Nang makitang hindi siya makakakuha ng sagot, nilisan na ni Yu Tianhao ang Sun Sacred City.
Tumalikod lang siya at umalis na. Ang mga tao sa siyudad ay nagulat.
Mukhang si Yu Tianhao ay hindi interesado sa Tea Party o kahit kay Three Eyed Saint.
"Hpmh, nais mong iwan kami nang ganoon lang?"
Mababakas ang galit sa mga mata ng Three Eyed Saint. Ang pakiramdam na minamaliit ang nagpaigting ng kaniyang galit.
Sou!
Hinabol niya si Yu Tianhao nang nagrereklam habang may liwanag na nanggaling sa kaniyang katawan.
"Anong ginagawa mo?"
Tumigil si Yu Tianhao sa hangin at tumingin nang walang ekspresyon sa Three Eyed Saint.
"Yu Tianhao, hindi pa tayo naglalaban, ikaw at ako."
Isang gintong liwanag ang nanggaling sa katawan ng Three Eyed Saint nang dumilat ang kaniyang ikatlong mata.
Dumaloy ang malinaw na aura sa hangin.
Ang aura ay makapangyarihan na kahit ang isang normal na napakahusay na prodigy ay hindi ito makakaharap.
"Ikaw ay tunay na karapat-dapat manalo sa Sacred True Dragon Gathering nang dalawang beses, ngunit tapos na ang iyong oras. Dagdag pa rito, ang pamilyang Golden Sun ay natalo na ng pamilyang Yu noong nakaraang isang daang taon."
Nagsisising sinabi ni Yu Tianhao.
"Baliw na ungas. Noong inatake ko ang Sacred True Dragon Gathering, nag-aaral ka pa lang kung paano magsuot ng damit mo."
Ang Three Eyed Saint ay tumawa imbis na magalit.
Kahit na narinig na niyang kung gaano kayabang si Yu Tianhao, nagulat pa rin siya sa katotohanan.
Kailangang malaman na ang Three Eyed Saint ang nanalo sa dalawang Sacred True Dragon Gathering bago si Yu Tianhao, at maituturing siyang senior ni Yu Tiahao.
Ang kaniyang cultivation at kaalaman ay parehong mas mataas kay Yu Tiahao.
"Maglaban na tayo."
Sinabi ni Yu Tianhao habang naglabas ng ragasa ng battle intent.
Halata namang alam niya ang pangalan ng Three Eyed Saint at alam nakarapat-dapat naman itong maging kalaban.
"Babawiin ko ang kapalaran ng pamilyang Golden Sun."
Ang bloodline ng Three Eyed Saint ay nagningas nang nanatili kay Yu Tianhao ang kaniyang ikatlong mata.
Ang katawan ni Yu Tianhao ay mas bumigar nang ang lugar ay naging limitado dahil sa isang kapangyarihan.
Golden Void Dragon Sun Claw!
Ang kamay ng Three Eyed Saint ay humaba paharap, na kumikinang nang may ginto.
Pa!
Ang nakakagulat na claw ay tila pinayanig ang lugar at, sumama sa limitasyon ng kaniyang Sacred Eye bloodline, at nakagawa ng perkpektong atake.
Kahit ang isang True Lord rank ay magagalaw ng atakeng ito, at hindi ito kayang harapin.
Nakatayo lang si Yu Tianhao nang hindi gumagalaw, na walang bakas na gustong umiwas. Mukhang hindi ito problema sa kaniya kahit nanatili sa kaniya ang Sacred Eye bloodline.
"Masira ka!"
Nang walang pag-iisip, itinulak lang ni Yu Tianhao ang kaniyang palad.
Isang kahanga-hangang liwanag ang nanggaling sa kaniyang palad. Tila naging gitna nito ng mundo, na tila kayang sirain ang lahat ng humarang dito.
Kung nandito si Zhao Feng, siya ay magugulat. Ang intent ni Yu Tianhao ay mukhang pareho ng sa isang Sovereign.
Gayunman, ang intent ni Yu Tianhao ay ang representatibo ng kaniyang katawan – simple at direkta.
Bam~~~~Crack!
Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa Golden Sun Sacred City at mararamdaman ang ragasa ng buhangin at alikabok papunta sa kanila.
Plop! Plop! Plop!
Ang ilan sa mga manonood ay napalipad ng bugso ng hangin mula sa pagtatama, at ang mga manonood na True Spirit Realm ay pinigilan ang kanilang hininga nang sila ay nanatili.
Sa hangin, ang golden claw ng Three Eyed Saint ay biglang nasira.
Wah!
Ang Three Eyed Saint ay umatras nang ilang hakbang at dumura ng dugo at hindi makapaniwala, "Unparalleled Battle Techniqur? Hindi, mukhang pinagsama mo ang ilang inheritance...."
"Three Eyed Saint, kung hindi mo gagamitin ang tunay mong skill, wala ka nang pagkakataon sa susunod."
Ngumiti si Yu Tianhao.
Huminga nang malalim ang Three Eyed Saint nang may seryosong ekspresyon. Bago ang laban, inisip niyang bahagyang mas mahina si Yu Tianhao kaysa kay Zhao Feng dahil wala siyang malahalimaw na bloodline tulad kay Zhao Feng, kaya ang kaniyang pagkakataong manalo ay mas mataas.
Noong sila ay nagtama na ay tsaka lang napagtanto ng Three Eyed Saint kung gaanong nakakasindak si Yu Tianhao at pamilyang Yu.
Walang dudang ang kaniyang ama at mga ninuno ay napigilan ng pamilyang Yu.
Kahit si Zhao Feng ay hindi matalo si Yu Tianhao noon sa Sacred True Dragon Gathering.
"Three Eyed Divine Light – Godlen Crow World Smothering!"
Ang ikatlong mata ng Three Eyed Saint ay tila araw ng nagbigay ng nakasisilaw na liwanag.
Wu~~
Isang nag-aapoy na uwak ang lumipad sa lagit at sinunog ang lahat ng madaanan nito.
Ang atakeng ito ay tila sinusunog ang mismong langit.
Sa sandaling ito, ang Three Eyed Divine Light secret technique ng Three Eyed Saint ay nasa sukdulan, na nasusunog ang parehong mental energy at pisikal na mundo.
"Hahaha! Ganiyan nga."
Tumawa si Yu Tianhao nang tumulak ng isa pang palad.
Unparalleled!
Isang misteryosong palad na may lamig ang tila lumamon sa lupa.
Boom~~~
Ang pala ay ang tumatak kasama ang Heaven Earth Yuan Qi habang dinurog nito ang lahat ng nasa paligid.
"Diyos ko!"
Ang mga eksperto sa Golden Sun Sacred City ay pinigilan ang kanilang hininga nang sila ay magulat.
Ang lahat sa loob ng ilang milya ang layo ay nabalot ng palad. Kahit ang buwan at mga bituin ay tila nilamon, at nawala ang kanilang liwanag.
Ang Three Eyed Saint ay mukhang walang hanggang mas maliit kumpara sa kapangyarihan nito.
Kahit ang kaniyang ama at ang First Elder ay hindi siya binigyan ng ganitong puwersa.
Kahit na ang Three Eyed Divine Light ay kayang sirain ang kahit ano, ang kaniyang atake ay napigilan ng mga patong ng nangingibabaw na puwesa.
Ang mas nakakasindak pa ay ang palad ni Yu Tianhao na naglalaman ng makapangyarihang aura na dinurog ang kakayahang mapakalat ang mental energy ng kaniyang Three Eyed Divine Light.
Bam~~
Sa harapan ng kaniyang palad, ang Three Eyed Saint ay hindi man lang nagtagal nang dalawang hininga bago siya napalipad.
Teng! Sou~~ Wah!
Ang kaniyang katawan ay ilang beses na bumaliktad sa hangin at dumura siya ng maraming dugo. Ang sakit na nagmumula sa kaniyang katawan ay halos masira ang kaniyang pag-iisip.
"Paano naging ganito kalakas ang isang taong nasa True Lord Rank? Kahit na ang kaniyang cultivation ay halos nasa late-stage True Lord Rank, walang mental energy o intent sa ilalim ng Origin Core Realm ang maikukumpara sa kaniya."
Ang Three Eyed Saint ay nagulat. Ang kaibahan sa cultivation sa pagitan ng dalawa ay malaki, ngunit ang "unparalleled" ay tunay na dumurog sa kaniyang Three Eyed Divine Light.
Pagkatapos umatras nang ilang daang yarda, naiayos pa ng Three Eyed Saint ang katawan niya. Ang kaniyang mukha ay namumutla, at kahit ang kaniyang Sacred Eye bloodline at tila humaharap sa isang uri ng mental energy attack.
"Hindi kita katapat, kahit na nasa sukdulan ka na."
Mahinang sabi ni Yu Tianhao.
Halatang nakita niya na ang bloodline power ng Three Eyed Saint ay bahagyang napinsala.
Nakalaban na niya si Zhao Feng isang buwan na ang nakalipas at ang kaniyang mga pinsala at hindi pa naghilom lahat.
"Nabuksan mo na ba ang maalamat na Unparelleled Heaven Battling bloodline?"
Huminga nang malalim ang Three Eyed Saint.
"Unparelleled Heaven Battling bloodline? Napagniningas ko lang ang bloodline na iyon kapag malaaks ang aking kalaban. Hindi ka kwalipikado."
Ngumiti si Yu Tianhao at lumipad palayo.
Nayanig ang puso ng Three Eyed Saint nang mawala ang pagkapahiya at galit.
Ganap siyang dinurog ni Yu Tianhao. Natalo siya nang patas.
Ang kaibahan sa pagitan ni Yu Tianhao at Zhao Feng ay ang pagkadirekta ni Yu Tianhao at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Habang si Zhao Feng ay may napakalaking kalamangan din, pumunta siya nang may "mapagkumbabang" ugali.
Sa dalawa, mas hinangaan ng Three Eyed Saint si Yu Tianhao. Si Zhao Feng ay isang lang masamang magnanakaw.
Golden Sun Sacred City.
Pinaalis ng lahat si Yu Tianhao sa kanilang tingin. Ang kanilang mga puso ay hindi kumakalma.
Sa oras na ito, naintindihan ng lahat ang isang bagay.
Ang panahon ng Three Eyed Saint ay tunany ngang tapos na. Ang panahong ito ay pagmamay-ari na ng dalawang Lord Prodigies.
"Si Yu Tianhao ay siguradong umalis para hanapin si Zhao Feng."
"Ang dalawang Lord Prodigy na ito ay nakatayo sa tuktok ng ilang mga henerasyon, ngunit sino ang tunay na hari?"
Ang galak at pag-asa ay mababakas sa kanilang mga mukha.
"Si Jinyang Shengtan, hidni inakalang ang Azure Flower Continent ay may mga nakakasindak na henyo. Kahit ang mga henyong top True Dragon ng Three Saint Palace ay nasa ganoon lang na lebel."
Isang youth na may makapal na kilay ang lumitaw sa tabi ng Three Eyed Saint. Hindi sumagot ang Three Eyed Saint, ngunit ang kaniyang katahimikan ay nagsasabing sumasang-ayon siya.
"Kung magagawa kong irekomenda ang dalawang iyon sa Three Saint Palace, magiging isang malaking tagumpay ito."
Pagtuloy ng youth na may makapal na kilay. Mukhang natutuwa ito.
"Irekomenda sila sa Three Saint Palace? Hindi!"
Sigaw ng Three Eyed Saint.
"Jinyang Shengtian, ito na ang malaking pagkakataon natin. Kung bibigyan tayo ng pabuya ng Sect, maaari tayong magkaroon ng pagkakataong magtagumpay."
Ang youth na may makapal na kilay ay hindi natuwa.
"Una, siguradong hindi sasama si Yu Tianhao sa Three Saint Palace. Ang pamilyang Yu ay may malaking karanasan sa panlabas na mundo at wala sa kanilang mga henyo ang ipinadala sa Three Saint Palace. Kung hindi ako nagkakamali, si Yu Tianhao ay nagmamdalign kalabanin si Zhao Feng dahil aalis na siya sa Azure Flower Continent at pupunta sa isang misteryosong puwersa na maaaring mas malakas pa kaysa sa Three Saint Palace."
Paliwanag ng Three Eyed Saint.
"Ganoon pala."
Ang youth ay hindi nagulat. Ang mundo ay labis na malaki at ang Azure Flower Continent ay parte lang nito.
"Ngunit si Zhao Feng ay siguradong walang ganoong karanasan."
Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ng youth na may makapal na kilay.
"Magagawa mo ito! Kung ang ungas na ito ay sumali sa Three Saint Palace, anong mukha na lang ang aking maihaharap...?"
Halos sunabog na ang Three Eyed Saint.
Kung sasali si Zhao Feng sa Three Saint Palace, ang kaniyang Sacred Eye bloodline ay mawawalan ng silbi. Ang lahat ay mawawala kapag sumali si Zhao Feng.
Makalipas ang ilang buwan, sa Canopy Great Country, ang pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion.
Qiu!
Isang bilog ng kidlat ang bumagsak.
"Sa wakas ay nakabalik na ako."
Ang taong ito ay isang youth na may asul na buhok at huminga.
Kung iisipin kung paano niya kinausap ang isang Elder ng Scarlet Moon Demonic Religion sa malapit na distansya, naramdaman niyang swerte pa rin siya.
Sa kabutihang palad, sinuri niya ang paligid at walang bakas na nasundan siya.
Ngayong nakabalik na siya sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion, naramdaman niyang siya ay ligtas. Dahil siya ay isang Sovereign dito.
Si Zhao Feng ay naunang makarating kaysa kay Prince Jin at iba pa mula sa Canopy Great Country. Si Jiang Sanfeng at Die Ye ay hindi pa nakabalik.
Sa sandaling bumagsak si Zhao Feng, lumabas si Deputy Patriarch.
"Kumusta ang Tea Party?"
Tanong ni Tiemo.
Para tulungan si Zhao Feng na harapin ang Three Eyed Saint, nagbigay si Tiemo ng buod tungkol sa Sacred Eye bloodline ng pamilyang Golden Sun.
"Hindi na masama."
Isang ngiti ang lumtiaw sa mukha ni Zhao Feng nang sinabi niya ang tungkol sa Tea Party.
Si Tiemo ay labis na natuwa pagkatapos makinig, "Hindi ko inakalang ang titulo ng pinakamalakas na eye bloodline ay magbabago dahil sa iyo."
Biglang naalala ni Zhao Feng na hinabol siya ng Head ng pamilyang Golden Sun at ng kanilang First Elder at pinatay sila ng Elder Assassination.
__
Sasabihin ko ba kay Tiemo?
Habang nagdadalawang isip si Zhao Feng, isang boses ang umalingawngaw sa kanilang mga tainga, "Zhao Feng, Tiemo."
Patriarch Hong.
Nagulat si Zhao Feng. Halos nakalimutan na niya kung sino ang tunay na pinuno ng Iron Blood Religion.
Makalipas ang isang saglit, si Zhao Feng at Tiemo ay kinita si Patriarch Hong sa
Ang mukha ni Patriarch Hong ay biglang namula at ang kaniyang aura ay hindi matapatan.
Ang kaniyang bawat kilos at galaw ay tila katumbas ng Heaven Earth Yuan Qi, ang ang kaniyang intent ay ilang beses na mas malakas kaysa sa isang True Lord Rank.
"Zhao Feng, hindi ko inakalang natalo mo ang Three Eyed Saint at kukunin mo ang ang titulo ng pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente."
Pagpuri ni Patriarch Hong.
Ang Patriarch at angDeputy-Patriarch ay labis na natuwa kay Zhao Feng. Masasabing ang youth sa kanilang harapan ay ang pinakatalentadong henyo sa buong kontinente.
Kahit ang Ten Major Forces ay gagawin ang kanilang makakaya para mapangalagaan ang ganitong prodigy.
"Patriarch Hong, mayroon ka pa bang kailangan?"
Sinuri ni Zhao Feng si Patriarch Hong at nalamang ang kaniyang mga pinsalang natamo ay halos naghilom na lahat.
Nang lumitaw muli ang Sovereign, wala nang ibang boses sa Canopy Great Country.
"70-80% ng aking lakas ang nanumbalik na at ako ay pupunta sa Sacred Alliance sa loob ng ilang buwan. Naisip mo na ba ang ang sinabi ko noong nakaraan?"
Si Patriarch Hong ay ngumiti at nagtanong.
Sinabi niya noong nakaraan?
Hindi nagtagal ay naalala ito ni Zhao Feng.
"Zhao Feng, ang pagsali sa Three Saint Palace ay may malaking pakinabang sa iyo at sa Iron Blood Religion. Kailangan mong maintindihang ang mga isla sa paligid, kasama ang Azure Flower Continent, ay pinamumunuan ng Three Saint Palace."
Babala ni Tiemo.
Nang marinig ito, nagsimula nang magdalawang isip at mahirapan si Zhao Feng.
Si Patriarch Hong at Tiemo ay nagtinginan.
"Zhao Feng, mayroon ka bang hindi masabi?"
Tanog ni Patriarch Hong.
Sinabi ni Zhao Feng ang sitwasyon tungkol kay Liu Qinxin.
Matapos marinig ang paliwanag ni Zhao Feng, parehong si Patriarch Hong at Tiemo ay nakaintindi. Si Liu Qinxin ay ang magiging asawa ni Zhao Feng, kaya't makatuwiran na susubukan niyang hanapin ang Sky Saint Qin Inheritance sa hinaharap.
"Ang Zhao Feng na ito ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa mga relasyon..."
Nagtinginan at nagbuntong hininga si Patriarch Hong at Tiemo.
Ang totoo, may isa pang dahilan kung bakit hindi makapagdesisyon si Zhao Feng sa pagsama sa Three Saint Palace, at ito ay dahil kay Zhao Yufei at Purple Saint Ruins.
Dagdag pa rito, siya ay interesado sa Eight Great God Eyes na sinabi ng Sage.
Ang ibig sabihin nito ay nililimitahan si Zhao Feng ng puwersa.
"Zhao Feng, hindi namin papakialaman ang iyong desisyon, ngunit kailangan mo ng maging malakas para makaalis sa lugar na ito at makareting sa panlabas na mundo. Kailangan mong maabot ang half-step Origin Core Realm bago ka umalis."
Sabi ni Patriarch Hong.
"Salamat sa mga paalala."
Nagpasalamat si Zhao Feng sa kaniya.
Hindi gusto ng dalawang malapit si Zhao Feng sa panganib sa labas. Mas mabuti kung mananatili siya sa two-star Three Saint Palace.
Gayunman, iginagalang nila ang desisyon ni Zhao Feng.
Ang isang Lord Prodigy na nakalagpas sa sa mga henyo ng ilang mga heneraysyon ay maaaring maging iba sa lahat.
Sunod, tinuruan ni Patriarch Hong si Zhao Feng ng ilang mga karaniwang kaalaman.
"Sa teorya, ang isang True Lord Rank ay sapat na para matawid ang karagatan at makarating sa panlabas na mundo. Ito ang pinakamababang kailangan."
Tumigil si Patriarch.
True Lord Rank?
Nagulat si Zhao Feng. Mayroon lang kaunting mga True Lord Rank sa Canopy Great Country, at ang isang malakas na bansa ay may isa o dalawa lang.
Ang ibig sabihin din nito ay maraming mga tao ang limitado.
Dagdag pa rito, ang True Lord Rank ay ang pinakamababang kailangan.
"Ang panganib na hinaharap ng isang normal na True Lord Rank kapag nakarating sa panlabas na mundo ay malaki. Kadalasan, ang pag-abot lang sa half-step Origin Core Realm ang makakabawas sa panganib. Ang mga Sovereign ay kaunti lang ang bilang as panlabas na mundo at nakakalibot nang ligtas."
Paliwanag ni Patriarch Hong.
Ang totoo, ang mga Sovereign ay madalas na pumunta sa ibang mga isla, ngunit ang mga nsa True Lord Rank ay hindi maliban na lang kung pangungunahan sila ng isang Sovereign.
Halimbawa, si Patriarch Honh ay pumupunta sa ibang mga islang malapit minsan kapag nasa peak.
Makalipas ang tatlong araw, ginulat ni Patriarch Hong ang mundo sa kaniyang Origin Core Realm cultivation.
Sa loobl ang ng isang buwan, ang ulat na ito ay ginulat din ang buong upper echelon ng Canopy Great Country.
Sa isang partikular na araw, pumunta pa si Patriarch Hong para bumisita sa mga Imperial.
Ang mga Imperial ay tahimik at wala nang reklamo.
"Simula ngayon, si Patriarch Hong na ang magiging Grand Duke ng bansa. Ang Iron Blood Religion ay magiging relihiyon ng bansa. Ang kalaban ng Iron Blood Religion ay magiging kalaban din ng mga Imperial...."
Walang pag-asang ginawa ng Emperor ang desisyong ito.
Kapag lumitaw na ang Sovereign, ang walong puwersa ng Canopy Great Country ay walang sariling boses.
Nang walang pagdududa, ang Iron Blood Religion ay naging pangunahing puwersa ng bansa. Kahit wala si Patriarch Hong, si Zhao Feng at Tiemo ay sapat na para pigilan ang mga Imperial.
Kasama ang isang Sovereign, ang Iron Blood Religion ay hindi malayo sa pagiging isang one-star sect, kailangan lang nila ng ilang karagdagang pangangailangan.
Hindi naman ito mahalaga kay Zhao Feng. Iniwan na niya ang pangunahing himpilan sampung araw na ang nakalipas para makahanap ng lugar para magcultivate.
Makalipas ang kalahating buwan, pagkatapos bumalik sa mundo si Patriarch Hong.
Sou!
Isang nakaksilaw na liwanag ang bumaba mula sa langit. Isang makapangyarihang aura ang kasama nito, na nakapagpataranta sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion.
Nakaramdam ng mabigat na puwersa ang Deputy Patriarch at si Tiemo.
"Sinong nariyan?"
Ang mga eksperto ng Iron Blood Religion ay nagkaroon ng reaksyon, na pumunta sa pormasyon nang walang ekspresyong tinignan ang youth na may itim na buhok sa langit.
"Yu Tianhao!"
Nakilala siya ni Jiang Sanfeng at ng iba pa, at nagpaliwanag.
Ang youth na may itim na buhok ay si Yu Tianhao, na naglakbay pa mula sa Golden Sun Sacred City.
"Nandito ba si Zhao Feng?"
Kaswal na sinuri ni Yu Tianhao ang mga tao, at lahat ng nakatingin sa kaniya ay naramdamang tila sinaksak ang kanilang puso.
Kahit ang kasinglaks ni Tiemo ay hindi makaharap sa tingin ni Yu Tianhao.
"Ang Yu Tianhao na ito ay mas malaks sa inaasahan."
Si Tiemo ay nagulat.
"Yu Tianhao, hindi ka pumunta sa tamang oras. Si Deputy Patriarch Zhao Feng ay umalis na sampung araw na ang nakalipas. Naghanap siya ng isang tahimik na lugar para magcultivate."
Sinabi ni Jiang Sanfeng.
"Kailan siya babalik?"
Nagdesisyon si Yu Tianhao na manatili sa Iron Blood Religion sa ngayon. Kung papakawalan niya ang pagkakataong ito, maaaring hindi na niya makalaban si Zhao Feng."
"Yu Tianhao? Ikaw ba ang anak ni Yu Xingchen?"
Isang matandang boses ang umalingawngaw sa isip ni Yu Tianhao.
"Sovereign!"
Ang ekspresyon ni Yu Tianhao ay nanigas nang sinabi niya sa malalim na tono, "Ang junior na ito ay bumabati kay senior Hong."
Sa Azure Flower Continent, may limitadong bilang nga mga Sovereign at kilala nila ang bawat isa.
Nang makitang may isang Sovereign dito, ang mga kilos ni Yu Tianhao ay naging mas magalang at naghintay siya nang tahimik.
Sa underground palace.
"Brother Hong, mukhang si Yu Tianhao rito ay may hindi magandang intensyon. Sa buong kontinente, malamang ay siya lang ang kayang makapalit sa posisyon ni Zhao Feng.
Sinabi ni Tiemo sa nag-aalalang tono.
Seryosong tumango si Patriarch Hong, "Ang ama ni Yu Tianhao ay labis na malakas kahit na sa mga Sovereign, at kahit ang Three Saint Palace ay hindi mapakali sa karanasan ng pamilyang Yu."
"Brother Hong, sino sa tingin mo ang mananalo sa pagitan ni Yu Tianhao at Zhao Feng?"
Tinanong ni Tiemo ang mahalagang katanungan.
"Kung hindi pa pinagningas ni Yu Tianhao ang kaniyang Unparalleled Heaven Battling bloodline, mayroon lang siyang 40% na pagkakataong manalo laban kay Zhao Feng. Ang soul at eye bloodline ni Zhao Feng ay labis na makapangyarihan. Ngunit kung nagningas na ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ni Yu Tianhao, ang kaniyang pagkakataong manalo ay tataas sa 50-60%..."
Sagot ni Patriarch Hong.
Bilang isang Sovereign, ang mga pandama ni Patriarch Hong ay labis na matalim.
Kung hindi ito ang sitwasyon, hindi niya makikitang karapat-dapat ibigay ang Ball of Ice Soul at Dark Eye Incomplete page kay Zhao Feng sa una nilang pagkikita.
Sa isang kisapmata, higit sa isang dosenang araw ang nakalipas.
"Hehe, Patriarch Hong, matagal tayong hindi nagkita. Sana ay nasa mabuting kalagayan ka."
Isang matandang daoist na nakaputing damit ang lumutang pababa.
Sa sandaling nakababa siya, ang Heaven Earth Yuan Qi ay tumigil, at pagkatapos ay dumaloy papunta sa kaniya na tila isang sapa.
Tanging ang mga nasa True Mystic Rank o mas mataas pa ang makakaramdam sa pagbabagong ito.
Sa silid para sa bisita sa loob ng himpilan ng Iron Blood Religion.
"Isa pang Sovereign!"
Nagbago ang ekspresyon ni Yu Tianhao.
"Hahaha, dao Sovereign Baiyun? Hindi tayo nagkita ng ilang daang tao at may oras kang pumunta rito?"
Isang elder na may scarlet na buhok ang lumitaw at binati ang matandang daoist na may puting damit.
Ang Dao Sovereign Baiyun na ito at lumitaw noon sa Sacred True Dragon Gathering.
"Dao Sovereign Baiyun! Ang Grand Elder ng Heavenly Yuan Clan!"
Tanging kaunting mga tao lang tulad ni Tiemo ang nakakilala sa Dao Sovereign Baiyun.
Hindi nagtagal, si Dao Sovereign Baiyun, Patriarch Hong, at Deputy Patriarch Tiemo ay umupo sa isang bulwagan.
"Dao Sovereign Baiyun, siguradong hindi ka pumunta sa Iron Blood Religion dahil madadaanan lang ito, hindi ba?"
Ang mga mata ni Patriarch Hong ay nagliwanag. Magkakilala na ang dalawa dahil sila ay parehong mga Sovereign, ngunit hindi gaanong pamilyar sa isa't isa.
"Pumunta ako ngayon para makita si Zhao Feng."
Dumirekta kaagad si Dao Sovereign Baiyun sa punto.
Makita si Zhao Feng?
Si Patriarch Hong at Deputy Patriarch Tiemo ay nagtinginan. Isa pa?
Si Yu Tianhao ay pumunta dahil sa parehong dahilan at hindi pa umalis.
Inisip ito ni Tiemo at hindi nagtagal ay nalaman ang intensyon ni Dao Sovereign Baiyun.
Tulad ng inaasahan, "Ang aking disipulong si Yufei at Zhao Feng ay pumunta sa isang hindi malamang inheritance nang magkasama."
Hindi nagtagal ay ipinaliwanag ni Dao Sovereign Baiyun ang kaniyang intensyon. Ito ay nasa kaniyang mga inaasahan.
Gusto niyang personal na tanungin si Zhao Feng tungkol sa loksyon ni Zhao Yufei pati na ang kaniyang sitwasyon.
"...Si Zhao Feng ay nakabalik nang ligtas, ngunit wala pang ulat mula sa aking disipulo. Kahit na may dinalang ulat si Tianyi, mayroon pa rin akong ilang mga katanungan."
Ang boses ni Dao Sovereign Baiyun ay nagsimulang maging malamig at ang kaniyang makapangyarihang spiritual sense ay nagsimulang kumalat sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion.
También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO