Descargar la aplicación
30.85% King of Gods (Tagalog) / Chapter 489: Pagbabalik sa Canopy Great Country

Capítulo 489: Pagbabalik sa Canopy Great Country

Editor: LiberReverieGroup

Ang itim na ulap ay nagsimulang maglaho, kasama ang Skeletal Division Leader.

Hindi makagalaw at makapagsalita si Old Su. Hindi siya kumalma sa mahabang oras

Malalim niyang tignan ang kabataan sa kanyang harapan na mayroong magulong ekspresyon.

Marahil ay walang nakaisip na hindi lamang napatay ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader, nakontrol niya ito.

Nakakatawa kung paano sila naghinala kung "naresolba" ba talaga ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.

"Totoo nga, hindi ka aalis hanggang mayroong panganib sa Cloud area."

Huminga nang malalim si Old Su.

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at itinago ang Ten Thousand Great Pearl.

Matapos umalis sa Hundred Graves Forbidden Ground, nilagay ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader sa Ten Thousand Great Pearl.

Sarili niya itong mungkahi.

Ang lugar sa Ten Thousand Great Pearl sa angkop para sa ghost corpses at ang Skeletal Division Leader ay isang ghost corpse.

Mas mabilis na gagaling ang kanyang katawan at mga galos sa Ten Thousand Great Pearl.

Matapos ang ilang sandali, naglakad na paalis sina Zhao Feng at Old Su sa sikretong silid.

Marami pa ring mga tak, kabilang sila Jiang Sanfeng, Die Ye, Lin Tong at Princess Jin.

Nakita nang lahat na noong lumabas si Old Su ay basa ang kanyang damit at mukha siyang nagulat habang si Zhao Feng ay masaya pa rin.

Sila Lin Tong, Princess Jin at iba pa ay hindi alam kung anong nangyari, ngunit kahit interesado sila sa pinag-usapan ni Zhao Feng at Old Su, alam nila na ang lihim ay mananatiling lihim.

"Chapter Leader."

Naglakad sa magkabilang gilid ni Zhao Feng sina Jiang Sanfeng at Die Ye bumiyahe pabalik sa Broken Moon Clan.

"Hindi mo na kailangan mag-alala Brother Zhao, ang Cloud area ay magiging malinis na"

Pinanood ni Old Su ang pag-alis nila Zhao Feng.

Sa mga sumunod na araw, ang sitwasyon sa Cloyd area ay nagbago na.

Ang Iron Dragon Alliance na minsang namuno ay natalo sa ilang buwan lamang.

Ito ang katapusan at pagsisimula ng bagong era.

Ang Dragon Killing Alliance ay pinalitan ang Iron Dragon Alliance at bumuo ng Dragon Killing Strong Country, na pinamunuan ng mga taong naging kabilang ng Sky Rich Imperials.

Sinakop ng Dragon Killing Strong Country ang Sky Rich at Iron Dragon Countries, ngunit ang pinaka headquarters nito ay ang Cloud Country.

Kahit na ang Dragon Killing Country ang namumuno sa Thirteen Countries, ang totoong namumuno ay Dragon Killing Alliance, na mayroong sariling intensyon sa paglalagay ng headquarters sa Cloud Country.

Matapos ang ilang araw, bumalik sila Zhao Feng, Jiang Sanfeng at Die Ye upang magpaalam sa Broken Moon Clan.

Sa gusali ng First Elder.

"Master, nawalan ka ng braso noong niligtas mo kami. Hahanapan kita ng magandang kapalit diyan kapag bumalik na ako sa Canopy Great Country."

Tumingin si Zhao Feng sa walang lamang manggas ni First Elder at nangako.

Kapag nakagawa siya ng Wheel of Light and Darkneas, hindi lamang makababawi si First Elder, mas magiging malakas pa siya.

Nagbigay din siya ng ilang pills at reasources mula sa Purple Saint Ruins kay First Elder, na nagpagaling sa mga nakatagong sugat nito at naging dahilan upang umabot siya sa peak True Human Rank.

Ang bagong Clan Master na ai Yang Gan ay umabot na rin sa True Spirit Realm, ilang araw na ang nakalilipas.

Ang buong lakas ng Broken Moon Clan ay tumaas at ito na ang nangungunang Clan sa Thirteen Clans.

Idagdag pa si True Lord Tiexiao, Lin Tong at mga kasamahan nito, tinantya ni Zhao Feng na ang Broken Moon Clan ay malapit na sa "half a star."

"Feng'er, ang hiling ko lamang ay malayo ang iyong marating."

Maluha-luha ang mata ng First Elder kay Zhao Feng at mga kasama nito.

Walang nakakaalam kung kailan makakabalik si Zhao Feng matapos ang pag-alis niyang ito.

Siyempre may ginawa si Zhao Feng bago siya umalis. Ang Dark Heart Seed ni Lin Tong ay pinagtibay at ang God's Eye Mark ay parehong nilagay sa kanya.

Halatang madali lamang kay Lin Tong na umabot sa True Lord Rank.

"Gamit ang lakas ng Dark Heart Seed at God's Eye Mark, kahit na may panganib, lalabas ang aking Eye of Heaven."

Halatang may pakialam si Zhao Feng sa hinaharap.

Habang lumalakas ang kanyang mata, mapapalabas niya ang Eye of Heaven na lumabas kahit na nasa Canopy Great Country siya.

Ang God's Eye Mark ay sensor, nagpapakita sa kanya kung saan siya lilitaw.

"Chapter Leader, ang sitwasyon dito ay maayos na. Kailan tayo aalis?"

Tanong ni Jiang Sanfeng.

"May isang bagay pa."

Isang mainit na ekspresyon ang pinakita ni Zhao Feng.

Matapos ang kalahating araw, pumunta si Zhao Feng sa kailaliman ng bundok upang makipag kita sa kanyang mga magulang at sa ilang malapit na kamag-anak ng Zhao family.

Kabilang dito si Lord Guanjun.

Noong umalis si Zhao Feng sa Cloud Area, nagpadala na ng mga tao si First Elder na mag-aalaga sa magulang at Master ni Zhao Feng.

Umalis na rin si Zhao Feng matapos ang ilang araw na pananatili kasama ang kanyang mga magulang at Lord Guanjun.

Qiu!

Naging hangin si Zhao Feng na mabilis na nawala at iniwan sina Jiang Sanfeng ay Die Ye.

Puno nang pagmamalaki ang mukha ni Lord Guanjun noong umalis si Zhao Feng.

Shua!

Ang walang emosyong kabataan ay lumitaw mula sa kawalan at tumayo sa tabi ni Lord Guanjun.

"Master, hindi na ako maaaring manatili kasama ka. Kailangan ko ring umalis sa Cloud area."

Yumuko si Bei Moi kay Lord Guanjun.

Masaya si Lord Guanjun. Ang pagkakaroon ng disipulong gaya ni Zhao Feng at Bei Moi, maaari na siyang mamatay nang walang pinagsisisihan.

"Nag-antay ako sa sandaling makakabawi ako, ngunit sa kasamaang palad, sobrang lakas ni Brother Zhao."

Pinanood ni Bei Moi na maglaho si Zhao Feng sa himpapawid.

Ang junior martial brother niyang ito ay dahan-dahang umakyat, mula sa langgam na nasa ilalim ng Clan sa pagiging bituin, hanggang umabot siya sa punto na nakikipagpalitan siya ng atake sa mga Elders sa Clan.

Mayroon siyang malaking tagumpay. Hindi niya lamang binago ang kapalaran ng Broken Moon Clan, namuno rin siya sa Cloud area.

Matapos ang ilang araw, ang balitang mabubuo na ang Dragon Killing Alliance Country ay kumalat sa Cloud area.

Ang pinaka malakas na pwersa ngayon ay Dragon Killing Alliance, na nangunguna sa bawat lahi at pamilya.

Isa pa, ang First Elder ay si Zhao Feng na hindi pa nagtatagal simula noong umalis.

Hindi siya lumabasa sa pagbubukas ng seremonya, ngunit walang nag kwestyon sa kanyang estado at lakas.

Pag-uusapan pa rin ng mga tao ang First Elder sa ilang taon, kahit na matagal na hindi makabalik si Zhao Feng.

Sa taas ng tigang na lupain, isang ginto at berdeng ibon ang lumipad sa bilis ng True Lord Rank.

Ang ibon ay may dalang tatlong tao habang dahan-dahan itong umalis aa Cloud area.

"Chapter Leader, sinong nakakaalam kung anong klaseng pang gugulat ang idudulot mo sa pagbabalik mo sa Canopy Great Country."

Tumawa si Die Ye.

Maging sa panahon na ito, ang bilang ng mga henyong katulad ni Zhao Feng ay mabibilang lamang sa isang kamay.

Labing-walong taon na si Zhao Feng ngayon, habang si Yu Tianhao at Goddess Bing Wei ay sampung taon nag tanda sa kanya.

"Chapter Leader, ang iyong cultivation ay umabot na sa early-stage True Lord Rank. Maliban kay Yu Tianho, wala ka ng katapat."

May galang na saad ni Jiang Sanfeng.

Nakatanggap ng balita si Zhao Feng na umabot na sa early-stage True Lord Rank si Yu Tianho matapos bumalik sa inheritance at ang makapangyarihang aura nito ay kinatatakutan ng mga mas matandang True Lord Rank.

"Mukhang umabot na siya sa early-stage True Lord Rank kalahating taon na ang nakalilipas."

Bulong ni Zhao Feng sa sarili.

Sa kontinente, tanging si Yu Tianhao lamang ang katapat ni Zhao Feng.

Gayunpaman, isang kalmado at normal na kabataan ang sumagi sa isip ni Zhao Feng.

"Sina Xin Wuheng at Yu Tianhao ay pumasok na sa Heaven's Legacy Inheritance."

Saad ni Jiang Sanfeng.

Hindi bumalik si Xin Wuheng?

Lubhang nagulat ai Zhao Feng.

Sa mata ng iba, kapag hindi sila nakabalik mula sa inheritnce, patay na sila.

Sumang-ayon si Zhao Feng, ngunit palaging may eksepsyon.

Halimbawa, Zhao Yufei. Hindi na siya umalis sa inheritance, at hindi lamang mabuti ang kanyang kalagayan, maganda ang kapalaran niya roon.

Higit sa lahat, siya ang mag kokontrol ng buong inheritance.

Ang Purple Saint Ruins ang nangunguna sa lahat ng inheritances.

"Mayroong tatlong bagay na kailangan kong gawin bago bumalik sa Canopy Great Country."

Naisip ni Zhao Feng.

Ang una ay ibigay ang Elixir of Life sa misteryosong elder ng Blood Religion at ibalik ang pabor.

Ang ikalawa ay gumawa ng Wheel of Light of Darkness para sa First Elder.

Ang ikatlo ay tungkol sa kanyang mapapangasawa- Liu Qinxin.

Hindi mahirap ang unang dalawang gawain, ngunit sumasakit ang ulo ni Zhao Feng sa ikatlong gawain.

Nangako siya noong tumakas siya sa Flooding Lake City na papakasalan niya ito kapag wala na siyang importanteng gagawin.

Sa kasalukuyan, naayos niya na ang sitwasyon sa Cloud area at wala naman na talaga siyang aasikasuhin ngayon.

Ibig sabihin ay kailangan niya nang tuparin ang kanyang pangako.

"Kasal?"

Isang elegante at kalmadong diyosa ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng.

Hindi niya ayaw kay Liu Qinxin, at nanalo siya sa pustahan dito dahil sa pagmamahal nito noong nakatakas siya. Gayunpaman, nakokonsensya siya at naaawa.

Sa huli, nangako siya kahit na maaaring hindi maniwala ai Liu Qinxin sa kanya.

Dalawang buwan ang nakalipas, ang ginto at berdeng ibon ay dumaan sa Northern Continent at nakarating sa hangganan ng Canopy Great Country sa harap ng rumaragasang ilog.

"Ang Flooding Lake River ay nasa tapat nito, tama?"

Saad ni Zhao Feng.

"Chapter Leader, kailangan nating daanan ang Floating Lake City upang makabalik sa headquarters… ngunit ang Flooding Lake Liu family…"

Hindi mapigilan ni Jiang Sanfeng na mag-alinlangan noong nagsalita siya. Alam niya na ang "pagtugis" kay Zhao Feng ay hindi pa natatapos.


Capítulo 490: Paghihiganti sa Flooding Lake?

Editor: LiberReverieGroup

Ang River of Rage ay isa sa talong malalaking ilog sa Northern Continent, at dumadaan ito sa Canopy Great Country. Ang rumaragasang ilog ay tila hahatiin na ang kontinente sa dalawang piraso.

Ang daloy nito ay lubhang makapangyarihan at maaaring lumamon sa Ascended Rdalm sa isang alon lamang.

Mayroong mga bagyong mahangin sa itaas ng ilog na maaring pumatay sa mga flying beasts.

Maging ang normal na True Human Ranks ay hindi kayang lumipad sa ibabaw ng ilog.

May iba't ibang uti ng nilalang sa River of Rage.

Ang Heaven's Legacy Inheritance ay minaang lumitaw dito sampung libong taon na ang nakalilipas.

Sa araw na ito, isang kakaibang senaryo ang nangyari aa River of Rage.

Wu~

Isang malalim na huni ang nagmula sa gitna ng mga alon kasabay ng paglitaw ng berdeng ipo-ipo.

Noong lumitaw ang berdeng ipo-ipo, nanahimik ang tubig na tila nagyelo ito.

Weng~

Dahan-dahang umikot ang ipo-ipo na tila inaabot ang kabilang sulok ng lugar

Ilang segundo ang nakalipas, biglang huminto ang ipo-ipo at sa isang "shua," lumitaw ang karaniwang lalaki.

Ang River of Rage ay sapat na upang patayin ang normal True Spirit Realms, ngunit ang lokasyon sa tabi ng lalaki ay kalmado.

"Azure Flower Continent? Mukhang naka balik na ako."

Ang lalaking naka berdeng roba ay minulat ang kanyang mata. Ang pangkaraniwang itsura nito ay may pares ng mata na misteryoso at walang kapantay, tila naka saksi na nang ilang pagsilang at pagkamatay.

Ang lalaking ito ay mukhang nasa dalawampung taon lamang, ngunit nagbibigay siya nang pakiramdam na iba siya sa mga ka edad niya.

Kung narito ang ibang mga henyo mula sa Sacred True Dragon Gathering, magugulat ang lahat, kabilang ang limang pinaka mahusay na prodigy.

Ang lalaking naka berdeng roba ay si Xin Wuheng, na kakabalik lamang mula sa Heaven's Legacy Inheritance.

"Wala na akong dapat intindihin dito."

Timayo pa nang matagal si X8n Wuheng bago mag buntong-hininga.

Hindi siya umalis sa River of Rage, sumasabay lamang siya sa agos.

Bilang isa sa tatlong pinaka malaking ilog, sinasabing ang River of Rage ay umaabot sa dulo ng kontinente at konektado sa karagatan.

"Sa labas ng kontinente ay walang hanggang karagatan."

Pumikit si Xin Wuheng at ang kanyang katawan ay binalot ng rumaragasang alon.

Sa ikatlong araw na nakalutang si Xin Wuheng.

Sou!

Isang malaking berde at gintong ibon ang nahihirapang dumaan sa River of Rage.

Tumingin si Zhao Feng at mga kasamahan nito sa baba kung saan kasalungat na dalampasigan ng River of Rage.

"Ang Heaven's Legacy Inheritance ay sinilang rito sampung libong taon ang nakaraan at mukhang hinati ang langit at mundo."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na isipin ang nakaraan habang dumadaan siya rito sa ikalawang pagkakataon

Noong unang beses siyang pumunta rito, wala siyang kilala at hindi siya pamilyar sa kahit na ano.

Sa pagkakataong ito, kalmado siya at kita ang kaunting lakas sa kanyang mata.

"Chapter Leader, pupunta ka talaga sa Flooding Lake City?"

Muling tanong ni Die Ye.

Ang Flooding Lake City ay isa sa mga sangay ng Liu Family, at si Empress Qin ng Liu family ay mahalagang tao sa Imperials.

Sa nakaraang ilang mga taon, ang labanan sa pagitan ng Iron Blood Religion at Imperials ay hindi natapos.

Sa madaling salita, ang Liu Family ay kalaban ng Iron Blood Religion.

Kahit na walang koneksyon, alam ng lahat nag relasyon ni Zhao Feng kay Flooding Lake City Lord.

"Dahil daraan na rin taho diyan, makipag kita na rin tayo sa kanila."

Hindi ang-alinlangan si Zhao Feng.

Una, nandito siya upang patunayan ang kanyang pangako at ikalawa, malapit dito ang tirahan ni Master Tiegan.

Kailangan ni Zhao Feng ng tulong nito upang magawa ang Wheel of Light and Darkness para sa First Elder.

Makalipas ang kalahating araw, ang ginto at berdeng ibon ay malapit na sa Flooding Lake City.

"Isang flying beast na nasa True Mystic Rank!"

Ang mga bantay ay nanginig sa takot.

Hindi bihira na makakita ng True Human Rank, ngunit ang True Mystic Rank pataas ay bihira.

Ang True Lord Ranks ay ang mga taong namumuno sa kanilang sariling lugar at may mga malalakas na kapangyarihan. Mula dito, makikita na kung gaano kahalaga ang mga True Mystic Rank flying beasts.

Kaunti lamang ang mga flying beasts na ganoon ang lebel sa Flooding Lake City.

Agad na sinabi ng mga bantay ang bagay na ito sa mga nakaka taas.

"Hmm? Pamilyar ang lalaking may asul na buhok."

Ilan sa mga bantay ay nakapokus kay Zhao Feng at bigla silang napatingin sa poster sa pader ng syudad.

Ang poster ay bahagyang sira na, ngunit ang asul na buhok at munting pusa ay kita pa.

"Diyos ko!"

"Ang nangungunang kriminal sa Flooding Lake City? Nananaginip ba ako?"

Nagulat ang mga bantay. Ito ang unang beses na pumunta ang kriminal na hindi tinatago ang totoong itsura.

Gayunpaman, bago pa makapag salita ang mga bantay, lumipad ang mga ibon.

Matapos ang ilang sandali.

"Zhao Feng? Sigurado kang siya iyan?"

Sabik ang boses ng purple-armored youth.

"Young Master Liu Yuan."

Yumuko ang lahat na bantay.

Ang tumatanggap ng ulat ng bantay ay si Young master Liu Yuan, na nakaabot sa True Human Rank.

Kung narito ai Zhao Feng, makikilala niya ang taong ito.

Ito ang taong una niyang binati noong unang beses niyang pumunta sa Flooding Lake City, at kung hindi dahil sa taong ito, hindi makakalaban ni Zhao Feng si Liu Qinxin.

Noong tumakas si Zhao Feng, hinarap ni Liu Yuan si Zhao Feng, ngunit agad siyang natalo ng eye technique nito.

"Zhao Feng, hindi ko naisip na babalik ka rito matapos ang dalawang taon… isang mahusay na prodigy?"

Huminga nang malalim si Liu Yuan at inalala ang nakaraan na mayroong maguling ekspresyon.

Sou!

Isang ilaw ang kumislap sa maga nito kasabay ng pagtungo niya sa lokasyon ng ginto at berdeng ibon.

Ngunit, sa usapin ng bilis, ang ibon ay nasa True Mystic Rank at higit na mas malakas kay Liu Yuan.

Sinubukan ni Liu Yuan na habulin ito ngunit hindi niya naabutan.

"Isang napakahusay na prodigy? Ang kriminal ng Flooding Lake City ay dadaan na lamang dito ng ganoon?"

Hindi ito nagustuhan ni Liu Yuan. Hindi niya rin alam kung bakit niya ito gustong mahabol. Marahil ay dahil sa natalo siya nito dati.

Kumpara dito, ang pagiging kriminal ni Zhao Feng ay hindi talaga ang dahilan.

Sa katotohanan, kapag hindi tumigil ang ginto at berdeng ibon, hindi talaga ito mahahabol ni Liu Yuan.

Kabit sinong nasa True Human Rank at karamihan sa True Mystic Rank ay hindi ito mahahabol.

Marahil ang langit ay naawa sa sigaw ng puso ni Liu Yuan dahil biglang bagal ang ginto at berdeng ibon at bumaba sa gitna ng Flooding Lake City, na palasyo ng Flooding Lake City Lord.

Noon, dito ginaganap ang labanan para sa kasalan.

Sou! Sou! Sou!

Tatlong pigura ang bumagsak sa taas ng Flooding Lake City Lord's Palace.

Ang lalaking may asul na buhok ay may bihirang itsura ng umaalala sa minamahal. Matapos ang lahat, kalahating taon siyang nanatili rito.

Gayunpaman, walang ganoong emosyon sina Jiang Sanfeng at Die Ye.

"Ito ang sentro ng Flooding Lake Liu family at sikat ang City Lord. Siya ay True Lord Rank na sa loob ng dalawang taon at natalo ang ilang matatandang True Lord Ranks."

Balisa ang dalawa.

Ang Iron Blood Religion at Flooding Lake Liu family ay nasa magkabilang panig at si Zhao Geng ay takas sa kanila.

Sa normal na pagkakataon, hindi nila ito gagawin kahit na malakas pa ang kanilang loob.

Isa pa, ang larawan ni Zhao Feng ay nasa pader pa rin.

"Eh? Siya ba ang manugang noon?"

"Manugang? Nagbalik na si Zhao Feng?"

Nag-usap-usap ang mga tao sa harap ng Citu Lord's Palace.

Higit sa lahat, nanatili si Zhao Feng dito ng kalahating taon at pamilyar sa kanya ang mga tao.

"Chapter Leader… iniisip mo ba na pabagsakin ang Flooding Lake City ngayon?"

Naging balisa si Jiang Sanfeng.

Mas maraming tao ang nagkukumpulan sa paligid at maging ang mga eksperto sa True Spirit Realm.

Gayunpaman, nag-iingat sila sa cultivation ng tatlong ito, lalo na kay Zhao Feng na naging napakahusay na prodigy.

Tila walang plano ai Zhao Feng na manira o manakop.

"Noon, walang-hiyang umalis si Zhao Feng at hinabol sa buong bansa. Ngayon na True Lord Rank na siya, gusto niya bang maghiganti?"

Naisip nina Jiang Sanfeng at Die Ye. Maging si Liu Yuan ay ito ang naisip.

Noon, nasaksihan ni Liu Yuan ang huong proseso.

"Ang Flooding Lake City Lord ay pinilit si Zhao Feng sa kasalan, na naging dahilan upang maging kasapi siya sa Iron Blood Religion. Ngayon na naging napakahusay na prodigy na si Zhao Feng, masasabing mayroon siyang battle-power ng isang True Lord Rank…."

Tumalon ang puso ni Liu Yuan sa ideyang ito.

Narito si Zhao Feng upang maghiganti.

"Pumunta ka at sabihin agad ito sa Flooding Lake City Lord!"

Hindi mapigilan ni Liu Yuan na isipin kung ano ang mangyayari kapag sinimulan silang atakihin ng True Lord Rank.

Sa kabilang banda, pumunta siya at sinabi ito sa City Lord at sa kabilang banda ay naghanda rin siya.

"Brother Zhao, matagal na tayong hindi nagkita."

Ngumiti si Liu Tianyang noong lumapit siya rito.

Ang titulong "napakahusay na prodigy" ay naging dahilan upang galangin siya ng iba.

Kahit sakop ang aura ni Zhao Feng,sinadya noya itong itago at nagulat ang mga elders dito.

"Liu Yuan, tamang-tama ang iyong pagdating. Sabihin mo sa City Lord na gusto ko siyang makita. Narito ako upang tuparin ang pangako kong kasalan."

Lumingon ito kay Liu Yuan at ngumiti.

Halatang naalala niya pa si Liu Yuan.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya makikipaglaban at mararanasan ang gulong ito.

"Ano…? Makita ang City Lord? Ikasal?"

Nagulat si Liu Yuan at mga kasama nito. Maging si Jiang Sanfeng at Die Ye ay nagulat.

Hindi ba't narito si Zhao Feeng upang maghiganti?


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C489
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO