Yun ay sikat sa tatlong sects dahil sa abilidad nitong magpagaling, hindi niya sana ito minaliit.

"Kapatid na Zhao Feng, ang tatlong pangunahing butas ay naayos na. Kahit ang kanyon ay 90% nang maayos."

Umalingawngaw ang boses ni Zhao Yufei. Siya na ngayon ang kalahating may-ari ng Purple Saint Ruins at kaya niya nang maramdaman nang buong-buo ang dimensyon.

"Zhao Feng, ang kontrol mo sa sitwasyon ay napakagaling. Mayroong 30% lamang na tsansa ang tatlong sects para magbukas ng bagong spatial hole."

Pagpupuri ng Purple Saint Partial Spirit.

Kahit man nagpunta pa ang dalawang grupo, mas itinuon ni Zhao Feng ang kanyang atensyon sa pag-aayos sa mga butas at hindi sa paghabol sa kanila.

Napatingin ang kanyang mga mata sa harap. Ang pagpigil sa tatlong sects para makapasok sa ruins ay isang kritikal na bagay.

Dalawang araw ang makalipas, naramdamang muli ni Zhao Feng ang isang pang-iistorbo sa espasyo habang nakaupo siya sa Towering Tree Yao.

Subalit, iba ang nangyari ngayon kaysa dati. Mukhang hindi sapat ang enerhiya nito. Dahil ayos na ang mga butas, ang espasyo ay mas malakas na, kung kaya ang pagbubukas ng bagong spatial hole ay mas mahirap nang ilang beses.

"Magandang balita, hindi nagtagumpay ang tatlong sects."

Wika ng Purple Saint Partial Spirit, na siyang dahilan upang makapagpawala ng hininga sina Zhao Yufei at ang Skeletal Division Leader.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zhao Feng. Sumuko siyang patayin sina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito para dito.

"Ah, ito pala ang plano ni Zhao Feng?"

Hindi mapigilan ng Skeletal Division Leader na hangaan si Zhao Feng. Wala siyang pakialam sa pansamantalang tagumpay at mas mahalaga sa kanya na mapigilan ang pagpapadala ng mas maraming tao sa ruins.

Habang lumilipas ang oras, ang tsansang makapagpadala ng tao ng tatlong sects ay liliit nang liliit, at sa huli, magiging imposible na ito.

"Kahit pa gumaling si Lu Tianyi, hindi na siya isang banta. Kapag wala nang suporta, pwede nating 'isara ang pinto at talunin ang mga aso' ngayon."

Lalong lumawak ang ngiti ni Zhao Feng.

Masasabing ang sagupaan sa pagitan ng tatlong sects at sa kanya ay tapos na.

Ang tagumpay ay malapit nang mapagpasyahan.

Sa panlabas na mundo, sa itaas ng mga bundok:

"Aking mga Lords, ang ikatlong pagkakataon para buksan ang spatial hole ay nagresulta sa pagkabigo."

Napabuntong hininga si Grandmaster Yin Kong, pero hindi na siya nagulat pa. Napakahirap na nitong buksan sa ikatlong beses at inaasahan niya nang mabibigo sila.

Sa pagkakataong iyon, ang lahat ay tahimik. Hindi makagalaw ang tatlong Void God Realms, at ang mga Sovereigns ay hindi nangahas na mag-ingay.

"Grandmaster Yin Kong, wala na ba talagang pag-asa?"

Winasak ng Saint Moon Aunt Goddess ang katahimikan.

"Hangga't nabubuhay panang Purple Saint Partial Spirit, ang pag-asang gumawa ng isang spatial hole sa susunod na dalawa o tatlong taon ay napakababa. Syempre, pwede naman tayong magpadala ng isang tao ngayon, pero ang tsansa niyang mamatay ay higit pa sa 99%."

Madilim na sabi ni Grandmaster Yin Kong.

Higit pa sa 99% na kamatayan?

Napailing ang mga taong naroroon.

"Mayroon bang mga paraan para pababain ang tsansang iyan?"

Hindi pa rin sumusuko ang Saint Moon Aunt Goddess. Kapag nakapagpadala sila ng isang tao, pwede na nilang mabaliktad ang buong sitwasyon.

Hindi pwedeng wala siyang pakialam kay nila Lu Tianyi, Ye Yanyu at iba pa.

Si Ye Yanyu ay isang personal niya pang disipulo.

"Kung mayroong isang tao rito na talentado sa Laws of Space at handang magbayad ng malaking kapalit, mayroon silang 60-70% na tsansa upang makapasok ng Purple Saint Ruins."

Ngumiti nang mahina si Grandmaster Yin Kong.

May espesyalisasyon sa spatial laws?

Lahat ng nasa bundok ay nagtinginan sa isa't isa. Wala kahit sino ang pwede.

Shua!

Ang tingin ng grupo ay napunta kay Grandmaster Yin Kong, at nagningning ang mga mata ng tatlong Void God Realms.

Si Grandmaster Yin Kong ay may spatial eye-bloodline, at bilang isa sa mga apat na Array Grandmasters, isa rin siyang Sovereign mismo.

Walang kahit sino ang nagdududa sa kanyang lakas at galing.

Si Grandmaster Yin Kong ay nanatilinh kalmado sa harap nilang lahat.

"Grandmaster Yin Kong, ano ba ang kailangan mo?"

Pagtatanong ng Saint Moon Aunt Goddess.

"Isa lang naman ang gusto ko - ibinigay niyo sa akin si Zhao Feng pagkatapos."


Capítulo 553: Nine Deadly Yin Bone

Editor: LiberReverieGroup

Tatlong araw ang makalipas, sa Purple Saint Ruins, nakatanggap si Zhao Feng ng isang masamang balita.

"Kagigising lang ni Lu Tianyi?"

Napabulong si Zhao Feng habang iniihip ng hangin ang kanyang buhok. Kahit na handa na siya para dito, hindi niya akalaing agad-agad na magigising si Lu Tianyi.

Sa battle-power na mayroon si Lu Tianyi at sa pagsuporta ng Elder Shui Yun sa kanya, dapat lang naman talagang mabahala si Zhao Feng.

Shua!

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Eye of Heaven at nakita niya na pinapagaling ni Elder Shui Yun si Lu Tianyi.

Tila ba may nararamdaman, isang pangharang ang agad na pumalibot kay nila Elder Shui Yun.Tumingin si Zhao Feng kay nila Lu Tianyi at napag-alaman niyang napakahina nito at walang halos natirang battle-power sa kanya.

Pagkatapos niyang ibalik ang kanyang kamalayan sa misteryosong kanyon, kumunot ang kanyang mga kilay, "Ang healing abilities ni Elder Shui Yun ay napakalakas; napakahirap niyang talunin. Bukod pa roon, andyan pa si Ye Yanyu at Zhuang Wan'er. Ang kombinasyon ng dalawang iyon ay maikukumpara sa isang Sovereign."

Si Elder Shui Yun ay napili dahil sa kakayahan nitong balansehin ang lahat, at pinatunayan ng katotohanan na siya ay napili nang tama. Kung isang normal na Sovereign lamang ito sa halip na siya, ilang beses na silang napatay ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader.

"Kung si Lu Tianyi ay gagaling hanggang sa pinakamalakas niyang estado, napakahirap nitong gawan ng paraan. Kung kumpleto lang sana ang Hundred Corpse Plan…"

Wika ng Skeletal Division Leader.

Tanging kalahati lamang ng Hundred Corpse Plan ang nakumpleto, pero dahil pinapangasiwaan niya ang array, wala namang mga kalaban sa Small Origin Core Realm na kaya itong tapatan. Dahil dito, hindi rin ganoon kahirap na kalabanin si Elder Shui Yun.

"Dalawa o tatlong buwan pa ang kailangan para matapos na repinahin ang lahat ng hundred corpses."Napailing si Zhao Feng. Kapag kumpleto na ang Hundred Corpse Plan, makakapatay na agad siya ng Sovereign, pero mukhang hindi niya muna maaabot ang layuning iyon.

"Mayroong isang paraan para mapataas natin ang ating batte-power, pero nangangailangan ito ng tulong sa labas."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.

Tulong mula sa labas?

Naunawaan ng Purple Saint Partial Spirit.

"Anong tulong mula sa labas?"

Hindi ito nakuha ng Skeletal Division Leader.

Kalahating araw amg makalipas, sa gitna ng misteryosong kanyon:

Weng~~~

Isang malapanaginip na dagim ang nagpakita at bumaba ang Purple Saint Treasured Palace mula sa langit.

Shua!

Agad na yumapak si Zhao Feng sa ikatlong palapag ng Treasured Palace.

"Senior Purple Saint, mayroon bang mga Earth-Grade Weapons na pwedeng gamitin para dito?"

Itinuro ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.

"Earth-Grade Weapon? Ako?"

Napanganga ang Skeletal Division Leader sa gulat.

"Mayroong tatlong normal na Earth-Grade Weapons. Hayaan natin siyang pumili at subukan ito."

Ikinumpas ng Purple Saint Partial Spirit ang kanyang kamay at tatlong bola ng liwanag ang lumutang sa harap ng Skeletal Division Leader.

"Sinasabi mong…. Pwede akong umili ng Earth-Grade Weapon ko?"

Hindi maitago ng Skeletal Division Leader ang tuwa sa kanyang puso.

Earth-Grade Weapon. Mga legendary weapons sila kung maituturing sa Azure Flower Continent.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagagapi ang Skeletal Division Leader ay dahil sa wala siyang Earth-Grade Weapon. Kung mayroon siya ng isa , paniguradong tataas ang lakas niya nang ilang beses.

Hindi nagtagal, nakapili na rin ang Skeletal Division Leader. Isa itong maitim na pilak na buto, halos tatlong yarda ang haba nito at napakatalim nito.

"Nine Deadly Yin Bone: Earth-Grade Weapon. Bagay ito sa mga nagcucultivate sa Dao of Bone Strengthening. Ang butong ito ay maaaring makiisa sa buto ng gumagamit at kaya nitong pataasin ang kapangyarihan at depensa ng taong ito. Kapag umaatake, may kasama itong air of ferocity na tumatama sa kaluluwa ng kalaban. Habang dumarami ang napapatay nito, lalong tumitindi ang air of ferocity."

Ibinuod ng Purple Saint Partial Spirit ang espesyalidad ng sandatang ito.

Gustong-gusto ng Skeletal Division Leader and Nine Deadly Yin Bone, at bagay rin naman ito sa kanya.

Isang oras ang makalipas, nakiisa na sa katawan ng Skeletal Division Leader ang Nine Deadly Yin Bone.

Ang katawan ng Skeletal Division Leader ay naging mas madilim at nagbiga ito napakalakas na aura.

"Hahaha… Talagang karapat-dapat nga ito na maging isang Earth-Grade Weapon. Kahit na hindi ko ito gamitin mismo, tumaas agad amg battle-power ko nang kay rami."

Punong-puno ng saya ang Skeletal Division Leader. Ang isang daang taon na pagcucultivate ay hindi nakapagbigay sa kanya ng ganitong klaseng kapangyarihan.

Tatlong araw ang makalipas, nasanay na ang Skeletal Division Leader na gamitin ang Nine Deadly Yin Bone. Talagang nababagay talaga sa kanya ang buto, para bang ginawa talaga para sa kanya ang buto. Hindi niya kinailangan ng matagal na panahon para maging pamilyar kung paano ito gamitin.

"Tara na, hindi natin pwedeng hayaan na gumaling pa si Lu Tianyi."

Hindi na naghintay pa si Zhao Feng nang matagal.

Sa araw na iyon, si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader ay napag-alaman kung saan nanatili si Lu Tianyi para magpagaling.

Bago ang laban, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye para kontrolin ang maraming kawan ng halimaw sa malapit at inutusan nitong atakihin sina Eldee Shui Yun at ang mga kasama nito.

Booom~~~~~

Ang kweba kung saan nanunuluyan sina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito ay agad na dinumog ng mga halimaw.

Ghost Corpse Cursed Array!

Iwinagayway ni Zhao Feng ang watawat at ang dagim ay pumalibot sa loob ng dalawang milya. Sa pagkakataong iyon, kinontrol ni Zhao Feng ang Ghost Corpse Cursed Array at sinaktuhan talaga ang oras para maging perpekto ang lahat.

Sa pagkakataong pinatay nila Elder Shui Yun at ng mga kasama nito ang mga kawan ng halimaw, nahulog na sila sa Ghost Corpse Cursed Array.

Wu~~~~

50 na ghost-corpses, isang air of death, at isang kapangyarihan ng sumpa na sapat na para gawing isang lusak ng dugo ang isang Half-Step Origin Core Realm.

"Green Sky Water Border!"

Inilabas ni Elder Shui Yun ang kanyang Green Water Fallen Pearl at bumuo ng isang defensive barrier. Subalit, mas malakas na ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array kaysa dati, kung kaya ang kapangyarihan ng sumpa nito ay sumipsip pa rin sa mga bitak ng pangharang.

Parehong napasinghal sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er sa loob ng Green Sky Water Border. Ang kanilang mga hindi kumpletong Earth-Grade Weapons ay sinalag muna ito nang panandalian, pero napakahina ni Lu Tianyi at ang erosyon na idinulot ng sumpa ay agad na ikinaputla niya.

"Earth-Grade Weapon - Nine Deadly Yin Bone!"

Isinaksak ito ng Skeletal Division Leader at tumama ito sa pangharang nilang Green Sky Water Border.

Crack!

Nayanig ang Green Sky Water Border at nagkaroon na ng mga bitak rito.

Wu~~

Ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array at ng Nine Deadly Yin Bone ay agad na sinalubong sila. Ang nauna ay nilamon ang mga buhay na naroon at ang huli naman ay naglalaman ng nakasisindak na kapangyarihan na kayang sirain ang buhay.

Sa loob lamang ng ilang hininga, ang Green Sky Water Border ay naginh madilim. Bukod kay Elder Shui Yun, ang lahat ay sugatan na."Hehe, ang pagkakaroon ng Earth-Grade Weapon ay talagang nakagawa ng pagkakaiba."

Napangiti si Zhao Feng. Kahiy na mayroon siyang Ice Imperial Spear, ang kanyang cultivation ay hindi pa umaabot ng Origin Core Realm kung kaya hindi niya ito kayang panatilihin nang matagal.

Sa kabilang banda, ang Skeletal Division Leader ay isang tunay na Sovereign. Bukod pa roon, sinusuportahan pa ng isa't isa ang Nine Deadly Yin Bone at Ghost Corpse Cursed Array.

Shu~~~

Ang anyo ng isang matalas na buto ay patuloy na tinutusok ang Green Sky Water Border at nakagagawa ito ng butas sa bawat pagtama nito.

Pinilit ni Elder Shui Yun na kayanin ang lahat habang naghihirap rin sina Lu Tianyi at ang dalawa pa nilang kasama.

Ilang beses nang ginustong sumugod ng Division Leader pero palagi siyang pinipigilan ni Zhao Feng, dahil nag-aalala ito na baka ang isa sa kanila ay may Void God Protection o ano pa mang kaparehas nito.

Dahil nasa loob sila ng Ghost Corpse Cursed Array, mayroon silang malakas na defensive barrier na kayang salagin nang bahagya ang kapangyarihan mula sa Void God Protection.

"Nakababahala talaga ang pagiging masyadong kalmado ng Zhao Feng na ito."

Napangitngit ang ngipin ni Elder Shui Yun. Mayroon pa rin naman siyang malalakas na mga sikretong techniques na kasinghusay ng Void God Protection.

Mayroon ring Void God Protection si Zhuang Wan'er, at kahit wala noon sinYe Yanyu, marami naman siyang paraan para makatakas.

Subalit, kahit si Zhao Feng ang mas nakakaangat, ginagamit niya pa rin ang Ghost Corpse Cursed Array para itulak ang mga kalabam paharap.

Habang lumilipas ang oras, ang mga katawan nina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito ay nanghihina.

Ang katawannni Elder Shui Yun ay halos magaling na, pero dahil patuloy silang niyayamot ni Zhao Feng at kailangan niya pang pagalingin sina Lu Tianyi at ang iba pa, mayroon na lamang siyang 60-70% ng kanyang Yuan Qi.

Napakahina ni Lu Tianyi ay mayroon lamang siyang 30% ng kanyang battle-power.

Hindi rin naman ganoon ka nalalayo sina Zhuang Wan'ernat Ye Yanyu. Habang patuloy silang inaatake ng Ghost Corpse Cursed Array at ng Nine Deadly Yin Bone, ang kanilang lakas ay nababawasan na talaga.

Sa wakas, makalipas ang isang oras, ang apat ay nagsimula nang tumakbo.

"Habulin sila!"

Sumunod si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader. Pagkatapos silang habulin, okasyonal na kinokontrol ni Zhao Feng ang mga kawan ng halimaw para harangin sila.

Apat na oras amg nakalipas, nalagay na rin ni Zhao Feng sina Elder Shui Yun at ang mga kasama nito sa isang desperadong sitwasyon. Sa harap nila ay may isang lilang dagim. Naabot na nila ang mga hangganan ng Purple Saint Ruins.

Wala ng pwedeng mapuntahan para makatakas.

Nagtinginan sina Zhao Feng at ang Sketal Division Leader nang may ngiti sa mukha. Sila ang mas nakakaangat. Dahil nababahala sila sa mga itinatagong atake ng kabilang grupo, hindi sila talaga umaatake o kahit man lang pagurin ito upang maubos ang Yuan Qi niya.

"Kung hindi tayo makakakuha ng kahit anong suporta, mamamatay tayo rito."

Nag-aalala na si Zhuang Wan'er. Kahit na may isa siyang Void God Protection, isang beses niya lamang ito pwedeng gamitin. Bukod pa roon, ang Void God Protection ay kaya lamang na saktan o kaya patayin ang mga Sovereigns nang harapan.

Talagang maingat sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader kung kaya nagtatago sila sa Ghost Corpse Cursed Array. Ang pagpatay sa kanila nang sabay ay napakahirap.

"Zhao Feng, sinubukan na naman ng tatlong sects na buksan ang spatial hole pero nabigo sila."

Umalingawngaw sa isip ko kung paano kita pasasalamatan.

Pagkatapos iyon marinig, nagpakawala ng hininga si Zhao Feng at saka ngumiti.

"Hindi ito maganda! Mayroong isang eksperto na may espesyalisasyon sa spatial laws ang siyang nakapasok sa nasirang spatial hole at pumasok sa Purple Saint Ruins.

Isang boses ang natataranta.

Shua!

Sa parehong pagkakataon, isang kabataang may pilak na mata ang nagpakita sa gitna mg misteryosong kanyon. Sa likod niya, isang maliit na kulay pilak na bitak ang siyang naglaho.

Sa mga normal na pagkakataon, ang isang maliit na butas ay hindi kayang pagkasyahin ang isang tao, pero ang pamantayang ito ay nasira ng lalaking may kulay pilak na mata.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C552
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO