Descargar la aplicación
33.31% King of Gods (Tagalog) / Chapter 528: Ang Paglitaw ng Purple Destruction

Capítulo 528: Ang Paglitaw ng Purple Destruction

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang bundok na nasa ilang milya ang layo mula sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion.

"Magsisimula na ba ito?"

Si Jiang Sanfeng, Die Ye, at mga kasama ay tumingin sa dalawang anyo nang may galak.

Sa paligid ng mga bundok ay maraming mga miyembro ng Iron Blood Religion upper echelon, kasama ang Deputy Patriarch, mga Protector, ang mga Elder, at mga Chapter Leader.

Ang lahat ay naghihintay sa magaganap na laban.

Shua!

Dalawang makapanagyarihang aura mula sa ilalim ng bundok ang tila nasa gitna ng Heaven Earth Yean Qi sa hindi kalayuan.

"Patriarch!"

"Senior Baiyun."

Nakaramdam ng matinding puwersa ang mga manonood.

Nayanig ang mga puso ni Jiang Sanfeng at mga kasama. Hindi nila inakalang ang laban sa pagitan ng mga junior ay mapapapunta ang mga Sovereign para manonood.

Sa mismong oras na ito, nagsimula na ang laban.

Ang unang umatake ay si Yu Tianhao gamit ang kaniyang klasikong galaw.

"Unparalleled!"

Isang malakas na ragasa ng mental energy intent ang nanggaling sa palad ni Yu Tianhao.

Boom!

Isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa langit, at tila kaya nitong sirain ang lahat ng nasa paigid nito.

Ang mga batas at intent ay sa galaw na ito ay katulad ng sa isang Sovereign.

Nayanig ang mga puso ng mga manonood at namula ang mga mukha.

"Syempre, iyan ay si Yu Tianhao.'

"Sa lebel ng kaniyang pang-unawa, hindi imposible para sa kaniyang maging isang Sovereign sasusunod na sampung taon."

Ang mga mata ni Patriarch Hong at Dao Sovereign Baiyun ay nagliwanag.

Sa harapan ng palad na itom, si Zhao Feng ay labis na maliit at mukhang walang silbi ang kaniyang paglaban.

Syempre, it ay pakiramdam lang mula sa pagtingin. Ang soul-strength ni Zhao Feng ay mas malakas talaga kay Yu Tian

"Eye of Ice Soul – Ice Soul Shooting Ling!"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging ice-blue nang tumria ng isang half-transparent na asul na liwanag.

Ang asul na liwanag ay naglalabas ng lamig na sagad sa buto na bumagsak kay Yu Tianhao.

Boom!

Ang katawan ni Yu Tianhao ay nagyelo nang kumalat ang lamig sa kaniyang buong katawan at kahit sa dimensyon ng mental energy.

Ang kaniyang buong katawan ay nilalamig at tumigil ang kaniyang atake.

Masira ka!

Ang battle intent ni Yu Tianhao ay naging isang patalim na humati sa lamig, at ang lamig ng menta energy mula sa Ice Soul Shooting Line ay dinurog ni Yu Tianhao.

Kasabay nito:

Claw of Wind and Lightning!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at isang malaking kuko na may mahinanag lilang kidlat na tumapat sa atake ni Yu Tianhao.

Bam~~~~~~

Nagtama ang kidlat ang bilog ng liwanag, na naglabas ng isang aura ng pagkasira.

Napaatras ng ilang hakbang si Zhao Feng dahil sa puwersa ng pagtama.

Ang galaw na nakatalo sa lahat sa Sacred True Dragon Gathering ay si Zhao Feng ang may kagagawan.

Biglang lumaki ang mga mata ng iba.

"Walang maikukumpara sa kotrol ni Zhao Feng sa sitwasyon.

Sinabi ni Tiemo.

Ang depensa ni Yu Tianhao ay labis na malakas, at ang maliit na bilang ng mga half step Origin Core Realm expert ay kayang mapigilan ang kaniyang atake nang hindi napipinsala.

Gayunman, hindi hinayaan ni Zhao Feng na gawin ni Yu Tianhao ang kaniyang nais. Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Ice Soul Shooting Line para pahinain ang depensa ni Yu Tianhao.

Sa puntong ito, napigilan lang ni Zhao Feng ang kaniyang Ice Shoul Shooting Lin

Shua!

Bago pa siya makaatake, ang mga tanikalang hangin at kidlat ay nagsimulang pumalibot kay Yu Tianhao para pigilan ang kaniyang paggalaw.

Napakabilis!

Biglang nakita ng mga tao ang youth na may asul na buhok na lumtiaw sa tabi ni Yu Tianhao para limihan ang kanilanag mga gawain.

Ang ekspresyon ni Yu Tianhao ay nagbago ang ekspresyon. Ang nakakangamotg n ang ulam

Unparalleled Secert Technique - Chaotic Dancing Spring and Autumn!

Isang liwanag ang nagmula kay Yu Tianhao at tila naging laban ng mga diyos aang umatake sa iba't iabang henerasyon

Sa sandaling ito, ang bawat suntok at palad mula kay Yu Tianhao ay nagtataglay ng makapangyarihang menta energy intent.

Kahit si Zhao Feng ay hindi kayang pigilan ang patuloy na pagragasa ng intent ni Yu Tiangao. Kung isa lang itong normal na peak True Lord Rank, ang kanilang mga depensa ay masisira sa isang ragasa o dalawa dahil katulad ng sa isang Sovereign ang intent ni Yu Tianhao.

Crack!

Ang mga tanikalang hangin at kidlat sa paligid ni Yu Tianhao ay nasira.

Weng~~

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago. Isang bola ng kidlat ang nagsimulang maipon sa kaniyang paladm na nagsimulang mapaikot ang isang maliit na lilang liwanag.

"Wind Lightning Tornado!"

Ang bola ng hangin at kidlat ay biglang lumaki, na nakabuo ng isang ipo-ipo na higit sa isang daang yarda ang lapad.

Hu~~~~~

Ang napakalaking ipo-ipo ay naglabas ng isang nakakasirang aura na bumalot sa Unparalleled Chaotic Dancing Spring and Autumn ni Yu Tianhao.

Sa loob ng ilang hininga, ang bundok ay nilamon ng ipo-ipo.

Boooom!

Mga butas na ilang yarda ang lapad ang naiiwan sa dinadaanan ng ipo-ipo.

"Mag-ingat ang lahat!"

Ang ilan sa mga miyembro ng upper echelon ng Iron Blood Religion ay nataranta. Ang mga normal na True Spirit Realm ay mamamatay kung aksidente silang matamaan sa laban.

Unparalleled secret technique – Chaotic Dancing Spring and Autumn!

Si Yu Tianhao ay tila isang diyos ng giyera nang sirain ang lahat ng nasa paligid, at ang ipo-ipong nilabas ni Zhao Feng ay nakaharap nito.

"Hindi ko siya maaaring hayaang makalapit."

Si Zhao Feng ay nagulat. Sinira ni Yu Tianhao ang lahat ng madaanan niya at si Zhao Feng ay walang kalamangan sa malapitang laban.

Shua!

Nawala si Zhao Feng nang biglang lumayo ng isa hanggang sa dalawang daang yarda.

Gayunman, si Yu Tianhao ay hindi isang normal na kalaban at kaaagd niyang nahabol si Zhao Feng.

"Unparalleled in the World"

Naglabas si Yu Tianhao ng isang makapangyarihan aura.

Whoosh~~~~~~

Isang misteryosong malamig na liwanag ang sumisira sa lahat ng nasa paligid nito.

Sa sandaling ito, kahit ang araw at buwan ay tila nawala ang kanilang kulay sa harapan ng kaniyang palad.

Ang mga ekspresyon ng dalawang Sovereign ay bahagyang nagbago.

Ang lahat ng mga manonood ay tumayo ang balahibo, at naramdamang kahit ang isang diyos ay mamamatay sa atakeng ito.

Ang parehong atake na ito ang ginamit sa Golden Sun Sacred City, ngunit ang kapangyarihan ngayon ay higit pa sa doble ngayon.

"Isang makapangyarihang galaw!"

Bahagyang nanginig ang puso ni Zhao Feng, at hindi niya maiwasang huminga nang malalim nang isang maliit na lilang core ang lumitaw sa kaniyang palad, na sumama sa nakapaligid na kidlat.

"Iyan ang…!"

Ang dalawang Sovereign sa ilalim ay nakaramdam ng labis na nakakasirang aura at nagulat.

Ang maliit na lilang core ay ang purple-colored lightining ni Zhao Feng at sa paligid nito ay ang azure-colored lightning.

Nang mailabas ang aura nito, bawat may buhay sa loob ng sampung milya ay natahimik.

"Purple Destruction – Wind Lightning Destruction!"

Ang malabong lilang core sa pald ni Zhao Feng ay sumama sa asul na kidlat at naging isang atakeng nagint isang bilog na asul at lila.

Boom~~~~~

Dalawang atake ang nagsimulang laminin at sirain ang isa't isa.

Pinatunog ng mga manonood ang kanilang mga dila. Ni hindi na nila makita ang mga anyo ngayon. Ang tanging nakikita nila ay isang malamig na liwanag at isang purple-azure lightning na magkasama.

Ilang hininga ang makalipas, isang nakasisirang aura ang nawala.

Shu!

Ang anyo ni Yu Tianhao ay nayanig at ilang madugong marka ng pagsunog ang naiwan sa kaniyang katawan.

Kasabay nito, ang malamig na liwanag ay lumapit sa harapan ni Zhao Feng.

Bam!

Ang nangingibabaw na kapangyarihan ay biglang napalipad si Zhao Feng ay dumura ng dugo.

Di! Da!

Isang misteryosong alon ng tubig ang lumitaw sa ibabaw ng katawan ni Zhao Feng at biglang nahilom ang kaniyang mga sugat.

Sa ialim ng bundok, ang mga manonood ay pinipigilan ang kanilang hininga at hindi kayang kumalma.

"Ang kidlat ni Zhao Feng ay tila naglalaman ng laws of Destruction."

Si Patriarch Hong at Dao Sovereign Baiyun ay nagtinginan, labis na nagulat.

Ang kapangyarihan ng Destruction sa atakeng iyon ay labis na mababa ang kalidad, ngunit nagulat na nito ang dalawang Sovereign. Kung may ilang beses pang dagdag, ang resulta ay mahirap isipin.

"Ang palad ni Yu Tianhao kanina ay sapat na para labis na mapinsala ang isang half-step Origin Core Realm. Sa kabutihang palad, nakapagcultivate na si Zhao Feng ng kapangyarihan ng Destruction…"

Huminga si Tiemo.

Sa kasalukuyan ay si Zhao Feng ay may kalamangan dahil sa kaniyang bloodline na kayang mahilom at mabawasan ang kaniyang mga pinsala nang mabilis.

Samakatuwid, ang pangyayaring itong halos pantay ang kanilang kapangyarihan, si Zhao Feng ang may kalamangan.

Wind Lightning Eye Flame!

Bago pa makaatake si Yu Tianhao, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging asul na may kaunting lila na nagliwanag sa kaniyang mata.

Whoosh!

Isang half-transparent na apoy na may aura ng Destruction ang tumunog sa hangin at bumagsak kay Yu Tianhao.

Si Yu Tianhao ay umangal nang mapunta sa isang mapanganib na sitwasyon.

Pagkatapos maipadala ng Wind Lightning Eye Flame gamit ang purple-colore lightning, may kakayahan itong makasira ng buhay at labis na mahirap mapanumbalik ang katiwasayan. Dagdag pa rito, ang apoy na ito ay kayang lamunin ang kaluluwa mismo.


Capítulo 529: Unparalleled Heaven Battling Bloodline

Editor: LiberReverieGroup

Bilang may ganap na kontrol sa sitwasyon, kaagad na pinuwersa ni Zhao Feng si Yu Tianhao sa panganib.

Ang isang bagay na tulad nito ay hindi nangyari sa Sacred True Dragon Gathering, ngunit ang pag-iral ng mga Lord Prodigy mismo ay isang himala.

"Ang Deputy Patriarch ang lamang…"

Ang mga tao sa ibaba ay pinigilan ang kanilang hininga habang nagliliwanag ito sa galak.

"Ang kapangyarihan ng purple-colored lightning ay talagang malakas."

Lumutang si Zhao Feng sa hangin habang ang kanyang damit ay hinahangin.

Sa kanyang seklusyon, ang kanyang pang-unawa sa purple-colored lightning ay tumaas nang malaki.

Ang kanyang Purple Destruction - Wind Lightning Destruction at ang kanyang Wind Lightning Eye Flame ay naglalaman ng purple colored lightning, at ang kapangyarihan nito ay lagpas sa alam ng lahat.

Sa kabila ng early-stage True Lord Rank cultivation ni Zhao Feng, kahit sa mga galaw na iyon ay kayang mapinsala o mapatay pa ang isang nasa half step Origin Core Realm.

Sa kabilang banda.

Whoosh~~~~

Sa loob lang ng ilang hininga, lumala ang pinsala ni Yu Tianhao. Ang kapanhyarihan ng Wind Lightning Eye Flame ay dumaloy sa kanyang mental energy dimension at nagsimulang sunugin ito.

Parehong ang katawan at kaluluwa ni Zhao Feng ay napinsala. Kung isa itong walang malaking battle intent, malamang ay labis labis na itong napinsala.

"Kung magpapatuloy ito, maaaring matalo kaagad si Yu Tianhao."

"Ang mga paglago ni Zhao Feng ay nakakagulat.

Nagliwanag ang mga mata ng dalawang Sovereign.

Ang kalamangan ni Zhao Feng ay nanggaling sa kanyang mga battle tactic at kontrol.

"Zhao Feng, talagang binigo mo ako."

Ang bloodline ng youth na may itim na buhok at nababalot ng aooy ay tila simiklab.

Wu~~~

Isang misteryoso, malamig, at malabong anyo ang tila simama sa katawan ni Yu Tianhao, na binalot siya ng liwanag na lumipad sa langit.

Ang malabong anyong sumama kay Yu Tianhao ay mararamdaman lang gamit ang mental energy.

Manira ka!

Binuksan ni Yu Tianhao ang kanyang braso at ang misteryosong malabong anyo ay gumaya. Tila ang diyos ng giyera ay bumaba sa kaniya.

Bawat kilos niya ay may battle-intent na makakasugod sa mga diyos at tulad ng diyos.

Nang may kasamang "whoosh," ang kapangyarihan ng Wind Lightning Eye Flame ay nawala.

Unparalleled in the World!

Isinaksak ni Yu Tianhao ang kanyang palad at ang Heaven Yuan Earth Qi ay dobleng beses na nahigop.

Dagdag pa rito, ang atakeng ito ay may nakakasindak na battle intent na tila pinapakita ang tunay na mundo.

Ang atakeng ito ay kayang magulat ang mga multo at diyos. Tila ibang tao na siya.

Nayanig ang puso ni Zhao Feng. Bago nakarating ang atake, ang nagliliyab na battle intent ay nagsimula nang umatake sa kanyang kaluluwa at kamalayan, ngunit sa kabutihang palad, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay labis na malakas.

"Purple Destruction - Wind Lightning Destruction!"

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang lumitaw sa kanyang palad ang malabong lilang core, na nagsimulang umikot sa asul na kidlat.

Beng!

Nagtama ang dalawang puwersa na tila nasisirang bundok.

Sa sandaling nagtama ang dalawang puwersa, naitulak ang Unparalleled in the World ni Yu Tianhao kay Zhao Feng.

Weng~

Kaagad na kumilos si Zhao Feng at isang patong ng tubig ang lumitaw sa kanyang katawan, na pinigilan ang natitirang puwersa. Ngunit kahit na ganoon, naitulak pa rin siya ng ilang yarda palayo.

"Siya ay naoinsala… Paano tumaas nang ganoon ang kanyang battle power?"

Ang paghinga ni Zhao Feng ay bumilis. Binuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye at sinuri si Yu Tianhao. Ang malamig at malabong anyo ay tila nag-apoy sa isang misteryosong bloodline at kahit ang God's Spiritual Eye ay hindi ito kayang kopyahin.

"Unparalleled Heaven Battling bloodline!"

Si Patriarch Hong at Dao Sovereign Baiyun ay sumigaw.

Sa sandaling ito, ang bloodline power ni Yu Tianhao ay ganap nang sumiklab, na labis na nagpataas sa kanyang battle power.

Bawat kilos ni Yu Tianhao ay may mental energy battle intent na kayang pigilan ang nasa Origin Core Realm.

Dagdag pa rito, ang misteryosong bloodline ay labis na pinataas ang kapangyarihan ng bawat galaw.

"Unparalleled secret technique - Chaotic Dancing Spring and Autumn!

Ang itim na buhok ni Yu Tianhao ay hinangin nang mabalot siya ng liwanag.

Sa sandaling ito, ang kanyang parehing atake at depensa ay mas malakas.

Peng!

Nagpadala si Yu Tianhao ng ilang suntok, at bawat isa ay tila isang bundok na sumisira sa lahat ng matamaan nito.

"Tila bumaba ang isang diyos ng giyera sa kaniya."

Si Tiemo, Jiang Sanfeng, at mga kasama ay nagulat.

Nagulat ang nga nagmula sa Iron Blood Religion. Wala silang magawa kung hindi panuorin si Yu Tianhao na baliktarin ang sitwasyon at pinuwersa si Zhao Feng.

Ilang hininga ang nakalipas.

Teng! Teng! Teng!

Umatras si Zhao Feng at ang tubig sa kanyang paligid ay lumabo ang kulay.

Kahit gamit ang kaniyang purple-colored lightning, hindi na siya makaganti may Yu Tianhao.

"Wings of Wind and Lightning!"

Ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay naglabas ng isang malabong lilang liwanag nang isang mas maliwanag na pares ng pakpak ang nagawa.

Hu~~~

Ang Wings of Wind and Lightning ay gumalaw, na naglabas ng Lightning and Wind Yuan Qi sa loob ng samoung mikyang distansya.

Sa loob ng ilang sandali, nawala si Zhao Feng at naging malabong afterimahe na mas mabilis kay Yu Tianhao.

Qiu!

Isang anyo ang lumitaw sa langit.

Ang galaw ni Zhao Feng ay hindi lang mabagal. Mayroon din itong mga ilusyon mula sa mental energy technique.

Kahit si Yu Tianhao, na may Unparalled Heaven Battling bloodline na nakabukas, ay hindi makita si Zhao Feng nang malinaw

Kahit na ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ay malakas, ang pangunahing tuon nito ay ang lakas at depensa. Walang gaanong pagtaas sa bilis.

__

Unparalleled!

Ginamit muli ni Yu Tianhao ang atakeng tila lumamon sa mga langit, at isang misteryosong malamig na liwanag ang sumira sa lahat ng madaanan nito.

Gayunman, ang kanyang atake ay hindi tumama kay Zhao Feng.

Gamit ang Wings of Wind and Lightning, ang bilis ni Zhao Feng ay liksi ay mas mataas. Higit sa lahat, ang kanyang God's Spiritual Eye ay kayang mahulaan ang mangyayari.

Wind Lightning Eye Flame!

_

Purple Destruction - Wind Lightning Destruction!

__

Purple Destruction - Claw of Wind and Lightning.

Kaagad na gumalaw si Zhao Feng at gumanti ng atake nang matapang sa pagitan ng kanyang mga pag-iwas.

Mga malayuang atake, malapitang laban… ang mga taktika ni Zhao Feng ay nagpatuloy.

Boom! Bam!

Nakita ng lahat ang dalawang anyong lumilipad sa hangin. Ang kanilang mga mata ay lumabo at hindi nila alam ang nangyayari.

Gayunman, isang bagay ang sigurado. Wala nang makakapigil sa laban.

Ang dalawang napakahusay na prodigy ay may sariling kalamangan, kaya ang mananalo ay hindi pa masasabi.

"Sa tunay na battle power, si Yu Tianhao ang halatang may kalamangan, ngunit kinokontrol ni Zhao Feng ang sitwasyon nang napakaayos. Ito ang kalamangan ng kanyang eye bloodline. May kalamangan din si sa bilis.

Nagbuntong hininga si Dao Sovereign Baiyun.

"Tama. Ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ni Yu Tianhao walang makakatapat, ngunit halatang katangi-tangi rin si Zhao Feng; kaya niyang puwersahin si Yu Tianhao at kunin ang kontrol."

Sabi ni Patriarch Hong.

Nakumpirma ng labang ito na walang henerasyon ang maikukumpara sa kanila.

Walang nta henyo sa nakaraang henerasyon ang makukumpara rin sa kanila.

Sa mga ulap.

"Divine Light of Destruction!"

Isang liwanag ang lumabas sa kaliwang mata ni Zhao Frng na sinira ang lahat ng madaanan nito.

"Hindi ba… iyan ay eye bloodline technique ng pamilyang Golden Sun?"

Nagulat ang dalawang Sovereign.

Ang Divine Light of Destruction ay sinasabing kayang makasira ng kahit anong technique.

Ngayon, ginamit ni Zhao Feng kumpletong bersyon para maharap si Yu Tianhao.

Shuu!

Tinamaan ng liwanag si Yu Tianhao at kaagad na sinira ang kanyang depensa.

Ang bumigo kay Zhao Feng ay hindi naapektuhan ang misteryosong bloodline ni Yu Tianhao dahil nasa bloodline niya ito. Walang nakakaalam sa uri ng anyo nito, tulad ng Eye of Heaven ni Zhao Feng.

Unparalleled secret technique - Chaotic Dancing Spring and Autumn!

Mas nagliyab ang bloodline ni Yu Tianhao, at ang intent mula sa bawat atake niya ay sumugod sa kaluluwa ni Zhao Feng.

Kung hindi lang dahil sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, mappagod siya kahit na wala siyang pinsala.

"Mas lumalakas si Yu Tianhao. May hangganan ba ang kanyang bloodline?"

Naging seryoso ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Kadalasan, bawat bloodline secret technique ay may limitasyon at isang kabayaran para magamit ito, ngunit si Yu Tianhao ay mukhang mas malakas habang tumatagal sa laban. Tila para talaga sa laban ang kanyang bloodline.

"Mukhang kailangan ko nang gumamit ng weapon-shadow para matalo si Yu Tianhao."

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng.

Habang iniisip ito, ang kanyang kaliwang mata ay naging kasingasuk ng yelo.

"Ice Imperial Spear, lumabas ka!"

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang ipinalaganap ang kanyang bloodline, at isang half-transparent shadow ng Ice Imperial Spear ang naipon.

Hu~~

Isang hindi maipaliwanag na lamig ang pinagyelo ang lahat, kasama ang Yuan Qi.

Peng!

Ang atake ni Yu Tianhao ay biglang nagyelo habang lumalapit; tila isang apoy na madaling napatay.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C528
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO