Descargar la aplicación
25.8% King of Gods (Tagalog) / Chapter 409: Hinaharang ang Daan

Capítulo 409: Hinaharang ang Daan

Editor: LiberReverieGroup

"Ano, posible ito?"

Ang mga henyo ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace sa malapit ay kakaiba ang tingin kay Zhao Feng.

Walang ginawang kahit ano si Zhao Feng at nakaupo lamang sa likuran habang naglalabanan ang iba para sa mga kayamanan.

Ang panig ng Pure Moon Spiritual Sect ay mayroon lamang gaya ni Ye Yenyu at dinurog niya ang mga taong naroroon nang mag-isa.

Matapos maani ni Ye Yanyu ang mga gantimpala ay humiling siya para sa isang mahalagang life returning grass. Kahit ang mga mula sa Moon Demon Palace at sa Black Cliff Palace ay hindi magawang tingnan ang ganito kawalanghiyang gawain.

Subalit, malakas ang loob ni Zhao Feng, tila ba naititiyak niya na ibibigay ito ni Ye Yanyu sa kaniya.

"Managinip ka."

Hindi binigyang-pansin ni Ye Yanyu si Zhao Feng.

Wala siyang pakialam kung kumuha si Zhao Feng ng mga kagamitan mula sa giant scorpion dahil ang mga laman-loob nito ay madumi at madugo.

Subalit, kakaiba ang Life Returning Grass. Ang halaga nito ay isang bagay na hindi maikukumpara sa isang giant scorpion poison sack.

Dagdag pa rito, ang Life Returning Grass ay maituturing na ikalawang buhay para sa kahit sino at walang ginawang kahit ano si Zhao Feng nang bigla nilang maalala ito. Sa pag-alala pa lamang nito, ay ikinagalit na ito ni Ye Yanyu. Nagdadalawang-isip pa nga siya kung irerekomenda niya ba siya sa Pure Moon Spiritual Sect o hindi.

"Batay sa ating usapan, kailangan mo akong tulungan nang tatlong beses. Isama mo sa bilang ang pagkakataong ito."

Walang ekspresyong sinabi ni Zhao Feng at napahinto si Ye Yanyu.

Batay sa usapan sa pagitan nila, ito ay talagang totoo.

Ginamit na ni Zhao Feng nag isang pagkakataon upang tumulong nang protektahan niya siya at halatang papunta na si Zhao Feng sa ikalawang pagkakataon ngayon.

"Hehe, ang usapan natin ay tutulungan kita nang tatlong beses subalit hindi kabilang doon ang pagbibigay sa'yo ng mga libreng kagamitan."

Ngumiti si Ye Yanyu. Hindi siya isang taong hahayaan na lamang kuhanan ni Zhao Feng basta-basta.

Nanahimik si Zhao Feng sa ilang sandali bago ito isinambit habang nakatiim ang kaniyang mga ngipin: "Nagiging walang hiya ka."

"Halata namang ang tulong ko sa'yo ay hindi maaaring magkaroon pagbabawal o hangganan. Kung gusto mo akong mamatay kailangan ko bang patayin ang sarili ko? Kung sasabihin mong ibigay ko ang lahat sa iyo, kailangan ko bang ibigay ito?"

Malamig na tumawa si Ye Yanyu.

Miao miao!

Ipinalakpak ng munting pusang magnanakaw na ito ang kaniyang mga paa para kay Ye Yanyu dahil siya ay natutuwa.

Nanliit ang mga mata ni Zhao Feng at kahit na naloko siya ni Ye Yanyu at ng munting pusang magnanakaw, halata namang hindi siya isang mangmang na basta-bastang magbibigay ng mga benepisyo sa kaniya.

"Gusto mo bang iligtas ng Life Returning Grass ang isang mahalagang tao? Kung kaya mong tunawin ang blood pact sa pagitan mo at ng munting pusang magnanakaw maaari ko itong pag-isipan."

Kumislap ang mga mata ni Ye Yanyu nang makalapit siya sa katotohanan.

"May utang na loob lang ako sa isang tao."

Tumalikod si Zhao Feng at lumakad sa kabilang banda.

Inasahan niyang hindi papayag si Ye Yanyu subalit hindi nataranta si Zhao Feng. Mayroon pa siyang dalawang paraan upang makuha ang Life Returning Grass.

Sa oras na ito ang mga henyo ng tatlong mga panig ay sinamsam pa rin ang mga kayamanan sa tabi subalit hindi nakisali si Zhao Feng.

Matapos ang labanan, ang tatlong True Lord Ranks ay napinsala at lumakad palabas ng kuweba si YE Yanyu upang makahanap ng kalmadong lugar para magpagaling.

"Ang pagguho ng sugat sa aking kaluluwa ay napakahirap pagalingin…."

Nakadekuwatro si Ye Yanyu at mayroon siyang isang bahagyang maputlang ekspresyon.

Ang kaniyang pisikal na katawan ay bahagyang napinsala sa labanan at ang pangunahing pinsala ay ang kaniyang blood essence pati na rin ang kaniyang kaluluwa.

Kung tutuusin, sa labanan si Chi Gui at ang batang mayroong kulay dugong kapa ay parehas gumamit ng mga forbidden techniques na hinarap ni Ye Yanyu.

Maraming ginamit na spiritual pills si Ye Yanyu na nakapagpabawi ng kaniyang Yuan Qi subalit ang kaniyang recovery speed para sa kaniyang blood essence ay mas mabagal.

Ang pinakamahirap pagalingin ay ang pinsala sa kaniyang kaluluwa na dulot ng 'Wicked Spiritual Ghost Eye' ni Chi Gui.

"Ang pinsala sa kaluluwa ay hindi madadling napapagaling. Kahit na gamitin mo ang Life Returning Grass, babawiin lamang nito ang iyong life force subalit wala itong masiyadong epekto sa iyong kaluluwa."

Marahang sinabi ni Zhao Feng.

"Ano? May alam ka sa mga medisina?"

Umubo si Ye Yanyu at pinakawalan ang kaniyang True Lord Rank aura upang panginigin ang malapit na Heaven Earth Yuan Qi upang senyasan si Zhao Feng na huwag gumawa ng kahit anong pagkilos dahil kahit wala siya sa kaniyang peak madali niya pa ring mapapatay si Zhao Feng, kasingdali ng pagbaligtad ng kaniyang palad.

"Maiisip ko na mayroon kang isa o dalawang spiritual pills na makakatulong sa kaluluwa subalit kukunsumo ito ng halos kalahating buwan at hindi nito matitiyak na talagang gagaling ang mga pinsala."

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng at nagulat si Ye Yanyu dahil ang naisip niya ay halos kagaya ng sitwasyon ngayon.

Nangangahulugan ito na kinakailangan ni Ye Yanyu ng kahit kalahating buwan upang maabot ang kaniyang peak at ang Purple Saint Ruins ay puno ng mga kayamanan kabilang na ang sentro ng Ruins – ang Ruins Treasured Palace.

"Suwerte, nakahanap ako ng ilang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew sa kuweba na kayang makapaglinis ng erosion ng Wicked Spirit Ghost Eye. Kng makakakuha ka ng dalawang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew, dalawa o tatlong araw lamang ang kakailanganin upang gumaling ang pinsala sa kaluluwa. Dagdag pa rito, hindi ito mag-iiwan ng kahit anong natatagong pinsala."

Ngumiti si Zhao Feng at sinabi ito.

Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

Sa pagkarinig nito, nagbago ang ekspresyon ni Ye Yanyu.

Malinaw na narinig na niya ang epekto ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew noon. Kaya nitong mapalakas ang mental energy at comprehension. Malaki pa ang maitutulong nito para sa kaniya na nasa huling mga yugto ng True Lord Rank.

Ang pinakamahalaga ay ito ay napaka epektibo sa pagpapagaling ng mga pinsala ng kaluluwa.

"Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew…."

Kinagat ni Ye Yanyu ang kaniyang mga labi.

Sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon, talagang kinakailangan niya ang gamit na ito na kayang luminis ng kaluluwa at kung halaga ang pag-uusapan, ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay nasa ibaba lamang ng Life Returning Grass at blood glass fruit.

Subalit, matapos sabihin ito, si Zhao Feng ay nanahimik.

Ito ang kaniyang ikalawang landas at hindi siya naniniwalang tatanggihan ito ni Ye Yanyu.

Subalit, napakakalmado ni Ye Yanyu at hindi siya agad-agad na nakipagpalitan dahil nag-aalala siya na baka bigla siyang labis na punitin ni Zhao Feng.

Masayang naghihintay si Zhao Feng at gumamit siya ng isa pang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew sa harapan ng mga mata ni Ye Yanyu upang palakasin ang kaniyang mental energy.

"Hindi na ganoon kaepektibo ang ikalawang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew sa akin subalit kaya pa rin nitong i-consolidate ang aking mental energy level hanggang sa ika-unang mga yugto ng True Lord Rank."

Nagsimula nang magcomprehend si Zhao Feng at habang nagpapagaling si Ye Yanyu, hindi nakalimutan ni Zhao Feng ang dalawang green bronze corpses sa loob ng itim na lotus.

Ang air of death ng dalawang green bronze ghost corpses ay nagsimula nang mabuo at amoy ng pagkaguho ay mas lumalakas na.

Sa isang kurap ng mata, dalawang araw na agad ang nakalipas at ang aura ng dalawang ghost corpses ay malapit na sa True Lord Rank elevel ata ng enerhiya mula sa Earth Yin Poison Mushroom ay halos tuluyan nang maubos.

Sa panlabas, dark silver lines ang pumalit sa green bronze at mas magandang tawagin itong 'dark silver poison corpses' na lamang dahil ang Earth Yin Poison Mushroom ay isang nakamamatay na halaman at ang dalawang ghost corpses ay mayroon ng isang malakas na lason.

"Kahit na hindi idagdag ang giant scorpion poison sack na ito ang lason ng dark silver poison corpse ay sapat na upang maging banta sa mga nasa True Spirit Realm."

Hindi mapigilang umasa ni Zhao Feng.

Ang kaniyang poison corpse plan ay 60-70% na lamang bago makumpleto.

Palihim na inilagay ni Zhao Feng ang poison sack sa black lotus at sunod ay pasikreto itong idinagdag sa dark silver poison corpses na nasa black lotus.

Sa pagdagdag ng poison sack, ang mga kulay pilak na linya sa dalawang poison corpses ay mas halata na ngayon.

"Kung level ang pag-uusapan, angdalawang dark silver poison corpses na ito ay hindi pa nasa 80% ng isang True Lord Rank subalit sa pamamagitan ng kanilang lason, ang kanilang tunay na damage ay labis na mas mataas kaysa sa mga normal na True Lord Rank ghost corpses."

Sinuri sila ni Zhao Feng gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Kung aalagaan niya nang mabuti ang mga ito, ang dalawang dark silver poison corpses ay madaling makakaabot sa True Lord Rank.

Matapos ang tatlong araw ng pagpaphinga, sa wakas ay hindi na napigilan ni Ye Yanyu ang kaniyang sarili at hinanap niya si Zhao Feng.

"Magpalit tayo."

Maririnig ang boses ni Ye Yanyu sa likuran at isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zhao Feng nang makipagpalitan siya ng dalawang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew para sa dalawnag patak ng Elixir of Life.

"Nasa mga kamay ko na ang Elixir of Life."

Inilagay ni Zhao Feng ang dalawang patak sa kaniyang berdeng kundol at dali-daling ginamit ni Ye Yanyu ang dalawang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew upang pataasin ang kaniyang recovery speed.

Sa mga oras na ito, naglakbay si Zhao Feng palibot sa misteryosong kuweba upang maghanap ng mga kayamanan.

Sou Sou Sou!

Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay papunta rin dito dahil ang namumunong si Chi Gui ay pagaling na rin at nakita niya si Zhao Feng at ang nagpapahingang si Ye Yanyu mula sa malayo.

Kuminang ang kaniynag mga mata nang suriin niya sina Ye Yanyu at si Zhao Feng.

Kahit na wala pa sa peak si Ye Yanyu, wala silang lakas ng loob na talunin sila.

"Brothe Chi Gui, nagpadala si Brother Mo Yu ng isang ghost arrow letter na nagsasabing magpupunta siya rito upang suportahan tayo."

Isang anyo ang kumislap at dumating.

"Magaling, si Brother Mo Yu ay bahagyang mas malakas kaysa sa akin at magkakaroon tayo ng 60% na pagasang manalo laban sa soul-injured Ye Yanyu. Kung tutuusin ang batang iyon na may kulay asul na buhok at ang tusong pusa ay hindi makakatakas….."

Isang brutal na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Chi Gui.

Ang pinakamalakas na henyo mula sa Black Cliff Palace ngayong mga panahon ay hindi si Chi Gui, subalit si Mo Yu at namumuno pa si Mo Yu sa isang grupong mas malaki.

"Brother Chi Gui, darating na ang batang iyon."

Ang babaeng tunay na may-ari ng black lotus ay natatakot na tumingin sa batang mayroong kulay asul na buhok.

Ang bagong dating ay tiyak na si Zhao Feng.

"Pakiusap maghintay kayong lahat."

Malakas loob na hinarang ni Zhao Feng ang daan mula sa mga Black Cliff Palace at ang ekspresyon ni Chi Gui at ng iba pa ay nagdilim dahil pinakawalan na nila ang kaniyang mga ghostly auras na magdudulot upang kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi na makakahinga.

"Bata, ang lakas ng loob mong harangan ang daan namin? Pagod ka na bang mabuhay?"

"Brother Chi Gui patayin natin siya!"

Itiniim ng mga henyo ng Black Cliff Palace ang kaniyang mga ngipin sa pagkamuhi.

"Hmph."

Nalaglag ang ekspresyon ni Chi Gui na mayroong patusok na ilong nang parang kumislap ang kaniyang mga mata nang tumingin siya kay Zhao Feng subalit hindi siya kumilos.

Ang lakas ng loob at pagiging kalmado na ipinakita ni Zhao Feng ay nagdulot upang maghinala siya na mayroong kalokohan dito.


Capítulo 410: Palitan

Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkakataong ito.

Lakas-loob na hinarang ni Zhao Feng ang mga taga-Black Cliff Palace.

"Zhe zhe, gusto ba ng batang ito na pagsabay-sabayin tayo nang siya lang?"

Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay mayroong pang-iinsulto sa kanilang mga mukha subalit ang black lotus girl sa grupo ay mayroong takot at pag-aalala sa kaniyang mga mata, hindi siya naglalakas-loob na maliitin si Zhao Feng.

"Bata… gusto mo bang magpunta sa panig ng Black Cliff Palace? Dahil isa ka namang henyo ng Dao of Corpses maaari kong pag-isipan na irekomenda ka."

Puting mga apoy ang naglagablag sa mga mata ni Chi Gui habang dinidilaan niya ang kaniyang mga labi at sumulyap siya kay Ye Yanyu na nasa dalawang milyang layo gamit ang sulok ng kaniyang mata.

Mayroon siyang lakas ng loob na patayin si Zhao Feng bago makarating si Ye Yanyu.

Subalit, tila ba walang kahit anong bakas ng takot si Zhao Feng nang harapin niya ang mga mula sa Black Cliff Palace.

Ang mas kakaiba pa ay si Ye Yanyu na nagpapagaling ay parang walang pakialam sa buhay ni Zhao Feng.

Naghinala si Chi Gui dahil sa mga hindi pangkaraniwang bagay na ito.

Talaga bang walang pakialam si Ye Yanyu sa buhay ni Zhao Feng?

Kuminang ang mga mata ng mula sa Black Cliff Palace subalit hindi sila makagawa ng desisyon dahil takot sila na baka sila ay niloloko lamang.

Sa katotohanan.

Hindi naman mali si Chi Gui at ang iba pa. Talagang walang pakialam si Ye Yanyu sa buhay ni Zhao Feng subalit nag-aalala pa rin siya na kapag siya ay namatay, pati ang munting pusang magnanakaw ay mamamatay din.

Para naman kay Zhao Feng, hindi siya natatakot sa Black Cliff Palace dahil ang kaniyang mental energy ay nakaabot nasa mga unang yugto ng True Lord Rank at sa pamamagitan ng dalawang dark silver poison corpses na mayroong battle power ng isang True Lord Rank ang bawat isa, ang normal na True Lord ay hindi siya kayang tapatan.

"Gumawa tayo ng kasunduan."

Marahang sinabi ni Zhao Feng sa isang simpleng tono.

Kasunduan?

Noong una ay nasurpresa si Chi Gui at ang iba pa subalit ang kanilang mga mukha ay puno ng pagkamuhi at bago sila sumagot, bumukas na ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at sinuri ang buong grupo.

Weng~

Naramdaman ng mga mula sa Black Cliff Palace ang pagbabago ng kanilang mga pakiramdam at bigla silang lumitaw sa isang simpleng gusali.

Sa loob ng gusali si Zhao Feng ay nakaupo sa isang banda samantalang si Chi Gui at ang iba pa ay nasa kabila.

"Mental energy illusion? Inilagay niya tayo sa isang ganito?"

"Hindi basta-basta ang mental energy illusions ng batang ito at gumagamit niya ang paraang ito para makausap tayo."

Ang ilang mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay nag-iba ang tingin kay Zhao Feng at bahagyang nanlambot si Chi Gui. Gumawa si Zhao Feng ng isang mental energy illusion na labis na parang totoo subalit ang pinakamahalagang bagay ay, nababalot silang lahat nito.

Bigla niyang napagtanto kung bakit malakas ang loob ni Zhao Feng na harapin silang lahat nang mag-isa.

Ang mental energy level ni Zhao Feng ay nakaabot na sa mga ika-unang yugto ng True Lord Rank, hindi masiyadong nagkakaiba mula kay Chi Gui.

Kung gumamit siya ng isang mental energy skill, ang lahat ng tao bukod kay Chi Gui ay hindi ito masasalag.

"Bata, anong gusto mo? Bakit gusto mo magkaroon ng palitan sa amin?"

Dali-daling dineretso ni Chi Gui ang usapan.

Sa pagkakataong ito hindi siya naglakas-loob na maliitin si Zhao Feng.

Sa oras na magkampihan sina Zhao Feng at si Ye Yanyu, lahat sila ay mapag-iiwanan.

Suwerte siya na nakakita siya ng isang distanya sa pagitan nina Zhao Feng at pati ni Ye Yanyu at hindi sila nagtitiwala sa isa't isa.

"Gusto kong kuhanin ang giant scorpion claws, Deadly Yin Crystal Bone at Ten Thousand Corpse Grass."

Humiling si Zhao Feng ng tatlong materyales at natitiyak niyang nasa kanila ang giant scorpions claws.

Habang hinahanati nila ang giant scorpion, ang mga sipit nito ay napunta sa Black Cliff Palace.

Para naman sa Deadly Yin Crystal Bone at Ten Thousand Corpse Grass, hindi nakatitiyak ni Zhao Feng kung nasa kanila o wala.

"Madaling sabihin ang giant scorpion claws, dahil mayroon kaming apat at ayos lang ang makipagpalit ng isa. Para naman sa Deadly Yin Crystal Bone kaya nitong pataasin ang opensa ng isang ghost corpse at napakabihira nito. Ang Ten Thousand Corpse Grass ay mas malaki ang halaga at kaya nitong mapaangat ang cultivation ng mga ghost corpses at ang halaga nito ay mas mababa lang ng kaunti sa Earth Yin Poison Mushrooms. Kahit na nasa amin ito hindi namin ito ipagpapalit sa'yo."

Sagot ni Chi Gui.

Nagtataka siya kung saan gagamitin ni Zhao Feng ang mga kagamitang ito.

Hindi kalaunan.

Isang kislap ang dumaan sa mga mata ni Chi Gui: "Ang giant scorpion claws ay nagmula sa large scorpion at napakatalim nito. Sa oras na maipagsama ito sa poison sack mas maayos na magagamit ang lason. Gusto niyang kuhanin ang giant scorpion claw at sunod ay gamitin ito kasabay ng lason at ilagay ito sa ghost corpses…."

Tiyak na karapat-dapat siya sa pagiging isang henyong True Lord rank at hindi nagtagal nalaman na niya ang mga iniisip ni Zhao Feng.

Talagang pinaplano ito ni Zhao Feng. Patataasin niya ang sharpness ng mga ghost corpses at ang mga claws ay bagay na bagay sa lason.

"Kayang pataasin ng Deadly Yin Crystal Bone ang opensa ng mga ghost corpses at sa pagpapataas lamang ng attack power masisira ang depensa ng kalaban at upang magkaroon ng epekto ang lason."

Nagpatuloy si Chi Gui sa landas na ito.

"Subalit, kahit kayang pataasin ng Deadly Yin Crystal Bone ang opensa ng mga ghost corpses, hindi pa rin isang banta ang ghost corpse sa mga nasa True Lord Rank. Kaya naman gusto niyang kuhanin ang Ten Thousand Corpse Grass upang gawing True Lord Rank ang mga ghost corpses."

Matapos ang pag-aanalisa, malamig na tumitig si Chi Gui kay Zhao Feng.

Sa oras na nakumpleto ang sunod-sunod na pag-iisip ni Zhao Feng ang kaniyang lakas ay magiging isang malaking banta sa sampung True Lords.

Nag-aalala at nag-iingat na ngayon si Chi Gui kay Zhao Feng.

"Hindi natin maaaring gawin ang kasunduang ito."

Dali-daling humindi si Chi Gui at hindi ito ikinagulat ni Zhao Feng. Bakit naman patataasin ni Chi Gui ang lakas ng kalaban?

Subalit, kung natuklasan niya si Chi Gui ibig sabihin nito ay mayroon siyang tiyak na lakas ng loob kahit hindi ito isang daang porsyento.

"Gagamit ako ng dalawang resources na ipagpapalit. Kung nagdadalawang-isip ka kung ganoon ay huwag na lamang."

Matapos sabihin ito, naglabas si Zhao Feng ng isang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew at isang maliit na piraso ng Sky Marking Stone.

Mayroon pa ring tatlong patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew si Zhao Feng na natitira at plano niyang isa lamang ang ipalit.

Noong una ay mayroong malaking piraso ng Sky Marking Stone subalit hinati ito sa tatlo ni Zhao Feng upang palakasin ang dalawang ghost corpses at ito ang natitirang maliit na piraso.

Nang mailabas ang dalawang mga bagay na ito, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Chi Gui.

"Kung tama ang pagkakaalala ko, ang True Lord Rank skeleton mo ay nahiwa sa dalawa ng giant scorpion at ang braso ng isang True Lord Rank corpse ay naputol ni Ye Yanyu. Nais ba ni Brother Chi na pagalingin sila?"

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng at hindi nagsalita si Chi Gui.

Nitong mga nakaraang araw, ang kaniyang dalawang True Lord Rank corpses ay hindi pa halos naaayos at kumunsumo na ito ng malaking bilang ng top resources subalit ang kanilang mga battle powers ay bumaba nang kaunti.

Nagkataon na ang Sky Marking Stone ni Zhao Feng ay kayang magpalakas ng ghost corpses at kailangan niyang aminin na naakit siya ng Sky Marking Stone.

"Kung makakakuha ako ng piraso ng Sky Marking Stone, ang dalawa kong True Lord Rank ghost corpses ay hindi lamang gagaling subalit mas lalakas pa ito nang kaunti."

Nanlambot ang puso ni Chi Gui subalit hindi siya agad-agad nagsalita.

"Hehe, ang isang forbidden technique na gaya ng Wicked Spirit Ghost Eye ay malamang mayroong masamang pangbawi. Ang isang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay parang hindi sapat."

Matamlay na tumawang muli si Zhao Feng at sa oras na ito labis na nagbago ang ekspresyon ni Chi Gui.

Nagkaroon siya ng kabayaran sa paggamit ng Wicked Spirit Ghost Eye at napinsala niya ang sarili niya nang gamitin niya ito kay Ye Yanyu na mayroong mataas na cultivation.

Kahit na bigyan siya ng isang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ng isang henyong mula sa Black Cliff Palace, hindi pa rin siya tuluyang gumagaling.

Kahit si Ye Yanyu ay kinailangang makipagpalit ng dalawang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew upang magpagaling.

"Kung ayaw mong makipagpalitan aalis na ako."

Marahang tumayo si Zhao Feng at iwinagayway ang kaniyang kamay.

Shua!

Naramdaman ng lahat ng tao ang pagbabalik ng kanilang mga pakiramdam sa misteryosong kuweba.

Ang lahat ng bagay kanina ay ginawa ni Zhao Feng mula sa mental energy illusion at walang tao bukod sa mga nasa Origin Core Realm o mas mataas pa ang nakakakita kung ano ang naganap.

"Sandali."

Itiniim ni Chi Gui ang kaniyang mga ngipin at tinawag si Zhao Feng.

Tila ba naguguluhang tumingin pabalik si Zhao Feng sa mga taong mula sa Black Cliff Palace.

Ang dahilan kung bakit niya minungkahi ang palitan ay halatang nangangahulugan na mayroon siyang lakas ng loob.

Sa kasalukuyan, ang lakas ni Chi Gui ay nabawasan at kailangan na kailangan niya ng Sky Marking Stone at Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

"Kung makukuha ko ang dalawang mga bagay na ito, mababawi ko ang anking lakas at maaari pa itong tumaas nang kaunti."

Gumawa na ng desisyon si Chi Gui at inilabas niya ang isang sipit na kasing laki ng puno mula sa kaniyang interspatial ring at inihagis ito sa sahig.

"Giant scorpion claw."

Tumango si Zhao Feng.

Pagtapos no'n, inutusan ni Chi Gui ang isang batang mula sa Black Cliff Palace na ilibas ang dark silver crystal na mayroong nasasaktang ekspresyon.

"Deadly Yin Crystal Bone."

Labis na natutuwa si Zhao Feng.

"Itong dalawang kagamitan lamang ang mayroon kami. Kahit na nasa amin ang Ten Thousand Corpse Grass hindi namin ito ibibigay sa'yo dahil ang halaga nito ay masiyadong malaki kaysa sa dalawang ibinibigay mo."

Marahang sinabi ni Chi Gui at malamig na tumawa sa loob-loob niya: "Kung wala ang Ten Thousand Corpse Grass hindi makakaabot ng True Lord Rank level ang mga ghost corpses mo at kahit gaano pa katindi ang kanilang mga lason at kahit gaano pa katalim ang kanilang mga atake, hindi nila ako matatakot."

Sa katotohanan, wala talaga kila Chi Gui at sa kaniyang mga kasamahan ang Ten Thousand Corpse Grass. Kung nasa kanila ito, malamang ay ginamit na nila ito para sa kanilang mga sariling ghost corpses.

"Sige."

Nagpakita ng isang ekspresyon na bahagyang kuntento na.

Ang dahilan kung bakit niya binanggit ang Ten Thousand Corpse Grass ay upang pangunahan ang mga 'naiisip' ni Chi Gui at ipaisip sa kaniya na kinakailangan niya ito para pataasin ang level ng kaniyang mga ghost corpses.

Hindi niya aakalaing napataas na ni Zhao Feng ang level ng mga ghost corpses niya sa pamamagitan ng Earth Yin Poison Mushroom.

ng panlolokong ito ay maaaring magkaroon ng resulta na pagtatago ni Zhao Feng sa kaniyang mga baraha at upang maliitin ng mga kalaban ang kanilang mga sarili.

Hindi niya hinangad na makuha ang Ten Thousand Corpse Grass. Ang pagkuha sa scorpion claw at sa Deadly Yin Crystal Bone ay sapat na.

Para sa kaligtasa, inudyok ni Zhao Feng si Chi Gui na magpadala ng dalawang mga henyong True Mystic Rank upang makipagpalitan sa kaniya dahil sa panlabas ang Black Cliff Palace ay may nakakapanlulang kalamangan kaysa sa kaniya.

"Lubos na nag-iingat ang batang ito."

Tumango sa pagsang-ayon si Chi Gui.

Ilang sandali ang nakalipas, nakuha na ni Zhao Feng ang kaniyang giant scorpion claw at ang Deadly Yin Crystal Bone samantalang nakuha naman ni Chi Gui ang ninanais niya.

Malamang hindi inakala ng dalawang panig na magpapalitan sila sa isa't-isa.

"Kayang patalimin ng giant scorpion claw ang mga claws ng dalawang dark silver poison corpses at kaya nitong humiwa sa depensa ng kalaban, na magdudulot upang magkaroon ng epekto ang lason. Ang Deadly Yin Crystal Bone naman ay kayang palakasin ang kabuuang lakas ng mga corpses."

Labis na nagagalak si Zhao Feng sa loob-loob niya.

Ang panig ng Black Cliff Palace.

Si Chi Gui at ang iba ay mayroong madilim na mga ekspresyon na mayroong paglalayong pumatay habang pinapanood nilang umalis si Zhao Feng.

"Senior brother, gusto mo bang..."

Isang payat na bata ang nagwagayway ng kaniyang kamay sa paraan na parang naghihiwa.

Sa puntong ito, ang likuran na ni Zhao Feng ang nakaharap sa kanila at siya ay isang daang yardang layo pa lamang.

Masasabing ito ang pinakamagandang pagkakataon para umatake.

"Talaga bang hindi natatakot sa atin ang batang ito?"

Nakamamatay ang mga mata ni Chi Gui nang magtaas siya ng isang kamay.

Pinigil ng mga henyo mula sa Black Cliff Palace ang kanilang paghinga at dinilaan nila ang kanilang mga labi sa pananabik na nararamdaman nila. Sa pamamagitan ng isang utos, kaya nilang ikalat ang dugo ni Zhao Feng at kuhanin ang kaniyang buhay at ang mga kayamanan.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C409
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 82 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO