Descargar la aplicación
24.47% King of Gods (Tagalog) / Chapter 388: Purple Saint Ruins (1)

Capítulo 388: Purple Saint Ruins (1)

Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang pakiramdam na binaligtad ay nahulog sa lupa si Zhao Feng.

Si Zhao Feng, Zhao Yufei, at munting pusang magnanakaw lang ang nawala.

"Sa oras na si Yufei, ang pusa at ako ay nasa ipo-ipo ay naipadala tayo sa kung saan."

Ang kongklusyon ni Zhao Feng.

Nararamdaman pa rin niya ang ugnayan sa pagitan niya at ng munting pusang magnanakaw kahit na ang ugnayang ito ay bahagyang mahina.

Ang ugnayang ito ang nagsasabi kung ang munting pusang magnanakaw ay buhay pa.

"Totoo bang nag-aalala talaga ako sa munting pusang magnanakaw?"

Naisip ni Zhao Feng na nakakataw ito.

Sa pagiging misteryoso ng munting pusang magnanakaw, talino at kapangyarihan para makaiwas sa panganib, ang buhay nito ay siguradong mas mabuti pa kaysa kay Zhao Feng.

Tungkol naman kay Zhao Yufei, siya ang pangunahing pakay ng hindi malamang inheritance at maaaring pangalagaan na rito.

Kailangan lang mag-alala ni Zhao Feng sa kaniyang sarili at ang kaniyang unang reaksyon ay ang suriin ang kaniyang paligid gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

"Hmm?"

Si Zhao Feng ay nagulat. Limitado ang kaniyang spiritual sense at kakayahang makaramdam sa kakaibang lugar na ito.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay isa ring pinanggagalingan ng pakiramdam at kaya lang makakita nang nasa sampung porsyento ang layo.

Mula sa puntong ito lang, makikitang ang hindi malamang inheritance ay hindi simple.

Hindi naman ito ang unang beses na napunta si Zhao Feng sa isang lugar kung saan limitado ang kaniyang pakiramdam ng mental energy. Halimbawa, ang Floating Crest Palace ay may ganito ring limitasyon ngunit hindi naapektuhan ang kaniyang God's Spiritual Eye at noon ay hindi pa labis na nagbabago ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Gayunman...

Kaya pa ring makita ni Zhao Feng ang lahat sa layong isang daan at dalawang daang milya ang layo nang malinaw.

Pagkatapos tumingin sa paligid at labis na seryoso ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Sa hangin ay nakita niya ang isang grupo ng mga ibon na may pinunong nasa True Mystic Rank.

Ang lakas ng pinunong ibong nasa True Mystic Rank ay malapit sa isang napakahusay na prodigy at pinangunahan ang nasa sampung True Human Rank gayundin ang libo libo pang iba.

Ang isang grupong ganito ay sapat na para mapahirapan si Zhao Feng.

Pagkaalis sa sinaunang arena ay nawala ang kapangyarihang makalipat sa mga lugar at bumalik na sa normal ang lakas ni Zhao Feng.

Dagdag pa rito, mayroon pang mas maraming mga grupo ng mga ibon ang may pinunong may cultivation na True Lord Rank at may sampung tauhan na maihahambing sa mga napakahusay na prodigy.

"Mayroong nasa sampu hanggang dalawampung libong ibon sa isa sa pinakamalaking mga grupo. Kahit ang limang napakahusay na prodigy na nagsama ay matatalo."

Kahit inisip lang ito ay nayanig ang puso ni Zhao Feng.

Ang panganib ay hindi lang limitado sa hangin. May mga halimaw rin sa lupa at tubig. Mayroon ring mga mag-isang halimaw na nasa True Mystic Rank ay minsan ay may True Lord Rank.

"Ang pinakamahalagang gawain ngayon ay ang makakuha ng impormasyon."

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na huminga nang malalim.

Kung isa ito sa Four Great Inheritance ay may alam na sana siyang kaunti.

Gayunmann, ito ang unang beses na ang hindi malamang arena na ito at bumaba sa Azure Flower Continent.

Matapos ang kalahati ng oras na ginuguguol para makagawa ng tsaa...

Sinubaybayan ni Zhao Feng ang sitwasyon sa loob nang dalawa o tatlong milya ang layo.

Pagkatapos makakaita ng isang maliit na burol ay nagpahinga na siya.

Ang Sacred True Dagon Gathering ay nawala nang samupu o dalawampung araw at kahit sinong henyo ay makakaramdam ng pagod.

Kailangang mapuntsa si Zhao Feng sa peak state para mabuhay sa lugar na ito.

Isa pang dahilan ay kailangang patatagin ni Zhao Feng ang kaniyabg cultivation.

Sa Sacred True Dragon Gathering, tumaas ang magpagtalon at hangganan at ang kapangyaring makalipat sa lugar ang nakapagpatuwa sa kanilang mental energy.

"Ang kalalimang ng anyo ng Sky Stone Statue ay hindi nasusukat at sa paghawak lang dito ay tataas na sa peak True Mystic Rank ang lebel ng aking mental energy at malapit pa sa True Lord Rank."

Inisip ni Zhao Feng.

Nagtira siya ng kaunting enerhiya para maituon sa labas at nagsimulang magcultivate.

Sa isang kisapmata ay dalawa hanggang tatlong araw na ang nakalipas at ang mental energy ni Zhao Feng, kapangyarihan at tuon ay nakaabot na sa sukdulan. Nakaipon siya ng karagdagang pang-unawa sa pagiging isa sa kalikasan.

Sa isang pag-isip lang ay kaya nang higupin ni Zhao Feng ang nasa paligid na Lightning Yuan Qi.

"Ang lebel ng aking mental energy ay halos nasa True Lord Rank at hangga't nagsasanay ako nito at uunawain ang kalaliman mula sa anyo ay ang oras na lang ang sagabal para maabot ng aking mental energy ang True Lord Rank."

Si Zhao Feng ay labis na masaya.

Dahil nakaabot na sa True Lord Rank ang kaniyang mental energy ay tataas rin nang mabilis ang kaniyang cultivation.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na siya mahihirapang maabot ang early stages ng True Mystic Rank at gawin ito sa susunod na isa o dalawang araw sa seklusyon.

Dagdag pa rito, inulit ni Zhao Feng ang proseso ng Sacred True Dragon Gathering at mas naunawaan ang mga eye bloodline.

Ang lakas ni Zhao Feng ay tumaas muli at sa kaniyang momentum ay halatang gusto niyang manatili sa seklusyon.

Gayunman, sa oras na ito ay nakarinig si Zhao Feng ng mahinang angil at panginginig.

"Mayroon bang kawan ng halimaw sa paligid?"

Tila napatalon ang puso ni Zhao Feng.

Maraming mga halimaw ang nandito para pagbantaan siya at kung minalas siya ay nakaharap ng isang halimaw na nasa True Lord Rank ay nasa panganib siya.

Ceng!

Ang anyo ni Zhao Feng ay bumagsak sa isang burol at sinuri ang direksyon kung saan nanggaling ang tunog.

Wu~

Sa tatlumpung milya ang layo ay may isang buwayang may itim na balat na may habang dose dosenang yarda at may napakapulang mga mata at may nakapaligid na mga itim na kidlat.

Saan man mapunta ang itim na kidlat ay nasusunog ang lupa at umuusok.

"Isang kakaibang kidlat."

Naramdaman ni Zhao Feng ang kaniyang Qi of True Spirit sa loob ng kaniyang katawang bahagyang nanginig.

Ang kidlat mula sa buwayang may itim na balat ay madaling dumaloy at ang kapangyarihan nito ay hindi mas mababa ng kay Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang matigas nitong katawan ay kayang tumanggap ng mga atake mula sa True Lord Rank.

Kung kailangang harapin ito ni Zhao Feng nang wala ang kaniyang God's Spiritual Eye, siguradong matatalo siya.

"Ha-ha, ang balat ng 'Blackpool Lightning Crocodile' na ito ay kayang mapigilan ang mga atakeng True Force at halos normal na lang ang mga atakeng kidlat. Ang 'lightning bone' at 'water heart impulse' ay kakaibang mga materyal."

Tatlong mga lalaki at isang babaeng nasa edad na dalawampu, halatang sa mas batang henerasyon, ang humabol sa buwayang may itim balat mula sa likod.

May mga tao pala!?

Tumingin si Zhao Feng sa tatlong lalaki at isang babae sa gulat.

Ang buwayang may itim na balat ay mas malakas pa kay Goddess Bing Wei at Shi Chengtian. Bukod pa kay Yu Tianhao, siguradong walang papantay dito ngunit ang apat na ito ay binugbog ang buwayang may itim na balat hanggang sa hindi na ito makalaban.

Sou Sou Sou!

Ang tatlong lalaki at isang babae at kaagad na pumalibot sa 'Blackpool Lightninng Crocodile' at galit na inatake ito.

"Isang peak True Mystic Rank, dalawang late stages ng True Mystic Rank at isang early stage True Mystic Rank."

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang apat at ang kaniyang puso ay nayanig.

Ang babaeng may pinakamababang cultivation at nagpapakita ng lakas na malapit sa napakahusay na prodigy at ang dalawang late-satge True Mystic Rank ay kapantay ng mga napakahusay na prodigy, o mas malakas nang kaunti.

Sa peak True Mystic Rank na youth na may mala-agilang mata naman, ang kaniyang battle power ay nakakasindak at nabugbog ang Blackpool Lightning Crocodile sa bawat galaw. Sa buong Sacred True Dragon Gathering, siguradong tanging si Yu Tianhao lang ang makakalaban sa kaniya.

Kung hindi lang dahil sa depensa ng Blackpool Lightning Crocodile, na mas malaks pa kay Shi Chentan, siguro ay nadurog na ito.

Ang youth na may mala-agilang mata ay tila kaswal at tumitingin sa paligid nang hindi mapakali.

"Anong karanasan ng mga taong ito, hindi kaya..."

Si Zhao Feng ay huminga nang malalim.

Ang sagot ay halata. Kung ang mga taong ito ay hindi likas na nakatira sa lugar na ito, maaaring sila ay mga henyo mula sa panlabas na mundo.

"Mga henyo ng panlabas na mundo!"

Ang mga taong ito ay nasa edad na dalawampu at ang youth na may mala-agilang mata ay hindi pa nauuhaw.

Atras!

Sumikip ang dibdib ni Zhao Feng. Kung nakaharap niya ang apat na ito ay wala siyang kakayahang lumaban.

"Sinong nariyan!"

Ang youth na may mala-agilang mata ay tila may naramdaman, at isang malamig na liwanag ang nanatili sa burol kung nasaan si Zhao Feng.

Kaagad na ginamit ni Zhao Feng ang Yin Shadow Cloak para itago ang kaniyang sarili.

"Li Xiao, Qin Xiaoxue, pumunta kayong dalawa at tignan ang lugar na iyon. Pakiramdam ko ay may nagmamanman sa atin. Kung mga tao itong galing sa 'Black Cliff Palace' ay nasa panganib tayo."

Utos ng youth na may mala-agilang mata.

"Naintindihan namin."

Isa sa mga lalaki at ang babae ay pumunta sa magkaibang direksyon at nanatili sa isang daang layo mula sa kinalalagyan ni Zhao Feng.

Tila nahulog ang puso ni Zhao Feng. Kung siya ay tumakbo, siguradong siya ay mahuhuli.

Ang invisibility effect ng Yin Shadow Cloak ay mabuti lang kapag hindi gumagalaw at sa gabi. Hindi naman gabi ngayon.

Sa sandaling ito...

Si Qin Xiaoxue, ang babae, ay nagisimulang lumapit kung nasaang seklusyon naroon si Zhao Feng noon.

Si Qing Xiaoxue ay maganda at nasa edad na labingpito hanggang labingwalo ngunit may cultivation na nasa early stages ng True Mystic Rank at hindi na malayo sa late stages.

"Hindi ito maganda, kung mas lalapit pa siya sa lugar ng aking seklusyon, siguradong may mararamdaman siya."

Dumilim ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Ang lugar kung saan ang seklusyon ni Zhao Feng noon at isang maliit na kuweba na mayroon pang aura niya.

Tama.

Si Qin Xiaoxue ay napunta sa burol at natagpuan kaagad ang aura ni Zhao Feng gamit ang kaniyang spiritual sense at ang lugar kung saan siya umupo.

"Mainit pa ito at ang aura ay hindi pa nawala. Ang taong ito ay siguradong hindi pa nakakalayo."

Ang mga mata ni Qing Xiaoxue ay nagliwanag nang may mababakas na malamig na ngiti sa kaniyang mga labi.

Isang kulisap ang lumitaw sa kaniyang kamay na naamoy kung saan nakaupo si Zhao Feng.

Lahat ng kaniyang kilos ay nasa kontrol ni Zhao Feng. Siya ay nasa ilang dosenang yarda lang ang layo.

"Mas mabuting unang umatake kaysa mahuli."

Inisip ni Zhao Feng at nawala bigla at lumapit kay Qing Xiaoxue.

"Sinong nariyan!?"

Dahil ang cultivation ni Zhao Feng ay mas mataas kay Qing Xiaoxue, napagtanto nitong nasa kaniyang nang likuran si Zhao Feng.

Eye of Illusion!

Ang tingin ni Qing Xiaoxue ay napunta sa isang napakalamig na mayta na pumalibot sa kaniyang mundo.

Shua!

Sa sumunod na sandali...

Si Qing Xiaoxue ay lumitaw sa isang nagyeyelong dimensyon.

Ang mga kidlat na tanikalang kasingkapal ng kamao ang nakabalot sa kaniyang biyas at hindi siya makagalaw sa lamig.

"Sino ka? Ito ay isang mental energy illusion.... Ikaw ay nagmula sa Black Cliff Palace?"

Si Qing Xiaoxue ay sumigaw at umatake gamit ang kaniyang mental energy sa pagsubok na makatakas.

"Black Cliff Palace? Hindi ko pa ito narinig."

Napatigil si Zhao Feng. Mukhang mayroon higit sa isang puwersa rito.

"Hindi mo alam ang Black Cliff Palace? Ikaw ba ay isang likas na nakatira sa Purple Saint Ruins?"


Capítulo 389: Purple Saint Ruins (2)

Editor: LiberReverieGroup

Nayanig ang puso ni Zhao Feng. Mukhang ito ang pangalan ng lugar na ito.

Ang mga henyo ng panlabas na mundo ay halatang mas maraming impormasyon tungkol dito at may higit pa sa isang puwersa sa tinatawag na 'Purple Saint Ruins.'

"Pag-usapan natin ang tungkol sa Purple Saint Ruins."

Kaswal na sinabi ni Zhao Feng nang may latigong gawa sa kidlat ang lumitaw sa kaniyang kamay.

Sa loob ng kulungang itong gawa sa mental energy, ang paglipas ng oras ay iba. Ang isang hininga dito ay katumbas ng ilang oras o kalahating araw pa sa totoong mundo. Depende lang ito sa lebel ng mental energy ni Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang God's Spiritual Eye ay nakakapagpahintulot kay Zhao Feng na magamit ang kaniyang Eye of Illusion nang buong potensyal.

Ang ekspresyon ni Qing Xiaoxue at nagbago at tila nahulaan ang eye bloodline ni Zhao Feng.

Kung hindi siya makikisama at hindi makatakas dito, kailangan niyang tiisin ang walang hanggang pagpapahirap ni Zhao Feng.

Ang sakit sa dimensyon ng mental energy at sampu hanggang isang daang beses na mas masakit kaysa sa pisikal na sakit.

"Huwag ka nang lumaban pa. Maaaring maabala mo ako sa totoong mundo ngunit dito ay malaki ang pagkakaiba sa pagitan nating dalawa. Ang dalawampung oras ay isang hininga lang sa panlabas na mundo."

Iwinasiwas ni Zhao Feng ang kaniyang kidlat na latigo.

Ang anyo ni Qing Xiaoxue ay nanginig. Siya ay isang henyo mula sa isang Clan at hindi gaanong nakaranas ng sitwasyong buhay o kamatayan ang basehan.

Nang matamaan ng Eye of Illusion ni Zhao Feng ay wala na siyang kakayahang lumaban.

"Ni hindi mo nga alam ang Purple Saint Ruins! Hindi kaya isa kang henyo mula sa isang grupo? Ngunit paano iyon naging posible?"

Si Qing Xiaoxue ay sumigaw at biglang naalala ang isang bagay at tumingin kay Zhao Feng sa kawalang-paniwala.

Si Zhao Feng ay ngumisi: "Bakit ikaw ay nakapasok at hindi ako?"

"Ang Purple Saint Ruins at kontrolado ng Thress Strongest Sect ng Tianlu Islands at kung walang mga inheritance token, paano makakapasok ang mga henyo mula sa ibang puwersa?"

Walang masabi si Qing Xiaoxue, na tila hindi niya matanggap ang katotohanan.

Siya ay nagmula sa Tianlu Islands at ang Purple Saint Ruins ay nagbubukas lang tuwing sampung taon.

Gayunman, hindi pa niya nabalitaan ang ibang mga taong nakapasok maliban sa three sects.

Paano nakapasok ang youth na ito?

Nang marinig ito ay nag-isip na si Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa Purple Saint Ruins ay dahil sa 'aksidente' at ang tunay na dahilan ay siguradong si Zhao Yufei.

Si Qing Xiaoxue ay mahusay na nakisama at sumagot sa lahat ng mga tanong tungkol sa Purple Saint Ruins.

Ang impormasyong ito ay hindi naman sikreto at kahit na hindi siya makisama ay mapapahiya niya lang ang kaniyang sarili.

Si Zhao Feng ay natutuwa sa kaniyang ugali.

"Gaano karaming puwersa ang nakapasok na sa Purple Saint Ruins at ano ang Three Sects na sinasabi mo?"

Direktang tanong ni Zhao Feng.

"Ang Three Sects ay ang Pure Moon Spiritual Sect, Black Cliff Palace at Moon Demon Palace, lahat sa kanila ay nasa two-star forcce. Bukod pa sa kanila ay may sampu ring one-star force."

Sagot ni Qing Xiaohu.

Two-star Sect!

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay kapansin-pansing nagbago nang marinig ito.

Sinasabi sa sinaunang mga tala na ang mga puwersa ay nahahati sa five stars, mula sa isa hanggang sa lima, na tila isang tore.

Sa lahat ng kasaysayan ng Azure Flower Continent, ang pinakaamakapangyarihang puwersa ay dating ang Scarlet Moon Demonic Religion na nasa one-star force at malapit na sa one-and-a-half star force.

Ang Iron Blood Religion na sinamahan ni Zhao Feng ay siguradong nasa half star o sa one star.

Para naman sa Thirteen Clan, kapag pinagsama silang lahat ay hindi pa aabot sa half star force.

Habang nakikinig kay Qing Xiaoxue, ang karanasan ng mga henyong itong nakapasok na sa Purple Saint Ruins ay nasa Scarlet Moon Demonic Religion level.

Sa itaas nila ay ang Three Sects, ang lahat ay nasa two stars.

Ang Two-star force ay isang bagay na hindi pa nangyari sa Azure Flower Continent.

Ang kailangan para sa isang two-star force ay ang magkaroon ng isang Haring nasa Void of God Relam at ang Void of God Realm ay hindi maisip para sa Azure Flower Continent.

Ang ibig sabihin nito ay ang kahit anong isa o dalawang puwersa sa likod ng mga taong ito ay kayang masira ang Azure Flower Continent.

"Anong lakas ng mga henyong nakapasok na sa Purple Saint Ruins? Paano kayo nakakakilos nang maayos?"

Kaagad na tanong ni Zhao Feng.

Hindi magtatagal ay makikipag-uganayan din siya sa kanila.

"Ang aming lakas ay low-mid sa mga henyo rito. Sa lahat ng mga henyo rito, mayroong mga 'Ten True Lord' na nakaabot na sa peak True Lord Rank o half step Origin Core Realm pa. Kahit ang apat sa amin (Wind Snow Pavilion) na magkasama ay hindi makaharap ang isang galaw nila."

Bahagyang nainis na sagot ni Qing Xiaoxue nang mabanggit ang Ten True Lords.

Ten True Lord Geniuses.

Naramdaman ni Zhao Feng na mas naging seryoso ang kaniyang puso at nakaramdam ng puwersang hindi pa niya naramdaman noon.

Kung isasantabi ang lahat ng three Sects, kahit ang apat lang mula asa Wind Snow Pavilion at isang bagay na kayang harapin ni Zhao Feng. Kahit ang lahat ng limang napakahusay na prodigy ay dumating ay magiging tabla lang ito.

Si Qing Xiaoxue ang pinakamahina sa apat mula sa Wind Snow Pavilion.

Ngayon ay alam na ni Zhao Feng ang sitwasyon tungkol sa Purple Saint Ruins. Lahat ng mga natira ay tungkol lang mismong Purple Saint Ruins.

Anong klaseng inheritance ang Purple Saint Ruins na ito?

"Ang orihinak na may-ari ng Purple Saint Ruins ay ang Purple Night Sacred Lord na ang cultivation ay abot sa Mystic Light Realm at isang hakbang na lang ang layo mula sa Heavenly Divine Realm...."

Mabagal na ikinuwento ni Qing Xiaoxue ang kasaysayan ng Purple Saint Ruins.

Hindi nagmamadali si Zhao Feng dahil magkaiba naman ang paglipas ng oras dito at sa panlabas na mundo.

"Ang Purple Night Sacred Lord ay may isang mahinang bloodline mula sa Ten Thousand Ancient Races ngunit namatay sa hindi malamang dahilan. Iniwan niya ang sirang lugar na ito at kahit na bumagsak na ang Purple Night Sacred Lord, mayroon pa ring bakas ng kaniyang kaluluwa na sumama sa mga sirang lugar na ito na pipili sa nararapat na magmana nito."

Tahimik na nakinig si Zhao Feng.

Maraming mga sinasabi tungkol sa Purple Saint Ruins na nagpapula sa mga mata g mga Sovereign at Void God Realm Kings.

Syempre.

Ang Purple Saint Ruins ay palaging kontrolado ng three Sects at kahit ang ilang mga puwersa ay may pulang mga mata, hindi sila nangahas na kumilos kung hindi lang dahil sa mga Sovereign.

Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ang pinagsamang two-star sects na ito?

Tanging ang ilang mga puwersa sa ilalim ng two-star sects na ito ay kayang masira ang buong Azure Flower Continent.

Ang three sect ay ang Black Cliff Palace, isang two-star sect. Ang Moon Demon Palace na noon ay isang two-and-a-half sect ngunit ngayon ay bumaba na sa two stars. Ang Pure Moon Spiritual Sect na sa kasalukuyan ay ang pinakamalakas at nasa two and a half stars. Sila ang mga higante ng paligid na lugar.

Si Qing Xiaoxue ay magalang ngunit kasabay nito at galit din noong nabanggit niya ang three sects.

Ang pagiging tauhan ng angkan ng one star, ang Wind Snow Pavilion at kailangang magbigay sa Moon Demon Palace ng malaking bilang ng mga resources kada taon.

Lugar ng isla?

Naramdaman ni Zhao Feng na tila ang lugar na ito ay napakalayo sa Azure Flower Continent?

"Narinig mo na ba ang kahit anong mga kontinente?"

Pagsubok ni Zhao Feng.

"Kontinente? Ito ay isang maalamat na lugar na napakalayo sa amin. Pagkatapos mawasak ng Desolate Continent ay naging bilyon bilyong piraso na ito, bawat parte ay naging isang lugar. Syempre, may mga maliit na isla na tinatawag ang sarili nilang 'kontinente.' Sila ang mga palaka sa ilalim ng balon."

Pagbibiro ni Qing Xiaoxue.

Nang marinig ito ay may naramdamang kakaiba si Zhao Feng, ngunit hindi niya ito inintindi.

Ang kasalukuyang kailangang gawin ay ang makaligtas sa Purple Saint Ruins at makipagkita kay Zhao Yufei at ang munting pusang magnanakaw.

Makalipas ang isang hininga.

Plop.

Ang anyo ni Qing Xiaoxue ay nahulog sa lupa na puni ng malamig na pawis.

Pa!

Pinigilan ni Zhao Feng ang Qi of True Spirit ni Qing Xiaoxue pati na ang kaniyang kakayahang gumalaw.

"Xiaoxue!"

Mula malayao ay sumigaw si Li Xiao, na nasa late stages ng True Mystic Rank.

Si Li Xiao at Qing Xiaoxue at parehong pumunta sa magkaibang direksyon para maghanap sa parehong zone.

Hinati ng dalawa ang gawain para magtulungan.

Kahit na isang hininga lang ito o dalawa, napagtanto ni Li Xiao na si Qing Xiaoxue ay nawala at nalamang may kakaiba.

"Napakaingat!"

Napagtanto ni Zhao Feng na minaliit niya ang apat na mga henyo mula sa Wind Snow Pavilion. Ang kanilang puwersa ay kapantay ng lebel ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Syempre, hindi niya alam na ang dahilan ng kanilang pag-iingat ay dahil sa mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay hindi malayo rito.

Sou!

Si Li Xiao ay sumigaw at nagmadali papunta sa burol kung nasaan si Li Xiaoxue noon. Sa totoo lang, itinago siya ni Zhao Feng.

"Nawala si Xiaoxue. Siguradong galing ito sa Black Cliff Palace."

Ang youth na may ma-agilang mata at isa pang tao sa malayo at kakatapos lang sa Blackpool Lightning Crocodile at naghati muna ng gantimpala bago matanggap ang ulat.

Sou Sou---

Ang natitirang tatlong mga henyo mula sa Wind Snow Pavilion ay nagmamadaling pumunta sa burol.

"Dalawang late stage True Mystic Rank at isang peak True Mystic Rank. Hindi ko na kayang magtago pa."

Ang ekspresyo ni Zhao Feng ay istrikto.

Ang mga henyong nakapasok sa Purple Saint Ruins ay may kani-kanilang inheritance token at kayang maramdaman ang bawat isa kung nasa iisang grupo sila.

Tumakas o lumaban?

Umikot ang isip ni Zhao Feng.

Wala siyang kakayahang harapin ang tatlo.

Ang youth na may mala-agilang mata ay nasa lebel ni Yu Tianhao at ang dalawa ay nasa late stage True Mystic Rank ay mas malakas kaysa kay Goddess Bing Wei.

Kahit na tumakbo siya at mas malaki ang pagkakataong makatakas, hindi naman sigurado na makakakita siya ng mas malakas na mga henyo.

"Hmm?"

Biglang sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lugar at nakaisip ng isang plano.

"Kahit ang planong ito ay bahagyang mapanganib ay karapat-dapat naman itong subukan. Kapag nagtagumpay ito ay may malaking pakinabang ito sa akin."

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng nang gawin ang kaniyang desisyon.

Teng!

Itinaas ni Zhao Feng ang pagod at walang magawang si Qing Xiaoxue at naglakad palabas at hinarap ang tatlong mga henyo mula sa Wind Snow Pavilion.

"Xiaoxue!"

Si Li Xiao na nasa harapan at ang dalawa sa kaniyang likuran ay sumigaw.

"Hayop ka, anong karapatan mong dakpin si Xiaoxue?"

Ang sigaw ni Li Xiao ay naghalong gualt at galit. Nagliyab ang kaniyang puso nang makita ang taong mahal niyang dinakip.

"Kapag nangahas kayong lumapit ay babaliin ko ang kaniyang leeg."

Walang ekspresyong hinawakan ni Zhao Feng ang maputing leeg ni Qing Xiaoxue.

Ang gawing bihag si Qing Xiaoxue ang unang hakbang sa plano ni Zhao Feng.


Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C388
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de Traducción
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank 200+ Clasificación PS
    Stone 87 Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión

    tip Comentario de párrafo

    ¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

    Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

    ENTIENDO